Chapter16: Apology
Elora Amore Point of View
“Hintayin niyo ako mamayang uwian. Susunduin ko kayo.” Pumarada ang sasakyan malapit sa school. Sabay na tumango kami ni Klofie kay papa.
“Anong oras ba matatapos klase niyo?”
“Mga 4, pa,” mabilis na tumango siya. Hinalikan ang noo ko at bumaba na kami. Kumaway at nagpaalam bago pumasok sa gate.
“Sana araw-araw hatid-sundo tayo. Masarap pala sa pakiramdam makasakay sa kotse,” she even dreamy sigh.
Halata ngang tuwang-tuwa siya. Nag-request pa nga siya kanina na i-on ang aircon. Aniya pa ay gusto niyang maranasan ‘yong nasa tv.
“Ikaw talaga. Ewan ko sa’yo,” wala na akong ibang masabi pa. Tinawanan niya lang ako hanggang sa makarating sa tapat ng room.
“Hintayin mo ako mamaya, ha?” Sandaling nagsalubong ang kilay ko.
“Kailan ba kita iniwan?” Natatawang sagot ko. Excited lang makasakay ulit. Ewan ko ba sa kaniya, halos wala namang pinagkaiba ang tricycle at kotse. Advantage lang ng kotse, hindi ka matatamaan ng araw at mauusokan lalo na kung nakasara ang bintana. May sariling aircon din at comfortable umupo. ‘Yon lang.
Nakangising kumaway lang at nauna ng pumasok sa room nila. Hindi makatingin si Laila sa akin pagpasok. Nagkibit-balikat na lang at dumiritso sa upuan.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Sa ngayon, magaan ang pakiramdam ko. Saglit ko rin tinapunan ng tingin sina Aida at Messi. Bumati at ngumiti lang sila na agad ko rin namang ginantihan.
Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit tila nagbago ang paligid. Nawala na ang mga mapanghusga na tingin nila. Tiningnan ko ang grupo nina Laila at parang nagulat ako sa nakita. Tahimik lang sila na nakaayos ng upo. Hindi katulad dati na pabilog at nag-iingay dahil sa mga chismis na pawang walang katotohanan.
Sunod naman dumako ang tingin ko kay Aiden. Ngumiti lang siya at tumango, normal na ‘yan sa kaniya tuwing magkikita kami. Naghihintay ako na lumapit sila Aida at Messi. Tuwing lalapit kasi sila alam ko na may ipinagkakalat naman si Laila.
Pero natapos ang buong klase na walang nangyari. Walang chismis; tahimik lang buong maghapon sina Laila; walang binabalita sina Aida at Messi sa akin.
Ibig sabihin ba no’n, wala pa silang sa nangyari no’ng nakaraang linggo? Nililigpit ko na ang gamit nang lumapit sina Aida.
“Nakakapanibago yata, ang tahimik ni Laila ngayon,” naka-arko ang kilay ni Messi na umupo sa harap ng upuan ko.
“Wala na rin siyang pinagkakalat tungkol sa’yo at sa mama mo,” dagdag ni Aida. Akala ko hindi nila ako kakausapin ngayon. Ngunit nagkamali ako.
Tama nga ang hinala ko, wala pa silang alam sa totoong nangyari o dahilan.
“Baka naman na-realize niya na mali at sobra na ang ginawa niya," gusto ko lang pagaanin ang atmosphere. Halata kasi ang tensiyon base na rin sa tingin na pinupukol nila sa likod ni Laila.
“Ang tagal niya naman yatang na-realize,” ayaw maniwalang pahayag ni Messi. Lumukot pa ang mukha niya. Hindi ko siya masisisi. Halos kabisado niya na kasi si Laila, lalo na sa gawain nitong manira.
“At least may pag-asang magbabago na siya.” Nagkibit-balikat na lang ang dalawa. Sabay pang umiling.
“Anong nangyari sa mukha no’ng dalawa?” Sumalubong sa labas ng room si Klofie. Nakita niya siguro ang hindi maipinta na reaksiyon nina Messi at Aida kay Laila.
“May nangyari ba? Inaway ka na naman?” Halos pamimintang na dagdag na tanong ni Klofie. Hindi ko rin siya masisisi, gano’n kasi ang reaksiyon ng dalawa tuwing may naririnig mula sa mga ka-eskuwela na masama tungkol sa akin, lalo na kung galing kay Laila.
Umiling at ngumiti ako. “Wala ‘no. Halos wala ngang nangyari sa buong klase. Hindi lang talaga sila makapaniwala at sanay sa tahimik at walang imik na Laila.”
Maarteng napatakip sa bibig at nanlaki ang mata niya. Parang may sinabi akong nakakagulat. “Anong klaseng reaksiyon ba ‘yan?” Nag-umpisa na kaming naglakad. Gano’n pa rin ang reaksiyon.
Binaba na ang kamay ay patagilid na humarap sa akin. “Si Laila naging tahimik? Kaya niya pala?” Napa-isip pa siya sa huling sinabi. Napapa-iling na lang ako sa reaksiyon niya at hindi siya sinagot.
Aaminin ko na kahit ako, kaunting nagulat at nagtataka sa pagiging tahimik niya. Baka nga na-realize niya rin katagalan ang mga maling ginagawa niya. Kung gano’n man, masaya ako para sa kaniya. Sakaling magbago siya, magandang sensyales ‘yon para mabawasan na ang mga biktima niya at hindi na siya nakakahanap pa ng gulo.
“Baka naman ngayon lang ‘yan, Elora. Kasi hindi pa rin makapaniwala at mag-sink sa utak niya na mayaman ang tatay mo,” maayos na siyang naglakad. Huminto kami sa tapat ng may tindahan kung saan tumigil ang sasakyan ni papa. Buti na lang may upuan dito kaya hindi kami mangagawit sa paghihintay kung sakaling matatagalan siya.
“Paano mo naman nasabi?” Hindi rin malabo na isa ‘yon sa mga posibilidad na dahilan.
“Sino bang makapaniwala agad sa eksena na gano’n. Isipin mo na lang. Pinaratang ang mama mo na kabet; pinagkalat sa kahit sino; pero ‘yon naman pala ikakasal na sila. Sa tinding eskandalo na ginawa nila ng gabing iyon, matinding kahihiyan din ang inabot nila,” sabagay may punto siya. Sino ba naman ang hindi mapapahiya kung ikaw ang unang sumugod at gumawa ng paratang; pero sa huli ikaw rin pala ang may gawa at mali ang pinagsasabi.
“Hayaan mo na lang. Sabi ko naman sa’yo, lahat ng masamang gawain ay masama rin ang idudulot. Darating ang karma na maglalagay sa isang tao sa kahihiyan,” huminga ako ng malalim. Hindi ko maiwasan na maawa kay Laila kahit papaano. Parang biktima lang din naman siya ng in niya. Pinaniwala sa mga mali at hinayaang magkalat ng kasinungalingan.
Tumingin ako kay Klofie at direktang nagtama ang mata namin. “Sa kaso ni Laila, dumating na ang karma sa kaniya dahil sa mga maling paratang at pinagkakalat sa ibang tao. ‘Yon nga lang, isang kahihiyan ang nakuha niyang karma. Hindi lang ‘yon, parang sinampal na rin siya dahil sa katotohanan.”
“Siguro nga tama ka, karma ko ito kaya napahiya ako no’ng gabi ‘yon,” literal na nagulat ako ng marinig ang boses ni Laila mula sa likod ko. Kahit ayaw ipakita ni Klofie ang gulat niya pero huli na. Nakita ko na.
“Laila, nandiyan ka pala. Pasensiya na kung ikaw ang pinag-uusapan namin,” tipi na ngiting binigay ko sa kaniya.
Kung titingnan ang kalagayan niya ngayon parang kulang siya sa tulog dahil sa pumupungay niyang mata. Idagdag mo pa na parang galing siya sa isang iyak, namamaga rin ang mga mata niya.
Nagbaba siya ng tingin. Hindi kayang salubungin ang aking tingin. Hindi mapalagay at naglilikot ang paa.
“Ayos ka lang ba? Hindi ka ba komportable?” Para kasi siyang balisa. Parang may gustong sabihin na wala.
“Pasensiya ka na sa mga ginawa ko sa’yo mula noon. Pasensiya ka na kung laging napapahiya at kinaayawan ka ng halos estudyante sa atin,” nanatiling nasa sahig ang tingin niya.
Lumingon ako kay Klofie. Sumalubong sa akin ang salubong niyang kilay. Tinatansiya kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.
“Alam kong mahirap paniwalaan. Pero totoong humingi ako patawad sa’yo. Sa lahat ng kasalanan ko; sa lahat ng maling ginawa ko. Hindi language like sa’yo, kung hindi sa lahat ng parang nabiktima ko,” palihim na pinunasan ang luhang tumulo. Kahit nakayuko ay halata pa rin dahil sa pasimple niyang pagpahid. Dahil nasa harap ay mabilis na napansin.
Nag-angat siya ng tingin at matapang na sinalubong ang mga mata ko. Namumula na ang mata niya. Nagbabadya na ang luha.
“Patawad, Elora,” sabay yuko sa harap ko. Nagulat sa ginawa niya at mabilis na pinaayos siya ng tayo.
“Pangakong hindi na ulit mauulit pa. Wala na akong ipagkakalat na mga maling balita. Hindi na ako maninira. Magiging mabait na ako. Titigil na sa mga masamang gawain. Ang gusto ko lang ngayon, humingi ng kapatawaran sa’yo,” narinig ko ang hindi makapaniwala tawa ni Klofie. Hindi ko nga lang sigurado kung narinig din ‘yon ni Klofie. Mahina lang kasi.
“Paano naman kami makakasiguro na totoo ‘yang sinasabi mo? Na hindi ka na maninira ng iba at ititikom ‘yang bibig mo?” Prangkang tanong ni Klofie. Bahagyang siniko siya bilang pagsaway.
Tiningnan niya lang ako na parang nagtatanong ng “ano”.
“Pasensiya ka na rin sa kaibigan ko. Pero sa totoo lang, gano’n din ang nasa isip ko. Simula pa lang kasi ay gano’n na ang ginagawa mo sa ibang tao. Wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba. Kaya hindi rin namin maiwasang magtaka,” gusto ko lang maging totoo. Total ay nag-uusap na kami ngayon at humihingi ng kapatawaran sa bawat Isa, bakit hindi lubusin? Idamay na rin ang pagiging totoo para tunay na magkaayos.
“ Sa nangyari no’ng gabi ‘yon, na-realize ko ang mga maling nagawa. Sawa na rin ako sa ganitong sitwasyon. Sitwasyon na nakakahanap ng kaaway.” Tumikhim siya, muntik na kasing mautal. Tuwing sa may gate na may ngiti. Ngiting totoo.
“Alam mo ‘yon, nakakasawa ring kausapin ‘yong iba kahit hindi mo kilala basta lang makapanira ng iba. Alam kong sobra-sobra na ang ginawa kong masama sa’yo. Akala ko kasi mahina ka. Akala ko kagaya ka rin ng iba. Pero mali pala ako. Hindi mahina; iba sa kanila,” mahinang napatawa siya. Tahimik lang kaming nakikinig sa kaniya.
“Alam mo kung bakit?” Mabilis na umiling ako. “No’ng gabi ko lang na-realize na matapang at palaban ka rin pala. Pero hindi ko man lang napansin. Iba ang definition mo sa satiling palaban at matapang sa definition ko,” bawat salita na lumalabas sa bibig niya, mababakas ang katotohanan na gusto niyang ipahayag.
“Para sa akin, palaban at matapang ka kung matatako ang iba sa’yo; lahat ng bagay puwede mong gawin; higit sa lahat ang pisikilan at pagpapahiya ng isang tao sa isa pang tao. Pero sa’yo? Ibang-iba. Definition mo sa pagiging palaban at matapang, ‘yon ay pagiging kalmado at pagpapahayag ng katotohanan. Tipong mapapahiya ka kahit hindi naman iyon ang intensiyon. At dahil do’n natuto ako. Na mali pala ako at dapat kung baguhin ‘yon. Hindi para sa iba, kung hindi para sa akin.”
Parang matanda na kung magsalita si Laila. Malawak na napangiti ako sa narinig. Inaasahan ko na darating ang araw na gugustuhin niyang magbago. Pero hindi ko inaasahan na ngayon pala magaganap ang nais.
Lumingon ako kay Klofie. Hindi na salubong ang kilay at maaliwalas na ang mukha. Kung iyong babasahin ay parang naniniwala at sang-ayon siya sa pahayag ni Klofie. Sinalubong niya ang tingin ko at tumango. Isang tango niya lang, alam ko na ang punto niya.
Matamis na ngumiti ako kay Laila. “Masaya ako at nais mo ng magbago ngayon. Sana magtuloy-tuloy ang bagay na iyan. Huwag kang mag-alala, pinapatawad na kita. Hindi ako ‘yong klaseng tao na nagtatanim ng sama ng loob o galit sa isang tao. Hindi iyon nakakabuti sa sa akin,” lumiwanag ang mukha niya. Kumikinang ang mata sa saya.
“Basta lagi mo lang tandaan at huwag kalimutan. Sa bawat masamang gawain na ginagawa natin sa iba, darating din ang araw na ibabalik sa’yo lahat ng iyon bilang karma. Kung ayaw mong mangyari sa’yo, huwag mong gawin sa iba.”
---