Chapter15: Happy
Elora Amore Point of View
“Grabe hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala, Elora. Seryoso siya ang papa mo?” Masayang tumango naman ako. Nandito kami ngayon sa tambayan namin. Sa likod ng bahay, sa ilalim ng puno ng mangga.
“Oo naman, Klofie. Kahit nga ako hindi makapaniwala. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang lahat ng ito,” biglang nalukot ang mukha ko nang makita ang bigla niyang pagsimangot. Parang may iniisip na hindi maganda ang kinalabasan.
“Bakit ganiyan ang mukha mo? Para kang hindi masaya na nakilala ko ang papa ko,” napahinga ng malalim. Akala ko pa naman na matutuwa rin siya. Alam niyang, mula pa noon, gustong-gusto ko na makilala ang ama ko.
“Siyempre masaya ako. Pero kasi,” humina ang boses at nagbaba ng tingin. Kinakalikot ang kamay.
“Pero kasi?” Bakit parang ang laki ng problema niya? Ano na naman kaya ang pumapasok sa isip niya?
“Nandiyan na ‘yong ama mo. Alam na natin ang angkan ng mama mo. Kapuwa sila na sa Manila ang tunay na buhay. Ngayong nabuo na ulit kayo, ibig bang sabihin no’n.... iiwan mo na ako? Aalis na kayo rito?” Natigilan sa naging tanong niya. Hindi ko naisip ang gano’ng bagay. Hindi naman kasi namin ‘yon napag-usapan kagabi.
Inakbayan ko siya at bahagyang niyakap patagilid. “Hindi ko pa alam sa ngayon. Huwag mo munang isipin ang bagay na ‘yan. Huwag ka ng malungkot, okay?” Umangat ang tingin niya. Pumungay ang mata na sinalubong niya ako. Para na siyang maiiyak. Ngumiti ako ng malawak at matamis.
“Hindi pa naman sigurado ‘yan. Hindi pa natin alam ang mangyayari. Huwag mo ‘yan ang isipin natin. Ang mahalaga, kapuwa tayong masaya ngayon.” Tumango siya at unti-unti na ring ngumiti.
Para namang nawala ang tinik sa lalamunan nang makita na okay na siya. Niyaya ko na lang siya sa loob ng bahay.
“Hindi ako sanay na marami kayong prutas,” natatatawang biro habang kumakain ng hiniwang pinya. Umupo sa harap niya at nilapag ang hiniwang mangga at apple.
“Kahit ako nga rin. Parang panaginip lang ang lahat.” Sumubo ng pagkain. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko.
Kagabi pa ito. Matapos ang usapan ay naging maayos na ang lahat. Sabay kaming natulog. Hanggang pagtulog, mawalak ang ngiti sa labi ko.
Umalis nga lang kaninang umaga sina mama. May pupuntahan lang daw sila. May inaasikaso raw kasi si mama tungkol sa negosyo nito at sinamahan siya ni mama.
“Baka sa susunod nito, ihahatid ka na ni ninong papuntang school. Tiyak akong maiinggit ang iba sa’yo,” natatawa na lang ako sa kaniya. Parang iniisip niya na ang magiging reaksiyon ng iba. Higit sa lahat, kung hindi ako nagkakamali, iniisip niya rin ang magiging reaksiyon ni Laila.
“Kapag talaga nakita nilang bumaba ka sa isang mamahaling sasakyan, luluwa ang mata nila sa gulat. Pero si Laila, hindi luluwa ang mata no’n sa gulat. Baka sa kahihiyan na aabutin niya dahil sa bibig niya,” sabi na. Hindi nga ako nagkamali. Sa lahat ng estudyante sa paaralan, madaling kumulo ang dugo at mainit ang ulo niya kay Laila.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang tunay na dahilan. Tuwing tinatanong ay iniiba ang usapan. Kung sasagot naman, ako pa ang nakitang dahilan. Dahil daw sa masasamang ginagawa ni Laila sa akin. Hindi man physical kung hindi emosyonal.
“Pero, hoy. Kung sakali mang ihahatid o susunduin ka ng papa mo pasabay ako. Para naman kahit minsan alam ko ‘yong pakiramdam na nakasakay sa isang mamahaling sasakyan,” muntik na akong mabilaukan sa bigla kong malakas na pagtawa. Sumimangot naman siya sa ginawa ko. Pero hindi ko siya masisisi. Hanggang tricycle or bus lang naman kasi ang nasasakyan namin.
Kinagat ko ang labi para mapigilan ang malakas na pagtawa. “Oo naman. Kailan ba kita iniwan? Para na nga tayong kambal,” nawala ang pagkabusangot niya at mabilis na napalitan ng tuwa dahil sa tugon ko.
••••
“Saan sina ninang?” Kapapasok pa lang namin sa bahay nila. Tahimik ang sumalubong sa amin.
“Nasa kuwarto lang sila.” Umupo kami sa sala at kinuha niya ang drawing book. Naisipan naming mag-drawing at magkulay. Kahit hindi kagalingan ay sinusubukan pa rin naman. Sa huli, kapuwa naming pinagtatawanan ang sariling gawa. Gawang pang-kinder or grade 1.
Alas dos pa lang ng hapon. Naisipan namin na dito kila Klofie muna kami tatambay. Hindi pa rin kasi umuuwo sila mama at wala rin kaming magawa sa bahay. Nandito kasi ang mga gamit sa pagguhit. Mas madalas na gumuhit si Klofie kaysa sa akin. Kaya siya na ang nagtatabi ng gamit namin.
“Nandito na pala kayo. Umalis ba sina Serene, Era?” Nahinto kami sa pagguhit nang marinig ang boses ni Ninang Adel. Kabababa niya lang galing sa taas. Tanging si Ninang Adel lang ang tumatawag ng Era sa akin. Ang iba Elora o Ela.
“Opo, ninang. Kaninang umaga pa.” Tumango lang siya at nagpaalam na. Maglalaba pa kasi raw habang tulog ang bunso nitong anak.
“Hindi mo ba tutulungan ang mama?” Pinagpatuloy na ang pagpipinta. Umiling lang siya habang focus ang atensiyon sa papel.
“Salitan kasi kami sa paglalaba. Sa susunod na araw, ako naman ang maglalaba.” Napatango na lang at nag-focus na rin sa pagguhit. Akala mo naman professional dahil sa magiging focus.
Dalawang papel lang ang ginamit ko. Dalawang guhit lang ang kinaya. Seeing my masterpiece right now, masasabi kong nag-improve na ang pagguhit ko.
“Tingnan mo, Klofie. Nagiging pantay na ‘yong pang-itaas,” sabay pakita sa isang papel. Isang gown ang ginuguhit namin. ‘Yon ang madalas na subject namin. Ilang beses ko ng sinubukan. Ngunit ngayon lang naging pantay ang pang-itaas. Pero ‘yong sa baba, hindi pa rin pantay. Ayos na. Kulang na lang sa practice.
“Kaunting kulang na lang, perfect na ‘yan,” mas lumawak ang ngiti ko sa naging sagot niya.
Lumapit ako sa kaniya at sinilip ang gawa niya. Namangha ako ng makitang halos perfect na ang gawa niya. “Ang galing mo na, Klofie. Pantay na ‘yong guhit mo,” natutuwang pahayag. Gusto ko siya hampasin sa tuwa, pero pinigilan ang sarili. Baka hindi magulo lang ang gawa niya.
“Ito kasi lagi kong ginagawa tuwing free time. Kaya halos na-perfect ko na,” natutuwa ako para sa kaibigan ko. Feeling ko puwede na siyang maging fashion designer.
“Bakit hindi na lang fashion designer ang kunin mo? Gumagaling ka na rin naman sa ganiyan.” Napatigil siya sa pagguhit at napa-isip.
“Pag-iisipan ko ang bagay na ‘yan. Malayo pa naman. Marami pang oras para makapag-isip,” may punto siya. Bumalik na sa puwesto at nagpatuloy sa ginagawa namin.
Hindi na namin namalayan na nakatulog na pala sa pagguguhit. Nagising ako dahil sa mahinang pagyugyog ng kung sino man sa balikat ko. Pumipikit-pikit ang mata na umayos ako ng upo. Kinukusot ang mata. Mapungay ang mata na tiningnan ang gumising sa akin.
Mabilis na nagising ang diwa ko ng makilala kung sino ang nasa harap. Nakangiting mukha ni mama at papa ang bumungad sa akin.
“Nakauwi na po pala kayo.” Niyakap sila at ginawaran ng halik sa pisngi.
“Kanina pa kami nakauwi. Masiyadong mahimbing lang talaga ang tulog niyong dalawa ng kaibigan mo,” sabay turo ni papa sa natutulog na Klofie.
Nahihiyang lumingon ako sa kanila ulit. “Sana ginising niyo na lang ako,” tumawa lang sila at sinabihan ako ni mama na gisingin na lang si Klofie at sumunod sa kusina. Tiningnan ko ang oras at malapit na pala mag-alas otso.
“Klofie, gising na,” mahinang yugyog ko sa kaniya. Mahinang sinampal-sampal pa ang pisngi niya. Hindi rin nagtagal ay minulat na ang mata.
“Gising ka na riyan at tumayo. Kakain na tayo,” wala sa sariling tumango siya. Tatayo na sana ako sa pag-aakalang tatayo na rin siya pero ang loka ay muling inihiga ang ulo sa mesa.
“Hoy, gumising ka na riyan. Kung ayaw mong pagalitan ka ni ninang,” parang bomba sa kaniya ang huli kong sinabi. Bigla na lang siyang tumayo at nagising.
“Bakit hindi mo sinabi agad?” Abat ako pa ang sinisi. Nakasimangot na mahinang hinampas siya sa braso.
“Buti nga ginising na kita. Kaysa naman si Ninang pa ang gumising sa ‘yo.”
Pumasok na kami sa kusina. Bahagyang nagulat pa siya na makita sila mama sa hapag nila. Biglang naging mahinhin ang kilos niya sa harap ng lahat. Siguro ay nahihiya sa presensiya ni papa. Mahinang napatawa na lang ako sa asta.
“Ang haba ng tulog niyo. Hindi niyo man lang napansin na umingay na ang paligid,” nahihiyang sinuway ni Klofie ang ina sa pang-aasar nito.
“Si mama naman. Hindi kaya maingay. Kaya nga ang himbing ng tulog.”
Tinawanan siya ni ninang. “Maingay o tahimik, kapag ikaw ang natulog Klofie, tiyak mahimbing na agad,” sumabay ako sa tawanan ng humaba ang nguso ni Klofie. Sinipa niya pa ang paa ko dahil sa pagtawa.
“Ako naman ang nakita niyo.”
Pinagsaluhan namin ang hapunan na masaya. Masayang kuwentuhan at asaran. Naging magaan ang atmosphere dahil nakikisabay si papa sa asaran. Nawala naman na ang hiya ni Klofie katagalan.
Naging feeling close na rin siya. Sa ganitong sitwasyon na lahat kaming masaya, ay naging masaya na rin ako. Ito ang lagi kong inaasam.
Lumawak ang ngiti ni Klofie sa sinabi ni papa. Parang natupad ang isa sa pangarap niya.
“Sa lunes, hintayin niyo ako at ihahatid ko kayo.”