Chapter 17: Unexpected Visitors
Elora Amore Point of View
“Hanggang ngayon naninibago ako sa ginawa ni Laila.”
Nandito kami ngayon sa tambayan namin, sa likod ng bahay. Walang pasok ngayon dahil may teachers assembly. Wala na rin kaming gagawin pang iba kaya naisipan ba tumambay ngayon.
“Kahit nga ako. Parang hindi talaga inaasahan na kaya niya pa lang gawin ‘yon.”
Hindi namin masisisi ang isa‘t isa. Sa tagal ng panahon na ginagawa niya ‘yon, may pagkakataon din na napapatunayan na mali ang pinagkakalat niya. Pero kahit na gano’n hindi pa rin siya nadadala at nagbabago. Patuloy pa rin sa ginagawa kahit minsan napapahiya.
Kaya gulat na gulat kami ng pormal siyang humingi ng tawad sa akin. Sino ba naman ako para hindi siya patawarin kung nakikita ko naman na sincere siya. Sana nga lang magtuloy-tuloy at tuluyan na niyang itigil ang maling gawin, ang pagkakalat ng maling balita sa ibang tao.
“Parang kailan lang binubully ka niya, tinatarayan at hinaharangan. Pero ngayon? Hindi na siya halos makatingin sa’yo at siya na rin mismo ang umiiwas,” sa magandang tanawin lang nakatuon ang tingin ni Klofie habang nagsasalita.
Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang humingi siya ng tawad. Simula no’n humuhupa na ang mga tsismis sa akin. Parang nakahinga na ako ng maluwag kapag na sa school. Hindi na siya makatingin ng maayos sa akin. Para na siyang umiiwas. Sa tuwing nagkakasalubong sa school ay lumiliko sa ibang direksiyon. Sa tuwing dadaan sa harap niya, mabilis siyang yumuyuko. Ilag na ilag na talaga siya. Para bang kapag nagkasalubong ang tingin namin ay biglang babalik sa dati ang lahat kung saan bully siya.
“At least ngayon nakikita na natin na sincere na talaga siya. Wala na tayong naririnig na may bagong biktima siya.” Sinundan ng tingin ang tiningnan niya. Ma rito makikita ang mga ibon na nagpapahinga sa mga wire.
“Possible pala talaga ‘yon ano?” Mabilis na lumingon ako sa kaniya. Salubong ang kilay sa pagtataka. Nalilito sa tanong niya.
Ngumiti siya ng tipid. Hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin. “Possible pala talaga na magbago ang isang tao. Akala ko kasi kapag masama ka o ‘di kaya ay nakasanayan munang gumawa ng masama ay habang-buhay mo ng gagawin ang bagay na ‘yon. Wala ng pag-asang magbago pa. Para kasing malabo na. Hindi na madaling talikuran ang bagay na nakasanayan mo.”
Ang lalim yata ng pinaghuhugutan ng kaibigan. ‘Yon ba ang dahilan kaya galit na galit siya kay Laila? Akala niya walang pag-asa na itong magbago?
“Pero pinatunayan ni Laila na mali pala ako. Kaya pa nilang magbago kung nanaisin nila. Sa kaso niya parang madali lang siya nagbago. Hindi man lang masiyadong nahirapan,” konklusiyon niya sa pangyayari.
Mataman ko siyang tiningnan. May isang bagay siyang hindi napansin. “Mali ka, Klofie,” sa sinabi ko nagkasalubong ang tingin namin. Tinapunan niya rin ako ng tingin. Tingin na nagtatanong kung saan siya mali.
“Mali ka sa parte na mabilis lang siyang nagbago at hindi man lang nahirapan. Kasi kung hindi, hindi gano’n ang magiging kilos niya. Hindi niya ako iiwasan ng gano’n. Parang normal lang sana ang lahat at casual lang kami,” bumalik ang tingin ko sa harap. Nawala na ang mga ibon na nagpapahinga. Nagliliparan na ulit sila na tila naghahabulan.
“Nahihirapan pa siya kaya gano’n. Pansin mo ba? Nitong mga nagdaang araw hindi siya masiyadong nagsasalita. Nanatiling nakatikom ang bibig niya. Kung hindi ako nagkakamali, paraan niya iyon para hindi na muling makagawa ng mali. Para wala na siyang masabi pang masama sa ibang tao na wala namang katotohan,” hindi man ako magaling mag-obserba ng tao pero kahit papaano nakakaramdam ako sa bawat kilos nila. Agad kong mapapansin kung may mali ba o wala.
“Minsan, may mga bagay talagang hindi natin agad na napapansin sa isang tao. Lalo na kapag mas pinipili nilang itago ang totoo para hindi na makaabala pa ng ibang tao. Sa panahon ngayon, hindi lang dapat tayo one-sided sa pangyayari. Hindi natin alam na nakakasakit na pala tayo dahil do’n.”
••••
“Parang may tao yata sa inyo, Elora.” Tapik niya sa akin. Nasa harap kami ng gate nila, kalalabas lang mula sa likod ng bahay.
Sinundan ko ng tingin ang daliri niya na nakaturo sa harap ng bahay. May dalawang matandang tao na nakatayo roon. Suot ay nagsisigaw ng karangyaan. Mukhang mamahalin at maganda ang quality ng damit. Side view ang nakikita namin kaya hindi masiyadong makilala kung sino sila. May kasama pang dalawang lalaki na base sa suot ay parang bodyguard nila.
“Baka bisita nina mama,” simpleng tugon ko na lang. Wala namang ibang pupunta sa bahay kung hindi si mama ang kailangan.
“Lapitan natin. Baka kanina pa sila riyan. Tapos walang tao pala,” yaya niya sa akin. Umalis din kasi sila mama kanina. Sa hula ko ay hindi pa rin sila bumabalik. Hindi ko nakita ang sasakyan ni papa na nakaparada.
“Magandang umaga po.” Kalalapit pa lang namin ay mabilis ng binati sila ni Klofie. Sumunod naman ako pagbati sa kanila.
“Magandang umaga po,” bahagyang yumuko pa. “Sino po ang hinahanap niyo?”
Palipat-lipat ang tingin ng mag-asawa sa amin ni Klofie. Parang kinikilatis kami sa kung paano kami tingnan. Hanggang napako ang tingin nila sa kuwintas ko. Maya-maya rin, matamis na ngumiti sa amin, sa akin.
“Nandito ba ang magulang, iha?” Tama nga ang hinala namin, sina mama ang kailangan nila.
Sasagot na sana ngunit ‘di natuloy dahil sa isang sasakyang paparada na ngayon sa gilid ng harap ng bahay. Dumating na ang taong hinahanap nila.
“Nandito na po sila,” sabay naming inaabangan ang paglabas nila na told artista sa isang pelikula.
Naunang bumaba si papa at pinagbuksan ng pinto si mama. Inalalayan niya pa ito bumaba. Parehong nakangiti na sinalubong nila ang tingin ko bago kay Klofie.
Natigilan naman sila ng mapadaan ang tingin sa mga bisita nilang naghihintay. Nag-umpisa ng naglakad papalapit sa amin. Huminto sa tabi ng mag-asawang matanda.
“Mukhang kanina pa po kayo nila hinahanap, ma,” pahayag ko sa kanila. Kahit nagsasalubungan ng tingin ay wala akong maramdaman na namumuo sa kanila.
“Khai. Serene.” Palipat-lipat ang tingin niya kina mama. Nalilito kung sino ang unang lalapitan at mahawakan.
“Magandang umaga po, madam. Hindi po namin inaasahan ang pagdating niyo,” magalang at nakangiting pagbati ng aking ina.
“Mawalang galang na po pero sasabat na ako. Mas mainam siguro kung sa loob na lang po kayo mag-usap para mas komportable,” ayokong mag-mukhang walang respeto kaya mas mabuting sa loob na lang nila ipagpatuloy ang kung ano mang pag-uusapan
“Tama ang bata, Felicity. Tumataas na rin ang tirik ng araw. Masakit na sa balat,” pagsang-ayon ng matandang lalaki sa sinabi ko.
“Mas mainam nga. Samahan mo muna sila sa loob Zen. Susunod kami.” Tumango si papa bago naunang pumasok sa loob. Sumunod naman ang bisita. Nagpaiwan sa labas ang dalawa pa nilang kasamang parang bodyguard yata.
“Kanina pa ba sila rito?” Malumanay na tanong ni mama sa akin. Nasa tabi ko na siya at Marahang hinahaplos ang buhok ko.
“Hindi po namin alam, ninang. Nasa likod kasi kami ng bahay,” pagkukuwento ni Klofie.
“Pagkalabas namin nandito na sila sa harap ng bahay. Sino po ba sila mama?” Dating amo niya ba ang nga iyon?
“Malalaman mo rin mamaya. Mauna na ako sa inyo sa loob at aasikasuhin ko pa ang mga bisita. Sumunod ka rin agad Amore,” mahinang tumango ako. Pumasok na siya sa loob. Kaming dalawa na lang ni Klofie ang naiwan.
“Ang yaman ng bisita niyo, Elora. Halata sa mga kasuotan at sasakyan,” kaya naman pala kanina pa siyang walang imik dahil nakatuon pala ang pansin sa sasakyan ng bisita.
“Oo nga ei. Baka dating amo ni mama ang bisita. Madam ang tawag niya kasi,” bumalik ang tingin ko sa kaniya. Hindi siya nagpatinag at nakatitig lang sa sasakyan. Parang kailan lang sa mga palabas kami nakakakita ng ganiyang mga sasakyan. Tapos ngayon nasa harap na.
“Napansin ko nga rin. Pero duda ako. Iba ang tingin no’ng babae sa magulang mo. Parang hindi tingin na dating amo lang,” Napaisip naman ako sa tanong niya.
May punto siya. Kakaiba nga ang tingin niya kay mama. Magkahalong emosiyon. Pagsisisi, pangungulila, lungkot at saya. Pero sa anong dahilan.
“Sige na nga, papasok na muna ako sa loob. Magkita na lang tayo ulit mamaya o bukas.”
Nauna siyang pumasok sa bahay nila bago ako pumasok sa loob ng bahay. Tahimik ang sala at nass may kusina ang ingay.
Tahimik akong pumasok sa kusina. Natigil naman sila sa pagsasalita pagkapasok ko. Parang ako pa yata ang pinag-uusapan sa bigla nilang pagkatahimik.
“Siya na ba ang anak niyo, Serene?” May halong tuwa at pagkamanghang tanong ng babae kay mama. Hindi inaalis ang tingin sa akin.
“Opo.” Pinagpatuloy ni mama ang paglalagay ng palaman sa sandwich na ginagawa.
Tumayo ito at lumapit sa akin. Hinawakan ang dalawa kong pisngi at nakangiting sinalubong ang tingin ko. Alanganing ngiti naman ang binigay ko. Nagtataka sa kilos niya.
“Ang laki-laki mo na,” emosyonal niyang pagkakasabi sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Dapat bang yakapin siya pabalik o hindi?
Nahihiyang bumitaw sa yakap ng mapansin na wala akong kibo. Nagugulat at nagtataka lang talaga ako sa nangyayari.
“Pasensiya ka na, iha. Nadala lang sa emosyon,” natutuwang hinging tawad at bumalik sa upuan ng hilahin ng asawa niya ang hem ng damit.
Lumapit ako kay papa na naghahanda ng juice.
“Sino po ba sila?” Sa nakuhang sagot mula kay papa, mas lalo akong nagulat. Hindi inaasahan na nasa harap ko na sila.
“Sila ang mga lola at lolo mo. Mga magulang ko sila Mi Amore.”