Chapter Eighteen-Letter

After one week...

"how are you class? did you enjoyed your Christmas Vacation?"

naku. ako, enjoy na enjoy. andami kong ginawa. natulog, kumain, naligo, nag internet, natulog, kumai, natulog, naligo, nag internet, natulog, kumain. oh diba? andami dami kong ginawa. busy nga ako that time eh.

"I hope you all had a wonderful vacation, so wonderful that you could write it down on a 1 whole piece of paper with minimum of 300 words."

whuutt??? seriously? ano naman isusulat ko dun? hai naku..

kinuha ko yung ballpen ko sa bag, at dahil mayaman ako, wala akong papel. kanino kaya ako hihingi?

"Gab! penge ng papel!" ui! free paper! pero, kay Gab? kakahiya naman kung hihingi ako. di bale, pakapalan nalang to.

kinalabit ko sya, one seat apart lang naman kami eh. "ui"

"oh? bakit? hihingi ka?" di pa ako nagsalita, binigyan na nya ako..

"tha-thank you!" alright! nag umpisa na akong magsulat .

lunch break at kasama ko syempre sila Josie at Ruby. haii.. namimiss ko na si Quennie. wala nang mag susuport sa pagiging gwapo ko.

My day went by like a blur. ni wala nga akong nalearn ngayon. nung pauwi na kami, hindi muna ako dumiretso sa bahay kundi sa paborito kong tambayan, ang plaza.

umupo lang ako dun at finefeel yung hangin.

ang gaan sa feeling...

habang naka uako, with matching papikit pikit pa ng mata, biglang may tumakip sa mga mata ko.

"aaaahhhh!! sino ka?"

"guess"

wait. I know that voice..

"Gab?"

kinuha nya yung kamay nya at humarap sakin. I knew it.

"ang galing mo namang manghula. pano mo nalamang ako yun?" umupo sya sa tabi ko habang kamot kamot yung ulo.

"secreto! haha. bakit ka nandito?"

"ikaw? bakit ka nandito?"

"i asked you first!"

tumawa ito at sinabing, "wala lang. ayoko pa kasing umuwi samin. kaya dito muna ako."

biglang nawala yung ngiti sa labi ko. could it be possible na pareho kami ng reason?

"ikaw?" tanong nya

"ah, ano.. kasi.. pareho rin sa-sayo" napayuko na lang ako

"wow, destiny? hahaha"

automatic na tumaas yung isa kong kilay. bakit tawa to ng tawa? nakakatawa ba yun?

"Gab? nag dadrugs ka ba? kanina ka pa tawa ng tawa eh"

bigla itong tumigil sa pagtawa at tinitigan ako. oh no. na insulto ko ata.

"so--"

"ahahahaha!!" tawa pa ito ng tawa tapos ako nakatingin lang sa kanya. wala na. sira ulo na to.

*ting ting tining*

"ui! ice cream!!!" bigla itongtumayo at hinawakan yung kamay ko. hinila nya ako papunta kay mamang sorbetero.

"kuya! dalawa nga." sabi ni Gab sabay kuha ng pera

"ui Gab! libre mo?"

"ai hindi, libre mo. thank you Prei ha!"

ayun! binatukan ko yung mokong !

"aray naman.."

"oh, iha, heto na yung sorbetes nyo." sabi ni manong. siguro mga nasa 60 na to.

binigay nya sakin yung isang ice cream at umupo kami ulit sa inupuan namin kanina.

habang nag coconcentrate ako sa ice cream...

"Prei! may dumi ka sa mukha oh!" sabay ni Gab sabay turo sa mukha ko

"ha? saan?" agad ko namang pinunasan yung mukha ko.

"heto oh! ump!" tinuro nya yung ilong ko at saka nilagyan ng ice cream yung mukha ko!

"hahaha peace!" sabi ni Gab sabay tawa kaya yung ice cream ko, nilagay ko rin sa mukha nya! hahaha!

pinunasan nya yung mukha nya at akmang hahawakan yung mukha ko pero tumayo ako at tumakbo

mabilis nya akong nahabol. grabe! may lahi bang cheetah to?

naghabulan lang kami dun na parang mga bata habang may ice cream sa mukha namin. makalipas ang ilang minuto, huminto na kami sa kakatakbo. kapagod!

umupo nalang kami sa damuhan at pinunasan yung mukha namin.

"hoo!. grabe, ang bilis mong tumakbo!" sabi ko habang pinupunasan yung mukha ko.

"eh syempre, long legged ako eh, ikaw? long legged ka ba?"

and again, binatukan ko na naman sya!

"kapag ikaw hindi tumugil sa kaka insulto sakin, uuwi kang may bukol sa ulo!" sabi ko. nagkatinginan lang kami at sabay na tumawa.

haii, ngayon lang ako ulit nakatawa ng ganito. ang sarap sa feeling. who would have thought na sa kanya lang pala ako magiging masaya.

ha? ano daw?

"ui Prei! tara! uwi na atyo! magdidilim na oh" yaya ni Gab tsaka sya tumayo. inalalayan nya pa akong tumayo.

"tara!"

umuwi ako sa bahay ng nakangiti. yung totoo? bakit? nagkagusto naman ako kay Gab dati, pero bakit parang iba ngayon?

"Prei? ok ka lang? kanina ka pa tulala dyan." sabi ni Ruby sakin.

nandito kami ngayon sa isang fast food chain. since mahaba haba yung vacant namin, dito na kami nag lunch.

"ha? wala ah.." sabi ko sabay inom ng coke.

"wala daw, so you think were a liar?" si Josie.

nagtawanan lang kami at nagpatuloy sa pagkain.

grabe, hindi talaga nawala sa isipan ko si Gab. pati sa panaginip nandun sya. at ang nakapagtataka, na ulit yung panaginip ko noon sa kanya. yung nasa bench kami tapos magkaholding hands daw. naalala nyo yun?

haii..

-Polystene University-

After 1 month...

February na! buwan ng mga puso. buwan ng mga may lovelife. buti na lang ako, walang lovelife. haha

every february daw eh may event yung school namin. tinawag itong "Be my Valentine". ibig sabihin, mabibigyan ka ng chance na magsulat ng letter para sa crush mo and bahala ka kung lalagyan mo ng name o hindi. and then the University Counsil will send the letter for you at kung nag reply ng message yung binigyan mo, magkakaroon kayo ng chance manalo ng dinner for two. isang week yan kaya kung pagkatapos ng week at hindi ka nakatanggap ng reply, goodbye dinner na.

first day ngayon ng 'be my valentine' at puro pula ang makikita mo sa campus. may mga nakasabit na paper hearts sa mga building, meron ding mga cupid, mga bulaklak. naku, kung may lovelife lang sana ako, eh di na appreciate ko yung decoration.

papunta na ako sa room namin, ng nasa pintuan na ko, bigla nilang sinigaw yung pangalan ko.

"Prreeeeiiii!!!!!"

"ai! ano yun???" nagulat naman ako..

"may letter ka oh!! uuuuuuiiiiiii!!!!!!!"

at nandun nga sa upuan ko ang isang pulang letter. seriously? pula talaga?

umupo na ako at kinuha yung letter. sino naman kaya ang magbibigay nito sakin?

binuksan ko yung letter habang yung iba kong kaklase naghihiyawan. first day palang daw, meron agad.

nagulat ako sa nakasulat. anong ibig sabihin nito? at kanino to galing? at bakit ganito yung laman ng letter?