Chapter Nineteen-Be my Valentine

"your smile could make someones day. i should know, cause you made mine"

yan ang nakasulat sa letter na binigay sakin. sino naman kaya to? iisipin ko pa sanang pinagtitripan lang ako pero meron pang naka attach na sketch. sketch ng mukha ko.

infairness! gayang gaya!

"ui Prei! kanino yan galing?" tanong sakin ni Josie

"patingin nga!" kinuha naman ni Ruby sa kamay ko yung letter.

"hindi ko nga alam kung kanino galing yan eh. wala namang pangalan"

"ay! ang galing naman nito!"

"oo nga! artist ang peg!" nagsitawanan pa yung dalawa

"akin na nga yan!"

"replyan mo Prei! para malaman natin kung sino yang 'secret admirer' mo" sabay tusok tusok sa tagiliran ko si Ruby.

"ano ba? baka kung sinong manyak to noh?! madisgrasya pa ako!"

"hmp, kj mo!" sabi naman ni Josie.

eh sa ayokong malaman kung sino eh.

second day at may sulat na naman akong natanggap! pero this time, walang nakasulat. may nakadrawing lang at may kasama pang pulang rosas.

"uuuuiii!!!! ikaw Prei ha? may masugid na manliligaw ka!! hahaha!" tukso na naman inabot ko sa mga kaklase ko. hay naku! sino ba kasi to! kakainis! may pa bulaklak pa! hindi ko naman to kailangan!

dalawang araw pa ang lumipas at may rosas akong laging natatanggap.

last day ngayon ng 'be my valentine' at hindi parin ako nagrereply sa sulat kahit na araw araw akong nakakatanggap.

"Prei, kung ako sayo, replyan mo na yan! kawawa naman, parang desidido talaga sayo oh"

napa isip ako. wala naman sigurong mawawala kung sasagutin ko yung sulat nya? baka namang gstu nya talaga akong maging kaibigan.

i was on the middle of my thoughts nang biglang may lumapit saking babae. maganda, kasing taas ko lang, mahaba buhok, maputi.

"ikaw ba si Princess Gelle Lopez?" tanong nito sakin.

napatulala lang ako.

"huy Prei! tinatanong ka oh! ay, oo miss, sya yun." bigla naman akong natauhan sa sinabi ni Josie.

ngumiti lang yung babae at may inabot na papel.

sina Ruby at Josie ang kumuha at agad agad binasa yun.

"'Princess, thank you for writing back. i cant wait to be with you.' aaayyy!! Prei!! i cant wait daw!!" sumigaw sigaw pa yung mga loka na parang sira.

teka, ano daw?! 'thank you for writing back?' eh hindi naman ako nakareply ah? iniisip ko pa nga lang, nangyari na?

"hoy teka! hindi ako nakapagreply dyan! paano nangyari yan??"

tumingin sakin yung dalawa at ngumiti. right then and there, kahit na hindi sila magsalita, alam kong sila yung may pakana nito.

"anong sinabi nyo sa kanya ? ha?"

"sinabi lang naman namin na napakagaling nyang magdrawing" sabi ni Ruby

"tsaka thank you sa roses" sabi naman ni Josie

"and... sabi namin, makikipagkita ka sa kanya bukas over lunch sa Asian Kitchen"

"whhaaattt???!!"

"oh cmon Prei! this is your chance! wag kanang pakipot"

"oo nga naman"

kung nasa cartoons lang kami, siguro may usok na lumalabas sa ilong ko ngayon.

~~~next day

So... it turned out na sinunod ko yung mga pinagsasabi ng dalawang yun. at nandito ako ngayon papasok sa Asian Kitchen, nasa entrance ako nakatayo at luminga linga.

face palm! pano ko nga pala malalaman kung sino sa kanila dito yung sumusulat sakin eh hindi ko nga yun kilala?! antanga lang!

lalabas na sana ako ng may tumawag sakin. lumingon ako at nakita ko si Gab. anong ginagawa nya dito? sinenyasan nya akong lumapit sa kanya, and so i did.

habang papalapit ako sa table nya, nanginginig ako. hanggang ngayon ba, ganito parin epekto ng babaeng to sakin?

"hi Prei"

"Gab. anong ginagawa mo dito?"

"umupo ka muna"

at parang utusang sinunod ko yung sinabi nya. i sat on the opposite chair facing her. bakit ang ganda ganda mo, Gab?

"you look pretty as always, Princess"

yuyuko yuko lang ako, kakahiya pag nakita nyang nagbublush ako.

"th-thank you Gab. you too. " oh sige Prei, pa obvious ka masyado.

"so, you liked my sketches of you?"

automatically, napatingin ako sa kanya, eyes wide open, mouth agape. HER?!