Chapter Seventeen-Party
"everybody deserves to be happy"
yan ang sabi nila. ako? kelan pa kaya yung time na masasabi kong masaya ako?
nakipagkita ako kay JG pagkatapos ng exams namin. "Prei, ayokong umasa ka at lalong ayokong magmukha kang tanga" yan ang sabi nya sa akin.
naguluhan ako nun kung ano yung ibig nyang sabihin. and then she said, " may boyfriend na si Tin. matagal na"
napatigil ako. i thought we had something mutual going on. ako lang pala yung nag assume. grabe, hindi naman kami pero ang sakit. ang laking tanga ko nga siguro. at ang masaklap pa, hindi ko sya masumbatan.
the next day, habang pauwi na ako galing sa school, nakita ko syang may kasamang lalaki. para akong sinampal. bakit nga pala ako umasa na magiging kami, eh lalaki pala gusto nito. to the thought pa na nagtangka akong ligawan sya ha!
nakita nya ako pero umiwas ako ng tingin.
makakalimutan rin kita, Tin.
hindi muna ako dumiretso sa bahay, kundi dun ako sa plaza. mag papa goodvibes.
"hi Prei!"
umupo sa tabi ko si Veronica.
"tagal nating hindi na nakipag usap ah! kumusta kana?" tanong nya.
"eto, brokenhearted"
"ha? bakit? nagbreak kayo ng boyfriend mo?"
napatawa ako bigla sa tinanong nya. boyfriend?!
"HAHAHA! wala akong boyfriend, noh! basta! brokenhearted ako! "
napatawa rin si Ron at tumingin sa akin ng nakangiti, "gusto mo, ice cream tayo?"
"libre mo?"
"oo!"
natatawa kaming tumayo at pumunta sa pinakamalapit na ice cream parlor. nagkwentuhan kami dun hanggang sa di na namin namalayang gabi na.
"sige Ron, thank you ha! for keeping me company, tsaka sa libre. medyo gumaan na pakiramdam ko" sabi ko habang palabas na kami sa ice cream parlor.
"ano ka ba Prei, syempre friends tayo eh. oh, basta ha? pag naging brokenhearted ka ulit, text mo lang ako."
"oo ba! may libre eh! hahaha!"
umuwi na kaming dalawa pagkatapos naming magpa alam sa isa't isa.
"if you've been hurt, never shut close your heart. because you might block the opportunities for your 'right one'"
yan ang nabasa kong status sa facebook ng katabi ko sa jeep. chismosa? di naman! nahagip lang ng tingin ko. pero may point yung status nya. imbes na mag mukmuk ako at ma depress, dapat nagpapakasaya ako. baka pumangit pa ako nito.
last day ngayon ng exams namin at last school day ni Quennie since mag tatransfer na sya. nagplano kaming magparty mamayang gabi.
'if our love is tragedy why are you my remedy? if our love is insanity why are you my clarity?'
"yeeeaaahh!!!! whoooh!!"
nandito kami ngayon sa isang club nagpaparty, and i guess we are already drunk. sa dami ba naman ng nainom namin? well, sabi nga nila, a little party never killed nobody.
sayawan kami sa dancefloor kapag gusto namin yung song, pero pag hindi, upo tapos inom, tapos sayaw na naman. di bale nang wasted basta masaya!
"oi! alam nyo ba guysss! ma mimiss ko kayo!! whooo!!!" sigaw ni Quennie habang hinahug kami isa-isa.
"yeah! cheers to that!!" sabi naman ni Ruby saka kami sabay nag bottoms up ng beer.
naka ilang bottoms up pa kami ng ma isipan naming umalis na.
"ui! san nga pala tayo mag sistay?" si Josie, na pa ekis ekis na nang lakad.
"dun nalang tayo sa Rural Inn!"sabi ko habang naka akbay kay Quennie.
"oh sige, tara! ayun, taxi! taaaaxxxxiii!!!!" sabi naman ni Ruby.
naku! nakakahiya man tingnan pero walanjo! lasing eh! hahahahaha!!!
huminto na yung taxi sa harap namin ng may tumawag sakin.
"Preeeiii!!!!"
luminga linga na ako and everything pero di ko makita kung sino yung tumawag sakin. mejo nag bublur pa yung vision ko.
pumasok na ako sa taxi, nasa harap si Quennie, tapos ako, si Ruby at Josie yung nasa likod.
"manong! sa Rulal Inn!" sabi ni Quennie sabay hampas sa balikat ni manong driver.
"hahaha! anong 'rulal'?? 'rural'! hahahaha!"
"yun din naman yun eh!"
"teka mga Ineng, lasing ba kayo?" tanong ni manong driver.
"manong! hindi ba halata? hahaha! si manong talaga! palabiro! hahaha! " sabay turo ni Josie sa driver.
napailing na lang yung driver samin at sinabing, " mga kabataan talaga ngayon, oo."
nagdrive na sya papuntang Inn at nang makarating kami, agad kaming nag check in. nagkandahulog hulog pa kami sa hagdan paakyat sa room namin. buti na lang, tinulungan kami ng security guard.
"thank you kuyaaa!! heto oh, tanggapin mo." nag abot naman ng 20 si Josie kay kuya guard.
"hoy Josie! himala! nagtip ka! hahaha dapat pala lagi kang lasing kasi namimigay ka ng pera!" sabi ko habang binubuksan yung kwarto.
pagpasok namin, agad kaming humiga at natulog.
"mmm.. araaayy.. ang sakit ng ulo ko.."
"ako rin.. san ba tayo?
"anong oras naaa??"
"guys, quiet!!! tulog pa yung tao eh."
nakapikit akong bumangon at unti unting minulat yung mga mata ko. puro puti. nasa hospital ba kami?
"guys!! may nangyari ba kagabi satin? bakit nasa hospital tayo?" tanong ko
agad napabangon yung tatlo. "hhaaa???? hospital?!" sabay pa sila.
agad tumayo si Ruby at lumabas. bumalik rin ito kaagad. "ano ka ba Prei! nasa Inn tayo! kaw talaga! muntikan na ako nagka heart attack!"
"ay, Inn pala to. hehe sorry naman po."
"ai grabe! ansakit ng ulo ko!" reklamo ni Josie habang hinihimas yung noo nya.
nag banyo muna ako at nanghilamos. ano ba yan, wala akong toothbrush!
lumabas na ako ng banyo at na isipang lumabas muna para magpahangin. "guys, labas lang ako sandali ha!"
eksaktong paglabas ko ng room, may lumabas rin sa harapan naming room.
"Prei?"
napatingin ako sa tumawag sakin.
"Tin??! a-anong ginagawa mo dito?"
bigla namang bumukas yung pintuan ng kwartong pinanggalingan nya at lumabas ang isang half naked na lalaki. "babe, san ka pupunta?"
"a-ah, magpapahangin lang sana, babalik rin ako." nginitian nito yung lalaki tsaka sya hinalikan sa lips. sa harap ko pa! hindi man lang nahiya?
pumasok ulit sa loob ng kwarto yung lalaki. tumingin sakin si Tin.
nagtitigan lang kami ng ilang minuto. awkward.
"uhm, b-boyfriend mo?" alam kong boyfriend nya yun, pero kailangan kong magsalita at yung ang unang lumabas sa bibig ko.
"ah. oo. boyfriend ko."
tahimik ulit.
ano ba naman to! hindi ko to kaya!
"uhm, Tin, pa-pasok muna ako ha, may na-nakalimutan pala akong kunin." di na ako naghintay ng sasabihin nya at mabilis akong pumasok ulit sa kwarto.
"ui Prei! ok ka lang?" tanong ni Quennie.
"im okay." sabay ngiti ng mapakla.
hanggang kelan kaya ako magpapanggap na okay?