Chapter Sixteen-Asking how
*huff*
*pant*
*huff*
nakuuuu!!! naku naku!! ano ba naman yan?? bakit ngayon pa hindi tumunog yung alarm ko kung kelan meron kaming long test sa culinary! dyahe pa naman tumakbo ng my heels! required kasing mag uniform ang university kaya heto ako ngayon tumatakbo nang naka heels at pencil skirt. kulang nalang maglakad ako nito at hubarin tong palda ko eh!
naku ! sana na late din si mam!
hingal na hingal akong nakarating sa room namin at thank God! wala pa si mam! swerte ko naman!!
tumabi na ko kila Ruby, Josie at Quennie. "hi gurlz!!" bati ko sa kanila
"hoy! bakit ngayon ka lang??" sabi ni Ruby
"Prei! naka study ka ba??" sabi ni Josie
"ui! dito ka sa tabi ko oh! para may mapagtanungan ako !" sabi ni Quennie
"hep hep hep! una, ate Ruby, kaya ngayon lang ako kasi hindi tumunog alarm ko. pangalawa, Josie, hindi ako naka study. ayaw magpasave ng utak ko ng mga new knowledges. at pangatlo, Quennie, ako nga eh, makikicopya rin ako sa inyo!" mahabang pag eexplain ko.
"dami mo naman sinabi! basta mamaya ha! sharing is loving" sabi ni Josie
"Good morning hrm students! please arrange the seats, one seat apart!" sabi ng prof namin na naka green teachers uniform at black eyeglasses.
tahimik kaming tumayo at inarrange yung mga upuan.
"ano ba naman yan! ang layo mo na Prei!" bulong sakin ni Quennie
"oo nga! pano tayo makapag sharing nyan?" sabi ko
umupo na kami at nagsimula nang magbigay ng instruction si Prof. "this long test you'll be taking right now will be your reviewer for the final exam. this is 100 items." isa isa nya kaming inalukan ng test paper. lahat kami nagulat sa 100 items. seryoso??
"you should be finish after an hour. pero madali nyo lang naman masasagutan yan. its VERY easy that you'll be able to finish it by half an hour. that is IF you studied. now. start answering."
nagsimula na kaming sumagot at yun na ata ang pinakamahabang isang oras sa tanang buhay ko.
***
"ready na ba kayo para sa finals?" tanong ni Ruby. kakatapos lang namin mag lunch at nakatambay kami ngayon sa shed.
"kelan nga ulit yun?" tanong ko. ang shunga ko talaga. finals na finals di ko maalala.
"adik! bukas na! hanggang friday!!" sagot ni Ruby sakin.
"aah. ok." mamaya na pala ako mag sastudy. nakngtokwa naman. finals na pala bukas, akalain nyo yun?
"ui Prei! pahiram ng phone mo! lalaro lang ako nung pou ." sabi sakin ni Josie.
"oh sya! heto oh. " pinahiram ko sa kanya yung cellphone ko at kinuha sa bag ko ang librong dinala ko para may basahin ako. yung title, 'broken angels' ni Richard Montanari.
nagsimula na akong magbasa ng...
*rrriiinnggg!!*
"ui Prei! may nag text oh! from crush, hi Princess, nag lunch kana ba? ayee!! sino to Prei?! ha?? ikaw!! naglilihim ka sa amin!" sabi ni Josie
hinablot ko yung cellphone ko sa kanya. ai babaeng to! basahin ba naman message ni Tin.
"alam mo Josie, kung wala kang ibang gagawin, sumayaw sayaw ka dyan hanggang sa magkalupog ka! chismosa neto"
"ui! may pumuporma sayo Prei?" si Quennie
"eh, lalaki ba yan? baka naman babae yan Prei ha" singit ni Ruby.
"ah.. eh... o-oo eh. babae to. hehe"
"huuwwwaaatttt???" sabay sabay nilang sigaw.
"Gosh Prei! anu ba? ang ganda mo para mag gaganyan!" sabi ni Ruby
"oo nga naman!" segunda ni Josie
isa isa ko silang tiningnan. napadako ako ky Quennie na ngiting ngiti. "oh? anyare sayo 'te? para kang timang dyan!" sabi ko sa kanya
"eh kasi!!! im so proud of you bebe Princess Gelle!! binata ka na!!"
bigla naman itong binatukan ni Ruby.
"aray naman!!"
"bagay yan sayo! kinukunsinti mo si Prei!" sabi ni Ruby habang nakapameywang.
nag pout lang si Quennie at nung di na nakatingin si Ruby ay tumingin sya sakin at ngumiti tsaka nag thumbs up. haha ! atleast alam kong may kakampi ako!!
matext na nga lang si crush. ayee!!
last subject na namin sa hapon, which is psychology. habang naghihintay kami sa aming prof, napatingin ako sa mga classmates ko. ang iingay nila. pero bilib ako sa section namin, kasi ilang buwan palang kaming nagkakakilala pero iba na yung pakikitungo sa isa't isa. parang ang tight na naming lahat.
nahagip ng tingin ko si Gab. wala si Ron sa tabi nya ngayon ah! himala!
na isip ko bigla si Tin tsaka yung sinabi sakin ni JG. dapat daw wag kong hayaang mawala si Tin sakin kaya kailangan ko nang kumilos.
naisip kong aakyat ako ng ligaw ky Tin pero hindi naman kasi ako marunong! pasensya naman po! hindi ako lalaki eh!
aish!! masisiraan na ako nito ng ulo! somebody bring me to the mental please!!
*ting!*
oo nga pala! si Gab! nagkasyota na dati kaya for sure! alam nun kung panu manligaw!
hmmn....
lalapitan ko ba???
uhm... nakakahiya eh!! tagal tagal kong di sya kinausap tapos magpapaturo ako pano manligaw?! sira ulo lang eh.
pagkatapos kong makipagtalo sa sarili ko, finally! i have decided.
nilapitan ko si Gab.
okay. hinga ng malalim. inhale. exhale. kaya mo yan Prei! para kay Tin! hai! aja!
nagulat si Gab nung umupo ako sa tabi nya. "hi Gab"
"ui! h-hi P-prei"
wala nang atrasan to tol! go lang ng go!
"uhm.. may tatanong sana ako. kung ok lang?" aish! grabe! bakit biglang uminit?
"anu yun?" tanong nya.
pinunasan ko muna yung pawis ko bago sumagot. "uhm. ano kase.. na-narinig ko kase sa iba nating classmates na, na ano... na... nagka gi-girlfriend ka na daw? kaya..."
"teka teka! kanino mo narinig??"
hala!! baka isipin nito chismosa ako!!
"ui! wag ka namang magalit. di ko na maalala kung kanino ko narinig eh. ui, sorry ha. baka akalain mo, napakachismosa ko. eh di ko naman intensyon na marinig yun. nagkataon lang talaga na nahagip ng tenga ko yung pinagsasabi nila. nacurious lang naman ak....."
"ui! dahan dahan lang! di ako galit. haha! ikaw talaga! kuleet!!" sabi nito sabay pisil sa pisngi ko.
hoo! ang init na talaga. iba na ang global warming!
"ah.. hehe.. sorry"
"ok lang. oh, ngayong alam mo nang may girlfriend ako dati, ano yung itatanong mo na relate dun?"
heto naaahh!!
"magpapatulong sana ako kung pano manligaw?"
biglang nagbago yung facial expression nya. masyado ba akong straight forward? hala naman!
"ma-manligaw?? sino liligawan m-mo?" tanong nito
"uhm... basta! nasa ibang college yun" ang awkward naman nito. parang magsisisi ako nito ah.
"aah. uhm. actually, Prei, hindi ako marunong manligaw. hindi ko naman niligawan yung ex ko eh. nahantong lang kami sa ganung relasyon."
"a-ah.! ganun ba? hehe. s-sorry ha, di ko kasi alam. hehe" ai ! nakakahiya ka Prei!! urgh !!
"anu ka ba. ok lang." sabi nya. anu ba naman to?! bakit ka pa kasi nagtanong Prei!! sana sa mga lalaki ka nagtanong!! bobo talaga!!
"uhm. si-sige Gab! balik na ko sa upuan ko. sorry ulit!"
"ok" ngumiti ito bago ako tumayo sa upuan. kahiya ko talaga! ano nalang kaya iisipin nun?!
bumalik ako sa upuan kong nanlulumo. para akong lalagnatin!
"ui Prei! ok kalang ba? putla mo ah?" tanong sakin ni Quennie sabay lagay ng kamay nya sa leeg ko.
"ok lang ako, kwe. "
pagkatapos ng klase namin, pumunta muna ako sa computer shop.
nag facebook, wattpad, youtube at yahoo ako.
habang nagtitingin ako ng mga status ng mga friends ko, may nabasa ako.
'If you cant be mine, then no one will. #forever'
yan ang nabasa kong status ni Andy. si JG kaya tinutukoy nito? naku! kawawa naman si bespren! patay na patay sa kanya yung ex nya.
nanood na lang ako ng mga music videos sa youtube bago umuwi. kumusta kaya si Tin? pag naging kami kaya, magiging possessive rin sya sakin?
ai, ambisyosa ! hindi ka nga maka damoves dun! tapos maka imagine parang tatanggapin nya talaga ako! haii..
kararating ko lang sa bahay ng may nagtext sakin. si JG.
"Prei, magkita tayo bukas. may sasabihin ako sayo. importante."