Chapter Fourteen-Sundate
Loving someone takes a lot of efforts, how 'bout me? am i ready to exert such effort for someone?
haiiz, been thinking of a certain girl for days. what shall i do? anyway, good eve!!
#gm
and.... send !!
weekends ngayon and malapit na yung final exams namin pero hindi ko parin magawang mag study. bakit? eh wala ako sa mood eh. tsaka im bored and studying is boring. baka makatulog ako pagkabasa ko palang ng title ng book.
oh well, the day before the exam na lang ako mag rereview. hehe
habang humihiga ako sa kama at naglalaro ng candy crush, (level 76 pa lang ako kaya please tumahimik ang mga naka level up na sa level ko!!) may mga nag reply sa group message ko!!
sino yan?
who's the lucky one?
abaa. da who yan Prei?
inlab tayo ah!
nagreply din si Gab sakin.. 'how lucky that girl is' sabi nya. lucky sya? baka ako ! maganda si Tin, sexy, mabait, happy-go-lucky. my kind of girl. kaya ako ang swerte kasi nakilala ko sya.
'haha! im the lucky one, not her :)'
napapangiti ako habang naglalaro. naaalala ko kasi sya. pero panu kung lalaki pala gusto nun at hindi babae gaya ko ? baka ma broken hearted ako kahit hindi magiging kami. ai naku! anu ba yan ?? kakastress naman neto !
sino ba kasi yan Prei? reply sakin ni Gab. sasabihin ko ba? eh hindi naman nya ito kilala eh. kaya sabi ko nalang, secret!!
sigurado, punong puno ng curiousity yang si Gab ngayon ! bwahaha!
"hey, busy ka ba bukas?" ooh. speaking of the angel. nagtext si Tin my labs.
"why? you gonna ask me out?" okaay, ako na si malande. pero yaan nyo na, lahat naman tayo naglalandi paminsan minsan, right?
"haha, yah. so, is it a yes?"
well, sino ba naman ako para tumanggi? ofcourse, i said yes.
~Next day
nandito ako ngayon sa labas ng simbahan, hinihintay si Tin. napagsunduan namin na mag simba muna bago gumala, sunday naman eh.
time check, 7:50. 10 minutes pa bago mag alas otso. masyado kasi akong napa aga. 7:30 pa lang nandito na ako. excited? syempre! dapat hindi pinapahintay ang babae, sila ang hinihintay.
maya't maya pa, natatanaw ko na sya at! deym! ang hot nya! naka yellow floral dress sya and white flat shoes. and her hair is just flowing down gorgeously. nahiya tuloy ako sa suot kong black skinny jeans, plain white tshirt, and black sneakers.
"hi" bungad nya
"h-hi" aish! muntanga lang! natameme dude?!
napangiti sya at sinabing, "tara" sabay lahad ng kamay nya. i took it eagerly at pangiti ngiting lumakad kami sa loob with our hands that intertwined impeccably.
umupo na kami sa 5th row from the front to get a better view of the altar. nagstart na ang mass at natapos lang ito ng konti lang ang naintindihan ko. kase naman, kapag umuupo na kami, hinahawakan nya yung kamay ko! sino ba naman ang makakapagconcentrate nyan?
lumabas na kami ng simbahan at tinitingnan na kami ng mga tao. akala siguro nila, lovers kami. which im hoping will be. hehe.
napagdisisyunan naming pumunta ng mall at pumunta sa sinehan. since 12noon pa yun mag oopen, gumala gala muna kami.
napadpad kami sa foodcourt kasi habang naglalakad kami sabay na nagreklamo yung tyan namin.
masaya kaming kumakain nang may nahagip ang aking mga mata. Andy? tzk. baka magkasama na naman sila ni Mariz. hai! whats new? sila na ang bagong magbestfriends ngayon. im just a mere nobody to them now.
"Prei? are you ok?" tanong sakin ni Tin.
"yah, im okay" sabi ko sabay ngumiti. pinagpatuloy ko yung pagkain ko pero di ko maiwasang sundan sila ng tingin. teka? parang hindi si Mariz yung kasama nya ah!
tinitigan ko ng mabuti at nagulat ako sa nakita ko.
"JG?!"
"what? Prei? sino ba yung tinitingnan mo?" curious na tanong ni Tin
it must be her! pero bakit sila magkasama? tzk. iinterviewhin ko nalang mamaya o bukas ang babaeng yun! "a-ah. wala. akala ko kasi, kakilala ko yung nakita ko, hi-hindi pala. hehe"
gumusot lang ang mukha ni Tin at hindi na nagtanong muli.
pagkatapos naming kumain, pumunta na kami sa sinehan at nanood ng Lucy. ai grabeng astig ng movie! idol ko na tuloy si miss Scarlette Johanson! best actress!
paglabas namin sa sinehan, may nakasalubong akong tao na higit kong iniiwasan. or more like higit kong kinakalimutan.
nang magkasalubong ang landas namin, i stiffened. how could he? pagkatapos ng lahat lahat?! he just walked past me! na para bang hindi nya ako kilala!
"prei? kilala mo ba yun?" tanong sakin ni Tin at liningon ulit yung nakasalubong namin.
urgh!! the nerve of that guy! nakakabwisit! pero no! he was like, long vanished in my world. and i wont let him ruin our date.
"uhm, schoolmate ko yun nung high school. nevermind. did you enjoy the movie?" tanong ko habang pilit binubura ang mga alaala ng nakaraan.
"it was great! i enjoyed it." sagot ni Tin at pinagpatuloy na namin ang paglalakad.
"so, san mo gustong pumunta ngayon?" tanong ko sa kanya.
tumingin sya sa taas habang hinihimas himas ang kanyang chin na para bang may invisible beard sya. haha! ancute!
"hmmnnn.... san kaya maganda.." patuloy lang ito sa invisible beard nya habang naka nguso. gusto ko tuloy syang picturan!
*click!*
"oi! anu yun ha?? " si Tin, na nanlaki ang mga mata sa pagkagulat.
"ha? ah, w-wala! ringtone ko yun!" hahaha! kakatuwa talaga ng babaeng to oh!
nag pout na naman sya at biglang ngumiti, "aha! Prei! i know na kung san tayo pupunta!" tsaka hinila na nya ako patungo kung saan!
nakarating kami sa likod ng mall. dito kasi banda, maraming nagtitinda ng mga streetfoods.
"oh ano? game? lahat ng klase!"
nagulat naman ako sa sinabi ni Tin! lahat ng klase?? seryoso sya?? ganun sya katakaw sa streetfoods??
"ui! ano na? takot ka noh? hindi mo yata kaya eh!" sabi nito. aba! hinahamon ako!
"haha! ako? takot? tss! di naman nangangain yan eh! ako ang kakain sa kanila! oh! tara na! ano pa hinihintay mo?!" dami ko pang sinabi!
ayun! nagpahila na naman ako sa kanya! lahat ng klase ng streetfoods na tinitinda nila, binili na namin! tempura, kikiam, fishball, squidball, kwek kwek, hotdog, chicken skin, fries, tokneneng at ang panulak namin, isang basong gulaman! lang! nakow! papatayin ako ng babaeng to!
pumwesto kami sa isang table, since para syang open carinderia na ang sineserve ay streetfood at nasa gilid ng kalsada.
"Tin! madalas ka ba dito?" tanong ko habang nilalantak ang kwek kwek.
"ai oo! paborito ko kasi! hehe" sagot naman nya habang kumakain ng kikiam.
ngumiti ako sa kanya. isang babaeng mahilig sa streetfoods. napaka simple nya. maswerte ang taong mamahalin nito.
natapos na kaming kumain at napagdesisyunan na naming umuwi. may pasok pa bukas kaya hinatid ko muna sya sa bahay nila. just to make sure that she's safe and i have to be a gentleman. ehem. this had been a great date.
pag uwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko. now what?
nagbihis ako ng pambahay, shorts tsaka sleeveless. magbabasa na lang muna ako ng libro. pumunta ako sa mini bookshelf ko at kinuha ang isang Goosebumps series ni R. L Stine, welcome to dead house.
nagulat ako ng may nahulog mula sa libro. isang picture. pinulot ko iyon. and then suddenly, i remembered it all.