Chapter Thirteen-I will survive

"Prei, im leaving"

para naman akong timang na natulala. "anong ibig mong sabihin?"

"magtatransfer na ako ng school, yung malapit sa amin"

"no Quennie.. dont leave us!!" sabi ni Ruby

"oo nga! dont leave us!! wag kna mag palit ng school! dito ka nalang.." dugtong pa ni Josie

"teka! bakit ka magtatransfer?? hindi naman pangit yung Polystene University ah!" para na akong iiyak, as in !! bago pa nga lang kami nag gegetting to know each other, tapos transfer agad!!

"gusto kasi ni mama na malapit lang samin yung school, kaya ayun! dont be sad na guys! magkikita kita pa naman tayo eh. bibisitahin ko rin naman kayo dito"

"pero kahit naaaaa!!!" hi-nug naman ni Ruby si Quennie.

"ui kami rin! Prei, dali!!" sabi naman ni Josie. "yes naman !! group hug!!" sabi ko sabay yakap sa kanila.

"hahahahahahaha!! aaaddiikk!!" para kaming mga baliw dito, una parang iiyak na tapos tatawa tawa rin naman. sabay sabay pa silang nagsalita ng 'adik'. haiii, mamimiss ko ang babaeng to.

"so stick with us cause Phineas and Ferb are gonna do it all!!!"

yap ! im watching my all time favorite show! Phineas and Ferb!

*kkkkkkrrrrrrrrriiiiiiinnnnggggg!!!!" (message alert tone yan!! lol)

from: unknown number

hey gorgeous

hala! sino kaya to?

uhm, sino ka?

ilang segundo lang...

im Tin. your Princess, right?

O_O

OH! MY! GI!!

si Tin? as in Cristine the beautiful girl with JG?? waaaaaaahhhhhh!!!! pero dapat, hindi ako pahalata.

Tin who?

pero deep inside, killlleeeeegggg!!!

Cristine, yung friend ni Jasmine. sabi nya kasi, gsto mo ko mkatxt

hala!! aish! lagot sakin yang JG na yan !! binuking ba naman ako?? hmp.

ah, hehe.. oo, kakahiya naman sayo

naku, wag ka mahiya, crush naman kita eh. ganda mo kaya

naku, wag kang ganyan. kinikilig ako! haha

nagpatuloy pa yung text namin. inabot ata kami ng 1:00am. tzk. i take it back. hindi na lagot sakin si JG, instead, ililibre ko sya dahil nakilala ko si Tin. ^__^

~next day

andito kami ngayon sa mall, kasama ko si JG. gusto daw gumala, eh tapos na naman yung klase namin kaya ayun!

habang naglalakad kami papuntang national bookstore.. "ui, si Andy ba yun?" sabi ko habang lumilinga linga para makita kung sya nga yun. "sino kaya kasama nya.." dagdag ko pa. ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita kong magkasama sila ni Mariz. para akong naglue sa tinatayuan ko.

"ui PG. ok ka lang?"

hindi na ako kabilang sa grupo. ang sakit. dati kayong tatlo yung laging magkasama. para na nga kayong magkapatid kung mag turingan. tapos sa isang iglap lang, malalaman mo nalang na hindi ka na nila sinasama sa mga outing nila. masaklap pero, ganyan talaga ang buhay. lahat nag babago. kahit pagkakaibigan.

oras na para gamitin ko ang paborito kong linya, "im fine." at konting pilit na smile.

tiningnan ako ni JG na para bang alam nito na faker ako. "tara, arcade tayo" sabi nito habang nakangiti.

napangiti rin ako. tzk. this girl knows how to put my good mood back.

pumunta na kami sa arcade at lahat na ata ng games, nilaro na namin.

kakatapos lang namin maglaro ng basketball ng may tumakip sa mga mata ko.

"ui JG ! hindi ako makakita! ano ba?" sinubukan ko pang tanggalin yung mga kamay nya. teka? ganito ba kalambot yung kamay ng babaeng yun??

"hahaha! anong ako? andito kaya ako sa harap mo !"

nung wala na yung mga kamay sa mata ko, agad akong tumalikod at! ai anakng!

"hehe. hi Princess"

nakatulalang nakatingin ako sa kanya, "h-hi T-tin.."

nakita ko naman ang panay tawa na JG. hmf. kung di ko lang nahawakan kamay ni Tin.. nakow! kinilig tuloy ako!

"oh tara na guys!" biglang yaya ni Tin.

"ha? saan tayo pupunta??" tanong ni JG.

"saan pa! edi mag vivideoke! tara bilis!!" excited na hinawakan nya yung kamay ko. fudge!!! namumula na ata ako !

kumuha kami ng isang room. pagpasok palang namin, agad na pumindot ng number si Cristine. napangiti naman ako nung nakita yung kantang pinili nya.

"ok, this song is dedicated to all of us!! i hope you all enjoy!" sabi nito sa microphone.

"anong enjoy? eh yan lagi kinakanta mo pag nagvivideoke tayo!" sigaw naman ni JG.

tawa lang ako sa kanila.

nagsimula nang kumanta si Tin at mas lalo pa akong napatawa dahil feel na feel nya yung pagkanta.

"first i was afraid, i was petrified

keep thinking i could never live without you by my side

but then i spent so many nights

thinking how you did me wrong

but i was strong, and i learned how to carry on!!"

laughing out loud kaming dalawa ni JG. ai grabeng babae to.

di ko namalayan, nagkakagusto na ako sa kanya. for real.

natapos ang aming videoke session at kinailangan nang umuwi ni JG, sabi nya may pupuntahan daw, pero if i know, pakana nya lang yun pra makasolo kami ni Tin. ayee, gusto ko rin naman.!

nasa labas na kami ng mall, "uhm, Princess. nagmamadali ka bang umuwi?" tanong nya sakin

"ah, hi-hindi ah. bakit? san mo gustong pumunta?" ayan na naman ako sa pagstastutter.

"punta tayong plaza! gusto kong magpahangin." sabi nito sabay hawak sa kamay ko.

habang nagbabantay kami ng jeep, tinitingnan kami ng mga tao. akala siguro nila, couple kami. medyo awkward pero ayokong bitawan yung mga kamay nya. ang gaan kasi sa feeling.

nagpara si Tin ng jeep at sumakay na kami. pagdating namin sa plaza, umupo kami sa isang bench, hawak nya pa rin yung mga kamay ko.

ilang minuto rin kaming tahimik ng magsalita ako.

"Cristine..."

"hmmn?" tsaka ito naglean sa balikat ko

"alam mo bang tinitingnan tayo kanina ng mga tao?"

hindi ko nakita pero alam kong napangiti sya.

"alam ko"

"hindi ka ba.... uhm... na-nahihiya? kasi na-nakahawak ka sakin?" medyo nakakahiya yung tanong ko pero walanjo! curious eh!

napabangon sya sa balikat ko at tiningnan ako. ako naman kinabahan bigla kasi baka nagalit o na insulto.

nagulat ako ng bigla syang ngumiti.

"bakit naman ako mahihiya? ang importante, tayo. hindi sila."

anong ibig nitong sabihin?

sumilip ito sa relo nya at sinabing, "i gotta go."

kiniss nya ako sa cheeks at tumayo."lets do this again, my Princess"

she let go of my hand at natulala na naman ako.

~Polystene University

buong araw kong iniisip yung nangyare samin ni Tin. ano kaya ibig nyang sabihin. may gusto rin kaya sya sakin?

tinext ko si JG at sabi nya baka nga may chance na gusto nya rin ako at ligawan ko na daw bago pa maagaw ng iba.

eh panu yan? hindi ako marunong manligaw!!

lunch break na at nasa cafeteria kami nila Ruby, Josie at Quennie. habang kumakain kami, may narinig ako sa kabilang table.

"... nagka girlfriend na sya dati! sabi nya sakin yun. sabi sa inyo eh, lesbi si Gabrielle."

medyo na bilaukan ako sa narinig ko. si Gabrielle? as in Gabrielle Anne Ledesma ba yan?

"ui Prei, ok ka lang? eto tubig oh" binigyan naman ako ng tubig ni Josie. pagkatapos kong uminom, ngumiti ako sa kanila at sinabing, "ok na ko. hehe"

pinagpatuloy ko ang pagkain at pakikinig sa kabilang table. saka ko lang nakita na classmates ko pala yun.

so, si Gab nga yung tinutukoy nila. wala na namang ibang Gab sa room namin eh.

hmmn.. panu kaya kung sa kanya ako humingi ng advice?

tama. sa kanya na lang ako magpapaturo kung paano manligaw.