Chapter Twelve-Crush,crush,crush

Isang linggo ang lumipas simula nung tinatawag kong babes si Kimberly. eh hindi naman kasi sya nagrereklamo kaya kahit sa klase, yun parin tawagan namin.

"ui Prei, kumusta nga pala kayo ni babes mo?" tanong sakin ni Quennie. nasa classroom kami ngayon, sina Josie at Ruby, busy sa pagwawattpad, kaya kami nalang ni Quennie yung nagkukwentuhan.

"ayun, babes parin." nagtinginan kami ni Quennie at sabay napatawa.

*bog!*

napatigil kami ng tawa ng may sumipa sa upuan ko, nakita ko si Gab na nakatingin samin.

"ay, sorry Prei, di ko sinasadya.." sabi nito

ngumiti lang ako at tumalikod sa kanya. haii naku, mapuntahan nga babes ko.

hinanap ko sya at ayun sya nag wawattpad din.

"kwe, sandali lang ha, puntahan ko lang babes ko"

"hala! sige! larga!"

tumayo na ko at tumungo kay Kim. "hi babes" umupo ako sa tabi nya at inakbayan sya.

"ui babes" akmang ikikiss ko sya sa cheeks nya pero lumayo sya at napangiti.

"babes naman, wag dito, nakakahiya.." napatawa naman ako sa sinabi nya nang biglang pumasok yung teacher namin.

bumalik na ako sa upuan ko at nakinig sa lesson namin.

Gab's POV

ano ba naman tong mga kaklase ko. bakit usap usapan sila Prei tsaka Kimberly? anong meron sa kanila? tsaka ano yung babes?

"ui Prei, kumusta na pala kayo ng babes mo?" hala, si Quennie yun, malapitan nga.

"ayun, babes parin" habang tumatawa sila, pumwesto ako sa likuran nila, at dahil kapatid ko si clums, ayun! nabangga ko upuan ni Prei.

"ai, sorry Prei, di ko sinasadya" ngumiti lang sya at tumalikod agad.

handa na sana akong makinig sa tsismis nila ng bigla naman itong umalis, paunta kay Kim! aish!

"ui Gab, anong nginunguso nguso mo dyan?" lumapit si Ronnie sakin at umupo sa tabi ko

"ha? nakanguso ba? wala yan.. nag eexercise lang ako gamit yung nguso ko" at ginalaw galaw ko yung nguso ko, to the left, to the right, up, down..

tawa ng tawa si Ronnie ng dumating na si mam.

Prei's POV

naglalakad ako ngayon sa campus palabas ng gate, kasama si Quennie.

sina Ruby tsaka Josie kasi, na una na. habang naglalakad kami...

"Princess Gelle!!"

"ai, anu ba yun? aarestuhin ba ako? wala akong kasalanan!!" sino ba yung sumigaw ng pangalan ko.?

"hoy PG!!"

"AAAIII!!! JG!! kumusta kana? long time no see!"

para na kaming timang dito kakatili.

"ok lang, ikaw? sino kasama mo?"

"ai, eto nga pala si Quennie, gff ko tsaka classmate. Kwe, si JG, bestfriend tsaka classmate ko nung highschool."

"hi."

"hi."

"ikaw? kasama mo?"

"ai, si Cristine nga pala, classmate ko. Tin, si Princess Gelle"

para naman akong nakakita ng anghel sa ganda!!

"H-hi, Cristine"

"hi Princess" ngumiti ito at nahimatay ako !

pero syempre joke lang, . do you believe in joke?

"ui, Prei, ma una na muna kami ha, see you around nalang."

"sigee"

lumingon si Cristine sakin tsaka nag wave.. haiii..

"hoy Princess Gelle Lopez!"

grabe, di ko kayang mawala sya sa isip ko!

"i-i think im inlove"

"ai grabeng o. a!! inlababo agad?? anu yun? love at first sight?? di na yan uso, te!"

"che!! ingay mo kwe! tara na nga!"

umuwi na kami ni Quennie pero ako, hindi ko parin sya makalimutan.

next day....

"ui JG, sino ulit yung kasama mo kahapon? yung maganda.?" nagkita kami ulit ni JG sa canteen kayanag chika minute muna kami.

"ah, si Cristine, bakit?"

JG stands for Jasmine Gail. Jaine Gail Herrera. isang nursing student. schoolmate, kaklase nung highschool at tsaka kaibigan ko

naging close kami nun ng dahil sa dalawa kong bestfriend na sina Mariz at Andy. si Andy, girlfriend yan ni JG. at oo, t-boom sila.

pero nagsimula silang maging malabo nung pinagselosan kami ni Andy. lagi kasi laming magkasama noon ni JG kasi classmate ko sya, sina Andy at Mariz, nasa kabilang section.

at dahil sa selos na yun, naging malabo rin yung friendship naming dalawa ni Andy.

yung dating superclose na bonding namin, naging awkward.

"dont tell me, gusto mo si Tin?" sabi ni JG.

"oo eh, ui baka naman pwede kong kunin yung number nun?"

"oh sige, ibibigay ko sayo pag pumayag sya."

napangiti naman ako dun, ng bigla kong naalala, "ui JG, kumusta kayo ni Andy?"

bigla syang nalungkot at sinabing, "PG, wala na kami"

"ha?! bakit?? anong nangyaree??"

"eh, di ko na kaya eh. masyado na syang nagiging possesive. di na ko makahinga"

"sayang naman kayo. pero di bale, friends naman kayo, diba?"

"oo, pero sabi kasi nya, hindi daw sya titigil hanggat hindi kami magkakabalikan"

"hala! creepy naman nun! tzk. kami nga eh, di na nag uusap."

"di bale, kakausapin ko yun para sayo, oh sya, ma una na ko PG. klase pa eh, bye!"

"ui! yung number ni Tin ha! hehe bye!"

umalis na si JG at ako naman, hinanap ko na yung mga gff's ko.

nandun sila sa may shed malapit sa college namin.

"yow guys! wazzup?" bungad ko sa kanila. teka, parang something is not right, ah.

"ui, ano problema natin?"

tumingin si Quennie sakin tsaka sinabing,

"Prei, im leaving."