Chapter Eleven-Can you keep a secret?

Veronica's POV

Ronnie lets talk.

ilang araw na nagtetext sakin si Red pero di ko sya nirereplyan. gusto ko na syang i break pero lagi nya akong binabantaan na sasaktan nya daw ang taong umagaw sa akin.

i'll be at your house by 6.

5:30 pm na. ano na naman kaya sasabihin nito.. babantaan na naman ako?

i threw my phone on my bed and went downstairs to watch tv. bahala sya kung pupunta sya dito.

after 30 minutes, dumating nga sya, he had this drunken aura again. tss. ke aga aga, lasing agad.

"Ronnie..." sabi nito habang papalapit sakin. buti at wala sila mama't papa.

"what do you want Red?"

"Ronnie, i love you. please dont love someone else."

"what are you talking about?"

he grabbed my hand so tight, that it hurts. "ano ba Red?! nasasaktan ako! wala ngang 'iba' diba!"

"kung walang 'iba', then why are you so fucking cold!? hindi ka naman ganyan dati diba?" mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa akin.

"Red!" i gathered all my strength and pushed him so hard. nawalan sya ng balance kaya napa upo sya sa sahig.

"why Ronnie? anong nangyari?" i could see tears running down his eyes.

i cant take this.

"damn it Red!"

i ran outside and thought that i had no place to go..

i decided na pumunta ng plaza,.. as i was walking, naalala ko si Gab. yung pagsabi ko sa kanya na may boyfriend na pala ako, yung yakap, yung kiss sa cheeks...

"veronica?"

"gelle?"

"anong ginagawa mo dito?"

"ikaw? anong ginagawa mo dito?"

kahit na hindi kami masyadong close, gusto kong mag open up sa kanya..

"ah, wala.. gusto ko lang magpahangin.. ikaw?" sabi ni Gelle

hindi pa ko nagsasalita, na iiyak na ko..

"ui, veronica, ok ka lang ba? anong problema? alam mo, pwede mo naman akong sabihan eh.. para hindi mabigat dyan." at tinuro nito ang puso ko.

napahagulhol ako habang sya, hinihimas yung likod ko. "sige, iiyak mo lang yan.."

habang unti unti na akong tumatahan, pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin kay Gelle. ngumiti ako sa kanya ng mapakla.

"Gelle, can you keep a secret?"

hindi nya inaalis yung kamay nya sa likod ko, "oo naman."

i took a deep breath and told her everything.. nakikita kong parang nagulat sya but i didnt mind. patuloy lang ako sa pagkukwento..

"so you see, Gelle. may boyfriend ako, but yet, i fell inlove with a girl. and i dont think i wanna be with Red anymore. masyado na syang nagiging possessive sakin. i just cant take it." i said with a sob.

"gee, Ron, i dont know what to say, but i think, kailangan mong pumili kung sino ngaba talaga sa kanila yung mas matimbang.. kasi pagsinabay mo sila, dalawa sila ang mahihirapan."

"i guess youre right.. thanks Gelle.."

"ampangit naman nung 'gelle', parang gel sa buhok, Prei nalang. total, close na tayo..." she smiled at me which made me smile too.

finally, i found someone who i can be open with.

Prei's POV

hindi ko maipaliwanag kung ano ba dapat kong maramdaman nung narinig ko yung kwento ni Veronica.

so, gusto pala sya ni Gab. at gusto nya rin sya, pero ang problema, may boyfriend.

haii, wag nalang kaya nyang iwan si boyfie, tapos akin na lang si Gab? diba?

ay ang sama.. selfish yun..

kailangan ko nalang ibaling muna sa iba yung atensyon ko at pigilan ang sariling magkagusto ng lubusan kay Gab.. tama! aja!

~~Polystene High

"malapit na matapos yung first semester nyo at sa second semester, magkakaroon kayo ng ojt o on-the-job training dito sa schools cafeteria. paghahati hatiin ko kayo sa limang grupo. una sina blah blah blah..."

ito na nga ba sinasabi ko eh! ojt! di ako makapaghintay!! mukhang exciting to eh.

"second group.. blah.. blah.. blah.."

habang hindi ko pa naririnig ang apelyido ko, may naririnig akong naghahagikhikan.. paglingon ko, aba! si Gab tsaka si Ron? kelan pa sila naging seatmates??

".... Lauron, Lachica, Ledesma, Lopez, blah, blah blah..."

ui! ako yun ah.. teka! anong group yun?

"ui, Ruby.. anong group ako?" kinilabit ko sya kasi sya yung seatmate ko, nasa tabi naman ni Ruby si Josie, tapos sa likuran ko, si Quennie.

"ayan! di kasi nakikinig! group 3 ka." to namang si ate, pagalitan ba naman ako?

"sorry po..." ala chichay ^____^

pagkatapos ng lahat ng klase namin, nagsi uwian na kami.

pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto, nagbihis at bumaba agad.

"oh, andito kana pala, hala, magsaing kana dun."

"opo"

sinunod ko kaagad si mama, pagkatapos kong magsaing, pumunta ako ng sala ng may pumasok sa bahay namin, si aling Chay, yung bestfriend ni mama.

"ui frend! andito kana pala, umupo ka muna at magbibihis lang ako" tsaka umakyat si mama at iniwan kami. awkward silence. =___=

"ate, tingnan mo! Phineas and Ferb na!" pukaw sakin ng kapatid ko.

nanood na lang ako ng tv at maya't maya lamang, nakabihis na si mama.

"ma! san ka pupunta?" tanong ko. bihis na bihis eh

"may bibilhin lang kami, ikaw na muna bahala dito Prei, ha.. wag kang tatanga tanga dito.." pagtataray nito.

"opo" napayuko nalang ako

"frend, anak mo?" tanong ni aling Chay.

"oo, ayun si Lester James, naku! napaka kulit ng batang yan. at yan? si Prei, ewan ko lang kung kasing talino yan nung kuya nya.. parang hindi naman kasi.. tara na nga.."

umalis na sila mama, ako naman parang iiyak na. ang sakit namang magsalita ni mama, ganun ba ako kabobo sa paningin nya? oo, di ako nagka awards nung highschool, pero di ibig sabihin nun, bobo na ako. tapos lagi pa akong kinukumpara sa kuya ko. pwes. papatunayan ko sa inyo, ma. kung ano ang kaya kong gawin.

lumipas ang mga araw na pinagbubuti ko ang pag aaral ko, sina Gab at Ron, mas lalong naging close. hindi ko na alam kung ano estado nila ngayon.

~~Lunchtime

"alam mo Prei, amdaming babae sa mundo, wag kang stick to one!" sabi ni Quennie habang kumakain ng hotdog.

"ano ka ba kwe, dapat lalaki yung irereto natin kay Prei" kahit kelan talaga, ayaw ni Ruby na maging t-boom ako.

"oo nga naman. tama si Ruby... ayun oh! may gwapo!" segunda naman ni Josie.

"saan?? saan yung gwapo?" si Quennie naman, na pa linga linga ng ulo.

"ui! ayun Prei oh! chix! haha!" si Quennie talaga.. tiningnan ko yung tinuro nya at yun ay kaklase naming si Kimberly.. pumipila sa counter.

"sandali lang ha.. may bibilhin lang ako" tumayo ako at narinig ko pang tumawa si Quennie, "haha! go girl!! i mean, boy! haha"

"ano ka ba!" suway sa kanya ni ate Ruby.

haha, ansaya nilang tingnan !!

lumapit ako kay kimberly at inakbayan sya. "hi babes", sabi ko sabay kindat.

"Hi"

aba! hindi manlang pumalag?

"ok lang ba sayo na maging babes kita?" pa cute ko sa kanya

"oo naman.. babes.." sabi nito habang nakangiti

yun oh! ito yung gusto ko eh! babes pala ha..

pagkatapos nyang magbayad, kinuha ko yung tray nyang may pagkain at sinabing, "tara babes, san upuan mo? gusto mo, share ka nalang samin?"

"sure babes"