Chapter 25: Another Chance For Them
Pinagsabihan ni Pamela ang binata na tigilan na siya saka pingrangka kaya siguro agad sumunod ito. Mabilis ding narealize nito na hindi ito dapat umasang pagbibigyan niya pa itong saktan na naman siya. Maluwag na nakahinga si Pamela dahil ilang linggo nang hindi nagpapakita sa kanya si Lucas. Pero ang lalamunan naman niya ay parang may malaking bato dahil para siyang mapapaiyak. Ayaw niya nang bigyang kahulugan ang kahungkagang nararamdaman. Narealize niyang may bitterness pa rin siyang naramdaman. She just decided to get busy in New Zealand that she forgot to deal with it. Ilang gabi din ulit siyang napaiyak dahil sa mga realization niya pero pagkatapos niyang maiiyak ang lahat, sinabi niya sa sariling tapos na ang pag-iyak at muling haharapin ang kasalukuyan. Kahit hindi makausap ang binata, nagdesisyon na siyang patawarin ito at palayain ang nararamdaman niyang kalungkutan na matagal niyang itinago sa sulok sa loob ng mahigit isang dekada. Sa tingin niya ay magiging okay na siya kapag nagkita ulit sila. Makakaya din niyang maging isang kaibigan dito, walang halong malisya o kahit na anong romantikong bahagi.
Pagdating ng alas-sais ng gabi, nag-ayos na siya. Napatigil din siya nang makarinig siya ng pagkatok. Parang may nagkakarerahang kabayo sa sistema niya habang hinihintay ang pagbukas ng pinto. Pero parang nag-parachute na bumulusok lang ang puso niya nang makitang ang Kuya Quint niya ang sumilip.
“I-ikaw pala, Kuya Quint.”
“You seem disappointed, Pam,” mahinahong sabi nito pero hindi na nangulit. “May naiwan lang din ako. Magdi-dinner kami ni misis. Halika na.”
“Hindi na, Kuya Quint. Busog pa ako eh,” pagdadahilan niya. Nakangiting tumango lang din ito saka sinabayan na siya sa paglabas ng opisina.
Nang makasakay siya ng bus pauwi sa Rosario ay umupo siya sa tabi ng bintana. Pero parang may bombang sumabog sa harap niya nang biglang huminto ang bus kasabay ng malakas na tunog. Muntik pa siyang mauntog sa upuan sa harap niya. Nasa kabilang lane ang kaguluhan. Kitang-kita niya ang isang kotseng bumangga sa isang poste Nang makita niya ang plate number ay nagmamadali siyang kumilos para bumaba ng bus.
Marami nang mga bystanders na tumawag ng rescue. Binuksan na ang pinto ng kotse saka nakita ang lalaking nakasubsob sa manibela. “Lucas! Lucas!” Pumasok siya sa kotse at pilit ginising ito. Nasa dashboard pa ang isang bungkos ng mga pink roses. Nang galawin niya ang binata ay walang malay ito at duguan ang mukha. “Lucas, please wake up.” Pero hindi tumugon ang binata. “Lucas, gumising ka please,” aniyang hindi na namalayan ang pag-iyak. “Lucas, huwag kang bibitaw please.”
Nang dumating na ang rescue ay pinalabas na siya pero may isang bata na kumuha ng bulaklak sa dashboard kaya inagaw niya iyon. Nang tingnan niya iyon ay lalo siyang napaiyak nang mabasa ang nakasulat sa card “Pamela, sweetheart, sorry matagal akong hindi nagpakita. But I want to court you again. Please give me a chance.”
Sumama siya sa ambulansiya. “Boyfriend ko iyan,” pagsisinungaling niya habang umiiyak. Nag-hysterical na siya habang nakikipagtalo sa mga ito hanggang nawalan siya ng malay.
Nang magising siya ay nasa emergency room na siya. Agad siyang bumangon. “Miss, magpahinga muna kayo,” awat ng nurse.
“No! Nasaan ang boyfriend ko? Si Lucas Lagdameo,” natatarantang sabi niya at hindi na mapigilan ang pag-iyak.
“Nandito ako, sweetheart.”
“Huh?”
“I’m here, sweetheart,” ulit nito. Nakilala niya ang boses ni Lucas kaya nagmamadali siyang bumaba ng kama at pinuntahan ito.
“Lucas, Lucas,” sabi niya nang makita ang binata. May benda ang noo nito at may mga pasa. “Are you okay? I thought you were dead,” sabi niya at napahagulgol sa dibdib nito. “Bakit kasi hindi ka nag-iingat? Mag-ingat ka nga,” patuloy na sermon niya habang umiiyak.
“Sorry na,” malambing na sabi nito saka niyakap ang isang kamay nito sa kanya na hindi nakabitan ng dextrose.
“Ma’am, naiwan niyo po sa kama,” sabi ng kusap niyang nurse at iniabot ang bouquet ng rosas na gusot na.
“Thank you,” sabi niya at mabilis na niyakap ang bulaklak at inamoy iyon. Inilapag niya iyon sa kama saka muling yumakap sa binata. “Don’t make me cry again. Naiinis ako ha,” aniya.
“Hindi na po,” anito at hinalikan ang noo niya. “Kiss mo muna ako-”
“Okay,” aniya at siniil ito ng halik sa mga labi na tatagal pa kung hindi sila nakarinig ng mga pagtikhim. Naroon na ang doktor at nurse kasama sina Leandro, Tiffany, at Isaac na nakangiti sa kanya.
NAKALABAS na si Lucas sa ospital kaya nagpapasalamat si Pamela na okay na ito. Araw-araw siyang pumunpunta roon kapag lunch break at pagkatapos ng trabaho. Kilala na siya ng mga magulang nito bilang isang kaibigan ng binata kaya nakikita niyang nakasimangot ito. Kapag naiiwan sila sa kuwarto ay nagugulat siya lagi dahil mabilis siya nitong nahihila at nasisiil ng halik sa mga labi. Inis na inis daw ito dahil hinalikan niya na ito kaya hindi ito papayag na kaibigan niya lang ito. Siyempre sasagot siya na pinagbigyan niya lang ito dahil gusto niyang maging okay ito.
Pagkatapos ng opisina ay lumabas na siya ng munisipyo pero bago pa siya makababa ng hagdan ay nagulat siya dahil biglang sumulpot si Lucas sa kung saan at inagaw ang bag niya saka siya hinalikan sa pisngi. Mabuti na lang at dalawang oras siyang nag-overtime kaya mga security guard na lang ang nakakita sa kanila at pasimpleng sumisipol naman ang iba. Dalawang linggo niya itong hindi nakita kaya hindi man niya aminin ay namiss niya ito. Yes, she missed him so much. She loved him so much. She realized she never stopped loving Lucas. Natakot lang siya dahil sa trauma na naiwan sa kanya. Pero dahil sa aksidente ay tila may takip na naalis sa puso niya at muling lumitaw ang pagmamahal niya rito. “Ano na naman?” Pinilit niyang agawin ang bag dito.
May kaunti pang bakas ng ilang mga pasa mukha ni Lucas pero hindi naman nabawasan ang kagwapuhan nito. “Good evening, my pretty girlfriend.”
“Hoy!”
“Yieee,” sabay-sabay na sabi ng mga empleyadong nanonood pala sa kanila.
“Girlfriend ko siya. One month ko na kami,” nagmamali pang sabi nitong parang nag-aannounce lamang ng kalagayan ng panahon sa balita.
“Hindi totoo iyan!”
“Huwag na kayong mahiya, ma’am.”
“Oo nga,” sang-ayon ni Lucas saka isinakay na siya sa kotse nito na parang bagong kasal. Dahil nabigla siya ay hindi siya nakapalag.
“Nakakainis ka na, Lucas Lagdameo.”
“Bakit na naman?”
“Ano bang pinagsasasabi mo?”
“Totoo naman ha,” balewalang sabi nito at in-start na ang makina.
“Hoy-”
“May malay ako nang marinig kitang naghi-hysterical. Hindi ko lang maidilat masyado ang mga mata ko habang nakalagay ako sa stretcher. I saw and heard you arguing with one of the rescue staff. Ayaw ka nilang pasakayin. Sabi mo boyfriend mo ako.”
“I just said that-”
“Walang bawian. Madaya ka naman,” sabi nitong parang nagtatampo na sa kanya.
“Lucas naman-”
“Two months akong hindi nagpakita. Sabi ko na naman sa sarili ko, wala na sigurong chance na maging boyfriend niya pero ayokong mag-give up. Susuyuin ko pa ang sweetheart ko. I already promised her I would make her happy because I also wanted to be happy with her.”
Natigilan siya sa pakikipag-debate at napatingin dito. “Lucas-”
“No more buts please. Siguro unfair pero isipin mo naman, maraming nakakita at nakarinig. Naka-upload pa sa Facebook kaya alam ng buong Santiago na girlfriend na kita.”
“Sasabihin kong sinabi ko lang-”
“Please naman,” mahina pang sabi nito. “I’m begging you.”
“Please let me think about it for now, Lucas. Please.”
Napabuntung-hininga lang ang binata. “Okay.”
DUMALO sa blockbuster na oathtaking si Pamela para kina Leandro bilang bagong gobernador at Isaac bilang bagong mayor ng Santiago. Required iyon dahil nanatili siyang secretary ng pinsan niyang si Quint na bagong vice mayor at kasabay din sa selebrasyon. Maagang dumating sa bahay nila si Lucas para sabay silang pumunta sa malaking stadium sa Rosario. Nanibago siya sa hitsura nito dahil nakasuot ito ng barong-Tagalog.
Nang tingnan niya ang binatang nakangiwi lang mula pa kanina dahil nangangati raw sa barong ay napangiti siya. Naiilang din daw ito sa suot nito pero kung alam lang nitong parang gusto niyang lumuhod at yumuko sa harap nito dahil para itong si Ares sa Greek Mythology. Napakakisig nito lalo at parang handa lagi itong ipagtanggol siya sa kung sinumang magtangka ng hindi maganda sa kanya. Nakaakbay lang ito sa kanya. Hindi nito pinapansin ang pang-aasar nina Donatello at Alessandro sa kanila. Makukulit pa rin ang mga ito.
Sa loob lang ng ilang buwang kakulitan ni Lucas ay natitibag na naman nito ang pader na ipinalibot niya sa sarili. Nagpaka-bakla na nga rin siya, hoping na matu-turn off ito pero parang lalo lang itong natuwa sa kanya. Lalo pa itong nagpa-cute kahit sobra na nitong cute. Kung may nag-iba man, hindi na rin siya nito kinukulit na maging girlfriend nito. Malambing lang din talaga ito na naintindihan niyang likas para dito nang minsang bigla siyang dalhin nito sa mansion ng mga magulang nito. Napakabait ng mga magulang nito. Sinasabihan pa siyang kulitin si Lucas na tumigil na sa pagiging NBI dahil nag-aalala din daw ang mga ito para sa nag-iisang anak na lalaki ng mga ito. Sinabi niya sa binata ang napag-usapan ngunit ngumiti lang ito at sinabing hindi ito titigil. Pangarap daw nito ang maging pulis, militar, o NBI man. Iyon daw ang nakikita nitong mas magandang pagkakataong makapaglingkod sa kanilang bayan. Lalo tuloy siyang na-in love dito.
Nang matapos ang oathtaking ay dumiretso sila sa ancestral mansion ng mga Lagdameo para sa victory party. Napangiti siya nang makitang sweet na sweet si Isaac sa kaibigan niyang si Belle. Kinilig din siya dahil sa naging sweet wedding proposal ni Leandro kay Tiffany pagkatapos ng speech nito. Nang matapos ang nangyaring party, dumiretso na sila ni Lucas sa Rosario pero nagtaka siya nang inihinto nito ang sasakyan sa parking lot sa gilid ng Rosario City Park. “Lucas?”
“Gusto ko lang din sanang mag-usap tayo. Saglit lang please.”
“Okay.”
Naghanap sila ng magandang puwesto. Nang umupo sila ay saglit silang tumahimik. Paulit-ulit namang hinalikan ng binata ang kamay niya. “Sweetheart?”
“Lucas.”
“Nakapag-isip na ako tungkol sa ginagawa kong panliligaw sa ‘yo. Gusto ko lang magtanong kung naiilang ka ba o naaasiwa.”
Saglit siyang natahimik bago sumagot. “Nasanay na ako.”
“Okay. Narealize ko lang naman na sa tingin ko ito na ang chance para pag-usapan natin ito. Kung okay lang naman, sana malaman ko ang sagot mo. Okay lang kung ayaw mo, nangangako akong hindi na mangungulit. Nangangako akong hindi kita pipilitin. Promise hindi na ako magpapakita sa ‘yo kahit kailan maliban na lang kung gusto mo akong makita.”
“Lucas…”
“Twelve years na naudlot ang panliligaw ko eh. Lagi na lang nasisira ang diskarte ko, hindi tuloy kita naging girlfriend kahit kailan.”
“I see.” Huminga muna siya nang malalim. Ilang minuto niyang pinagisipan ang magiging sagot dito. “Lucas?”
“Yes?”
“Basa ang kamay mo. Nagpapawis,” nakangiti niyang sabi dito.
“S-sorry,” anito at pinunasan ng panyo ang mga kamay saka siya muling hinawakan at tinitigan.
“Lucas, sa susunod na buwan, same date, bale first monthsary natin ha.”
Kumunot ang noo nito nang ilang sandali saka malapad na ngumiti saka siya siniil ng halik. “Yes,” masayang sabi nito. “Thank you, sweetheart ko,” malambing na sabi nito saka siya niyakap nang mahigpit.
“Sobrang higpit mo yumakap, Lucas. Mas magugustuhan ko kung hahalikan mo na ulit ako, gusto ko sa lips ulit iyung torrid ha,” nakangiting sabi niya kaya napahalakhak ito at tinupad nga nito ang request niya.