Chapter 24: The Persistent Suitor

Ayaw i-entertain ni Pamela ang mga pickup line ni Lucas pero nagligalig na naman ang puso niyang parang nakainom ng energy drink. “Aba, aba, aba.”

“Ayaw maniwala nito,” nakasimangot na sabi nito bago muling ngumiti. “Na-miss nga kita eh.”

“Sige na nga. Na-miss din kita. Masaya akong makita ka ulit.”

“Mabuti naman,” anitong umupo pa sa visitor’s chair sa tapat ng mesa niya.

Napapitlag siya nang hawakan nito ang kaliwang kamay niya. “Lucas!”

“Y-you’re engaged?” Nakatingin ito sa singsing sa kanyang ring finger.

“Huh?” Naalala niya ang kunwaring engagement ring na trip niya lang ilagay doon para asarin si Belle pero nalimutan niyang alisin iyon. Actually, engagement ring iyon ng Daddy at Mommy niya na pinakialam niya.

“Ay hindi noh,” natatawang sabi niya at inalis iyon. “Inaasar ko lang si Belle.”

“Belle? Secretary ni Leandro?”

“Yes! Do you know her?”

“Oo naman,” sabi nitong biglang napahalakhak.

“Bakit?”

“Wala lang iyun.”

“Bakit nga?”

“Sasabihin ko na ba?”

“Oo nga.”

“Sige pero sa isang kondisyon.”

“Ano na naman iyon?”

“Dinner tayo after office hours.”

“Lucas, pagod na pagod ako.”

“One hour na lang after ng office hours eh.”

“Baka mag-overtime ako eh,” pagdadahilan niya kaya palihim siyang natawa nang makitang napaisip ito pero nagulat siya nang hablutin nito ang engagement ring. “Hey!”

“Akin na muna ito ha. Gagamitin ko lang.”

“Hindi pwede! Sa parents ko iyan, Lucas Lagdameo.”

“Okay,” anito pero binuksan pa rin ang pinto at akmang lalabas na.

“Lucas Lagdameo!”

“Akin na muna ito.”

“Isauli mo na kasi.”

“Dinner muna kasi tayo.”

“Oo na,” angal niya. Kaya muling ngumiti ito at pumasok na sa opisina ng Kuya Quint niya. “Akin na.” Iniabot nga nito iyon sa kanya pero mabilis ding iniiwas sa kanya at ipinasok sa bulsa ng pantalon nito.

“Not too fast, Pampam,” biro nito sa pangalan niya. “Baka biglang mag-backout ka.” Umupo na ito sa couch.

“Lalaki, bawal ang tambay dito.”

“Hindi ahh. Nagsabi ako kay Quint na may sadya ako dito at kailangan ko lang interviewhin ang mga secretary ng munisipyo para makakuha ng iba pang ebidensiya sa kidnapping case ng pinsan ko.”

“Loko-loko talaga! Wait! Pulis ka? Akala ko magiging engineer ka.”

“NBI agent po, ma’am, at your service,” anito at nag-bow pa. Doon niya lang napansin na nakapolo shirt lang ito na may tatak na NBI. Doon niya napansin na matikas na matikas lalo ito. Dagdag pogi points tuloy lalo sa kanya ito.

“Hindi ka natatakot?”

“Bakit naman?”

“Lucas, vice governor ang binangga niyo. Siyempre may mga kapit pa rin iyan dahil maimpluwensiya rin ang angkan ng mga iyan.”

“Lagi akong nakahanda, Pam. Don’t worry too much about your handsome date.”

“Hitsura mo!”

Napahalakhak na naman ang binata. “But seriously, I always watch my back lalo na ngayong mas malapit na ang election. Don’t worry about me.” Umupo ito at pinisil ang isa niyang kamay.

“O-okay,” aniya at binawi ang kamay. “Doon ka muna sa couch.”

“Sige,” anito at lumipat ng puwesto.

Pagkalipas ng mahigit dalawang oras, natapos niya na ang trabaho. Pinilit niyang maiayos lahat pero kinailangan niya talagang mag-overtime ng isang oras. Napangiti siya nang makitang nakapikit na ang binata. Mabagal siyang lumapit dito at pinagmasdan pa ito. Palihim niya itong kinuhanan ng picture. Ibinulsa niya ang phone at muling tinitigan ito. “Napakagwapo talaga hay Lucas,” sabi niya saka napabuntung-hininga.

“Thank you, sweetheart.”

“Gising ka?”

“Gising na gising!” Malapad na malapad ang pagkakangiti nito. “Iyung picture ko dapat ipa-print mo saka ilagay mo sa ilalim ng unan mo para maging man of your dreams mo ako.”

“Hmp! Feelingero.”

Nagkibit-balikat lang din ito. “Ready?”

“Yes,” nakasimangot na sabi niya. “Akin na ang engagement ring!”

“Mamaya na kasi. Huwag ka nang makulit,” anito at kinuha na ang bag niya.

Bigla siyang natawa dahil isinukbit pa nito ang sa balikat ang shoulder bag niya. Pero kahit sinong makikita ay hindi maniniwalang kasama ito sa liga ng pinsan niya. Napakatikas nito at kung pagmamasdan ang kilos nito ay parang mas gumwapo ito sa paningin niya. “Bagay sa ‘yo?”

Humarap ito sa kanya saka kunwaring napatutop ang bibig na parang beki talaga. “Thank you, sister,” anito at pinalambing pa ang boses kaya lalo siyang natawa.

“Bahala ka diyan,” nakangiti pa ring sabi niya habang napapailing. Kapag si Lucas ang kasama niya, kulang ang sabihing nakasakay siya sa roller coaster sa dami ng emosyong ibinibigay nito sa kanya. Mapapangiti siya, maiinis, matatawa, maiinis ulit, bago muling mapapangiti. Kaya ka nga na-in love sa kanya, remember? Nainis na naman tuloy siya sa intrigerang bahagi niya. Okay, fine! Pero tapos na na naman din iyon.

“Anong ulit sinabi mo?”

“Huh? Wala!” Sa lalim ng iniisip niya, hindi niya na napansin na naisatinig niya na ang iniisip.

PAGKALIPAS ng dalawang buwan ay tila mayroon na siyang bodyguard sa katauhan ni Lucas. Simula nang pagbigyan niya itong samahan sa dinner ay araw-araw na itong nangungulit para mag-dinner sila. Sinusundo siya nito sa mismong opisina ni Quint kaya inaabot siya ng tukso dito. Nakarating din iyon sa mga kuya niya na nagpapanic na naman dahil playboy pa rin daw ang lalaki. Kaliwa’t kanan daw ang mga flings nito kaya iwasan niya ito. Siyempre ay itinanggi niyang nakikipag-date siya. Hindi naman din talaga siya nakikipag-date dito kung hindi lang kung anu-anong gamit ang kinukuha nito sa kanya at mga stunt na ginagawa para pumayag siya.

Pagdating ng alas-sais ng gabi ay may kumatok sa pinto kaya hindi na siya nagulat nang makitang si Lucas iyon. “Hindi ka ba nagsasawang kulitin na naman ako?” Napabuntung-hininga siya. Halos araw-araw ay iyon sng linya niya dito pero nasanay na siyang makita ito at piliting huwag pansinin ang malakas na kabog ng dibdib niya tuwing ngumingiti ang lalaki.

“Hindi po,” nakangiting sabi nito at inabot sa kanya ang isang tangkay ng sunflower.

Napipilitang abutin niya iyon at inilapag sa mesa. Nag-ayos na siya ng gamit at nilagpasan ang binata pero maagap nitong kinuha ang sunflower sa mesa niya at inagaw ang bag niya. “Ano bang kailangan mo, Lucas? Nagsasawa na akong pagsabihan ka.”

“At hindi ako nagsasawang sunduin ka. Two months mo na akong tinataboy pero nandito pa rin ako.”

“Bakit nga kasi?” Muli niyang inagaw ang bag at isinukbit iyon sa balikat. “Two months na kitang tinatanong puro ka I miss you, puro ka para mag-bonding tayo. Gabi-gabi ang bonding natin? Sobrang clingy mo namang kaibigan,” naiinis na sabi niya. Wala siyang pakialam kahit may nakakarinig sa kanilang empleyadong nakakasabay nila sa hagdan.

“Ang sweet naman,” kinikilig na sabi ng iba.

“Sagutin mo na kasi, Pam.”

“Ako na lang kasi, Lucas Lagdameo eh.”

“Ako rin! More than ten years na akong abangers sa Santiago Brothers.”

“Ako twelve noh!”

“Seventeen ako.”

Para siyang na-stress sa dami ng side comments at iba pang parang nagtatalo. Nalimutan niyang mag-overtime sa unang pagkakataon dahil sa sobrang inis niya. Ang dami nila tuloy kasabay na mga empleyado.

“Akin na siya.”

“Lucas, akin ka na lang.”

Nakangiting humarap si Lucas sa mga katrabaho niya. “Sorry, ladies, dito na ako sa magandang miss eh,” anito at umakbay sa kanya kaya siniko niya ito. Nakita niyang napangiwi ito sa lakas ng impact nito. “Yeah, she can be fierce sometimes. Ganyan ang gusto ko sa mga babae, kayang ipagtanggol ang sarili.”

“Hindi kita gusto noh!” Nagtilian ang iba pa kaya napahiya siya at nainis.

Pero ang inis niya ay napalitan ng kakaibang kilabot nang muling umakbay si Lucas at bumulong sa kanya. “Hahalikan talaga kita dito, sweetheart.”

“Tantanan mo ako, Lucas ha.”

Lalong gusto niyang mapahiya nang makasabay sa entrance ng munisipyo si Belle. “Pamela, ang bilis mo ha!” Mukhang masaya ito para sa kanya. Vocal na vocal siya ritong crush na crush niya si Lucas. Halos lahat yata ng tao sa munisipyo ay alam na crush niya si Lucas maliban na lang sa binata mismo dahil nagpapanggap na siya kapag kaharap ito.

“Oo nga eh, dinaan ako sa bilis.”

“Mabuti naman at pumayag ka na. Naku araw-araw naman bukambibig ka niyan. Crush na crush ka niyan.”

“Really?” Napaharap na ang binata sa kanya. Nakangiti na ulit ito habang may kakaibang kapilyuhang kumikislap sa mga mata nito.

“Oo, noh,” sabad ni Belle. “Oh ayan na ang jeep,” anito at tumakbo palapit sa jeep.

“Thank you ha,” sabi ni Lucas nang makasakay sila sa kotse nito. Pinisil pa nito ang isa niyang kamay at hinalikan.

“Saan?”

“Thank you na crush mo na ulit ako. Ang saya-saya ko talaga ngayon.” Hindi na ito nakangiti.

“Oo na. Eh bakit parang Biyernes Santo ang hitsura mo?”

“Ang hirap kasing paniwalaan. Ang tagal nating hindi nagkita tapos lagi mo pa akong sinusungitan. Sabi ko sa sarili ko kanina nang palabas na tayo sa munisipyo, titigil na ako sa pangungulit sa sa ‘yo.”

“Huh?” Nagtaka siya sa sarili dahil parang nalungkot siya sa narinig.

“Eh kasi akala ko, ayaw mo sa akin. Akala ko walang chance na makalapit ulit ako sa ‘yo. Pero ewan ko. Ayaw ko namang lumayo. Miss na miss kita.”

“Lucas naman eh.”

“Bakit?”

“Okay sige na. Crush kita.”

“Oo nga, nasabi na ni Belle eh. Ayokong bawiin mo iyan.”

“Oo na nga eh pero hanggang doon lang iyon.”

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Come on, Lucas, hindi ako ipinanganak kahapon. Bakit ka nga lapit nang lapit saka nangungulit na naman? Magsabi ka ng totoo.”

“W-wala namang masama ha,” defensive na sagot nito.

“Kapag hindi mo ako sinagot, mag-e-eskandalo ako kapag nangulit ka na naman bukas.”

Tumigil ito sa pagmamaneho at humarap sa kanya. “I want to be your boyfriend again.”

“Lucas naman eh.”

“Please give me a chance, sweetheart. Please, please, please,” anitong parang bata pa na ipinagdikit pa ang mga palad.

“Lucas, alam mong ayaw na ayaw pa rin sa ‘yo ng mga kuya ko. Alam mo siguro kung bakit.”

“Hindi ko naman itatanggi. Pero last time na nakipag-date ako, five months ago.”

“So?”

“May mutual consent iyon. Hindi ko naman ipinagsasabay mga date ko eh. Sinasabi ko nang maayos kapag tapos na kami.”

“Anong ipinagkaiba sa akin?”

“Ikaw, magiging official na girlfriend ko kung papayagan mo akong manligaw ulit.”

“Hindi ka pa ba nanliligaw?”

“Nanliligaw na ako, two months. Hindi ko lang masabi kasi baka itaboy mo na talaga ako.”

“Bakit naman sa tingin mo itataboy kita?”

“Nadarama ko lang. K-kasi…”

“Kasi?”

“Twelve years ago, iniwan mo kasi ako,” nakayukong sabi nito.

Parang may screwdriver na kumalikot sa puso niya. Naalala niya na naman ang naging usapan nito at ng girlfriend nito sa restaurant. “Ano bang gusto mong palabasin?”

“A-ayaw mo sa akin, n-nag-decide kang bastedin ako kaya hindi ka na nagparamdam. D-dapat magkikita pa tayo pero nag-cancel ako. K-kinabukasan d-dapat m-may d-date tayo pero i-iniwan mo ako.”

“Hindi tayo magiging masaya. Mahal mo pa si Maureen noon. Narealize ko iyon eh.”

“K-kahit ngayon?”

“Sa tingin ko, Lucas, oo.”

“Then let me show you I can make you happy. I will make you happy. I promise you that.”

“Ewan ko, Lucas. I really don’t think it will work.”

“Crush mo ako dati. Crush mo na ulit ako. Pwede nang start iyon.”

“Crush lang ito. Lilipas din. Siguro na-overwhelm lang ako kasi ngayon lang kita nakita ulit tapos pumogi ka pa lalo.”

“Ikaw talaga,” nahihiyang sabi nito. “Sige, hindi na muna kita kukulitin. Dinner na nga tayo,” sabi nitong ngumiti na ulit. Pero bakit parang malungkot ito? Ayaw niyang mag-assume dahil baka mag-assume lang siya para masaktan na naman.

Pagkatapos nilang mag-dinner ay inihatid na siya nito sa bahay nila. “Thanks for the dinner, Lucas. Goodnight at mag-iingat ka sa pag-uwi ha,” aniya. Nakangiting tumango lang ang binata saka mabilis siyang hinalikan sa mga labi. Pilyo ang pagkakangiti nito. That was the first time he kissed her again after so many years. “Kapal mo,” sabi niya pero nagba-blush naman.

“Pagbigyan mo na ako,” sabi nito saka bumaba ng kotse para pagbuksan siya ng pinto. Ito pa ang pumindot ng doorbell kaya nakangisi si Marriott nang mapagbuksan sila ng pinto.

“Sige na, Lucas, mag-iingat ka.” Tumango lang ito at sumakay ng kotse nito.