Chapter 26: A Mutual Love
True to his words, Lucas always acted like the best boyfriend in the world. He proved he was still his dream man after so many years. Masayang-masaya si Pamela na makasama si Lucas lagi. Wala itong pakialam kahit maraming nakakakita sa kanila sa empleyado. Kapag overtime niya ay tumatambay pa ito sa opisina ng pinsan niya at may dalang merienda para hindi raw siya malipasan ng gutom. Kung kaya nito ay nagboboluntaryo itong tulungan siya. Kapag on the dot siyang nag-la-log out sa opisina, lagi lang itong nakaabang sa entrance ng munisipyo bitbit ang isang bouquet ng bulaklak. Walang patid ang pagdadala nito ng iba’t ibang klase ng bulaklak katulad ng roses, tulips, sunflowers, daisies, at orchids.
Nakilala na ito sa buong munisipyo, hindi lang sa dahil Lagdameo ito kundi bilang official boyfriend niya. Ang pinsan naman nitong si Isaac ay doon na rin nag-o-opisina bilang bagong mayor ng bayan. Mukhang wala itong alam o walang pakialam dahil naka-concentrate ito sa kaibigan niyang si Belle na nag-o-opisina na sa Rosario. Lumipat na kasi si Leandro ng opisina sa bayan, ang mismong kapitolyo ng probinsiya. Doon na rin ito kumuha ng bagong bahay kasama ang asawa nitong si Tiffany at ang kambal na sanggol ng mga ito. Parehong lalaki ang mga iyon na kamukhang-kamukha ng tatay kaya proud na proud pa ito laging ipakita sa kanya tuwing isasama siya ni Lucas sa gathering ng mga ito.
Limang buwan na niyang boyfriend ito na naipakilala na niya sa mga magulang niyang tuwang-tuwa dito. Sina Kuya Hilton at Kuya Wyndham niya ay hindi pa rin kumbinsido. Hindi rin nag-effort ang mga ito para itago ang hindi pagkagusto ng mga ito sa lalaki. Tanging ang Kuya Marriott niya lang ang kumukunsinti sa kanila. Ang pinsan niyang si Jaycee at kaibigang si Harry ay skeptical din bagaman sinabi ng mga itong suportado siya basta siguraduhin ni Lucas ang kaligayahan niya. Magkaibigan na ulit ang mga ito ngunit napapansin niyang may awkwardness pareho sa mga ito. Tahimik lang si Harry pero nakikialam naman ito sa dating life ni Jaycee kaya napipikon ang pinsan niya. Lagi nitong pinipintasan ang lahat ng ka-meetup ng pinsan niya kaya gumaganti rin ito ng pintas sa mga babaeng nali-link dito. Ang mas ikipinagtataka niya ay kung saan ang date ni Jaycee, naroon din si Harry kasama ang iba’t ibang babae saka ididikit sa ka-date ni Jaycee kaya sa huli nalilipat ang atensiyon ng mga lalaki sa babae kumpara sa pinsan niya. Sa ngayon ay loveless na naman tuloy si Jaycee pero tinatamad ding makipag-date. Pero okay lang daw dahil sigurado na sa desisyon ang pinsan niyang ituloy ang plano nitong pag-aaral ng interion designing sa US. Sa katunayan ay kinabukasan na ang flight nito kaya magkasama sila sa condo unit nito para sa despedida party nito. Si Harry ay abala daw.
“Matagal ka ba doon, Jaycee?”
“Mga two years lang naman iyung course. Kukuha rin ako ng experience. Mga five years ako doon. Babalik-balik din naman ako dito sa Pilipinas kapag Christmas season para magbakasyon. Ikaw na muna ang bahala sa business natin. Tutulungan ka ni Harry.”
“Okay. Eh paano si Harry?” Nakangisi siya dahil halata ang feelings nito sa kaibigan niya. Todo deny pa rin ito.
“Ano namang kinalaman ko doon? Hindi naman kami talo sabi niya eh,” naiinis na sabi nito pero napabuntung-hininga.
“Mahal mo ba o hindi?”
“Mahal na mahal pero hindi naman kami pwede eh. Lalaki kasi siya, bakla ako kaya imposible. Napapagod na akong mag-deny at magpanggap na okay lang. Kailangan kong mas pagtuunan ang sarili ko.”
“I hope you find someone who will love you for who you are. You have a beautiful soul.”
“So pangit ako?”
“Gaga,” natatawang sabi niya. “Remember, ikaw ang diwata. You are beautiful inside out. You deserve someone to love you the way you want to be loved.”
“Korek,” maarteng sabi nito saka itinikwas ang buhok nito.
“Mag-CR lang ako.” Bago pa siya makapasok sa banyo nito ay narinig na niya ang tunog ng doorbell.
Paglabas niya ay nagulat siya sa nasaksihan. Nakaluhod si Harry habang hawak ang isang kahit na may gintong singsing. “A-ano bang sinasabi mo?”
“Mahal kita, Jaycee. Ang hirap kasing tanggaping mai-in love ako sa ‘yo. Wala na akong pakialam kahit sabihing bakla rin ako dahil nagmahal ako ng katulad mo. Lagi ka lang nandiyan sa tabi ko pero lagi kitang iniiwasan. Despite this, you still cared for me and my children. Just marry me, and I promise you, we will be a happy family. I know you still love me, I’m sure of it no matter how much you try to deny it.”
Naiyak siya nang marinig na humagulgol ang pinsan niya. Napaupo ito sa sahig. “H-huwag m-mo nang guluhin ang desisyon ko. H-hindi m-mo ako mahal. N-naguguluhan ka lang talaga. N-nasanay ka lang kasi na nandito ako lagi, na uuwi kang nasa bahay mo lang ako at binabantayan ang mga bata. Harry, you deserve a beautiful woman to become the real mother of your children, a real woman.”
“Mahal mo ba ako o hindi na?”
“P-pupunta na ako sa US.”
“You didn’t answer my question.”
Muling humagulgol ang pinsan niya. “It’s not important anymore. H-hindi rin naman ako naniniwala.”
“B-bakit?”
“I got used to your rejection. It has always been a one-sided love, Harry. Nasanay na akong ginagawa mo akong katatawanan kasama ang mga kaibigan mo.”
“I’m sorry.”
“H-hayaan mo na iyon.”
“Pero ayokong hayaang iwan mo na naman ako. Hindi ko pala kaya. Mahal na mahal na kita eh. Baka nga imposimble eh pero ewan ko dahil ang alam ko lang ay hindi ako makahinga dahil aalis ka naman kung kailan tinanggap ko sa sariling kong mahal na mahal kita.”
“Mahal na mahal din kita, Harry. I’ve always been in love with you pero hindi tama. Mawawalan ka ng career dahil sa akin eh.”
“Wala akong pakialam sa career ko. Mayaman ako, may mga business ako, marami akong investments. Kahit huwag ka nang magtrabaho. Kahit nga sa bahay lang kita kasama ang mga bata, bubuhayin kita. Mas gusto ko iyon para lagi kang may time sa amin ng mga anak natin.”
“Mahal na mahal kita,” patuloy na sabi ni Jaycee at lumuhod din para yakapin nang mahigpit ang kaibigan nila.
“Ngumiti na ang lalaki. D-does it mean, you’re not leaving anymore?”
“Yes.”
“You’ll marry me right away?”
Binitiwan ito ng pinsan niya saka tumayo. “Kapal mo. Ligawan mo ako dahil ang tagal kita hinintay.”
“Done.”
“Put that ring into my finger and kiss me.” Mabilis naman itong tumalima at nakangiting isinuot ang singsing. “I love you very much,” lumuluhang sabi ng pinsan niya.
“I love you, too,” sabi ni Harry saka niyakap nang mahigpit ang pinsan niya.
Hinintay niya munang kumalma ang sitwasyon saka siya lumapit sa mga ito. “Hay naku, natapos din ang drama niyong dalawa,” nakangiting sabi niya. “Puro kayo arte kaya pala dati kapag bahay-bahayan, gustung-gusto mo na ikaw ang nanay tapos hindi naman umaangal si Harry na maging tatay. Ako lagi ang anak,” natatawang sabi niya. Napahalakhak ang dalawa nang maalala ang mga ginagawa nila noong mga bata pa sila.
“Ikaw din pinsan, I hope ma-realize agad ng Lucas na iyan na pakasalan ka na agad.”
“Kapag niloko ka niyan, ako na mismo ang bubugbog diyan,” nakasimangot na dagdag ni Harry. Malaking lalaki rin ito at kapareho halos ng pangangatawan ni Lucas. Black belter din ito sa dalawang forms ng martial arts.
“Ang macho naman masyado ng gwapong jowa ko,” malanding sabi ni Jaycee at pabirong dinakot ang nasa crotch area nito.
“Kadiri mo,” naiiritang tili niya.
“Inggit ka lang,” kinikilig na sabi ni Jaycee.
“Oo na, maiwan ko na nga kayo dito para makapag-usap,” aniya at mabilis na lumabas ng condo unit ng pinsan. Masayang-masaya siya para dito. Napaisip tuloy siyang kung darating din ba ang pagkakataong sasabihin ni Lucas na sigurado na ito na siya ang gusto nitong makasama habambuhay. Ayaw niyang magmadali dahil wala pa naman silang isang taong magkasintahan.