Chapter 29: Not Gonna Let Him Go
Wala pa ring kibo ang kanyang nobyo. Para lang siyang hangin dito pero wala itong magawa sa kanya dahil pinipilit niyang tumabi rito sa pagtulog. Yayakapin niya ito nang mahigpit at hahalikan sa mga labi. Ito naman ay puro pagsimangot lang ang ginagawa pero hindi rin mapigilang hindi siya tugunin ng halik. Isang linggo na magkasama sila sa bahay ng dalawang matanda at gabi-gabi ay para silang mga unggoy na hindi nagsasawang magniig magdamag. Paggising niya ay mahigpit na mahigpit ang yakap nito sa kanya. Ito naman ay muling sisimangot lang pagdilat pero halik naman nang halik kaya masaya pa rin siya. Mahal pa siya nito dahil kung hindi ay matitiis nitong iwanan siya.
“I love you, my boyfriend,” bungad niya nang magising ito sa mga halik niya. Sumimangot lang din ito pero siniil niya lang ito ng halik at agad na napuno ng apoy ang kuwarto at nag-isa ang kanilang mga katawan. “I love you,” hinihingal na sabi niya.
“I love you, too,” anito at muli siyang hinalikan.
“Yehey! Bati na ba tayo?” Natawa lang siya nang mahinang magmura ito at napahilamos lang sa mukha. Akmang babangon na ito pero ipinaikot niya ang mga binti sa beywang nito at niyakap ito nang mahigpit saka mariin itong hinalikan. Napaungol na lang din ito sa pagpoprotesta pero muli lang din iyong nauwi sa maghapong pagpapadama ng kagustuhan sa isa’t isa.
“Ang kulit mow,” anito. Hindi ito nakasimangot pero alam niyang nakangiti na ito base sa mga mata nito. Ngumiti lang siya at niyakap na naman ito kaya kahit anong pagkatok ng mga kasambahay ay hindi na sila lumabas ng kuwarto. Halos alas-diyes na sila kumain ng hapunan.
“I love you.”
“No comment,” masungit na sabi nito pero nagmistula na namang tent ang kumot nito nang akitin niya ito kaya muli lang itong sumimangot sa kanya pero pilya siya. Dinakma niya ang pagkalalaki nito at mabilis na iginalaw ang kamay. "S-stop that," Sabi nitong hinihingal pa.
"Ayoko," nakangising sabi niya.
Maya-maya ay nagsimula na itong umungol at sinabing gusto nito ang ginagawa niya. "I'm coming, sweetheart." Ilang segundo lang ay lalo pang lumakas ang pag-ungol nito. Napapikit pa ito ng mga mata habang nakabuka ang bibig at bahagyang nanginig ang katawan nang makarating ito sa rurok. Saglit pa ay inabot nito ang wet wipes sa bedside table at pinunasan ang kamay at braso niyang natalsikan ng likido.
"Ang dami namang tumalsik at malagkit din ha," sabi niyang inaasar ito.
"Pilya ka," sabi nito at masuyo siyang hinalikan bago pinakawalan. "You sleep now, my sweetheart." Hinalikan nito ang noo niya saka siya inihiga padapa sa ibabaw nito.
“Goodnight, Vladimir. Mahal kita,” sabi niya. Antok na antok na siya kaya napangiti na lang siya nang makitang ngumiti din ito sa kanya bago natulog.
Akala niya ay okay na sila paggising niya pero nagtaka siya dahil wala ito sa kanyang tabi. Ang mga kasambahay naman ay hindi raw alam kung saan pumunta ang mga ito. Maaga raw umalis ang lalaki kasama ang mga bodyguard nito bitbit ang mga bag. Parang huminto sa pag-ikot ang mundo niya. Tumakbo na siya sa kuwarto niya at nakita ang text message nito. Umalis na raw ito at sumakay ng private plane papuntang Ukraine. Huwag niya na muna raw kausapin ito dahil may aasikasuhin daw ito. Bigyan niya muna daw ito ng pagkakataon para mag-isip.
Lumipas ang dalawang linggo ay wala pa rin itong reply sa huling text message niya. Nalaman na lang niyang malapit na itong bumalik sa boxing. Makakalaban nito ang umagaw ng heavyweight belt nito. Hindi na siya nag-resign sa pakiusap na rin ng kaibigan niya at hindi na masyadong nagtanong pa tungkol sa mga nangyari sa kanila ni Vladimir. Para na siyang isang robot habang nakikita sa mga sports news at channel ang pagbabalik sa boxing ng kanyang nobyo o dating nobyo.
Pagkalipas ng isang buwan ay kinausap siya ni Hermes tungkol sa bagong project. Hiningi nito ang opinyon niya. Gusto raw nitong mai-cover ang training at actual na laban ni Vladimir. Magpapadala raw ito ng ilang tao sa US. Naroon na kasi ang lalaki dahil malapit na ang laban nito. Ibinoluntaryo niya ang sarili pero hindi ito pumayag. “I hate to say this, Cha. But I was a bit disappointed with what happened.”
Napayuko na siya. “I’m sorry.”
“Tapos na iyon. Mukhang tinamaan ka talaga eh. Bibigyan na lang kita ng bagong project sa susunod na buwan.” Natapos na ang meeting nila. Nalaman na lang din niyang nakalipad na papuntang US ang mga ipinadalang kasamahan niya.
NAKAAWANG lang ang mga bibig ni Hermes habang nakatingin kay Charina. “I’m filing for a one-month leave. May natitira pa akong more than twenty leaves. Give it to me. Magbabakasyon ako kasama ang pamilya ko,” sabi niya. Nasa New York ang mga ito at sa New York din ang laban ni Vladimir.
“Charina, hindi lang ako boss. Kaibigan mo rin ako. Alam kong may iba kang pakay sa bakasyon na iyan.”
“Miss na miss ko na ang pamilya ko. Ang tagal ko nang nandito at lahat ng request mo ay pinagbigyan ko. Pagbigyan mo rin ako.”
“You win,” anito at itinaas pa ang dalawang kamay.
“Thank you,” aniya at lumabas na ng opisina nito. Bumili agad siya ng plane ticket kahit sobrang mahal niyon. Mahalaga sa kanyang makita ang kanyang minamahal. Bukod sa rush ang flight niya ay mataas ang demand dahil sa binansagang fight of the year.
Wala pang isang linggo ay nasa New York na siya. Nakaabang agad sa airport ang mga magulang at mga kapatid niya. “Sobrang na-miss ko po kayo,” sabi niya habang yakap ang pamilya.
“Dumalaw ka rin dito,” nakangiting sabi ng mga magulang niya at iginiya na siya sa sasakyan.
“Opo,” tanging sagot niya. Ilang araw muna siyang nagpahinga sa bahay ng mga ito dahil miss na miss na rin niya ang mga ito. Pero hindi niya pwede patagalin ang mga araw na hindi nakikita ang kanyang nobyo kung maituturing pa nga bang nobyo ito.
Nang hindi niya na matiis na hindi makita si Vladimir ay pumunta na siya sa training camp nito pero ayaw siyang papasukin. “You can’t come here, ma’am. You don’t have an ID pass to enter.
Nanlumo pa siya para lang muling mabuhayan agad ng lakas ng loob. “Red!” Tinawag niya ang isa sa mga writers niya. Mabuti na lang at saktong papasok pa lamang ito.
“Ma’am Charina?”
“Gusto kong pumasok.”
“Okay po,” anito at ilang minutong nakipag-usap sa guards at ipinakilala siyang senior editor. Ipinakita niya ang ID niya. Halos isang oras pa silang tinanong at kinumpirma ang identity niya bago siya pinayagang makapasok.
Pagpasok sa training area nito ay agad na pumatak ang mga luha niya. Hayun ang lalaki at walang pagod na nag-e-ehersisyo. Gusto niya nang lapitan ito pero ayaw niya munang istorbohin ito. Nang matapos na ang session at makaalis ang ilang members ng media na pinayagang makapasok ay lumapit siya rito kahit pinigilan siya ng mga bodygyards nito.
“Let her in,” narinig niyang sabi ni Mykola at sinenyasan siyang pumasok.
Nang makalapit ay nakita niyang nasa isang sulok ang lalaki. Hubad-baro ito at nakasandal sa folding chair. Dinampot niya ang malinis na tuwalya at pinunasan ito. Nang dumilat ito ay nagulat pa ito at mabilis na tumayo. “What are you doing here?”
“Sinusundan kita. Miss na miss na kasi talaga kita eh.”
“I told you not to talk to me for now.”
“Ang tagal naman. Two months na. Hindi mo ba ako namimiss?”
Hindi ito nagsalita nang ilang saglit bago bumuntung-hininga. “Go home. Ipapahatid kita sa mga bodyguards kow.”
“I have my own car.”
“Magpapa-convoy ka.”
“Ayaw mo na talaga akong makita siguro,” aniya at hindi napigilang umiyak. Nagkatunog pa iyon hanggang maging hagulgol.
“My God. Don’t cry, sweetheart. Ang kowlit mow,” anito at mahigpit siyang niyakap. “You’re not following my orders. I told you I will talk to you at the right time,” sabi nito habang nakakulong ang mukha niya sa mga palad nito.
“Paano mo ako natitiis nang ganito katagal? Hindi tayo naghiwalay nang maayos kaya alam kong nakipaghiwalay ka na. Siguro kailangan ko lang ng closure kasi hindi ko matiis na hindi kita makita nang ganito katagal.”
“Makowlit ka nga talaga. Halika na nga muna,” anito at muli siyang niyakap nang mahigpit. Agad na siyang tumigil sa pag-iyak nang ngumiti ito at siniil siya ng halik sa mga labi. “Huwag ka na ngang umiyak. Maliligow lang akow,” anito bago siya dinampian ng halik sa noo at pinaupo na muna siya. Nang bumalik ito ay naka-shirt, jogging pants, at running shoes na ito.
Sabay na silang nag-dinner kasama rin ang tatlong kasamahan niya at mga bodyguards nito. Nang maghiwalay sila ay ito na ang kusang humalik sa kanya. “I love you, my boyfriend,” malambing na sabi niya. Masuyong ngumiti lang ito at pinisil ang parehong pisngi niya.
DALAWANG gabi pa bago ang laban ni Vladimir ay nagdesisyon siyang pumunta sa suite nito. Hindi na siya nito pinayagang pumunta sa training at suite nito. Gusto raw nitong masigurong ligtas siya kahit sa aktuwal na gabi ng laban na lang daw nito sila magkita. Ayaw naman nitong magpaliwanag tuwing magtatanong siya kaya nagtataka lang din siya.
Sosorpresahin niya muna ito para mainspire ito. Sa tingin niya ay nagtitimpi lang din ito sa kanya dahil kailangan nitong makondisyon ang katawan at magkaroon ng sapat na energy. Ang pagniniig nila ay hindi makakatulong dito. Kahit anong pigil pa sa kanya ng mga magulang ay walang nagawa ng mga ito. Sinabi niyang boyfriend niya si Vladimir na ikinagulat ng mga ito.
Malalim na rin ang gabi kaya hindi na ganoon karami ang mga dumaraang sasakyan. Isa pa ay medyo malayo sila sa lugar na pagdarausan ng laban. Excited na siyang makita ang lalaki pero bago pa siya makaliko sa kalsada papunta sa hotel ay may isang itim na kotse nang humarang sa kanya. Nagtaka pa siya nang may humintong isa pang itim na kotse sa likod niya. May lumabas na mga lalaki roon at kinatok ang pinto ng kotse niya.