Chapter 22: Getting Sweeter
Malalim na ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Charina. Nagpasya na siyang bumaba sa kusina at magtimpla ng gatas. Naroon silang dalawa ni Romina sa mansiyon para pagbigyan ang pakiusap nin Nanay Vicky. Isang linggo sila roon na ayos lang naman sa kanya dahil nangangahulugan iyong mas makakasama niya pa si Vladimir.
Nang malapit na siya sa kusina ay narinig niya ang malakas na tawanan ng mga lalaki. “Kailangan ko pow matutow,” narinig niyang sabi ni Vladimir.
“Aba, seryoso nga ang manok niyo, Boss Tiyago,” narinig niyang sabi ni Mang Jose at malakas na tumawa.
“Nahihiya ka ba, anak?” Alam niyang si Tatay Tiyago iyon
“Opow.”
“Sa laking tao mong iyan, ngayon ka pa pala nahiya,” sabi ni Tatay Tiyago kaya malakas na nagtawanan ang mga ito. Pagsilip niya ay nasaktuhan niya ang mga kalalakihan na nakatingin lahat kay Vladimir na napapakamot sa batok.
“Oh Charina, kanina ka pa ba diyan?” Parang nababahala pang tanong ni Mang Domeng sa kanya.
“Kakapasok ko lang po. Magtitimpla po sana ng gatas,” nakangiting sabi niya. Hindi na lang niya inanalisa ang pinag-uusapan ng mga ito. Parang boys talk iyon sa tingin din niya. Nang lumapit siya ay agad lumapit na sa kanya si Vladimir at naglabas ng dalawang mug. Ito na ang nagtimpla ng gatas.
“Tig-isa tayow,” anito at kinurot ang pisngi niya.
“Iyan ang anak ko,” proud na sabi pa ni Tatay Tiyago.
“Manok natin iyan,” sabad ni Mang Pepe kaya lalo pang nagtuksuhan at nagtawanan ang mga ito.
“B-bakit parang tayo ang tinatawanan nila?”
“W-wala iyown. P-pwede bang sa terrace na tayow uminowm ng gatas?”
“Sure,” nakangiting sabi niya na ikinangiti rin nito. Nagsabi na silang aakyat na kaya lalong nagtuksuhan ang mga ito. Bitbit ni Vladimir ang dalawang mug hanggang makarating sila sa terrace. Lahat ng kuwarto ay may pinto papasok sa terrace. Inilapag nito ang mga bitbit sa pasimano at tinanaw nila ang buong mansiyon. Malawak na damuhan iyon at sa malayong bahagi ay maraming puno ng niyog. Bigla ay parang nag-crave siya sa buko salad. “Gusto kong gumawa ng buko salad. Mas maganda sana kung fresh galing sa puno,” wala sa loob na sabi niya.
“Consider it done,” balewalang sabi ni Vladimir.
“Anong pinagsasabi mo diyan?”
“Gagawa tayow ng bukow salad bukas din.”
“Yehey!” Nagkuwentuhan pa sila. Nakaakbay lang din ito sa kanya pero maya’t maya ay dinadampian ng halik ang mga pisngi at labi niya. “Vladimir?”
“Hmm?” Nakatingin lang ito sa malawak na damuhan.
“G-gusto mo ba talaga ako?”
“Sobrang gustow kita.”
“Kahit hobbit ako?”
“You’re the most beautiful hobbit I’ve ever seen if hobbits really exist.”
“May pasimpleng pang-aasar pa talaga. Hindi ako hobbit noh! Sadyang higante ka lang talaga! Ano bang height mo?”
“Six-seven I guess.”
“Higante ka nga! Five-four lang ako pero pasok ako sa average height ng Pinay. Ginawa mo pa akong duwende!”
”But you’re the most beautiful. You’re my Princess Arwen,” malambing na sabi nito at pumuwesto sa likod niya sabay pumalibot ang mga braso nito sa katawan niya. Ipinatong pa nito ang baba nito sa bumbunan niya.
“Ang laki mo kasi masyado, Prince Aragorn ko eh,” kinikilig na sabi niya at lumingon dito. Ngumiti lang ito at bumaba ang mukha nito para dampian ng magaang halik ang mga labi niya.
“Sweetheart?”
“Yes?”
“Malaki ba talaga akow?”
“Oo noh!”
“How about my burmese python?”
“Tse! Maliit naman parang worm,” aniya at inirapan ang pilyong lalaki.
“I know you’re lying sweetheart,” bulong nito habang umaalog ang mga balikat, halatang pinipigilang humalakhak. “You gave it a nickname, remember? According to you, it’s a massive burmese python.”
Nag-init ang mukha niya nang maalala ang tagpong iyon. First time niya kasing makita ito at wala pang kahit anong damit. “F-first time ko makakita kaya wala akong reference.”
“Sweetheart, you don’t need a reference,” sabi nito at iniharap ang mukha niya rito. Malapad ang pagkakangisi nito na puno ng kayabangang may halong pagbibiro.
“Alam mo, masyado kang maharot na tisoy ka. Kung hindi ka lang talaga pogi,” biro niya at humarap dito. Pinaggigilan niya ang magkabilang pisngi nito.
“Ouch,” anito at nalukot ang mukha.
“Ang cute mo talaga,” nakangising sabi niya at lalong diniinan ang mga pisngi nitong namula na. Nagmakaawa pa itong pakawalan niya pero pinatagal niya muna iyon bago sumunod dito.
“Masakit iyown ha. Hindi pa kita formal girlfriend, bugbog na agad akow,” nakangiting sabi nito.
“Oo na,” aniya sa kawalan ng masasabi. Tama ba ang narinig niya? Girlfriend. Hindi niya napigilan ang mapatili dahil sa sinabi nito pero impit lang iyon kaya hindi sila makakabulahaw ng tao.
“What happened?”
“Wala!”
“Alam kow na. Kinikilig ka sa sigurow sa akin.”
“Hitsura mo,” nakairap na sabi niya na tinawanan lang nito.
“Sweetheart?” Mas naging mahigpit pa ang pagyakap nito sa kanya.
“You told me you came from a breakup. May I know what happened?”
“He cheated on me,” simpleng sabi niya. Pinakiramdaman niya ang sarili at nagtaka siya dahil ilang gabi na niyang iniisip si Harold para analisahin ang sarili pero wala na siyang madamang galit o hapdi man lang. Parang sa loob ng ilang linggo ay naka-move on na siya. Ayaw niyang maniwala dahil matagal ang naging relasyon nila para makalimutan ito nang ganoon kabilis pero iyon ang nararamdaman niya. Ang mahalaga sa kanya ay ang lalaking yakap siya nang mahigpit. Lagi siyang napapangiti tuwing maiisip ito. Lalo pa siyang napapangiti dahil medyo nagkalinawan na sila. Gusto nila ang isa’t isa at seryoso din ito sa kanya.
“How long was your relationship with him?
“Eight years.”
“That’s a very long time. H-how do you feel right now?”
“Very fine.”
“D-do you still think of him?”
“I always think of him.” Nang lumingon siya rito ay napansin niyang natigilan ito. Parang lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya kaya hinawakan niya ang mga braso nito at lalo iyong iniyakap sa kanya. “Lagi ko siyang iniisip kasi hindi ko maiwasang ma-compare ang effect mo sa akin sa effect niya sa akin. Nalilito ako Vladimir kasi ang tagal ko siyang naging boyfriend pero hindi na ako nalulungkot o nagagalit tuwing maaalala siya.” Binitawan na siya nito at inikot siya paharap dito.
“S-so, naka-move on ka na?”
“Sa totoo lang, hindi ko alam eh kaya nga umiiwas ako sa ‘yo kasi baka na-o-overwhelm lang ako. Ang pakiramdam ko ngayon parang okay lang kahit makita ko siya. Wala nang effect sa akin.”
“Bakit?”
“Itinatanong mo pa,” angil niya.
“Please answer me.”
“Natural, kinikilig ako sa ‘yo. Ikaw na ang lagi kong nami-miss at hinahanap.”
“Do you mean that?”
“Oo naman,” aniya at umirap dito. Ngumiti lang din ito at kinarga siya paikut-ikot. Ibinaba din siya nito bago niyakap nang mahigpit at siniil ng halik. Muli din silang nagtawanan at pakiramdam niya ay mas naging malambing pa ito sa kanya.
“May isa pa akow tanowng.”
“Ano na naman iyan?”
“Did you really mean it?”
“Ang alin?”
“The first time we kissed. You m-moaned. You said you faked it.”
“Vladimir! You don’t ask a woman that!”
“Eh,” anito at napakamot pa sa batok. “I love kissing you. I feel giddy inside whenever I kiss you.”
Napahagikgik na siya dito. “For your information, I also feel giddy inside whenever you kiss me.” Tumigil lang sila sa pagkukuwentuhan nang sabay silang humikab at magtawanan dahil malapit nang maghating-gabi. Na-excite na rin kasi siyang gumawa ng buko salad.