Chapter 5
NANLAKI ang mata ni Hirana ng mapag-sino ang lalaki. Sino ba ang hindi makakakilala rito. Siya lang naman ang Prinsepe sa kabilang palasyo, si Prinsepe Hamil, pinapangarap ng mga kababaihan na maging kabiyak ito dahil mabait na matalino pa at ang higit sa lahat guwapo.
“Kamahalan, patawad!” Aniya sabay yukod. Naisip niya ano ang ginagawa ng isang prinsipe sa kanila. Aba sinusuwerte yata siya ah.
“Kilala mo ako, Binibini?”
“Oo, Kamahalan. Sino ba ang hindi makakakilala saiyo.”
Kay lawak ng ngiti ng Prinsipe.”Ano ang iyon magandang pangalan Binibini? Puwede bang malamang kung hindi mo mamasamahin ito?”
“Hi…Hirana, Kamahalan,” muntik pa siyang pumiyok ah.
“Maganda nga, Hinara. Hmmm nababagay sa may-ari nito!”
Nagkulay makopa yata ang magkabilaan pisngi ni Hirana, sa papuri ng prinsipe sa kanya.
Talaga naman maganda siya, pero kung isang prinsipe ang magsasabi nito. Siya yata ang pinakasuwerteng babae sa nayon nila.
Lumapit ang isang kawal sa prinsipe may sinabi ito.”Kamahalan, tayo na naghihintay na ang hari sa iyo.”
“Sige susunod na ako,” binalingan niya ang dalagang nakamata sa kanya.”Binibining Hirana, sumabay ka na sa akin.”
“Naku, Kamahalan. Hindi na baka makakaabala lang ako sa inyo!”
“Hindi naman, ito ay bilang ganti ko sa ginawa namin sa’yo ikaw pa yata ang amin naabala, Binibining Hirana. Sana ay hindi mo ako tanggihan sa akin alok.”
Tatangi pa ba siya kung ito na mismo ang nag-aalok siyempre hindi na prinsipe kaya ito.
“Kung iyan ang nais mo Kamahalan, sige po hindi na ako tatanggi pa.” ngumiti si Hirana.
Sandamakol ang mukha ni Kiro sa nakita, pagkagising niya kanina agad siyang dumayo sa mundo ng mga tao upang masilayan muli ang babaeng bumihag sa kanyang puso. Pero ito ang kanyang nasilayan. Nakadama siya ng selos sa lalaki. Dahil kay tamis ng ngiti ng babae sa kanya.
“Prinsipe pala siya. Ako rin naman ah, prinsipe kaso nga lang sa ibang mundo. Pero mas magandang lalaki ako sa kanya, ang Binibini naman gustong-gusto.” Nakadama ng inis si Kiro. Hindi siya papayag na makuha ng lalaking iyan si Hirana. Alam niyang mas gusto ito sa babae tingin palang nito alam niya ito dahil ganon siya nong una niyang makita ito. Lalong nadagdagan ang pagkainis ni Kiro nang sumakay si Hirana sa sasakyan ng lalaki. Gusto niyang magalit ng todo dahil na nararamdaman selos.
PAGDATING nila Hirana sa bayan.”Kamahalan, maraming salamat sa paghatid mo napakalaking karangalan na maisakay mo sa iyon sasakyan.”
“Walang ano man, Binibining Hirana.”
Yumukod si Hirana rito. Saka bumaba na.
Nakangiting tinanaw ng prinsipe si Hirana habang papasok sa isang kubo.”Sa muli nating pagkikita, Binibining Hirana,” anas lamang ang pagkasabi nito.
Kaygaan ng damdamin ni Hirana habang inaayos ang mga gamit sa lamesa. Pangiti-ngiti pa siya. Sino ba naman ang hindi maging masaya. Aba minsan lang mangyari sa buhay na makasabay ang isang prinsipe. At sa tingin niya may gusto ito sa kanya. Wow ha ang taas agad ng expectation niya sa paghatid nito sa kanya may gusto na agad. Aba malay ba niya maganda kaya siya. Kinikilig na kumwari may buhok na isinabit sa tenga niya.
Kunot naman ang noo ni Kiro habang nakamansid sa babae. Kakaiba ang ngiti nito. Hmmm mukhang mawawala na siya sa eksena. Hindi naman siya papayag na mangyari ito. Inayos ang sarili iyon guwapong-guwapo siya na mas higit sa prinsepe na kasama ng binibini kanina.
Tumalikod si Hirana inayos ang ibang gamit sa pasamano.
“Magandang umaga, Binibini!”
“Ay kabayong masayaw!” gulat na sigaw ni Hirana.
Napatawa si Kiro sa narinig.
Salubong naman kang kilay ni Hirana.”Anong tinatawa-tawa mo ha?!”
“Ikaw kasi,” ngiting-ngiti na lang siya.
“Ako?” turo pa niya sa sarili.
“Wala nang iba pa magandang Binibini!”
Gusto pa sanang magalit ni Hirana, kaso may pang palubag-loob ito aba maganda raw siya. Hmmm totoo naman.
“Ikaw na naman, bakit ka narito?”
“Magpapahula ako, Binibini.”
“A-anong ipapahula mo?” baka kasi iba naman ang makita niya siya at ito na may ginagawang kakaiba.
“Nais kung malaman ang akin kapalaran, Binibini.”
Hindi naman niya puwedeng tanggihan ito sayang din malaki pa naman kung magbayad.”Maupo ka Ginoo.”
Tumalima naman agad si Kiro.
“Anong gusto mong gamitin ko? Baraha O ang bolang kristal?”
“Sa palad ko.” Sabay lahad niya.
Ayaw man sana ni Hirana, baka kasi gaya ng nauna niyang nakita ang makikita.”Hindi naman na sana iba na,” sa isip niya.
Hinawakan niya ang palad ng lalaki. Pumikit siya sa una hindi malinaw ang nasa isip na nakikita. Pero ilang sigundo lamang kung ano ang nakita niya ganon din nagmulat siya ang nakangiting mukha ng Ginoo ang nakita at hinawakan nito ang kanyang palad. Hinila niya ang kamay kaso hindi binitawan nito.
“A-ang kamay ko!”
“Ano’ng nakita mo Binibini?”
Hindi niya sinagot ito.”Sino ka ba?” tanong niya. Bakit ganon na lang nakita niya.
“Sabihin mo muna sa akin ang nakita mo Binibini.”
“Hindi.” Bakit naman niya sasabihin ito? Alangan na sabihin nag-aano tayo.
“Alam ko.”
Nanlaki ang mata ni Hirana alam daw nito eh.”Talaga sabihin mo nga?”
“Baliktad yata tayo di ba ikaw ang manghuhula, Binibini.”
“Ha? Eh, sabi mo alam mo!”
“Gusto mong malaman?”
Ewan ba ni Hirana napatango naman siya.
“Noong unang panahon may isang prinsipe ang pangalan ay, Kiro…” huminto muna siya.
Gustong magprotesta ni Hirana hindi naman iyon ang nakita. Pero sa kanyang puso nais niyang marinig ang kuwento nito.
“Handa ka na ba magandang Binibini?”
Tango ulit ang tugon ni Hirana.
…si prinsipe Kiro, mula sa kaharian ng walang malungkot, naghahanap ng taong magpapasaya sa kanya. Kaso sa kanilang palasyo ni isa hindi siya magawang pasayahin…”
“Teka lang ha, ang sabi mo kaharian walang malungkot. Bakit ang prinsipe naghahanap ng magpapasaya rito?” paglilinaw ni Hirana sa narinig niya.
“Oo pero si prinsipe Kiro, ay malungkot ang puso.”
Tatatango si Hirana. Yon ang puso pala nito ang malungkot.
“Ituloy ko na ba ang kuwento ko, Binibini?”
Tumango si Hinara.
“Nang maisip niyang maglakad ng maglakad may nakita siyang napakagandang Binibini. Nabighani si prinsipe Kiro rito kaya nasabi nito sa kanyang sarili na gagawin ang lahat para maging sa kanya ang Binibini…” huminto siya sa pagsasalita tumitig kay Hinara.
“Anong ginawa ni prinsipe Kiro?” bigla siyang naatat.
Napangiti si Kiro naging intrisado ang dalaga sa kanyang kuwentong totoo.”Pinuntahan niya ang magandang Binibini…nagpahula pero ang manghuhula iba ang nakita…”
“Teka lang,” awat ni Hirana kasi naman siya ang tinutukoy nito.
“Bakit, Binibini?”
“Ikaw ba si prinsipe Kiro?” agad na sabi ni Hirana.
Ngumiti ito.”Ituloy ko muna ang kuwento ko para alam mo ang nakita mo, Binibini.”
Tumahimik si Hirana bilang pag sang-ayon niya. Intrisado rin naman siya. Saka masarap sa tenga ang boses nito.
“Ang nakita ng manghuhula ay nasa isang kama sila na ang sapin ay mga iba’t ibang kulay na bulaklak ni prinsepe Kiro, magkadikit sila, naghahalikan, nag-iibigan sa lahat ng oras…”
Napalunok si Hirana.”Teka, lang Ginoo, alam kung hindi mangyayari ito dahil ang hula minsan ay hindi totoo kung walang ginagawa ang isang hinuhulaan.”
“Ganon ba, gusto mo bang umpisahan natin ngayon ang nakita mo, Binibini.”
“Ha? Umpisahan ang alin?”
“Ang magkadikit ang atin katawan, maghahalikan, at higit sa lahat magkapising. “
“Ano? Hindi mangyayari iyan.” Bakit naman nila gagawin ang nakita. Eh, mag-asawa lang ang puwedeng gumawa nito. O kaya ang may karelasyon.
“Sigurado ka, Binibini?”
“Oo, hindi kita kilala, Ginoo.”
Ngumiti muna si Kiro. At walang sabi-sabi na siniil niya ng halik ang labi nito na hindi binitawan ang kamay ng babae.
Napatayo si Hirana napasunod si Kiro, ang pagitan nila ay ang lamesa habang ang kanilang labi ay magkahinang.
Ilalayo sana ni Hirana ang mukha. Maagap si Kiro ang isang kamay hinawakan ang leeg ng dalaga. At hinigpitan ang pagkahawak para lalong lumalim ang halik na ginagawad dito.
Hindi napigilan ni Hirana ang sarili unti-unting nagsasarado na ang mata. At tiyak niya na minsan na niyang natikman ang halik ng Ginoo. Ibig bang sabihin nito hindi panaginip ang nangyaring halikan nila kagabi na unang halim niya at ngayon pangalawa na. Teka baka mamaya bigla na lang maglaho ito. Ang pasaradong mata minulat niya dahil ayaw na mawala ito bigla-bigla.
Nagmulat din si Kiro ang kanilang tingin nagkasalubong. Pero hindi na talaga napigilan ni Hirana ang mata napapikit siya para damhin ang tamis at kakaibang ligaya na dulot ng halik nito.
Bihasa si Kiro pagdating ng romansahan, alam niya ang gusto ng isang babae. Gagawin niya ang lahat mapaligaya ang babaeng nagpabilis ng tibok ng kanyang puso. At magiging malumanay siya rito dahil alam na inosente ito malalaman ito dahil hindi pa marunong humalik ito ng tama. At nakahanda siyang turuan ang binibini sa alam niyang paraan.
“HIRANA!” tawag ng bagong pasok na si Mira.
Nanlalaki ang mata ni Hirana na nagmulat. Baka nakita ni Mira ang ginagawa nila ng lalaki.
Kumumpas si Kiro gumamit ng samalangka. Binitawan niya ang labi ng dalaga. Naglakad patungo sa likod nito.
Sa isip ni Hirana istorbo si Mira.
“Umalis ka na,” sabi niya para kay Kiro.
“Ano pinaaalis mo na ako, may sasabihin pa sana ako sa’yo, eh.” Mangiyak ngiyak ito.
“Hindi, Mira, bakit ba? Anong problema mo di ba may date ka? Bakit ka narito?”
Bigla na lang pumalahaw ng iyak si Mira.
May kapilyuhan ginawa si Kiro, hinalikan niya ang batok ni Hirana.
“Ay kabayong sumasayaw!” Tili niya malakas kaya ang kiliti niya doon, eh.
Napahinto sa pag-iyak si Mira.”Ano ka ba Hirana, nagsesenti ako rito tapos may pakabayo-kabayong nagsasayaw ka pang sinabi hindi ka nakakatawa!” tinuloy ang pag-iyak.
Pero si Kiro tawa ng tawa.
Nagtataka si Hirana bakit hindi ba nakikita ni Mira si Kiro, may magic ba ito?
Muling hinalikan ni Kito ang batok niya.”Ay kaba-“ tinutop niya ang labi.
Hindi tumigil si Kiro sa ginagawa para naman nasanay na ang batok ni Hirana, naroroon ang kiliti pero hindi gaya kanina.
“Tumigil ka!” sabi niya.
“Hirana, naman eh. Ang sakit sakit kaya!” sagot ni Mira.
Tumayo si Kiro sa tabi ni Hirana.”Kaibigan mo siya Binibini?” bulong nito sabay halik sa tenga ng dalaga.
Kinalabutan si Hirana sa ginawa ng lalaki”Puwede ba tumigil ka!” Anas niya.
Pero nginitian lang siya nito.”Masaya di ba?”
“Sayahin mo iyan mukha mo, pinamahamak mo ako, eh.”
“Hirana, ang sakit talaga!”
“Ano ba kasi ang nangyari ha, Mira?” Baling niya rito.
Pinagapang ni Kiro ang isang daliri patungo sa dibdib ni Hirana.
Nanlalaki ang mata Ni Hirana sa ginawa nito lalo pa at pumatong ito sa dulo ng kanyang dibdib.
Pakiramdam ni Hirana, tinamaan yata siya ng kidlat ramdam niya ang init ng daliri ng lalaki. Tinabig niya ito kasi naman nagrarambulan ang kanyang dugo.
“U…umalis ka na!”
Ngiting-ngiti si Kiro.”Sige aalis na ako mamaya natin gawin ang sinabi ko kanina tapos na tayo sa hawakan at halikan. “
Pinanglakihan niya ito ng mata.
Nakita ito ni Mira.”Hirana, ano bang nangyayari sa’yo, para kang kitikiti kanina ngayon naman iyan mata parang nakakita ng multo.”
“Ha? Eh, may multo nga.”
“Ha? Nasaan, Hirana?” nagpalingon-lingon sa gilid-gilid si Mira.
“Multo ha, sige mamayang gabi mumultuhin kita sa bahay ninyo.”
“Umalis ka na.”
Bago umalis si Kiro hinawakan niya ang pisngi nang dalaga.
Isang banayad na halik ang iniwan ni Kiro kay Hirana iyon bang tipong hanap hanapin mo ang halik na ito.
“Hirana!” biglang sabi ni Mira.
Kaya naman tinulak niya si Kiro. Na tawa ng tawa.
“Hirana na ano ka ba, bakit para kang nagkukunfu panda diyan, ha?”
“Ha? Hi-hindi nangalay itong braso ko inuunat ko lang,” palusot niya.
Lumapit si Kiro kay Mira na ikinalaki ng mata ni Hirana. Pailing-iling siya kung ano man ang gagawin nito.
Kaso sadyang may pagkapilyo ito. Hinipan niya ang buhok ni Mira.
“Ahhh! Multo!” sigaw nito na tumakbo sa tabi ni Hirana.
Gusto naman matawa ni Hirana. Pero nagpigil siya sumenyas na lang siya na umalis na ito.
Tawa ng tawa si Kiro na lumabas sa kubo ng manghuhulang si Hirana.
Nang wala ang lalaki takang-taka si Hirana bakit siya nakikita ito samantalang si Mira ay hindi. Anong kababalaghan ito. Sino ang lalaking iyon? Bakit hinahakikan siya. Siya naman gustong-gusto niyang hinahalikan. Kinalabutan siya bigla lalo ng maisip baka isang engkanto ito na dumayo sa kanila. At siya ay natipuhan nito. At siya naman ay bumibigay. Tama ba ang naiisip niya huwag naman sana?