Chapter 4
"HIRANA, tama na iyan gabi na kumain ka muna tapos magpahinga kana," awat ng ina sa kanya.
Pagkadating niya mula sa paliligo sa talon, agad na inasikaso ni Hirana ang nakuhang dahon gamot. Dinidikdik niya ang kahalaman gamot na nakuha niya kanina para sa ama bukas.
"Inang, matatapos na po ako sige na ikaw ang dapat na magpahinga, susunod na ako."
"Puwede naman na bukas na iyan Anak, ako na ang gagawa. Maaga ka pa bukas para sa trabaho mo."
Kahit maliit na gawain hindi hinahayaan ni Hirana na gawin ito ng ina."Okay lang ako Inang, hindi naman ako pagod."
Pagod siya kanina pero ng naligo siya sa talon nawala ang naramdaman pagod sa katawan. Sa tingin niya inagos ng malamig na tubig sa talon.
"Oh, siya bilisan mo na lang ng matapos ka na riyan, Anak."
"Opo, Inang."
Mabilis na ngang tinapos ni Hinara ang ginawa ng matapos."Ah, sobrang init sa labas nga muna magpahangin sandali." Tinungo niya ang balkunahe ng bahay nila naupo itnaas ang paa hinilot-hilot ito. Naiisip ni Hirana ang kanilang buhay. Nag-iisa lang siyang anak, dahil narin sa kahirapan ng buhay nila nahinto siya sa pag-aaral nasa unang baitang siya ng kolehiyo pagiging guro ang kinukuha kaya lang huminto siya dahil naatake ang ama. Inatake ito habang nangangaso sa gubat. Mabuti pa nga at naiuwi agad ng mga kasama ang ama, kung hindi tiyak patay na ang amang dumating sa bahay nila. Sana kung nakatapos siya nagtuturo siya ngayon sa bayan o kaya dito sa kanilang baryo. Heto siya ngayon nanghuhula, pero okay narin sa kanya ito. Kesa wala siyang mapagkikitan.
Pagkatapos hilutin ang paa sumandal siya sa dingding pinikit ang mata. Sumagi agad sa isipan ang lalaking nagpahula sa kanya. Sino ba ito? Bakit ganon ang nakita? Nakikipagtalik siya rito paanong nangyari iyon, unang pagkikita palang nila kanina sa bayan. Tagasaan kaya ito? At sumulpot na lang bigla sa harapan niya. Ganon pa ang nakita. Napabuntong-hininga. Pero nang makita niya ito aminin niya may nadama siyang kiliti sa puso.
Natagpuan na lang ni Kiro ang sarili nasa harapan na ng babaeng maghuhula na pumukaw sa kanyang puso at isip. Umupo siya sa harapan nito napatitig sa mukha ng binibining nakapikit. Sa tingin niya nakatulog na yata ito.
"Kay ganda mo talaga, Binibini!" Napahinga ng malalim si Kiro, paano ba niya sasabihin sa babae ang paghanga niyang nararamdman dito? Hanggang tingin na lang ba siya? Dahil ang kanilang mundong ginagalawan ay magkaiba.
Pinagmasdan lang niya ang babae bumaba ang tingin sa leeg patungo sa dibdib nito. Napalunok siya bigla naalala ang nakita sa talon. Ang malarosas na kulay ng dibdib nito na nakabuyangyang sa kanya. Bumaba ang mata sa may hita na lalong napabuntong-hininga siya. Ang kanyang dugo mabilis ang pagbulusok patungo sa utak niya pababa sa pagitan sa kanyang hita. At doon na may nabuhay na.
Kakaiba talaga ang dating sa kanya ng babaeng nasa harapan. Ito palaman ang nagparadam sa kanya ng ganito ka igting na makasiping ito. Sa kanila kahit na minu-minuto ay puwede may kasiping ka. Isang salita lang niya may babae ng magpapaligaya sa kanya. Pero ngayon kayhirap niyang makuha ang babae. Kahit na mahawakan man lang sana ay hindi pa magawa.
"Ahhh! Kailangan ko ng umalis dito, baka hindi ako makapagpigil pa." Ikukumpas na sana niya ang kamay nang mapatingin siya sa labi ng babae. At naiisip niya may pagkaiba ba ang labi nito sa labi ng kapwa niya elf, lumukob sa isip na dapat ay matikman niya ito upang malaman kung ano ba ang pagkakaiba o pareho lamang."Bakit hindi?" Dahan-dahan na nilalapit ang labi sa labi ng babaeng nakapikit.
Nakaidlip nga si Hirana pero hindi pa kalaliman. Napakunot siya ng noo dahil may naaamoy siyang kakaiba. Kakaibang amoy na nanunuot sa kanyang kalooban. Pero sino naman ang meron nito? Sa tingin niya namakamahal ang ganon uri ng pabango. Sa tingin niya tanging prinsepe o kaya may dugong Maharlika lamang ang meron nito.
Idinampi lamang ni Kiro ang labi sa labi nang babae. Napasinghap siya kahit ganon lang damang-dama niya ang kalambutan nito. Para sa kanya bitin ito gusto ng mas malalim pa iyon matikman ang laway nito kung ano ba ang lasa matamis ba o lasang panis.
Natigilan si Hirana ng may naramdaman siya sa kanyang labi."Oh ano ito! Sino ang pangahas na humalik sa akin? Tarantado siya unang halik ko ito!" Sumisigaw ang isip kung itutulak ba niya ito? Pero walang tumutugon na kalamnan. Unti-unting minulat ang mata ng makita ang humahalik sa kanya."Siya iyon lalaki na nagpahula sa akin?"
Itinulak ni Hirana ang lalake."Ikaw? Bakit andi---?"
Hindi hahayaan ni Kiro na hindi matikman ng malaliman ang labi ng babae. Sinamantala niya ang pagbuka ng labi nito agad na siniil ito ng halik.
Kiro taste it the sweetest, the softness lips ever he kissed. Sumisigaw ang kanyang isip at puso gusto niyang makuha ang babaeng hinahalikan. Nakakabaliw ang nadarama niya ngayon. A kiss isn't enough for him. Gusto niya iyon mas higit pa sa halik. His body and mind want it more than what he is doing right now. He want this woman to put in his bed. At pagsaluhan niya ang masarap at mainit nilang katawan.
Hindi naman magawang itulak ni Hirana ang lalaki pakiradaman niya nanglambot bigla ang kanyang katawan dahil ba sa halik nito? Hindi makakapagkaila ang puso at isip niya gusto niya ang nararamdaman para bang nililipad siya sa kalawakan kasama ng mga alitaptap na nagsisilbing ilaw nila. Gusto niyang damhin ito pumikit siya para lalong madama ang kaigaigayang ligayang dulot ng halik ng lalaking hindi kilala.
Hindi pa siya nakatikim ng halik ngayon palang, ganito ba ito kasarap? Dahil ang kanyang katawan bawat ugat dito ay sumasangayon sa halik na pinapadama sa kanya.
Pinatagal ni Kiro ang halik niya ng sampong minuto. Napa yes ang isip dahil hindi tumutol ang babae sa kapahangasan niya. Nang tapusin niya ang halik.
Hinahabol naman ni Hirana ang hininga. Hindi pa rin siya nagmulat ng mata. Pakiramdam niya naubusan siya nito eh. At para bang nasa labi pa niya ang labi ng lalaking naghahalik na lang bigla.
Napangiti si Kiro. Hinaplos ang pisngi ng babae."Napakaganda mo talaga Binibini, aalis na ako pero muli akong magbabalik."
Kinilig ang puso ni Hirana sa narinig lalo na ang boses ng lalaki kaibig-ibig ito, kaylambing ng bawat bigkas nito ng bawat katagang lumalabas sa bibig. Kung galit ka siguro maaring ora mismo mawawala ang nararamdaman galit. Mapapalitan ito ng ngiting kay tamis.
May ngiti sa labi na minulat ni Hirana anf mata. Kaso hindi na makikita nang lalaki ang matamis niyang ngiti dahil wala na ito sa kanyang harapan.
"Huh? Na naman bigla na lang nawala ito. O baka nananaginip lang ako? Pero hindi pakiramdam ko talaga may humalik sa akin ang sarap kaya." Hinawakan pa ang labi pumikit siya para damhin ang mainit pang bakas ng labi ng lalaki. Pero sa tingin niya nananaginip lang talaga siya. Kasi kung may nanghalik sa kanya at umalis ito mararamdaman niya pero wala ni yabag o kaluskus man lang ay wala talaga. Pero nakita ko niya ito. Ibig bang sabihin eh, nananaginip siyang mulat ang mata? O kaya muni lang niya ito? O kaya rin na engkanto siya? Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isip niya sa nangyari.
"Hay! Nakakabaliw naman ang araw na ito kanina habang pauwi ako parang may sumusunod sa akin. Tapos ngayon nahalikan ako ng hindi ko kilala man lang, naku kung totoong may naghalik sa akin. pagnakita kitang muli na lalaki ka yari ka sa akin kung hindi nga panaginip niya ito." Tumayo na siya pumasok sa loob para matulog na.
Gaya nang kinagawian ni Hirana, maaga palang gising na siya hinanda ang para sa magulang bago papuntang bayan.
"Itang, ang dahon na gamot mo nasa botelya, inumin mo ito ha huwag mong kakalimutan," bilin niya sa ama.
"Oo Anak, salamat."
"Amang, pakisabi na lang kay Inang, umalis na ako para makarami ako ngayon araw."
"Sige na Anak, humayo ka na."
"Sige Amang." Lumabas na siya ng bahay nila binaybay ang daan patungong bayan. Hindi na niya ginamit ang bisikleta niya. Kahit na medyo malayo lalakarin niya pinaka ehersiyo na rin ito tutal naman maaga pa.
Nang nasa tapat siya ng bahay nila, Mira."Hirana, sandali," tawag nito sa kanya.
"Aba himala, Mira. Ang aga mong nagising ngayon dati naghihilik ka pa sa ganitong oras, ah?"
"May kadate kasi ako ngayon!" Masiglang sabi nito na may kasama pang kilig.
"Kadate?" ulit niya.
"Bakit, Hinara? Ang linaw naman ng pagkasabi ko di ba DATE!" madiin pa ang pagbigkas ni Mira sa huling sinabi.
"Date ng araw ba, Mira?" biro ni Hirana.
"Ito naman, date. Kakain, manunuod, mamamasyal kuha mo, Hirana."
"Talaga? Eh, sino naman ang ka date mo?" Napabuntong-hininga ng lihim si Hirana, mabuti ito may date. Siya wala mas maganda naman siya kay Mira.
"Secret!" sagot nito.
"Hmp! Secret ka diyan sino?"
"Di ba manghuhula ka? Hulaan mo kaya."
Anak ng baboy ramo ah, oo manghuhula nga siya. Pero hindi sa ganitong paraan. Pero sige baka matiyambahan niya eh kay Tinor lang naman may gusto itong si Mira. Nilakihan niya ang mata."Si Tinor?"
Ngumiti si Mira. May sumundot sa puso ni Hirana, hind siya nagseselos hello ang guwapo kaya ng humalik sa kanya kagabi. Huh meron ba? Nananaginip lang yata siya, eh.
"Mali ka, Hirana, hindi si Tinor."
Napakunot-noo bigla si Hirana. Hindi si Tinor? Eh, ito naman ang gusto niya ah, sino naman kaya?
"Di nga. Sino, Mira?"
"Secret. Hindi mo nahulaan, eh."
Kumulo bigla ang dugo ni Hirana. Sa secret na sinabi nito."Diyan ka na nga lang!" medyo inis na sabi niya. At naglakad na.
"Hirana, mamaya na lang tayo magkuwentuhan araw ko ngayon, eh. May date ako!" Parang sininabi ni Mira na ikaw wala ako meron na.
Oo na ikaw na ang may date."Huh? Ano ngayon kung wala. May first kiss na kaya ako. Kaso totoo ba ang halik na iyon?" Kikibot-kibot ang labi niya.
Habang naglalakad siya may mabilis na sasakyan ang nasa likuran niya. Bumusina ito ng malakas dahil makipot lang ang daan kailangan niyang gumilid ng husto iyong bang dikit na sa bakod ang katawan.
Nang nasa tapat na ang sasakyan namagara."Ay!" sigaw niya. Nabitawan pa ang dalang bag na kinalalagyan ng kanyang bolang kristal.
Paano naman kasi muntik na siyang nasagi nito."Ang bolang kristal ko," malakas niyang sabi.
Huminto ang sasakyan ng makalampas na ito sa kanya. Eh, sa naiinis siya kay Mira kanina aba dinag-dagang pa ng sasakyan ito. Inihanda niya ang sarili para dakdakan ang taong lumabas. Sa tingin niya basag yata ang bolang kristal niya.
"Binibini, okay ka lang ba? Pasensiya na nagmamadali kasi ako," ani ng baritinong tinig.
"Pasensiya ikaw kaya ang muntik masagi ha! Sasayangin mo pa ang ganda ko!" Sasayangin agad ang sinabi niya muntik lang naman ah, teka over acting yata siya masyado. Dimanpot muna niya ang bag para tignan kung nabasag ang bolang kristal. Aba kailangan nitong bayaran.
"Pasensiya na ulit, Binibini." Lumapit ito kay Hirana para tulungan siya."May nasira ba sa gamit mo Binibini?"
Hindi pinansin ni Hirana ang lalaki. Nakahinga siya nang malalim dahil hindi napaano ang bolang kristal."Wala!" Inis pa rin siya eh. Kung nabasag ito ano ang gagamitin niya mamaya.
"Pasensiya na Binibini. Saan ka ba pupunta, idadaan nakita sa pupuntahan mo?"
"Sa ba---" hindi maituloy ni Hirana ang sasabihin ng tumingin siya sa lalaking nakangiti sa kanya.