Chapter 6
NANG WALA NA SI KIRO, nakahinga ng maluwag si Hirana. Napangiti siya at kung puwede lang na tumawa ng malakas ginawa na niya kaso nasa harapan si Mira, baka sabihin pa nitong nababaliw na siya, pero totoo naman nakakabaliw ang ginawa ng lalaking iyon sa kanya. At ang sinabi na see you later para sa making love nila. Shit lalo siyang mababaliw nito. Naiisip palang ang gagawin nila oh may goodness. Tuloy ang kanyang puso full of excitement na. Teka lang bibigay na ba talaga siya sa lalaking tatlong beses palang niya nakita. At nakahalik na ito sa kanya ng dalawang beses. Siya naman dalang-dala sa ginawa nito. Ano bang nangyayari sa kanya para siyang ginayuma nito ah.
Napansin ni Mira ang ngiti sa labi ni Hirana.
“Para kang timang, Hirana. Nakangiti ka nang walang dahilan.”
Sabi na nga ba niya eh. Paano pa kaya kung tumawa na siya.”Masama bang ngumiti ha, Mira?” aniya.
“Hindi, kaso iyan ngiti parang may sinasabi ba.”
Kumunot ang noo ni Hirana.”Teka anong kakaiba naman iyan ha?”
“Crazy in love ba!”
Napahawak sa tapat ng puso niya si Hirana.”Mira, wish ko lang sana totoo!”
“Okay your wish is now granted, Hirana,” Tugon ni Mira sabay kumpas ng kamay na tila may magic wand siya sa kamay.
Umarte naman si Hirana.”Oh may gosh. Oh my gosh. In love na ako!”
Tumawa si Mira.”Sira ka talaga, Hirana. Kanino naman aber?”
Ngumiti si Hirana, kanino nga ba? Sa lalaking iyon ba na naghahalik na lang sa kanya.”O, hayan tumawa ka na kanina todo emote ka. Sabihin mo nga sa akin kung ano itong drama mo?” ibang sabi na lang niya.
“Eh, kasi ang walang-hiyang ka date ko peke pala!”
“Ha? Peke? Paki-explain, Mira.”
“Hindi sumipot. Sayang lang ang effort ko na nagpaganda.”
“Peke pala hayaan mo na hindi siya worth it.”
“Kakainis lang kasi, eh. Todo effort nga ako at super excited pa ako.”
“Ang mabuti pa Mira. Magtinda ka na para hindi masayang ang araw mo ngayon.”
“Ano pa nga ba hays. Sige diyan ka na aayusin ko na muna ang mga paninda ko.” Tumayo na ito.
Kung ano-ano ang paninda ni Mira, minsan mga RTW. Pag mahina mga prutas at gulay naman.
Nang wala na si Mira. Naupo si Hirana pumasok sa isip ang ginoo kanina.”Teka, hindi ko man lang alam ang pangalan niya.” Naisip ang kuwento nito.” Hmmm Kiro ba? Kung ganon Prinsipe siya? Huh? Saan kahariaan naman siya galing? Ang labo ng lalaking iyon may magic ba siya bakit hindi siya nakikita ni Mira?” Ito ang malaking katanungan sa kanya bakit hindi nakikita ni Mira ito?
Napaisip si Hirana. Kakaiba kasi ito.”Huh? Hindi kaya may mahika siya o kaya salamangka? Gaya ng naririnig ko sa mga matatanda. Pero totoo kaya ito siguro nga kasi ang lalaking iyon? Hays ang dami kong tanong pagnakita-kitang muli mag-uusisa ako sa’yo kung sino ka ba? At saan ka nang galing?” Napabuntong-hininga siya malalim.
Ilang sandali lamang may dumating na customer niya si Hirana pagkatapos nito meron naman sumunod kaya nawala sa isip niya si Kiro.
“KIRO, saan ka na naman ba nang galing?” Nakasalubong ni Kiro ang ina sa pasilyo ng palasyo.
“Ina, diyan lang.”
“Diyan? Aba, Kiro. Nawili ka na sa diyan na iyan ano bang meron sa diyan na iyan, ha?”
“Ina, gusto mo bang malaman?”
“Kung sasabihin mo makikinig ako.”
“Sige pero puwede bang sa akin silid tayo mag kuwentuhan, Ina?”
Ngumiti ang kanyang ina. Saka nagpatiuna na itong naglakad patungo sa kanyang pahingaan.
Umupo ang Reyna sa kama sumandal sa headboard nito. Huminga si Kiro sa hita ng ina. Matagal na rin na hindi nila ito ginagawa. Pag nagtatampo siya noon pinupuntahan kaagad siya ng ina nilalambing hinahaplos-haplos ang buhok kagaya ngayon. At dito damang-dama niya kung gaano siya kamahal ng ina.
Napapikit si Kiro, gusto mo na niyang damhin ang pagmamahal ng ina gaya nong bata pa siya. Napangiti naman ang reyna hinayaan na rin muna ang anak.
Sampong minuto ang lumipas nagmulat ng mata si Kiro.”Ina, kung sakali ba na magmahal ako ng iba. Puwede ba ito?” aniya.
“Nang iba? Anong iba, Kiro?”
“Sa tao, Ina.”
Hindi nagulat ang reyna sa sinabi ng anak na tao.”Mahirap iyan, Kiro, alam mo ito. Wala silang alam tunggol sa atin, tayo ay laman ng kanilang kuwento na hindi pa nila naipapaliwanag kung totoo ba o hindi.”
“Ina, hindi mahirap kung mahal din niya ako. Sasabihin ko sa kanya kung sino ako at saan ako ng galing.”
“Kung ganon umiibig ka sa tao, Kiro?” paniguro ng reyna.
Tumango si Kiro sa ina.
“Kiro, maraming prinsesa sa paligid mo o kahit na hindi pa ito anak ng hari, ay puwede mong maging asawa, huwag lamang sa tao.”
“Ina, sa hindi sila ang tinitibok ng puso ko. Ang binibining manghuhula ang nais ng puso ko, Ina!” Madamdamin sa saad niya.
“Ang tanong Kiro, may pagtatangi rin ba ang Binibini sa iyo?”
“Nararamdaman ko Ina, meron gusto rin niya ako.” Paniguro ni Kiro sa ina dahil wala man kang pagtutol ito ng halikan niya sa una oo pero nang magtagal alam niyang bumigay din ito.
“Kiro, ang damdamdamin minsan mapag-linlang. At ang mga tao marunong magtago ng kanilang nararamdaman, baka mabigo ka lamang, Kiro, tayong mga elf iba pagnabigo nakakamamatay ito.”
“Ina, titiyakin ko muna na mahal niya ako bago ko sasabihin ang lahat sa kanya. Kung ako man ay mabigo, wala akong sisisihin Ina, dahil nagmahal ako.”
Ngumiti ang reyna.“Kiro, anak, kung saan ka masaya handa akong balian ang patakaran ng kaharian ito makita ka lang masaya. Pero… Parang mahirap mangyari iyan sinasabi mo dahil magkaiba kayo ng mundong ginagalawan.”
Ngumiti si Kiro.” Hindi mahirap Ina, akong bahala, salamat Ina, pero si Amang Hari, paano siya?”
“Akong bahala sa kanya, mahal ka namin kaya kung masaya ka sa babaing mamahalin sige tatangapin ko siya pero sana nakahanda ka niyang tanggapin at yakapin kung sino ka, anak.”
Alam niyang mahirap. Sinabi lang sa ina na hindi mahirap ito. Pero gagawin niya ang lahat makuha lamang ang binibining maghuhula at nasimulan na niya ito.
Niyakap ni Kiro ang ina ng mahigpit.”Salamat talaga, Ina.”
“Sige magpahinga ka na.” Tumayo na ang ina.
May ngiti sa labi na nahiga muli si Kiro, mamaya dadalawin niya ang Binibini para gagawin ang usapan nila kanina.
“HAY, kaunti lamang ang kinikita ko ngayon, hmmm teka hindi nagbayad ang Ginoo ah.” Nang maalala niya ito.”Sisingilin kita pag nakita kita hmp!” Lumabas na siya sa kanyang kubo, bumili na lang siya ng prutas para sa ama at ina.
“Hirana, sabay na tayo!” Sigaw ni Mira na humahabol sa kanya.
Hinintay naman niya ito. Pagdating sa kanya hinihingal ng todo ito.
“Sino ba kasing may sabi sa’yo na tumakbo ka, ha, Mira?”
“Wa-wala, para makasabay kita.”
“Hinga ka muna ng malalim, hugutinh mo ang hininga mo tapos ibuga mo.”
Huminga naman ito na may kasamang tunog pa.”Buga!” sabi ni Hirana.
“Woooh!” Malakas na lumabas sa bibig nito na may kasamang laway pa.
Napatawa si Hirana.
“Bakit, Hirana?”
“Wala, tara na dumidilim na.”
Habang naglalakad sila nakasalubong nila si Tinor, parang lasing ito.
“Hi-Hirana, na mahal ko ang ganda mo talaga.” Sabi nito nang makalapit sa kanila.
Napasimangot si Mira.”Siya lang ba Tinor. Eh, ako maganda rin naman, ah.”
Tumingin si Tinor kay Mira.”Maganda, saan ba banda? Wa-wala naman akong nakikita.” Pranka nitong sabi.
“Mira, tara na lasing lang siya.”
“Ang sakit mo naman magsalita Tinor. Eh, ikaw guwapo ka nga wala ka naman maipagmamalaki sa buhay mo. Isa ka lang hamak na kargador. Sa akala mo ba magugustuhan ka ni Hirana, HINDI!” madiin turan ni Mira sa huling sinabi.
Nasaktan si Tinor sa sinabi ni Mira, makikita sa mukha ang galit.”Lintik kang panget ka! Huwag mo ako iniinsulto, ha!” Dinuro niya ang dalaga. Maaaring nagawa lamang nito ang magmura at maghamak dahil sa kalasingan. Kilala naman nilang mabait ito at hindi palaimik kung hindi mo papansinin.
Hindi naman natinag si Mira.”Sino ba ang unang nang insulto di ba ikaw! Guwapo ka nga pero ang panget ng ugali mo. Ako na panget maganda naman ang ugali ko. Sayang crush pa naman kita o kaya minahal ng lihim hmp! Hirana, tara na baka mahawa pa tayo sa kapangitan ng ugali niya!” Mabilis silang naglakad papalayo kay Tinor.
“Hoy! Mirang panget, may araw ka rin sa akin makikita mo. Hirana, mahal ko pakakasalan kita!” Sigaw nito.
Napailing na lang si Hirana sa sinabi ni Tinor. Aba may gusto pala ito sa kanya.
“Gagong! Tinor, mabuti na lang hindi ako na fall ng todo sa kanya.”
“Anong hindi. Kinikilig ka pa nga pagnakikita mo siya di ba sabi mahal mo siya?”
“Nagsisisi ako, Hirana. Sa iyo pala may gusto, ang lintik na lalaking iyon!” galit nitong sabi.
Kahit naman siya crush din niya si Tinor, hay mabuti naman hindi siya nito niligawan. Naku pag ginawa nito siguro bibigay siyang talaga.
Nang nasa tapat na sila ng bahay ni Mira.”Hirana, bukas sabay din tayong pupunta sa bayan, ha.”
“Oo ba, ikaw lang kasi may pa date. Date ka pang nalalaman, eh. Peke naman pala. Nainggit pa man din ako, eh.”
Sumimangot ito.”Sige na, Hirana.” Tinungo na nito ang bahay nila.
Pagdating ni Hirana sa bahay nila, nadatnan niya ang ina na naghahain na ng hapunan nila.
“Inang.” Nagmano muna siya rito.
“Tamang-tama ang uwi mo Anak, kakain na tayo.”
“Ah, Inang. Mamaya na ako kayo muna ni Amang ang kakain, maliligo lang ako sandali sa talon.”
“Sige Anak, pero pagsapit ng dilim narito ka na sa bahay ha, huwag kang magpadilim doon alam mo naman maraming kuwento sa talon,” paalala nito.
“Opo Inang,” pumasok muna siya sa kanyang silid nilapag ang bag sa lamesa lumabas din agad. Tinungo na ang talon.
Nakasanayan na niyang maligo sa talon tuwing uuwi siya, pakiramdam kasi niya nawawala ang kanyang pagod pagnasasayaran ng tubig talon ang kanyang katawan.
Pagkadating niya sa talon agad na siyang naghubad tangin ang kanyang kamison ang iniwan. Sinawsaw muna ni Hirana ang paa sa tubig.”Hmmm, tamang-tama maligamgam ito.” Agad siyang lumusob.”Ahhh!” sigaw pa niya.
PAGKAGISING ni Kiro, iisa agad ang nasa isip ang puntahan ang Binbini. Napangiti siya bigla dahil nararamdaman niyang nasa malapit lang ang babaing tinatangi.
“Hmmm, nasa talon siya.” Agad na pinuntahan ito.
Pagkakita sa binibini, kaylapad ng ngiti ni Kiro. Naghubad na rin siya para samahan sa paliligo ito. Pero hindi muna siya magpapakita pagsasawain muna ang mata sa magandang tanawin mula sa babae.
Palutang-lutang sa tubig si Hirana, nasa batuhan naman si Kiro na nakaupo nakamansid lamang sa babae.
Tumayo si Hirana naglakad patungo sa batuhan upang mahiga habang nakatapat sa tubig mula sa itaas ang katawan.
Todo lunok si Kiro, sa dibdib ng babae nakatuon ang mata, kahit na may suot pa itong kamison sa kanipisan nito parang wala na rin damit.
“Ahhh!” hingal niya alam niyang mabilis ang pagdaloy ng kanyang dugo sino ba ang hindi. Pinipigilan ni Kiro ang sarili na hindi muna gagawa ng bagay na gusto niya. She want this woman so badly now. Gusto niyang damhin ang bawat sulok ng katawan nito.
Umalis sa tubig si Hirana nahiga sa tabi ng lalaking hindi niya nakikita.
Abot kamay na ni Kiro ang Binibini. Hindi na niya pigilan pa ang sarili hinaplos na niya ang pisngi ng babae.
“Huh?” may gulat na reaksiyon ni Hirana, dahil may mainit na bagay sa pisngi. At iisa lamang ang nasa isip ang Ginoo ito. Napaupo siya bigla nagpalingon-lingon sa tabi niya pero wala naman siyang kasama. Kahit paaano kinalibutan siya. Na engkanto na yata siya. Kailangan na niyang umalis para kasing hindi siya nag-iisa sa sandaling iyon may kasama siyang hindi niya nakikita.
Tumayo na si Hirana para umuwi na. Pero hindi hahayaan na mangyari ito ni Kiro. Ito na ang kanyang pagkakataon na mapalapit ng husto sa binibini. At may basbas na ang ina para ipadama ang nararamdamn na pag-ibig sa babae.
“Magandang hapon sa iyo, Binibini.” Aniya at may matamis na ngiti sa kanyang labi. At nakalimutan yata niya na wala siya kahit na anong saplot sa katawan. Ang kanyang pagkalalaki ay tila sinasabi nito sa babae na welcome to my world.
Nanlalaki ang mata ni Hirana. Hindi dahil sa nagulat siya sa bigla nitong paglitaw sa kanyang harapan. Ang tingin ay deretso sa pagitan ng hita nito.