Chapter 40

“Okay.” pumayag ako.

Nakita ni Axelle sumama si Mylene kay Zan. Tumayo siya para sundan ang dalawa para makita kung ano ang gagawin nila. Pareho na silang maraming na-inom na wine baka anong mangyari sa kanila.

Oo, lasing na nga si Mylene. Nagtalon talon na ito sa kalasingan.

Saan saang pwesto na ito nakakapunta.

Hindi mapalagay ang binata sa girlfriend kaya ang ginawa niya. He called his driver para kuhanin siya rito si Mylene at ihatid sa apartment niya.

“Bitawan mo ako!! gusto ko pang uminom.” Pagpupumiglas niyang makawala. Ang dalawa niya namang kaibigan ay nasa normal pang kilos. Hindi sila nagpakalasing

“Freny, lasing ka na!”

“Hindi pa ako lasing!” I'm just wondered, bakit yung mga taong lasing ay tinatanggi nilang hindi pa sila lasing. Marami akong kilalang ganun, isa na ako. Yun ang ginagawa ko ngayon.

Pabagsak bagsak na sa kalasingan ang dalawa. Lagi nilang sinasabing hindi pa sila lasing.

Sumama rin sina Axelle at Allyson sa paghatid kay Mylene.

“Kayo na ang bahala sa freny namin ha?!” wika ni Iza.

“Goodnight, freny!” sambit ng dalawa niyang kaibigan.

Si Allyson naman ay hindi uminom ng marami. Kaunti lang ininom niya. Yun lang.

Walang traffic kaya hindi umabot ng isang oras ay nakarating na sila sa apartment.

Bago nakarating sa lugar ng apartment ni Mylene ay nagpaalam si Allyson na mauna na siyang umuwi.

Pinauwi na rin ni Axelle ang kanyang driver. Binuhat ni Axelle si Mylene para ipasok sa loob dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na ito makapaglakad ng maayos.

“Ilang buwan lang ay hindi kami nagkasama, bumigat ang babaeng ito,” wika niya. Nahihirapan siya maglakad dahil ang gulo ni Mylene.

“Sa wakas, nandito na kami.” Nailagay niya na ang girlfriend sa higaan nito. “Napagod ako roon. Inaantok na rin ako. Makatulog na nga!”

Kinabukasan. Nagising na lamang si Mylene dahil sa naririnig niyang hilik

“Ano bayan, ang sakit ng ulo ko. Sino ba itong ang ingay ingay?” dinilat niya ang kanyang mga mata at kanyang nakita si Axelle. Nakayakap ito sa kanya, dahil sa gulat, naitulak niya ito, dahilan ng pagkakahulog sa kama.

“Arayy! Ano ba?! Bakit mo ba ako tinulak? Nahulog tuloy ako. Ang sakit ng balakang ko.” tumayo siya at tumingin kay Mylene.

“What?!” tanong niya.

“Bakit ka nandito sa kwarto ko? Bakit tayo magkatabing magkatulog? May ginawa ka ba sa akin ng hindi maganda?” tumingin siya sa baba ni Axelle.

“Naka trunks ka lang?!” sigaw niya.

“Ang dumi talaga ng utak mo. Hindi mo maalala? Sinukahan mo ang pantalon ko, wala akong dalang pamalit kaya ito, ganito nalang. Tsaka, parang hindi ito yung beses na magkasama tayong matulog.”

“Iba yung dati tsaka ngayon!”

“Pa'no naiba?”

“Basta!" Nakitang nakangiti si Axelle.

“Anong ngingiti ngitimo riyan?!”

“Wala namang problema diba kapag may nangyari sa atin? Kaya naman kitang buhayin? I hope nga, may nangyari sa atin,” binato niya ng unan si Axelle dahil sa sinabi nito.

Tumayo si Mylene at lumabas ng kwarto. Sumunod sa kanya si Axelle.

“Magbihis ka na nga diyan. Baka, may unexpected na bisita tayo rito, makita kang ganyan at baka kung ano pa ang isipin.” Lumapit siya kay Mylene. Niyakap niya ito ng mahigpit.

“Hoy!”

“Okay, mahal ko!” buti nalang may unisex na short si Mylene kaya yun ang sinoot ni Axelle.

Because of the holiday kaya wala silang pasok.

“Ipapahatid ko nalang sa driver ko ang aking mga damit. Dito muna ako titira!” lumingon siya kay Axelle ng marinig ang sinabi nito.

“Seryoso?! Hindi naman sa ayaw ko, baka.. alam mo na.. yung parents mo or baka may makakita sa atin dito.”

“Ano ka ba. Please, avoid na mag-isip-isip ng mga ganyang bagay. Hindi natin alam ang mga mangyayari kaya let's enjoy every single day!”

Napa-isip ako. Tama si Axelle, dapat, bawat araw bibigyan namin ng halaga, punuin namin ng magandang alaala.

“ Manood tayo ng movie?” anyaya ko sa kanya.

“Can't expected na ikaw yung mag-aalok. Nasanay ako yung nangungulit sayo na gumala sayo.”

“Bakit? Ayaw mo ba?”

“No. I mean, masaya akong lalabas tayo.”

“Pagkatapos nating manood ng sine. Kumain tayo sa mamahaling restaurant at treat mo.”

Ngumiti siya sa akin. “Thank you!”

“Ako dapat magpasalamat dahil tinanggap mo ako ulit.”

Pagkatapos naming mag-agahan, nanood kami ng sine. Hindi ko piling manood ng romance dahil kami ay sapat na, ang love story namin. Ang pinanood nalang namin ay horror.

Kaya itong katabi ko, nakapikit madalas ang mga mata. I just realized how he love me very much dahil kahit natatakot siya ay tinapos niya ang movie.

Sumunod ay kumain kami sa mamahaling restaurant.

“ My wish ka ba?” napatingin ako sa tingin ni Axelle.

“Unlimited ba yang wish mo?”

“Oo.”

“Ahh.. Una, dapat madalas tayong kumain sa ganitong mamahaling kainan.”

“I assure you. Ano pa?”

“Sa ngayon, yan muna.” This is not a dream, because, if this a dream, ayaw ko ng gumising. I want to trap this kind of dream, just to be with him, longer to forever.

Nagkuwentuhan kami, nagtawanan, nag-asaran, nagpikonan at nagbatukan.

Para sa akin, ganyan ang isa sa definition ng love, for two people. Oo, sana, kung ano yung panimula ng pag-iibigan ninyo, dapat tuloy tuloy o araw araw yun. To remind, both of you, masaya kayo sa isa't isa, kuntento na kayo sa isa't isa. Hindi man perpekto pero kuntentong masaya kayo. That's a simple and happy relationship.

Maaga kaming umuwi dahil may promised date pa kami ni Zan.

Nakita ko na naman ang mukha ng boyfriend ko, hindi maipinta.

“Kailangan mo ba talagang puntahan siya? Nakakasakit naman ng puso. Tayo na pero ngayon lalabas ka, kasama ang ibang lalake."

“Alam mo, gusto kong nagseselos ka dahil lalo kang pomopogi,” pagbibiro ko sa kaniya.

“Kaya pinapaselos mo ako?!”

“Hindi. Pupunta ako ngayon para tuparin ang pangako ko. Dagdag pa, para sabihin din sa kanya, hindi kami para sa isa't isa. Isang closure lang ang magaganap. Yun lang, pagkatapos non, uuwi na ako.”

“Sasama ako?”

“Okay. Pero, doon ka lang sa loob ng kotse mo?”

“Ano pa bang magagawa ko.” Niyakap ko siya. Pogi mo talaga. Sana, araw araw ka nalang magseselos.

“Mahal!”

“Joke lang!” Tumayo na ako para magbihis.

Chinat sa akin ni Zan kung saang place kami magde-date, isang japanese restaurant.

Pinintasan ni Axelle ang piniling lugar ni Zan para sa aming date.

“Ito? Napakabadoy niya naman! Hindi naman kayo japanese tapos diyaan niya idadala ang babaeng ilalabas niya. Tsaka, mura lang ito. Lamang talaga ako sa kanya."

Hambig ng lalake na ito.

“Oo, pati kahambugan mo. Wag ka na nga ano diyan. Baka, pinili niya ang place na ito para maiba naman or baka rin masarap ang foods dito.”

“Whatever.”

“Sige na. Pasok na ako.”

Nang pumasok ako ay nakita ko siya, in the right side of the table. Nang makita niya ako ay kinawayan niya ako.

“Late ata ako, eh!” sabi ko sa kanya.

“Hindi. Maaga lang talaga ang punta ko.” Hinatid niya ako sa upuan ko.

“Okay. Before anything else, mag-order muna tayo!” Lumapit sa amin ang lalakeng waiter para kunin ang order namin.

Masaya ako dahil yung dalawa kong paboritong pagkaing Japanese food ay nasa list kaya yun ang pinili ko.

Tatlong putahe ang pinili ni Zan. Lumakad na paalis ang waiter.

“Alam mo bang masasarap ang pagkain nila rito. Mamaya, kapag natikman mo yung foods, baka makalimutan mo yung pangalan mo.” Totoo ang sabi ko kay Axelle, pinili niya ito dahil masarap ang foods dito.

Speaking of him. Nakita ko ang phone ko na umilaw. Tiningnan ko, nakita ko yung text niya. Bakit daw ang tagal? Atat naman nito. I shut down my phone, dahil baka tumawag siya.

“Ang ganda ng soot mo Mylene!” bati niya sa akin.

“Thank you! Ikaw din naman, you look so good!”

Dumating na yung order. Nang tinikman ko, gaya ng sabi niya, oo, masarap ang foods. Hindi ko namalayan, napabilis ako ng kain. Nang napansin ko ay bumalik ako sa pagdahan dahan.

“Sorry, ang sarap kasi!”

“I don't mind it.” nakita kong mabilis din siyang kumain.

“Don't make your happiness in small things will remove dahil gusto mo rin makibagay sa iba. Hindi naman sila nagbayad nito. Wala silang pakialam kung ganito ako. Wag mong baguhin, yung uniqueness mo dahil lang sa kanila.” gusto ko yung nga sinabi niya.

“May plano ka bang maging motivational speaker? Galing mo kasi, eh! I liked every line you said.”

“Thank you!”

Matapos silang kumain ay nilapag naman sa mesa ang dessert.

“Wow! Sa tingin pa lang, nakakaakit na sa sarap.”

“Tikman mo na!”

Ninamnam ko ang bawat piraso ng dessert. Masarap talaga ang paggawa. “Speechless ako!”

“Masaya ako dahil nagustuhan mo yung foods.”

“Oo. Bibigyan kita ng full star. Perfect score!” ngumiti si Zan sa sinabing papuri ni Mylene.

Inayos ni Zan ang tindig pati ang boses niya. “Mylene, ayaw ko ng magpaligoy ligoy pa, pwede ba maging tayo? Pwede ba kitang maging girlfriend?”

Hinawakan ko ang kamay ni Zan. I look at him in the face.

“Zan. I'm sorry. May mahal ako, may boyfriend ako. Lately lang naging kami. Mahal ko siya. I'm sorry! ” Nakita ko yung sad niyang face.

“Well, ayoko naman pilitin kita. Sadyang malas lang siguro ako sa pag-ibig.”

“No. Don't say that. Naniniwala ako, lahat tayo ay may nakatadhanang taong magmamahal sa atin. Sometimes, kailangan natin ng more patience para hintayin ang taong iyon. Just wait, darating din siya, baka nasa tabi tabi lang siya. Hindi mo namalayan, siya na pala yun” Si Kan ang tinutukoy ko. Sana naman magbago na yung bruha na yun.

Nakalimutan ko, hindi na pala kami magkaaway kaya hindi ko na siya tatawaging bruha.

“Siguro nga, I just wait nalang. Anyway, yung sinasabi mong boyfriend mo, tagasaan siya. Pwede ko bang malaman ang pangalan niya? Sa school ba natin siya nag-aaral?”

Sasabihin ko ba or hindi? Bahala na. “Yung relationship namin ay sekreto lang. Naisip ko kapag hindi ko sinabi sayo baka isipin mo nagsisinungaling lang ako. Okay. Si Axelle.”

Nagulat siya sa narinig niya. “What? Diba, may girlfriend siya?”

“Oo, pero.. paano ko ba ito ipapaliwanag. Ganito kasi yun. Naaalala mo yung una nating pagkikita sa beach?”

“Oo, naaalala ko.”

“Diba, may sinabi ako sayo, about sa paghihiwalay namin ng boyfriend ko. Si Axelle ang tinutukoy ko. Nagkabalikan kami ngayon. About naman kay Allyson, alam niya na rin. Tsaka, the funny thing is, may secretong boyfriend din siya. Pagpapanggap lang din ang ginagawa nila ni Axelle para sa parents nila,” pagpapaliwanang ko sa kaniya.

“Ah. Naintindihan ko na.”

“Sana sekreto lang natin 'to.”

“Don't worry, hindi ko ito ipagsasabi sa iba.”

Hindi ko alam, all this time, nasa likod namin siya. Nakaupo sa likod na table.

Narinig niya ang mga pinag-uusapan namin. Kaya hindi na siya nagpanggap. Inakbayan niya ako.

“Kaya ikaw, huwag ka ng makalapit lapit pa sa girlfriend ko. Wag ka ng magpapapansin ka sa kanya.” Sinita ko siya sa pagiging rudeness niya.

“Pasensya ka na, ganyan talaga ang ugali niyan.”

“ I don't mind.” seryosong tingin niya kay Axelle.

Nararamdaman ko na yung pagkakaroon ng initan sa kanilang dalawa kaya nagpaalam na ako kay Zan.

“Ikaw, ayusin mo nga ang ugali mo,” pangaral ko sa kanya.

“Pinagtatanggol mo siya? Eh ako ang boyfriend mo rito.”

“Oo, tsaka, ikaw rin ang mali dahil sa rudeness mo. ”

“Basta. Hindi magbabago ang trato ko sa kanya,” patalikod niyang sabi.

“Bahala ka nga diyan, ang hirap mong kausap.” Nauna akong naglakad.

Hindi muna kami umuwi ng bahay, naglakad lakad muna kami.

“Napapagod na yung katawan ko sa lakad natin kanina kaya umuwi na tayo, mahal ko!”

“Dito muna tayo. Gusto kong maglakadlakad. Ang sarap ng hangin, alamig! Tsaka, yung kalangitan, maliwanag din!” magkahawak ang kamay namin ni Axelle. Sumandal ako sa balikat niya.

“May gusto ka bang puntahan na place?” biglang tanong niya sa akin.

“Ngayon, mismo?”

“Oo.”

“Wala. Gusto ko muna maglakadlakad tayo. Matagal na rin yun diba, nung magkasama tayong naglakad lakad.”

“Oo. Intern ako ng call center, noon.”

Tumingin ako sa mukha niya. “May next wish na ako!” tuwa kong sabi sa kanya.

“Ano yun?”

“I want you, to stay to me, forever, kaya mo bang i-grant ang wish ko na yun?”