Chapter 41

“Wow naman! Dapat i-celebrate ko rin, itong araw na ito dahil kakain ako sa number one na pinakamahal na restaurant sa Pilipinas. Feeling ko ngayon, nanalo rin ako.” Tiningnan ko ang mga mga price sa mga nasa list ng menu. “Tama ka nga, napakamahal. Isang buawn ko ng budget 'to.” tumingin ako kay Axelle.

“Axelle, pwede naman tayo kumain sa hindi ganito kamahal na restaurant. Yung mga dati nating kinakainan na restaurant, hindi medyo mahal. Parang, isang kahalating putahe lang ang ma-oorder ko nito dahil sa sobrang mahal.” Nakita ko siyang natawa.

“Bakit?!”

“Wala. Natutuwa lang akong tingnan ka, as Innocent.”

“Order, whatever you want, kahit lahat yan, tikman mo,” sabi niya sa akin.

“Nagpapatawa ka ba? Aabot ata 'to ng kalahating milyon. Isa or pwede bang kalahati? Pwede ba yun dito?” Natawa ulit siya sa mga tanong ko.

“Para kang ano. Bakit ka natatawa?”

May pinakita siyang long vertical card sa akin.

“Ano yan?" Pagtatakang tanong ko.

“Nagkakaron lamang ng ganitong card, kapag ka-anak ka ng may ari or isa ka sa may ari ng restaurant na ito. This card, means also, kainin mo ang gusto mong kainin.”

“Wait, pati ba ito, may ari niyo? ng parents mo?”

“Well, honestly, lima ang nagmamay- ari at nagpapatakbo sa mamahaling restaurant na ito. Isa rito ang mga magulang ko.”

“Grabe, big time ka talaga. Sobrang yaman niyo pala.”

Nakita niya ang malungkot kong mukha.

“Bakit ka malungkot?!” tanong niya sa akin.

“Naisip ko lang, kapag pinili mo ulit ako kesa sa marangya mong buhay. Malaki ang mawawala sa 'yo. Malaki rin ang gagawin mong pag-aadjust.

Nahihiwagaan tuloy ako, sa dulo, ano kaya mangyayari sa ating dalawa? Ngayon ko napagtanto, sobrang haba ng tulay na nagdudugtong sa atin. Paano kung masira ito? Tsaka, Ang layo mo.”

Hinawakan niya ang kamay ko.

“Gaya ng sabi ko sayo, bababa ako mula itaas para maabot kita. Tsaka, lalapit ako para hindi maging malayo ang tulay na nagdudugtong sa atin. Kung masisira man ang tuloy na nagdudugtong sa atin. Aayusin ko para makapunta ako sa 'yo.”

Hinawakan niya ang pisngi ko.

“Mylene, masisira lamang ang tulay na nagdudugdong sa atin kung susuko tayo. Be strong, dahil yan ang ginagawa ko. We can't predict what will happen in the future, kaya, e-enjoy nalang natin ngayon, ang bawat araw na tayo ay magkasama. Pwede ba yun?”

Ngumiti ako sa kanya at sumang-ayon.

“Okay. I will stop this drama. Tama ka, let's makes everyday, be joyfull. Hihinto ko na rin ang kadramahan na ito para makapagsimula na tayong magdiwang sa pagkapanalo ninyo.”

Dahil free itong mamahaling pagkain, kaya unli rin ang order ko. Lahat ng nasa menu, inorder ko na. Kaya nga lumipat kami sa malaking mesa dahil sa maraming pagkain.

Nilagyan niya ang baso ko ng mamamahaling wine.

“Cheer” sambit naming dalawa while we are tossing our glass with wine.

“Congrats sayo! Masaya akong nanalo ka! Proud na proud ako sayo!”

Habang kumakain, pinagkwentuhan namin ang tungkol sa laro niya. Nakikinig lang ako sa kanyang kwento.

“ Ang galing ko talaga. Ako yung nagpapanalo sa amin. Kahit, kinakabahan ako, hindi ko yun pinansin, I ignored it. Inisip kita, kailangan manalo kami, kailangan ma-shoot ko ang bola na ito, para sayo 'to. Akala ko nga, hindi yun mapapasok dahil umiba ng kaunti ang direksiyon ng bola.”

“Oo kita ko rin, pati ako, grabe yung tense nararamdaman ko. Kaya nga nang pumasok yung bola, napatayo ako sa tuwa, napatalon ako.”

“Ako talaga yung swerte sa amin. Ako talaga. Kung hindi ako nakasama sa team nila. I confidently say that, matatalo sila. Kasi, sa totoo lang, itong si Zan, hindi naman talaga siya ganun kagaling. Ngayon, mas magaling na ako sa kanya.”

Kun ano-ano pa ang pinagkwentuhan naming dalawa. Hindi namin napansin, umabot na kami ng 11pm ng gabi. Napakadaldal kasi nitong si Axelle.

Lumipas at dumaan ang mga araw, lalong naging sweet ang lalakeng ito.

Nagiging madalas ang pagsorpresa niya sa akin pati ang pagbibigay ng mga kung ano-ano sa akin.

Ang kwarto ko ay puno nang mga stuff toy, mga malalaki at mamahaling stuff toy. Binilhan niya rin ako ng mga mamahaling alahas.

Binilhan niya rin ako ng mga mamahaling damit at sapatos.

He insisted na tanggapin ko kahit hindi naman talaga ako sanay sa mga ganito. I mean, hindi naman ako maluho. Kaya nga, naka-display lang ang mga alahas, hindi ko sinosoot.

Yung mga mamahaling damit at sapatos naman ay minsan ko lang magamit.

Minsan, nagbakasyon kami ng dalawang araw (sabado, linggo) sa visayas, tsaka, sa mindano rin.

Kapag wala kaming pasok, kasama na ang sabado at linggo, dumadayo kami sa iba't ibang lugar. Halos lahat atang sikat na lugar sa Pilipinas ay amin ng napuntahan kaya nga nagbabalak kami, sa visayas naman kami dadayo. Pupuntahan namin ang mga kilalang place roon.

Sobrang saya ko talaga araw araw dahil iyon sa boyfriend ko na si Axelle.

Umabot na ng isang buwan ang relationship namin. Nagkaroon na ng angat na title. Nag level up, kumbaga. Hindi na weeksary, kundi monthsary na.

Sa katunayan. Ipagdidiwang namin ang first monthsary namin sa isang hotel.

Sabi ni Axelle, may mahalagang panauhin kami, isang sikat na mang-aawit sa ibang bansa tsaka dito sa Pilipinas.

Sila ang kakanta, habang sumasayaw kaming dalawa.

Dahil sa pag-aasikaso kaya nauna siyang pumunta sa hotel. Pinasundo niya ako sa driver niya.

“Hali na kayo, ma'am, inaantay na kayo ni sir Axelle.”

“Sige. Kukunin ko lang ang bag ko.”

Excited akong pumasok sa mamahaling van.

I texted him na papunta na ako. Masayang masaya ako sa gabing ito.

Isa ring mamahaling hotel ang pagdadausan ng aming monthsary.

Napa “Wow!” ako ng makita ang hotel.

Ito yung nakikita ko sa sikat sa magazine. Tsaka, sa ads ng youtube.

Binigay ko sa guard ang aking hawak na card.

“ Ikaw po pala si Mylene?”

“Opo.”

“ Sa fourth floor po kayo pumunta, ma'am.”

“Okay po, thank you! ”

Binuksan ng dalawang staff na lalake ang glass na pintuan.

Nakita ko ang paligid ay puno ng mga red roses. “Si Axelle talaga, best effort of the year talaga siya.”

Excited at nagmamadali akong pumunta sa elevator dahil excited akong makita si Axelle lalo na yung inimbitahan niyang mga sikat na singer.

Pati rin sa elevator ay may mga dekorasyon. Siguro nirentahan niya ang buong hotel na ito dahil wala akong nakikitang palakadlakad na panauhin.

Second floor, third floor, fourth floor. Sa wakas, nandito na ako!

Malayo palang ay nakita kong may isang nakatayo na lalake sa labas ng pinto. Bantay ng event ata siya.

“Buong pangalan po nila?” tanong sa akin.

“ Mylene Gomez.”

“Welcome ma'am, sa party! ”

Nagtataka ako sa sinabi niyang party. I ignored ito.

Sinalubong ko ng ngiti habang binubuksan ang pinto. “ Ito na!”

Nawala ang ngiti sa aking mukha ng makita ang maraming mahahalagang tao sa loob.

Nakatayo silang nakatingin sa harap dahil may nagsasalita. Boses ni Axelle ang naririnig ko.

Grabe naman itong inimbitahan niya. Natuwa naman ako dahil, ginawa niyang pinakamahalaga ang monthsary na ito.

Paano ba ako pupunta sa harap. Ang daming tao.

“Excuse me po, Padaan, padaan po, excuse me. Kaunti nalang. Excuse me.”

Nagtataka ako sa nakita ko. Bakit nandito si Allyson. Kasama niyang nasa harapm Nakita ko ring nagyakapan sila.

Hindi ako na-triggered sa kanilang pagyayakapan dahil kailangan nilang magpanggap para mapaniwala ng mga magulang nila.

Tumingin ako sa paligid, nakita ko ang mga magulang ni Axelle.

“Anong nangyayari?!" Pagtatakang tanong ko sa aking sarili.

Narinig pala ng katabi ko ang aking sinabi kaya ay sinagot niya.

“ Naglaunch kasi ng new product ang pamilya nila, sila yung ginawa kakatawan sa nasabing produkto. Dagdag pa, monthsary din ngayon ng engagement day nila. Bagay sila diba?!”

Ano ba ito? Hindi ko maintindihan? bakit pinapunta pa ako ni Axelle kung alam niyang magkakaroon ng ganitong event? Alam niya rin na monthsary namin ngayon.

Muling nagsalita si Axelle, narinig niyang, limang araw mula ngayon ay pupunta silang dalawa ni Allyson sa Amerika, doon nila ipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral.

Nalilito na ako. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Tinext ko si Axelle, I said, nandito na ako. Tumingin ka sa gilid. May katabi akong mag-asawang nakasoot ng kulay violet.

Hindi niya ata hawak ang phone niya. “Anong gagawin ko? Anong gahawin ko?” paulit ulit kong sinasabi sa aking isip.

Tawagan ko kaya? I tried na tawagan siya pero hindi ko narinig ang tunog ng kanyang phone.

Siguro, ano lang 'to. Ano.. Baka, hindi niya alam na may ganitong event na mangayayari.

Mabuti pa, umuwi nalang ako. Doon ko nalang siya hintayin para tanungin tungkol dito. Mabuti pa nga.

Naglalakad ako palabas. Ayokong mag-isip ng mga negatibo, kahit naririnig ko sa mga bisita ang mga papuri sa kanilang dalawa.

May tiwala ako kay Axelle, iyon ang pinaghahawakan ko ngayon.

Matagal din bago ako nakahanap ng taxi. Habang nasa biyahe, iniisip ko ang tungkol pa rin sa event doon.

Balisa akong naghihintay kay Axelle. Hindi ako mapakali. Umabot na rin sa hundred times ang pagtitext ko sa kanya, pati pagtawag, ni-isang reply ay wala akong natanggap.

Upo sa sofa, upo sa labas ng pinto, nakatingin sa bintana, yan ang pauli-ulit na ginawa ko, hanggang mag 10pm ng gabi.

Naka-iglip nga ako sandali, nagising ako sa tunog ng ingay sa labas. Akala ko, siya na, kaya tumingin ako.

Ako ay napabuntong hininga sa pagkabigo. Siguro, bukas nalang sa school. Baka, sobrang busy talaga siya ngayon. Lalo na, launch ng kanilang bagong product, siguradong pinakilala sila sa mga ka-sosyo sa negosyo ng mga parents nila. Baka, napagod siya roon, kaya sa school na lang. Oo, tama. Sa school nalang.

Pumunta ako sa kwarto ko at ako ay natulog nalang.

Dahil sa pananabik na makausap si Axelle, maaga akong pumasok. Hindi ako nagpa-late, kahit kaunti.

Nalungkot ako dahil hindi siya pumasok pati si Allyson. Magkasunod na dalawang araw, hindi siya pumasok.

Pagkauwi ko ng apartment ko, nakita kong nag-aabang ang driver ni Axelle

Natuwa ako dahil maitatanong ko, kung saan si Axelle.

Sinabi niya sa akin, narito siya para kunin ang gamit ni Axelle.

Tinanong ko kung nasaan si Axelle. Ilang segundo bago siya sumagot.

Sabi ng driver ni Axelle, dadalo ang pamilya sa business partner nila dahil kaarawan ng mahalagang ka-sosyo nila sa negosyo. Sinabi niya rin sa akin ang address.

Hindi ako nagdalawang isip, pupuntahan ko siya. Tatlong araw nalang, baka, totoo yung narinig kong pupunta sila sa ibang bansa.

Nagsoot ako ng maayos na damit dahil papasok ako sa galanteng bahay.

Seven pm ng gabi nang ako ay nakarating sa pagdadausan ng party. Nandito na ako sa labas ng gate. Mula sa labas, nakikita ko ang mga bisita nila.

Sinabi ko sa guard, “ kaibigan ko si Axelle Maldrid. Sinabi niyang pumunta ako rito.” Pagsiainungaling ko sa gaurd. Hindi ko sinabing girlfriend ako ni Axelle. Siguradong kilala niya ang pamilya Maldrid pati ang fiancee nito.

“In case raw na hanapan ako ng invitation card.” Kinuha ko ang phone ko at pinakita ang picture naming dalawa, kasama ko rin sa picture si Allyson. “Ipakita ko raw ito.”

“Ah, sige po ma'am, pasok po kayo.”

“Thank you!” nagmamadali akong pumasok dahil kinakabahan ako, baka mabuko pa ako.

Hinanap ko si Axelle. Nakita ko siya sa second floor kasama si Allyson. Glass wall kaya nakita ko sila mula sa labas. Nagmamadali akong umakyat.

“Padaan po. Padaan. Thank you!” nakita kong umupo silang dalawa at kinakausap ang isang may edad na lalake.

“Axelle!” tawag ko sa kanya kaya napalingon siya. Seryoso ang mukha niya ng tiningnan ako.

“Pwede ba tayong mag-usap.” narito rin pala ang mommy niya. Lumapit siya sa akin.

“Oh, hindi ko inaasahan narito pala ang isang gold digger.” lumibot siya sa akin, habang nagsasalita. Lumapit sa amin sina Axelle at Allyson.

“Nandito ka ba, dahil naubos na ang pera mo? Oh, dear, kulang pa ba yung perang binigay ko? lalo na sa mga magulang mo? Mabuti talaga, hindi kayo nagkatuluyan ng anak ko. Baka ma-bankrupt kami,” pang-iinsulto niya kay Mylene.

“Ma, kakausapin ko lang muna siya", seryosong sinabi niya sa mama niya. Naramdaman ko, parang hindi si Axelle ang kausap ko ngayon. Iba yung seryoso niya ngayon kumpara sa mga natural na pagseseryoso niya.

“For what? Anak, kaya hindi ka nilulubayan ng gold digger na yan dahil lagi mo siyang pinagbibigyan. Don't forget, what she done to you. Hija, Allyson, sana, wag kang magalit sa anak ko dahil nandito ang walang kwenta niyang ex.” She look at me nang binanggit niya ang word, walang kwenta.