Chapter 39

“Ayaw ko nga. Masaya lang talaga ako dahil tayo na ulit kaya hayaan mo nalang ako na kargahin ka.”

“Alis na tayo. Baka, tayo nalang ang hinihintay nila.”

“Bahala sila maghintay!”

“Ang kulit kulit mo talaga!”

“Sayo lang ako makulit dahil sa iba ay seryoso ang mukha ko.” Agree ako sa sinabi niyang seryoso ang mukha.

“ Sayo lang ako ganito dahil mahal kita. Mahal na mahal kita Mylene! Mahal na mahal ko si Mylene! Mahal ko si Mylene Maldrid!!” pag sisigaw ni Axelle sa tuwa.

Nakita ko, kung gaano siya kasiya. Hindi ko rin mapigilan ang sarili na mapaiyak sa tuwa. Mahal din kita Axelle. Mahal na mahal!

Narito na kami sa harap ng restaurant. Nakita ko sa pinto ang dalawa kong mga kaibigan. Kumaway at sumigaw ako at ito'y napansin nila.

Nang pagtawid ko ay muntik na akong masagasaan, buti nalang talaga, nahawakan ni Axelle ang kamay ko at hinila papunta sa kanya.

“I always wonder, bakit laging ganito ang posisyon natin?” nakalagay ang dalawa kong kamay sa dibdib ni Axelle.

“I agree.” Inayos na namin ang sarili at lumakad na papasok ng restaurant. Sa katunuyan, nirentahan ni Axelle ang restaurant na gagamitin sa pagdidiriwang kaya kami lang mga tao rito.

“Mylene, ang ganda mo ngayon!” bati ng dalawa kong kaibigan.

“Thank you! Kayo rin naman ay maganda rin. Lalong gumanda sa soot niyong mamahaling damit.”

“Mura lang 'to”

“Oo sa akin din.”

“Asus. Tara na sa loob!”

“Teka lang, nagtataka lang ako, bakit kayo magkasama ni Axelle? Nakita rin namin bumaba ka sa kotse niya. May nangyayari bang hindi namin alam?” pati rin si Iza, sang ayon kay Mikaela.

“Naghihintay kasi ako ng taxi. Ilang minuto na akong naghihintay. Tapos, dumating si Axelle. He ask me na sumakay ako. At first, I refuse, pero nang makita ko ang oras, I accept his offer nalang.” pagsisinungaling ko sa kanilang dalawa. Sorry talaga, kung kailangan kong magsinungaling sa inyo.

“Bakit yung girlfriend mo Axelle na si Allyson ay nauna sa iyo? Bakit hindi mo siya sinundo?” pahabol na tanong Mikaela.

“Yun ba? Malapit lang kasi ang bahay niya rito. Tsaka, she said to me, may dadaanan pa siya, either mauna ako or siya mauna.”

“Totoo ang sinabi ni Axelle.” Pumunta si Allyson sa kinaroroonan namin. Niyakap niya si Axelle. Ako naman ay tumingin sa gilid.

Hindi naman masyado masakit. I mean, kailangan din namin ipakita sa kanila, ang pekeng ganito para wala ng tanong tanong pa.

“Tara, pasok na tayo sa loob!” anyaya ko sa kanila.

“Let's go,” sabat ni Axelle.

Sinalubong ko si Zan ng pagbati.

“Thank you! Thankful ako dahil nakarating ka. Tara, pumunta na tayo sa upuan natin!”

“Late na ba kami?” tanong ko kay Zan.

“ Hindi naman.”

Nakita kong naroon din sa table si Kan. Makintab na damit ang soot niya. Honestly, hindi bagay sa kanya. Dapat, itim na damit ang sinoot niya para bumagay sa kanyang itim na budhi.

Tumayo siya ng makita ako. “What a cheap dress! Hindi bagay ang gaya mo sa ganitong mamahaling restaurant. Sisirain mo lang ang class nito.” I ignored, what she said.

“Tama na yan, Kan! Yan ka na naman!”

“What?! Totoo naman sinabi ko. Hindi siya bagay dito.”

“Please! For once, wag mong sirain ng panggugulo ang ganitong mahalagang event!” tumahimik siya sa sinabi ni Zan. Padabog siyang umupo.

Magkatabi kaming nakaupo ni Zan. Nasa gilid ko naman ang mga kaibigan ko. At kaharap ko si Axelle.

Through his expression sa mukha, may pinababatid siya, dumestansya raw ako kaunti kay Zan dahil sobrang magkadikit na kami raw.

Bahala ka, ikaw nga naka-akbay kay Allyson, pero hindi ako nanagseselos kaya dapat siya ganun din. Unfair talaga sa ganitong relasyon.

Nilagyan ni Zan ang baso ko ng wine. “Nang nakaraang party, hindi ka uminom kaya dapat ito, inumin mo na, ha? Hindi naman nakakalasing masyado ang iniinom nating wine.”

Nakita kong pipigilan na naman ni Axelle ang pag-inom ko ng wine kaya mabilis kong kinuha ang aking baso at ininom, then, ngumiti ako sa kanya, showing, mag-eenjoy ako.

“Grabe ka freny, ininom mo yun lahat?!" pagsasalita ni Iza.

“Nilagyan din ni Axelle ang baso niya pati kay Allyson, nag cheer sila sa isa't isa.

“Zan. Lagyan mo rin ang baso ko. Naghihintay ako. Please! Lagyan mo.” pinagbigyan nalang ni Zan ang kaartehan ng bruhang Kan.

“Ayaw talaga nitong magpatalo!" bulong ko.

Nilagyan ni Mikaela ang baso namin except kay Kan pati sa mga kaibigan niya.

“Sabay sabay tayong magcheer. Congrats sa team ni Zan! Congrats sa bagong member ng bagong grupo! Cheer!”

“Cheer!!”

Inumpisahan namin ang pagdiriwang sa paglalaro ng truth or dare.

“Sige. Iikutin ko ang bottle na ito. Kung sino sa inyo, tumapat ang maliit na opening ng bottle na ito, siyang tatanungin. At yung magtatanong naman ka-opposite nitong katapat," paliwanag ni Kan.

“O, sige”

“Wait lang. Para fair, para lahat matanong. Dapat, pa-ikot yung tatanungin, halimbawa, magsimula kay Mylene,” wika ni Mikaela.

“Ako talaga ang unang nakita mo ha!” ngumiti sila sa akin.

“Ayos lang yun, lahat naman tayo ay tatanungin. Yun na nga, kung kanino tatapat ang bottle siya ang magtatanong.” nainis si Kan dahil ni-recycle ni Mikaela ang idea niya.

“Agree ako kay Mikaela!”

“Oo. Para lahat matanong.”

“Oo, sang-ayon ako, para fair!”

“Sige, let's start the game," sabat ni Axelle.

“Nakaka-excite naman," tuwang sabi ni Allyson.

“Para fair din. Ikutin natin ang bottle, kung kanino tumapat, siya yung unang tatanungin,” dagdag ko. I feel kasi, parang gusto nila, ako, ang unang tatanungin.

“ Sige, ready na ba kayo, magsilabasan ang mga lihim ninyo?” energetic na tanong sa amin ni Zan.

“Oo.” sigaw namin.

Inikot na ni Zan ang bottle. Tumapat ito kay Mylene.

“Really?!” sambit ni Mylene.

Dahil si Mylene ang tatanungin, siya rin ang nagpaikot sa bottle. Ito naman ay tumapat kay Iza.

“Freny! Handa ka na ba sa tanong ko!” kita ko talaga na excited siya.

“Parang natatakot ako sa tanong mo. Hindi mo pa nga ako tinatanong, natatakot na ako,” natawa sila sa sinabi ko.

“Truth or dare?”

Nag-iisip ako kung ano yung pinakamadali. But, I guess, parehong madali at parehong mahirap. Okay. Kaya ko ito. Kahit ano pa yan.

“Truth, x sagot ko sa tanong niya.

“Ito ang tanong ko sa 'yo. Sa mga boys na nandito, may isa ka bang napupusuan?”

“Ano ba yan freny, bakit ba yan ang tanong mo.” Ayaw kong sabihin sa kanila. Pero, wala naman akong choice kundi sagutin ng yung tanong niya. Magsinungaling kaya ako.

Inaabangan nila ang sagot ko, lalo na si Axelle ar Zan.

“ Huwag kang mag deny ha. Huwag kang magsinungaling.”

“Threatening ba yan freny.” natawa nalang sila sa sagot kay Iza.

“ Sagutin mo na, Mylene!” sigaw ng isa naming kasama.

“Okay. Ito na. Hhmm, meron,” naghiyawan sila sa narinig nilang sagot ko.

“Sinasabi ko na nga ba, may gusto ka kay Zan,” napangiti si Zan sa sinabi ni Mikaela, tinapik ko siya sa kadaldalan.

“Ako ang gusto niya, no!” Tumingin si Axelle kay Zan. “May pangiti ngiti pa ang lokong ito. Walang gusto sayo si Mylene! Ako, ang gusto niya!” mga nasaisip na gusto niyang sasabihin.

“No way,” sigaw ni Kan.

“Ito na naman siya!” bulong ko.

“Kahit magkagusto siya kay Zan. Hindi naman siya gusto ni Zan. So worthless. ” dahil sa sinabi ni Kan, kaya tinanong ni Jim ang kaibigan kung wala ba siyang gusto kay Mylene.

Nakangiting humarap si Zan kay Mylene. Kinikikig yung ngiti niya. Inaasar naman si Mylene ng dalawa niyang kaibigan.

“May gusto ako sa kanya,” sa mga narinig ng mga mapang-asar naming mga kaibigan, naghiyawan sila sa kilig except kay Axelle, lalo na si Kan, umaapoy sa inis at galit.

Kaya nagsalita itong galit na si Kan. “Tama na nga ang kalandian na yan, let's continue the game. Let's continue!”

“KJ talaga nito!" mahinang sabi ni Mikaela.

Si Kan na ang nagpaikot ng bottle. Tumapat naman ito sa kanya.

“Ako ang magtatanong ngayon.” si Zan ang susunod na tatanungin.

Nakangiti siyang tumingin kay Zan. “Truth or dare?”

“Truth.”

“Exciting! Okay. Here's my question to you.” Hindi siya nagdalawang isip itanong kay Zan, “Gusto mo ba ako? Mahal mo ba ako? Then, sige, tayo na”. Natawa nalang kami sa pagiging desperada niya.

“No. Hindi kita gusto!” sapol ang gaga sa sagot ni Zan kaya ako ay medyo natawa. Pinipigilan ko lang.

“Eh bakit, niligaw mo ako noon? Ha?”

“Noon yun. Ngayon, hindi na kita gusto. Hindi kita gusto” napahiya siya sa narinig na sagot mula kay Zan.

Tumayo siyang naiinis at nagdadabog. “I hate you!” tumingin siya sa akin. “Tinik ka talaga sa buhay ko. You ruin everything I had before. Wait for my punishment to you!” Nainis siyang nag walk out.

“Panira talaga 'tong babae ito. Let's ignored her. Let's continue the game,” wika ni Mikaela.

“Okay, Let's continue the game.”

Tumayo ako, nagpaalam akong magbabanyo muna.

Sa katunayan, sinundan ko sa banyo, si Kan.

Nakit ko ang pagdadabog niya. Nang makita ako ay mabilis siyang lumapit.

“Hey you! This is your fault. Pwede bang mag disappeared ka nalang?! Ha?! Kinuha mo na ang mga bagay na dapat ay sa akin. Pati si Zan, inagaw mo!!” bumangad niya sa akin.

“Please, can we, stop this? Sasabihin ko sayo, wala akong gusto kay Zan. Nang sinabi ko kanina, iba yung tinutukoy ko, hindi siya yun, kaya tumigil ka na diyan sa inggit sa akin. Hindi ko siya gusto. Narinig mo?!” kumalma siya sa sinabi ko.

“Pwede bang tigilan na natin ang away na ito? Hindi ka ba napapagod ha? Bukas ng gabi, may promised date kami ni Zan, sasabihin ko sa kanya na hindi ko siya gusto, may gusto akong iba. Hindi ko siya mahal.”

“Talaga? Wala kang gusto sa kanya?”

“Wala nga. Kaya wag ka ng mag alburuto diyan sa galit.”

“It's useless, hindi naman niya ako gusto. O, sige nga, Kung wala kang gusto sa kanya, help me, para magkagusto siya sa akin.” Nakita niyang natawa ako.

“Anong nakakatawa?!”

“ Hindi mo kailangan magpatulong sa iba para magustuhan ka ng ibang tao o ng minamahal mo. Honestly, l review ko sayo, kahit tatlo pa ang tutulong pa sayong mga santo, it's useless pa rin, dahil sa hindi mong magandang ugali.”

“Nang iinis ka ba? Gusto mong awayin ulit kita?”

“Can you stop pretending that you are not good, that you are a bad. Kung gusto mong magustuhan ka ni Zan, first, ayusin mo yang ugali mo. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Zan, ayaw niya sayo dahil sa ugali mo.

Subukan mo kayang maging mabuting tao, baka malay mo, maging posible ang imposible. Kapag nakita niya ang mabuti mong ugali, baka bumalik yung pagtingin niya sa 'yo. And don't ever, ever, pretend na mabuti na ang ugali mo. Kapag, nagkabulgaran, tuluyan siyang mawawala sa 'yo.

Sa nakikita ko rin, mahihirapan ka, baguhin ang masama mong ugali", I highlighted ang salitang “masamang ugali” kaya napasigaw siyang “hey!”

“Totoo naman diba! But, if you really, love him, makakayanan mo. Love ang tutulong sayo para magkaroon ng motivation and determination para magbago ka, baguhin ka.

Sige, banyo muna ako.” Nag-isip isip si Kan, sa mga sinabi sa kanya ni Mylene. Pumunta siya sa salamin. Tiningnan niya ang sarili.

“Am I bad? Tsaka, kaya ko bang baguhin ang sarili ko. Kailangan ko makipagsapalaran.

Okay. I will take her advise, for once, titingnan ko ang resulta.”

Matagal ang pag-uusap namin ni Kan kaya hindi ko naabutan ang pagtatanong kay Axelle.

We enjoy that night. I mean, hindi kami makapag-usap ni Axelle ng maayos dahil ayaw namin mapunta ang pansin ng mga tao roon sa amin.

Ang ginawa namin ay nagtinginan nalang sa isa't-isa. He always watch at me. He makes me kilig.

Nakahanap kami ng way para makapag usap ng maayos, sa pamamagitan ng pagcha-chat.

Chinat niya sa akin, huwag akong uminom ng marami. Tama na raw sa pag-inom dahil nakakarami na raw ako.

Sagot ko naman sa kanya, ikaw nga eh, mas marami yung na inom mo na wine kesa sa akin. Uhaw ka?

Sagot niya naman, okay lang daw dahil lalaki siya, walang mawawala sa kanya. Ano bang iniisip 'tong lalakeng ito. Porket, babae ako, hindi ko na kayang pangalagaan ang aking sarili. Ang galing niya magpatawa.

Kinuha ko ang aking baso, pinakita ko sa kanya, ang tuloy tuloy na pag-inom. Tinaasan niya ako ng kilay.

I got his message, sabi niya, “stop na nga sa pag-inom!”

Hindi ko napansin ang paglapit sa akin ni Zan. Inalok niya akong sumayaw.