Chapter 34

Siguro, makuntento nalang ako na hanggang magkaibigan lang talaga kami. Dapat makuntento nalang ako na kahit papaano nagkakausap kami.

Makuntento ako sa status naming dalawa ngayon.

Narito ako ngayon sa dati kong pinagtatrabahuang karenderya.

“Ikaw ba yan? Mylene!" Lumapit ang mga dati kong ka-trabaho sa akin at niyakap ako.

“Ano ba yan, bakit ngayon ka lang bumisita?”

“Oo nga, nami-miss ka na namin. Nabawasan tuloy yung pinakamaingay na worker dito.”

“Hoy, kayo yung maingay, hindi ako.”

“Tara, upo muna tayo, wala namang customer.”

Hinanap ko si beshy, sabi nama nila, lumabas kasama ang mommy niya.

“Oh, bakit ngayon ka lang bumisita sa amin? Ha? Balita namin may sasakyan ka na, eh pwede ka namang magpahatid eh!”

“Naku, I'm very busy sa school, lalo na may kaartehan ang nilipatan kong school.”

“Ano na?! Ano ng ganap? Ano ng ganap sa love life mo?”

“Ikaw talaga, eh no! yan agad ang bungad mong tanong. Dapat kamustahin muna natin siya,” sabat ng isa nilang kasamahan.

“Shut up! If I know, gusto mo ring malaman ang lovelife niya. Diba?! Tama ako?!”

“Tumahimik nga kayo diyan, ang gugulo niyo talaga,” singit ng nakakatanda nilang kasamahan.

“Mars Mylene. Oh, ano, kamusta na?”

“Ito, humihinga pa rin,” biro ko sa kanila. As usual, bahay, eskwela, gawa ng mga assignment, mga projects, reports at ilan pang mga gawaing school at bahay.”

“Na-mention mo yung kaartehan ng school mo, ayos ka lang ba doon? May mga kaibigan ka ba?”

“Ako pa. Sa daldal kong ito. Meron akong dalawang kaibigan. Mga mababait sila, yung bestfriend material talaga, yung mga gaya ninyo.”

“Masaya kami sa buhay mo ngayon.”

“So, what about your love life? Maayos din ba? May nagugustuhan ka ba or may nanliligaw ba sayo?”.

Nakita nilang, pinipigilan ni Mylene na ngumiti. “Surely, meron yan.”

“Sabihin mo na sa amin.”

“ I can't tell. Ayoko muna pumasok sa relasyon. It's complicated. Alam niyo naman nangyari sa akin.”

“Bakit, hindi ka pa ba naka move on sa kanya? Mahal mo pa ba siya?”

“Grabe namang mga tanong yan. Naka move-on na ako sa kaniya. Ayoko lang muna pumasok sa isang relationship dahil alam ko na ang mga bagay bagay tungkol sa mga magjowa, how it difficult.

Minsan, nasasakripisyo na yung ibang mahalagang bagay dahil lang sa relasyon na yan. What happen to me, taught me, dapat hindi minamadali ang pagpasok sa isang relasyon. Dahil sa huli magiging worthless lang ang sakripisyo natin. Sa huli, tayo lang din masasaktan.”

“Nice. Narinig mo yun, Joanne? huwag magmadali!”

“Wag mo yan sabihin sa akin. Ang sagot na yun ay para talaga sa 'yo. Akala mo siguro hindi ko alam, kaya maaga kang umuuwi dahil may i-me-meet ka.”

Tinapik niya si Joanne. “Ang daldal mo. Tsaka, hindi yun totoo. Fake news yun.”

“Tama na yan. Mabuti pa, ipatikim natin kay Mylene ang bago nating masarap na imbentong potahe.”

“Oo nga.”

“Talaga? Meron kayong na-imbento?”

“Kaya nga, tumaas ng kaunti ang sahod ko dahil nagustuhan ng mga costomer ang naimbento kong potahe.”

“Bilis! Ilapag niyo na, gusto ko ng tikman. Libre ba?!” tanong ko sa kanila para sure talaga.

“Oo naman!”

“Mabuti.” sabay tawa namin.

May ilan pang potahe ang pinatikim nila sa akin. Wala pa namang masyadong customer kaya saglit kaming nagkuwentuhan.

Na-miss ko rin ang mga ito. Matagal na rin ng huli kong bisita rito. Oo nakaka-miss yung ilang bagay sa nakaraan. Na-miss ko sila.

Ngayon ko narealize, may mga pangyayari sa buhay natin na hanggang sa hinaharap, hinahanap natin, lalo na kapag maganda ang bagay na yun.

Daily naka-alarm ang phone ko kaya kahit walang pasok na-iistorbo ang tulog ko, bigla akong nagulat sa malakas na tunog.

Tinatamad akong tumayo para ihinto yun. I force myself na tumayo to stop the sound from alarm clock dahil gusto ko pang matulog.

Every friday ng gabi, dahil walang pasok kinabukasan kaya nagpupuyat ako sa gadgets ko.

Nakalimutan ko kasing itabi yun sa pagtulog. Yan tuloy, kailangan ko pang tumayo.

Kapag tumayo ako, mawawala ang antok ko nito. Ang ginawa ko, pinabayaan ko nalang.

But my little sister, go to my room and wake me up dahil may bisita raw ako. Baka ang dalawa kong kaibigan?

Tinanong ko siya kung sino. She replied to me, “ Miko raw ang pangalan.”

I called Miko over my phone. Tinatamad akong bumaba.

“Hey, Mylene, nandito ako sa loob ng bahay ninyo. Layo pala ng bahay niyo sa amin.”

“Oo. Bakit naparito ka?”

“Parang ayaw mo yatang nandito ako, ah?”

“Hindi. Ang ibig ko lang sabihin, ano ang sadya mo?”

“Wala lang. Bibisita lang sa 'yo. Matagal na kitang hindi kita nakikita. I miss you my friend. Ano, gala tayo?”

“Ano? Ang aga-aga pa?”

“Anong maaga. It's already 10 am. Puyat ka na naman kagabi, eh no?!”

“Yes. Ito nga, sa phone kita kinakausap dahil tinatamad akong bumaba. Inaantok pa talaga ako. Ito nalang, just wait me there, hindi ka naman mabo-bored dahil madadaldal ang mga kapatid ko rito. Lalo na yung mga mgagulang ko. Hintayin mo nalang ako bumaba, another hours then gagala tayo sa mall.”

“Okay.”

“Sige, ibababa ko na. Pasensya na talaga.”

Hindi ko matanggihan si Miko because he is special to me as friend, my first friend in L high school.

I already received the text message from Axelle. 1 pm kaming magkikita sa isang coffee shop. Doon ang tagpuan namin.

Isasama ko sa paggala si Miko para hindi ako ang center of pang-aasar ni Axelle.

Ang talino ko talaga dahil naisip ko yan. Tsaka, sakto yung pagbisita sa akin ni Miko.

Makatulog nga muna.

Alas dos ng hapon nang lumabas ako ng kwarto, ako ay nasa itaas.

Hanggang dito naririnig ko ang tawanan nila.

Tama ako diba. Hindi yan mabobored si Miko dahil sa kadaldalan ng pamilya ko.

“Anak. Gising ka na pala. Halika, sabayan mo kami sa pagkain.” Tumayo si mama, ihatid ako sa upuan.

Katabi ko ngayon si Miko. “Puyat pa kasi!”

“Minsan lang 'tong pagpupuyat ko kaya tinodo ko na. Every friday lang naman. Sa sabado at linggo lang naman. Pero minsan, kapag pagod na pagod ang katawan ko, hindi ako nagpupuyat. Sa sabado or linggo nalang.”

“Yan.”

“Alam mo anak. Nakakatuwa pala 'tong kaibigan mo. Mapagbiro rin tsaka madaldal.”

“Kaya nga, imbes na, pinauwi ko siya. I said nalang, dito nalang siya magtambay kasi alam kong hindi siya mabo-bored dahil alam kong madaldal din kayo.”

“Hindi naman, sinabayan lang namin siya,” tanggi ng mama niya.

“Ano ba honey, aminin mo nalang. Diba, sayo nga nagmana ang mga anak natin sa kadaldalan mo," sabat ng papa ni Mylene.

“Pa. Kakampi diba kita?” ngumiti sa kanya ang kaniyang papa.

“Miko, dalasan mo ang pagbisita mo sa anak namin. Kung gusto mo, ligawan mo na rin, hindi kami tutol,” bigla akong naubo at nabulunan sa sinabi ni mama kay Miko.

“Ma!!"

“Ano?? Wala namang masama doon. Single ka tapos single rin siya,” nakangiting nakikinig nalang si Miko sa usapan ng mag-ina.

“ Bakit anak, may nanliligay ba sayo sa bago mong school? Ilang linggo palang ha!” sabat ng papa sa usapan ng mama niya.

“Posibleng mangyari yun, ang ganda niya ay nagmana sa akin. Naaalala ko pa non, marami rin nanliligaw sa akin, kabilang na ang papa mo.”

“Miko. Ayos lang wag kang makinig sa throwback love story niya. Eh! Tama na nga yan ma, mahiya naman kayo sa bisita natin.” gusto niyang ihinto ng mama niya ang pagkukuwento sa love life nito noong kabataan niya.

“ Ayos lang. Natutuwa nga ako, eh!"

“Tingnan mo. Buti pa si Miko, gustong marinig ang love story ng papa mo.”

“Whatever.” tumayo ako.

“Maliligo lang muna ako, gagala kami, eh!”

“Magsoot ka ng maganda anak, ha! Para magkamalan talaga kayong magjowa.”

“Tama na nga yan ma. Ako yung nahihiya sa iyo!”

“Anak. Huwag mong ikahiya ang bagay na yan dahil diyan ka naman mapupunta. Tsaka, mabuting maagang mapag-usapan natin ang tungkol sa inyong dalawa.” ayaw talaga paawat ang mama niya. Pumasok na si Mylene sa banyo.

“Nakikita naman naming mabuti si Miko. Sa panahon ngayon anak, bihira ka na lamang makatagpo ng mga mabubuting tao sa paligid mo. Kaya ikaw, huwag mong pakawalan ang ganitong swerteng pagkakatao.”

“Hindi ko kayo naririnig,” tumawa sila sa sigaw ni Mylene sa kanila.

Lalo silang nagtilian ng ihatid ako ni Axelle sa kabilang upuan ng kotse niya. Binuksan niya pa ang pinto sa akin.

Narinig ko pa ang sigaw nila, “Mag-enjoy kayo!”

“Totoo nga nagbago na ang mga magulang mo, how they treated you, unlike noon. They treated you very well na. Nakuha mo na rin yung dating inaasam mong pagmamahal. Yung concern, yung attensyon nila. I'm so happy for you, Mylene. You deserve it!”

“Masaya rin ako.”

“Maiba ako, saan ba tayo gagala?”

“I already forgot. Sa mall, ASZ mall.” tinext ko nalang kay Axelle na doon nalang kami magkikita sa mall.

Ilang minuto lang ang biyahe at kami ay nakarating na. Nabasa ko yung text ni Axelle. Nasa loob na raw siya.

“Ang biis niya, ha!” bulong ko.

“Tara, punta doon.” habang naglalakad kami, sinabi ko kay Miko may makakasama kami.

“Sino naman? Mga friends mo sa bagong school mo?”

“No.” pareho kaming napalingon dahil tinawag ako ni Axelle.

Nang makita niya si Miko na kasama si Mylene. Nawala ang ngiti niya sa mukha.

Tumakbo ito papunta sa kanila.

“Bakit kasama mo siya, ha?” hingal na tanong ni Axelle. Naging seryoso ang dati niyang mukhang kanina ay nakangiti.

“ Siya ba ang makakasama natin?" tanong ni Miko sa akin. Siya rin ay nalilito.

“ Makakasama natin?! Lumalabas na parang ako ang sampid dito!” tingin niya kay Miko habang nagsasalita.

“Oo. Hindi ba halata na kami ang magkasama ni Mylene papunta rito. So ang ibig sabihin, ikaw ang third party dito!” sagot ni Miko kay Axelle.

“Third party. Third party. May third party ka pang nalalaman. Wala ako pakialam kung kasabay mo siyang pumunta rito dahil kahapon ko pa sinabi sa kanya.” Tumingin sa akin si Axelle. “Kahapon ko pa sinabi sa kanya na gagala kami. But I don't expect na.” Bumalik ang tingin niya kay Miko. “may tutang kasama siya.”

“Ako ba ang tinawag mo na tuta ha?!” pumagitna si Mylene dahil parang magkakaron ng digmaan. )

“ Kasalanan ko ba nasa akin sumama si Mylene!”

“Hindi siya sumama, ninakaw mo siya from me.”

“Ano ba 'yan, kung saan na pumunta ang usapan ninyo. Please guys! Please! Huminahon kayo.” Awat ko sa kanila.

Tumingin kami sa gilid dahil binati ako ni Zan.

“What happen? Oh, Mylene, nandito ka rin pala.” lumapit siya kay Mylene.

Nagbuntong hininga si Axelle. “I can't believe, oh my God, I can't believe this. Silang dalawa pa talaga? Oh my God. Ano ba 'tong buhay na ito, bakit maraming asungot!” inis na pagrereklamo niya.

“Ano nangyari kay Axelle? May nakaaway ba siya rito kaya ganun ang mood niya?”

“No!” sigaw ni Axelle, tumalikod siya para ikalma ang sarili. Pakiramdam niya ay malas ang araw na ito para sa kanya, dahil sa mga nangyari.

“Huwag mo siyang pansinin, stress lang yan sa ibang bagay.”

“Ah.”

“Nandito ka ba para gumala? Saan ang barkada mo?” tanong ko kay Zan.

“Hindi ko sila kasama. Pumunta ako rito dahil may binili ako.” Pinakita niya sa akin ang binili niya.

“I see.”

“Masaya naman ako dahil nakita kita rito. Ikaw, Anong ginagawa mo rito?”.

“Nandito kami para gumala. Ito nga pala si Miko.” nag shake hand ang dalawa.

“I'm Zan, classmate ni Mylene.”

“Oh. It's nice to meet you. Well, ako naman, I'm her former classmate sa L high school. Magkaklase rin kami non”

Tumingin si Axelle sa kanila. “Parang ako tuloy nawala sa spotlight nito dahil sa dalawang asungot na ito.

Don't they dare to beat me, kahit magtulungan pa sila, hindi nila ako matatalo. Let see, kung sino ang magiging panalo sa puso ni Mylene. Let see, kung sino ang makakapuntos ng malaki sa araw na ito!”

“It's great. Para hindi naman masaya ang pagpunta ko rito. I mean, pumunta lang ako rito para bumili nito. Para hindi maging worthless ang pagod ko, puwede bang sumama sa inyo? Maki-join sa inyo?”

“Why not,” sagot ni Mylene.