Chapter 35

“Really? Alam niyo bang solong lakad namin 'to ni Mylene. Sinabi ko sa kanya 'to kahapon na gagala kami ngayon, kaming dalawa lang. I can't expect na makiki-join kayong dalawa.” Seryosong tingin niya sa dalawa.

“ Don't be KJ Axelle!” sagot ni Zan sa kanya.

“Oo nga. Mas marami, mas masaya!" dagdag pa ni Miko.

“Baka, mas marami mas magulo!” sagot niya naman sa dalawa na nakasimangot ang mukha.

“Don't be rude, Axelle. Guys, Ignored his unkind attitude. Tara na! Maglaro muna tayo bago tayo kakain. I'm excited!”

“Me, too!” wika ni Zan.

Naunang maglakad ang tatlo.

“Kinampihan niya pa talaga ang dalawang mo'kong na 'yon. Hindi dapat ako magpapahuli sa kanila. Iisipin ko nalang, this is a kind of trials sa pagitan namin ni Mylene. I should not give up. Hindi dapat ako magpatinag sa mga ganitong pangyayari.” Tumakbo siya papunta sa kanila. Sumingit siya sa pwesto ni Zan. Doon siya sumingit kay Zan dahil siya ang number one kakompetensya kay Mylene.

“Umusog ka nga doon Zan, ikaw din Miko. Dapat hindi kayo dumidikit sa babae, pagpapakitang respeto iyon.”

Tumingin sa kanya ang tatlo. “Oo, nabasa ko iyon. Magpakita kayon ng repeto kay Mylene!”

“Eh, bakit ikaw nakadikit sa kanya?" sapaw na sabi ni Miko.

“I'm harmless! Eh, kayo? Ewan ko lang sa inyo!"

“Axelle. Can you stop your pagiging child attitude.” Napansin ni Mylene.

Umatake na naman ang pagiging anti-social niya.

“ What? I'm not!”

“Whatever!”

Pumasok na sila sa loob ng laruan. Tinuro ni Axelle ang unang lalaruin nilang tatlo. Oo, tatlo silang maglalaro.

Ano naman kaya ang nasa isip ni Axelle?

“Basket ball? Tapos kayo lang ang maglalaro! Ano ang gagawin ko rito, tatayo nalang?" Reklamo ni Mylene.

“Well. The reason of this game, is proving, who is the best basketball player, specially hinahamon ko si Zan because he is the MVP of our campus. I want to know kung sa ganitong walang kwentang way ng larong basketball, kung mananalo siya." Confident niya pagsasalita sa kanilang tatlo.

“ Im in. It's challenging for me!” nakangiting confident na sang-ayon ni Zan.

“You, Miko?”

“ Sasali rin ako. Hindi lang guitara ang kaya kong laruin, Kaya ko rin magbasketball!”

“Well, that's good na nagkakaintindihan tayo rito!”

Tumingin si Axelle kay Mylene. “May role ka naman eh, tingnan mo kung sino yung nandadaya.” Nginitian niya ng pangseseduce si Mylene.

“Really?”

“Oh, yes!"

Pinabayaan niya nalang ang idea ni Axelle, sa ganitong game kahit papaano magkasundo ang tatlo. Hindi magkakaroon ng gulo.

“Okay, guys. Get ready. 3, 2, 1 go!!!!” sigaw ni Mylene.

Makikitang nape-pressure si Axelle. He hurry up to throw the ball in the basket. “Kailangan ako manalo rito para mapahiya 'tong dalawa na 'to. Hahaha”.

Si Miko naman. He do his best, hindi siya masyado nagmamadali. Win or lost tatanggapin niya.

Habang si Zan naman, siya ang kalmado sa tatlong players. Dahan dahan niyang shinot ang bola sa basket without pressure or any difficulty. He confident na siya ang mananalo rito. Alam niya ang kakayahan niya.

“Limang segundo nalang,” wika ni Mylene.

“Look our score and tell us, kung sino ang nangunguna.” Desperadong malaman ni Axelle kung sino ang may nangungunang puntos.

“No. Mamaya na, pagkatapos ng oras para ma-excite kayo kung sino ang nanalo,” sagot sa kaniya ni Mylene.

“Time's up!!” nang marinig iyon ni Axelle. Mabilis niyang tiningnan ang mga score ng dalawa niyang opponent.

“No!!” he shouted.

“Ang nanalo ay si Zan. First placer siya. Ang second placer ay si Axelle and the third placer ay si Miko.”

“Okay. Swerte lang yun.” tumingin siya kay Zan. “Sumakit kasi ang braso ko eh, kaya bumagal yung galaw ko. Tingnan mo, dalawa lang ang lamang mo. Tingnan natin sa pangatlong laro." Pagdadahilan niya para hindi mapahiya.

Asus. Natatapakan lang ang pride nito.

“What is the price for the winner mula kay Mylene?”

Nakita ni Axelle nakatinging nakangiti si Zan kay Mylene, nag-aabang ng price mula kay Mylene.

Hinarangan niya ang pag tingin ni Zan kay Mylene. “So, the price, is wala. It's just for fun. I mean, we're here to prove, who is better. Kaya ikaw, don't expect anything. Tara na!” Naglakad siyang hinawakan ang kamay ni Mylene.

“Okay na guys! Tara, sa ibang games, may dalawa pa tayong lalaruin.”

Ayaw talaga magpalamang at magpatalo ng lalakeng ito.

“Tama na nga yan. Kayo lang naman nag-e-enjoy.” palag ko sa kanila.

“Patapusin muna kami sa huling dalawang laro. After that, play whatever you want. Okay?!”

“Hay naku, Axelle. I have no choice!”

May nakita si Mylene sa isang loob ng fast food. May nagaganap atang party doon. May competition sa pagkain ng malalaking burger. Naisip yun ang pangalawang game ng tatlo.

“Okay. Para hindi ako ma-bored. Ako ang pipili ng next na game.” Tinuro niya ang fast food. “Nakita niyo yung ganap doon. Ang sino mang unang makakaubos ng malalaking burger na yun. Obviously, siya yung panalo.”

Parang ayaw ng tatlo ang idea na yun dahil against sa diet nila.

“Nakita kong parang ayaw niya.”

“Pweden bang iba nalang. I'm on diet,” dahilan ni Miko.

“Ako naman, ayos lang naman sa akin but pwedeng iba nalang," sang-ayon ni Zan. Siya rin nagdadalawang isip sa game na naisip ni Mylene.

“Mga mahihina pala ang loob ninyo, eh!” Pagpapanggap ni Axelle. Animoy parang kaya niya rin. Eh, siya yung number na ayaw sa burger.

“Really Axelle! I heard you don't eat burger," pambubuko ni Miko habang nakangiti.

“Shut up, Miko!”

“Nakikita kong ayaw niyong tatlo, ah! Here's my deal kung sino man ang mananalo sa game na yun, makikipagdate ako, sa sunod na sabado. Hindi pwede bukas dahil family day namin bukas, tsaka sa monday to friday, focus ako sa pag-aaral kaya sa sabado nalang. Are you in?”

“Ang aarte ninyo. Sige mauna na ko sa inyo,” wika ni Axelle. Nag-uunahan ang tatlo pumunta sa fast food.

“Yan lang pala ang katapat ninyo, eh no!”

Pumwesto ang tatlo sa isang malawak na upuan. Siyempre binayaran nila yun. Nakakahiya naman diba?

Twenty malalaking burger ang nasa bawat plato nila.

“Para mas exciting ang game. Oorasan ko kayo. After one minute kung sino yung kaunti nalang natirang burger. Siya ang panalo. Okay, maghanda na kayo. Ito na yung huling laro ninyo!”

Nagtinginan ang tatlo sa isa't isa. In their mind, “Ako ang mananalo!”

“Okay, go!!”

Walang arteng sinubo nila ang malalaking burger. Walang diet diet. Binilisan nila sa pagkain. They are competitive.

Uminom ng tubig si Axelle para malunok niya ang kinakain. Ayaw man niya but he need to force his mouth para kainin ang ayaw niyang kainin.

He concentrate, “kailangan ako ang manalo. Dapat ako ang maka-date ni Mylene, hindi ang dalawang kumag na 'to.”

Nagmamadali rin si Miko. He don't want to lose this kind of opportunity. Kahit sa ganitong pagkakataon, matupad man lang, kahit isang araw, ang panaginip niyang maka-date ang first love niya.

Si Zan nagmamadali rin siya. Ayon sa kanya, “kapag nanalo ako, ito na yung opportunity para maging kami ni Mylene. Kapag manalo ako, during our date, ipagtatapat ko sa kanya ang nararamdaman ko sa kaniya kaya kailangan ako ang manalo rito!”

“Okay. Time's up!”

Pinigilan ni Axelle na huwag sumuka. Tiningnan nila pareho ang plato ng isa't-isa.

“Yeheyy!!! Ako ang panalo!!” tumalon talon sa saya si Zan dahil siya ang nanalo.

Sumimangot naman si Axelle.

“Okay, our winner for this game.” Tumingin siya kay Zan. “Si Zan, congrats!! Just text me the address, sa date natin!” ngiting sabi niya kay Zan kaya naging biyernes santo ang mukha ni Axelle.

Tiningnan ni Axelle ang dalawa, parehong nakangiti sila sa isa't-isa.

Inasar pa ni Miko si Axelle, “Ang cute nila. Just accept bro, talo ka. Parang may bagong love team na tayo!”

“Shut up!”

Napatingin sila kay Axelle dahil sumuka siya. “It's unfair, I don't like this game!" sa isip niya lang yun sinabi.

Lumabas si Axelle sa loob na hindi maipinta ang mukha. “Malas talaga ang araw na ito! Nabasa ko ang zodiac sign ko this year, maayos naman, baka hinarang lang ng dalawang kumag na ito,” bulong ni Axelle.

“Sige. Ako naman ang mag-enjoy!" Masayang pumunta si Mylene sa fountain. Kumuha siya ng mga litrato.

Tinawag niya ang tatlo para kumuha silang tatlo ng litratong magkasama.

“Okay guys, smile!” si Axelle lang ang hindi nakangiti. Pinabayaan lang ni Mylene. Kapag nakita niya ang litratong ito, maaalala niyang gaano ka-badtrip si Axelle.

Magkatabing umupo sina Axelle at Miko. Pinapanood nila ang dalawa nilang kasama na naglalaro at nagsasaya.

“Pa'no ba yan, may bago kang karibal sa puso ni Mylene. And honestly, he is better than you!" wika sa kanya ni Miko.

Napatawa siya saglit sa sinabi ni Miko. “Better? No. Hindi niya ako malalamangan. Hindi niya ako kayang lamangan. Magaling lang siya na magbasketball. I mean, marunong lang siya mag basketball. Tsaka, mas sikat ako sa kanya. I'm better and good than him. Swerte lang ang mga nangyari sa kanya kanina.”

“Well. Don't you realize na dapat huwag mong maliitin ang sinasabi mong swerte. What if, that swerte ang daan para maging sila.”

“Mga nonsense na ang mga sinasabi mo.”

“I don't care kung may pakialam ka or wala sa mga sinasabi ko. But I just want to remind you, kung ayaw mong tuluyang mawala sayo si Mylene. More effort ka na.”

“Wait. Bakit ba sinasabi mo ang mga bagay na ito sa akin? Why you are concerning to my lost, about my relationship ni Mylene. Nawala na ba ang hope mo na magiging kayo?”

“Well, honestly. Kontento na ako sa pagiging kaibigan namin ni Mylene.”

“Bakit hindi mo pinagtapat sa kanya ang nararamdaman mo para sa kaniya?”

“I realized, may mga bagay na dapat huwag nating pangaraping makuha dahil may may bagay na kapag ginalaw mo, pinangarap mong kunin, malaki ang mawawala sa 'yo. I chose not to tell my feelings to Mylene because I don't want to destroy and lose our good friendship. Ayaw kong mawala sa akin ang mahalagang babae, mahalagang kaibigan. Kuntento na ako ngayon bilang kaibigan niya,” ngiting paliwanag niya kay Axelle.

“Hindi ko alam kung babatiin ba kita or hindi. I mean, nawalan na ako ng isang kakompetensiya. Dapat magsaya ako diba?!

Anyway. I have another question for you, nang naghiwalay kami ni Mylene, bakit ngayong nagkita tayo, hindi mo ako sinumbatan or suntukin dahil sa nangyari sa amin?”

“That is your relationship. Tsaka, hindi ko rin alam ang totoong nangyari. Ayaw kong makadagdag sa gulo," sagot ni Miko.

Natatawa si Axelle sa narealize niya kay Miko. Sobrang buting tao ni Miko. Kaya niyang magpaubaya, kaya niyang magpakamarter, for love?

Ilang segundong tahimik ang dalawa. Naunang nagsalita ni Axelle. “If ever na hindi kami magkatuluyan ni Mylene, gusto kong ligawan mo siya. Panatag akong mapunta siya sa lalakeng gaya mo," malungkot na boses ni Axelle. Napatingin si Miko sa sinabi niya.

“ Are you joking?”

“May seryoso bang mukha ang nagbibiro,” pamimilosopo niya.

“Ginawa ko ang lahat. Patuloy kong ginagawa ang lahat para protektahan siya, para mahalin siya, para mahalin siya, para maging kami pero… the tadhana laging gumagawa ng kaguluhan just to separate us. I don't know what will happen in the future. Naninigurado lang ako, mapupunta siya sa mabait at may pusong lalake. Hindi siya lolokohin at hindi siya papaiyakin. Kundi mamahalin siya ng buong buo.” Tiningnan niya si Mylene. Masaya siyang naglalaro.

Sumigaw si Mylene, “Pumunta nga kayo rito. Join us! Let's enjoy, this day!

“Tingnan mo siya, napaka-inosente niya. Isang mahalagang bagay na nararapat lang ingatan,” wika ni Axelle.

“You're right. Higit pa siya sa mamahaling diamond. Wala siyang katulad," pagsang-ayon ni Miko.

Six pm nagpaalam ang apat sa isa't-isa para umuwi na.

Nakita ni Mylene na badtrip pa rin si Axelle kaya sinabi niya sa dalawa, kay Axelle na siya magpapahatid.

“Oh, happy ka na?! Tayo nalang dalawa.” Napalitan ng ngiti ang seryosong mukha ni Axelle.

“ May nakita ako kanina, malapit dito, nagbebenta ng street foods, I missed those kind of foods. Tara bumili tayo. Bilisan mo!”

“Oo na. Ako rin naman na-miss ko na ring kumain ng street foods.”

“Kuya, Ito nga po. Ramihan niyo po ng sauce, ha!" Aniya Axelle.

Marami silang biniling street foods. Umupo sila at nilapag ang biniling foods and drink.

“Ayy, amoy pa lang ay masarap na!” Excited na kumain si Mylene.

“Oyy, dahan dahan naman!”

“Mainit!”