Chapter 27
“Naalala mo yung beach? Doon kayo nagkita," sabat niya na parang siya pa yung sabik.
Inisip mabuti ni Zan. “Ah. Siya ba yun.” Tinawag niya si Mylene. Nang makita ang mukha, doon niya napagtanto siya pala ang babaeng iyon kaya lumapit siya kay Mylene.
“I can't believe na dito ulit tayo magkikita.” masayang masaya ang binata nung makita ulit si Mylene.
Lalo naman naiinis si Kan ng makitang lumapit si Zan kay Mylene.
“Itong babaeng 'to talaga. Ayaw talaga akong tantanan. Pati ba naman si Zan aagawin niya sa akin. Maghintay ka lang talagang babae ka!” Inis na inis siya sabay dabog sa upuan.
Ngumiti naman sa kanya si Mylene. “Ahh. Ikaw pala yun. Hindi kita namukhaan, eh! Ilang buwan na kasing lumipas kaya parang hindi na malinaw sa memory ko. But I'm happy to meet you, again!”
“Oo nga. Tapos magkaklase pala tayo.”
“Destiny kayo,” nakangiting sabat ni Mikaela kaya lalong nahihiya tuloy si Mylene.
“Pasensya na kayo sa madaldal naming kaibigan," sabat ni Iza. Napayuko siya dahil nakangiting tumingin sa kanya si Jim.
“Oo nga. Wag mong pansinin yan.” Hindi nakatiis si Kan kaya lumapit siya sa kanila.
“Zan! Nandito ka na pala. Tara, umupo na tayo doon. Tsaka, maya maya ay darating na ang titser natin. Masungit pa naman yung next teacher natin,” hirit niya. Hinawakan niya ang kamay ni Zan para sumunod ito.
“Tara na!” Tiningnan niya ng masama si Mylene.
Nakangiting nagpaalam si Zan kay Mylene. Pati rin si Jim, ngumiti siyang nagpaalam kay Iza kaya ang dalaga ay parang bombang sasabog sa tuwa.
Sumandal pa sa balikat ni Zan si Kan. Pinakita niya kay Mylene para mainggit. Eh dati, ayaw niya magpahawak. Nagpapakipot kay Zan.
“Ano ba yan! Panira naman yung babaeng yun. Nakakainis!” Pagmamaktol ni Mikaela.
“Oo talaga. Panira siya!” sang-ayon ni Iza.
Nilapit ng dalawa ang upuan nila kay Mylene para makipag tsismisan.
“Ano freny?! Kinakabahan ka ba? According kasi sa expert sa love. Kapag kinakabahan ka, pinagpawisan, hindi mo malunok ang laway mo, hindi makapag concentrate. May gusto ka raw sa taong iyon!" wika ni Iza.
“Bakit freny Iza, iyan ba naramdaman mo sa crush mong si Jim.”Tinakpan ni Iza ang bibig ni Mikaela.
“Ano ka ba! Baka marinig ka niya.”
“Sorry freny. Balik na tayo sa tanong mo kay freny, Mylene.”
Tinawanan lang sila ni Mylene. “Wag nga kayo magpatawa. Tsaka, kayong dalawa, wag niyo nga akong ipares sa kanya.”
“Hindi mo ba siya gusto?” mabilis na tanong ni Iza.
“Oo. Narinig niyo na ang sagot kaya tantanan niyo na ako.”
“Mabilis ang sagot ? Ibig sabihin, you deny your true feelings for him," singit ni Mikaela.
“Oo nga. Freny Mylene. My last question for you, may chance ba na magustuhan mo siya? Lalo na kapag niligawan ka niya?”
“Ang titigas ng ulo niyo. Wala nga akong gusto sa kanya. Wala akong gusto sa kanya. Narinig niyo? Wala akong gusto. Period.” Kinuha niya ang libro, nagkunwaring nagbabasa.
“Asus. Wag ka ngang magdeny diyan. Pero ayos lang. Love process tawag diyan. Habang tumatagal, magugustuhan mo rin siya. I believe kayo ang tinadhana," proud na sinabi niya.
“Ang dami niyong alam!" sabi sa kanila ni Mylene.
“Akala ba namin nagbabasa ka diya?" sagot ni Mikaela.
“Oo nga."Pati si Mylene napatawa nalang.
Napatingin si Mylene sa sinabi Iza. “Yan na guys. Ang royal couple ng campus!” Nakita nila sa bintana ang paglalakad ng dalawang magkasintahan. Katawan lang nakikita ni Mylene.
Nang makita niya ang lalakeng sinasabi ni Iza na royal couple. Nagulat at hindi siya makapaniwala.
Ang lalakeng iyon ay si Axelle kasama niya si Allyson.
Magkahawak ang dalawa habang naglakad papasok ng classroom.
Nakikinig lang si Mikaela sa sinasabi ni Iza. “ Perfect talaga silang dalawa. Alam niyo ba, sila ang anak ng pinakamayaman sa campus na ito. Tingnan niyo sila guys, perfect talaga sila together! Ang pogi ng lalake at maganda naman ang babaeng iyon!”
She force herself to be strong. Alam niyang naka-move on na siya kay Axelle. Wala na siyang pakialam kung may bagong karelasyon ang binata.
Gusto niyang palayain ang sarili sa pain na dinudurog siya, pati rin si Axelle ay gusto niyang makalaya na rin sa sakit. Gusto niya, pareho silang magbagong buhay lalo na sa love life nila.
“ Sabihin mo ang pangalan nila! Sabik na akong malaman, bilis!” Pagmamakulit ni Mikaela.
Tumingin si Iza kay Mylene para tanungin kung pati ba siya, nasasabik malaman din ang pangalan ng mga pangalan ng royal couple. “Ikaw Mylene, tahimik ka diyan ah. Gusto mo rin ba malaman ang mga pangalan nila?”
“Sige na, sabihin mo na!" pilit ni Mikaela.
“Ano ba, ang gulo mo! Oo, ito na, sasabihin ko na ang mga pangalan nila. Okay, ang pangalan ng lalake ay si Axelle Maldrid. Hindi ko na siya ilalarawan dahil kita mo naman ang hitsura niya. Anak siya ng successful na business person at isa pinakamayaman na tao dito sa Pilipinas. Yan naman ang kasama niya, si Allyson Managa. Perfectly beautiful. Speechless ako sa beauty niya.”
“Sang-ayon ako sayo girl. She is perfectly beautiful," sang-ayon ni Mikaela.
“May lahi siyang chinese. Anak din siya ng mayamang negosyante sa Pilipinas. Matagumpay din ang negosyo nila sa china. Engage na ang dalawa na yan, eh. Balita ko, ikakasal sila pagkatapos ng graduation ng college. Balita ko rin, doon sila magkokolehiyo sa ibang bansa. Nakakainggit sila! I love them!”
“Kayong dalawa maghanap kayo ng lalakeng pareho ng status sa buhay para walang hahadlang sa pagmamahalan ninyo. Para hindi rin kayo masaktan. Masakit ang masaktan, noh!” Bumalik siya sa pagbabasa ng libro. Napatingin ang dalawa dahil iba ang tono ni Mylene habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.
“Lalim ng hugot, ha? May experience?! biro ni Iza.
“Oo nga. Curious tuloy kami, sa love life mo,” wika ni Mikaela.
Dumaan ang dalawa sa upuan ni Mylene. Wala siyang pakialam. Naka-move on na siya. Hindi rin siya pinansin ni Axelle. Tuloy lang ito sa paglalakad.
Isip tuloy ni Mylene, tuluyan na talagang naka move on si Axelle kaya hindi man lang tumingin sa kinaroroonan niya ang binata, kaya masaya siya para kay Axelle lalo na sa kanilang dalawa ng kaniyang girlfriend niya.
Umayos sila ng pag-upo dahil dumating ang teacher nila.
Masayang nakikinig si Mylene sa teacher nila. Pasalamat siya dahil makalimutin ang teacher kaya hindi siya tinawag para magpakilala.
Inutusan si Mylene ng adviser niya na ilagay ang mga papel sa table nito.
Pinauna niyang pinapunta ang dalawa niyang kaibigan sa basketball court dahil manonood sila ng laro nina Zan.
“Samahan ka na namin?”
“Mauna na kayo doon. Kaya ko na ito. Mabigat pa dito yung trabaho ko rito, noh! kaya kayong dalawa wag na kayong mag-inarte diyan. Mauna na ka kayong pumunta sa court!”
“Sige, bilisan mo ha?!”
“Oo.”
Nakasalubong ni Mylene si Axelle kasama ang girlfriend sa hallway.
Hindi yun napansin ni Mylene dahil nakatingin siya sa hawak niyang dala. Doon lang niya napansin ng lumagpas na ang dalawa sa kanya.
Tumingin siya kung si Axelle ba talaga ang dumaan.
“Si Axelle pala iyon.” Nilagay niya ang kanang kamay sa dibdib. “Bakit parang kinakabahan ka? Bakit ganun?”
Bago pumunta sa basketball court, dumaan muna ako sa library dahil may hihiramin akong libro.
“Saan na ba yun? Sabi ni Mylene, sa pagkakaalala ko, dito yun sa dulo!” Nang akma kong kunin ang isang kulay dilaw na libro, inunahan ako ng isang lalakeng nasa kabila.
“Kuya, ako po ang nauna sa libro na yan.” Nang pagkakita ko. Iyon pala ay si Axelle. Nakangiti na parang inosenteng na may halong pangseduce na hindi ko alam kung ano.
“Mylene. Ikaw pala yan? What a coinsedence! Matagal tayo hindi nagkita, ha! Kamusta na?” Mga pangangamusta at mga tanong sa akin ng aking ex boyfriend.
Hindi ko alam paano sasagot sa mga tanong niya. Hindi ko rin masyado maigalaw ang aking katawan dahil siguro hindi ko inaasahan na polite siyang makipag-usap sa akin after ng break-up naming dalawa. Ewan ko ba, anong nangyayari sa akin!
Inabot niya sa akin ang libro. “Ikaw muna mauna magbasa niyan. Ibigay mo sa akin kapag tapos ka na.” Nakangiti pa rin siya sa akin. Siguro nga, naka move on na siya. Kaya dapat ako rin ay ipakita ko sa kanya na naka move-on na rin ako.
Paalis na siya ng lumingon siya sa akin.
“Libre ka ba mamaya? Dinner tayo. Nakakamiss yung kwentuhan natin." Mabilis siyang lumapit sa akin. Laking gulat ko dahil niyakap niya ako.
“Pwede ba tayo maging magkaibigan? Hindi kita papakawalan sa pagkakayakap kapag hindi ka pumayag. Sige n!” pangungulit niya para pumayag ako.
Wala na akong ibang choice kung hindi sabihing “Oo.”
Binitawan niya na ako. “Sige, alis na ako. Hintayin mo ako mamaya rito ha.”
Ayos lang naman siguro makipagkaibigan sa ex mo at makipagkwentuhan, wala naman masama siguro roon. Pareho na kaming naka-move-on sa isa't-isa.
Tsaka, magandang simula sa amin ito. Bihira lang nagkakaroon ng ganitong friendship sa ex-lover mo.
Habang naglalakad ako papuntang court bigla akong tinulak ng isang lalake dahil may isang vase nahulog mula sa third floor, pareho kaming natumba.
Idinilat ko ang aking mata. Ang lalakeng iyon pala ay si Axelle. Pareho kaming nagtinginan sa mata.
Ilang inches nalang magkalapit na ang aming mga mukha. Naku po! Baka may makakita sa amin dito! Pangangamba ko na may makakita sa amin.
Parang gusto rin ni Axelle ang posisyon namin ngayon. Ako na ang nahihiya kaya dahan dahan ko siyang tinulak paalis. Ako ay tumayo na.
“Nandito ka pa rin pala?" matipid kong tanong.
“Oo. Pasalamat ka nandito ako, eh kung hindi natamaan na yung ulo mo ng vase kaya nararapat lang na magpasalamat ka sa akin. Hindi binubulyawan mo ako diyan," nakangiti niyang sumbat.
“Hindi kita binubulyawan, ha!”
“Joke lang. Sobrang seryoso mo kasi, eh! Pwede ba, gaya ng dati, act lang like a normal. Pwede ba yun? Mylene Gomez?”
“Kay tagal din hindi ko narinig ang pagtawag niya sa akin, sa buong pangalan ko," sabi ni Mylene sa isip niya.
“Hoy! Tulala ka na diyan, ha. Ayos ka lang? Ako tuloy nahihiya sayo. Baka matunaw ako sa katititig mo sa akin!”
“Kapal mo!” Kinuha ko ang mga gamit ko sa sahig at ako ay naglakad na paalis.
Sumunod siya sa paglalakad. “Masaya ako dahil bumalik na yung dati mong ugali. Pwede ba magpasalamat ka Mylene!” sinigaw niya pa ang pangalan ko, lumingon ako sa kanya.
“Oo ito na, magpapasalamat na! Thank you for saving my life, Happy?!”
“Wala ka talagang pinagbago. Ang ingay mo, ang harot mo, maligalig ka!" bulong niya.
“Ewan ko, kung pasasalamat yan or kung ano. Okay, tatanggapin ko. Welcome! Saan ba punta mo?”
“Bakit?”
“Wala lang. Saan nga punta mo?”
“Sa court. Manonood kami ng laro.”
“Kaninong laro?"
“Ano ba yan. Ang dami mong tanong."
“Sagutin mo nalang kasi.”
Pumasok na ako sa loob ng court. Tiningnan ko muna kung saan nakaupo ang dalawa kong kaibigan.
Maraming mga nanood ng laro ngayon. Pero sabi ni Iza, ganito daw 'to, punong puno ang court. Maraming gustong manood kay Zan at sa grupo niya.
Nag-umpisa na ang laro. Kinawayan ako nina Iza at Mikaela. Ako ay ngumiti naman sa kanila.
Ng naglakad na ako papunta sa kinaroroonan ng dalawa kong kaibigan. Bigla akong napalingon dahil hinawakan ni Axelle ang kamay ko. Binitawan niya agad.
Pinakilala niya sa akin ang fiancee niya. “Si Mylene pala, babe. Dati kong kaibigan.”
“At dati mo ring ex," sagot ni Mae. Pareho silang ngumiti sa akin. Parang na-we-werduhan ako sa dalawang ito. Ewan ko ba.
“Oo alam ko. Sinabi na sa akin ni Axelle. Don't worrry, hindi ako tipo ng babae na madaling magselos lalo na sa mga naging karelasyon ng babe ko at ngayon kaibigan niya pa rin.”
“Parang wala akong masabi sa sinabi niya. Totoo nga sabi ni Iza, mabait si Allyson. Sa katunayan, iyan din ang first impression ko sa kanya. Sa wakas, nakatagpo rin si Axelle na perpektong girlfriend para sa kanya. Pareho silang mayaman. Magka level sila. I'm happy for him!”
“Ako nga pala si Allyson. And honestly masaya ako dahil sa wakas nakilala na rin kita. Nice to meet you, Mylene!” ngumiti siya sa akin.
“Ako rin, masaya rin ako. I mean, masaya ako sa inyong dalawa. Masaya ako dahil nakatagpo na rin ng babaeng nababagay kay Axelle. Bagay kayo!"
“Natuwa naman ako sa papuri mo. Thank you. Nandito ka rin ba para manood?”