Chapter 28
“Oo. Kaya maiwan ko na kayo, ha!" Nakita si Axelle nakangiti siya. Naka move-on na nga talaga siya. Kaya ikaw Mylene, ganun din gawin mo. Okay? Sige, pumunta ka sa mga kaibigan mo para hindi ka ma-OP.
“Mylene, ang tagal mo ha? Kanina pa kami naghihintay dito," bungad na mga tanong sa akin ni Iza.
“Oo nga," Nakita ko si Mikaela na naka-soot ng ibang damit.
“What's that?" tanong ko sa kanya habang tinuro ko ang soot niyang damit.
“Ano ka ba. Chini-cheer up ko rito ang magiging future boyfriend mo.”
“Ano?” narinig ko naman sinabi niya pero tinanong ko lang siya. Usually ganyan naman diba. Just kidding!
“Wala. Manood ka nalang diyan. Ako naman dito, i-che-cheer up ko ang papa Zan ko or pwede mo naman kami tulungan dito.” Tinuro niya ang grupo ni Kan. “Kasi sila, inaagaw ang papa Zan mo. Tingnan mo, oh, kung makabirit 'tong mga babaeng 'to parang nasa club. Mga malalande!
Halika na! Para talunin natin sila sa sayaw natin," Pinakita niya pa sa akin ang maikling sayaw niya sabay sigaw na papa Zan kaya nga hindi ko mapigilan ang sarili na mapatawa.
Nagpupumiglas ako makawala dahil hinila niya ako papunta sa itaas para i-cheer up si Zan.
“Sige, kapag hindi mo ako tinulungan dito mag cheer up kay papa Zan, tatawagin ko siya.”
“Ako pa talaga tinakot mo, wala akong pakialam," Bumalik ako sa upuan. Tumabi ako kay Iza.
“Hoy, ikaw ha. Bakit magkausap kayo ni Axelle kanina tsaka kasama pa yung fiancee niya? Wait lang, bago tayo pumunta sa scene na yan. Magkasama ba kayo ni Axelle pumunta rito? Wag kang magsinungaling, maraming sumasakit ang tiyan ng isang buwan sa pagsisinungaling tungkol sa mga ganitong katanungan sa love.
Magsabi ka ng totoo. Kapag magsisinungaling ka. Isang buwan kang hindi tatae then during tatae ka, isang linggong tae ka nang tae kaya wala kang choice," pagbibiro at seryoso niyang sabi sa kaibigan.
Bakit ba hindi ako malubayan ng mga chismosa. Nakakainis na buhay 'to, walang katahimikan!
“Grabe ka sa mga sinabi mo, ha!" ngumiti lang siya sa akin.
“Oo, wala talaga akong.." Napaisip ako na sabihin ko nalang sa kaniya ang totoo para manahimik na siya sa katatanong.
“ Oo na rin, totoo yung nasa isip mo, magkasabay kaming pumunta rito. Anong masama roon? Manonood din siya ng laro.”
“Wait lang, magkakilala na ba kayo dati? Wag kang magsinungaling."
Sinabi ko nalang sa kaniya ang totoo, “Oo. Pareho kaming school na pinapasukan dati. Hindi ko alam ang reason niya kung bakit siya lumipat but my reason is, nakahanap ng magandang bahay ang mga magulang ko na malayo sa pinapasukan kong school. My parents decided ilipat ako ng school na malapit sa bahay namin," iyan ang mga sinabi ko sa kanya. Inunahan ko na siya.
“Nagmumukha kang defensive." Tingin niya sa akin na may pagdududa.
“Hindi ko naman tinanong ang nga bagay na yan.”
“In case na itanong mo. Kita mo, advance ako mag-isip!" Ngiting pagbibiro ko.
“Oh, ito pa tanong ko.”
“Quiz bee ba 'to? Ang daming tanong, puwede time-out muna, ha?”
“Walang time-out time-out. Anong pinag-usapan niyong tatlo kanina?”
“Pinakilala niya ang girlfriend niya sa akin. Yun lang. May tanong pa? Kung meron pa, maya na yan mga tanong mo. Manood muna tayo. Okay?”
“Wala na akong tanong. I mean, meron pa pero mamaya na. Manood muna tayo. Ayokong ma-miss ang laro ng crush ko na si Jim, tsaka kay papa Zan.”
“Papa Zan kayo ng papa Zan!”
“KJ ka kasi. Kaya hindi mo rin mabanggit ang salitang papa Zan dahil may gusto ka sa kanya.”
“Nakakatawa.”
“Nakakatawa talaga!" Bigla kaming napatingin sa kinaroroonan ni Mikaela dahil nag-umpisa na silang mag-cheer up kay Zan.
Pati rin ang grupo ni Kan, ayaw magpahuli. Nakita ko pang marami silang dalang palamuti at paputok to support the team of Zan.
Nakita ko sa isang gilid na mag-isang nakaupo si Allyson. Saan na kaya yung boyfriend niya? Nakita ko ulit lumapit at tumabi sa kaniya si Axelle. Niyakap niya rin ang kaniyang girlfriend. Hay, bakit ko ba siya iniisip? Bahala na siya sa buhay niya. May kaniya-kaniya na kaming buhay kaya dapat hindi ko na siya pinapakialaman pa.
Nakita ko ang ang team ni Zan ang naka-score kaya naghiyawan ang mga kababaihan lalo na ang dalawang leader na si Mikaela at Kan.
Inalog alog ako ni Iza sa kilig, dahil tumingin sa akin si Zan.
Nagpapahiwatig ma-sho-shoot ang bolang ito. Lalong kinilig siya dahil na-shoot nga at tumingin sa akin si Zan, ngumiti siya sa akin.
Napatingin na lamang ako sa kinaroroonan ni Kan dahil binatuhan niya ako ng papel na may lamang matigas na bagay. Buti nalang hindi tumama sa mukha ko. Sumigaw pa siya, “malande ako!”
“Naiinggit lang yan freny. Kaya inisin mo siya sa inggit!”
“Paano?"
We don't know, nasa likod pala namin si Mikaela.
“ Mag cheer up ka kay Zan!" Nakangiting suggestion niya.
“Oo. Tama si Mikaela. Lalong hahaba ang sungay niyan sa galit at inis!” sang-ayon ni Iza.
Hinila ni Mikaela ang kamay ko. “Oo na. Wag munang hilahin ang kamay ko, sasama ako. Okay?!" Natuwa sila sa pagpayag ko.
Ang nais ko lang naman ngayon ay mainis 'tong bruhang Kan na 'to.
Binigay ni Mikaela ang banner sa akin na may buong pangalan ni Zan.
“Sumunod ka nalang sa amin. Lagyan mo ng matinding energy, ha! para lalong mainis si bruhitang Kan na 'yan?”
“Oo, alam ko na ang gagawin ko!”
Bago pa nag whistle, inunahan ko na sa sa pagkimbot sila, binigay ko ang inipon kong energy para mainis 'to ng lalo si Kan.
Hindi ko pala alam nakatingin sa akin si Axelle, doon ko na napansin nung napatingin ako sa side niya pero hindi ako huminto, hindi ako nahiya, inisip ko na lamang si Kan para lalo akong ganahan sa pagsayaw. Mainis siya!
Bumalik ang tingin ko sa grupo ni Zan. Nakangiti siya sa akin. Kumaway pa siya kaya lalo nainis si Kan. Nag devil smile pa ako sa kanya. Tsaka, nagbody language ako, ng loser. Kitang kita ko ang nag-uumapoy na galit ni Kan. Success! Buti nga sa kanya, malas niya lang dahil dito napadpad ang Mylene Gomez. Haha!
Diniklara na ang pagkapanalo ng grupo nina Zan kaya lumapit ang grupo namin ni Mikaela kasama si Iza para i-congratulate sila.
Lumapit rin ang grupo ni Kan. Linta siya. Akala niya siguro, yayakapin ko si Zan kaya inunahan niya ako.
Nang aakma na siyang lalapit kay Zan upang yakapin, napahiya siya dahil umiwas si Zan. Lumapit sa akin at niyakap ako ni Zan.
Oh my God! Hindi ko inaasahan 'to. Ang bango niya. Baby boy ang bango! Oh my God! Control self! Oh my God talaga, ang bango niya! Nakaka- seduce.
Nakit ko ang mukha ni Kan. Nginitian ko siya. Mainggit kang babae ka. Hahaha!
Nakita ko rin si Axelle. Seryoso ang mukha ng lalake. Wala sa katabi niya ang girlfriend niya.
Tapos na ang yakapan naming dalawa pero parang gusto ko pa ng part two dahil nakakagigigil sa bango ang buong katawan niya. Joke lang!
“Congrats ha! Congrats sa inyo!" yan yung sabi ko sa kanila.
“Pero mas nanalo kami dahil sa galing mo sa sayaw. Sa sunod ulit ha?!” sumang ayon din ang kasamahan niya pati ang mga kaibigan ko.
Sinira ni Kan ang kasiyahan sa pamamagitan ng kaniyang pagsabat.
Pumunta siya sa gitna namin ni Zan. “Okay. First of all, congrats!" tuwa niyang sabi kay Zan. Nakatagilid naman ako. Nakatingin ako sa mga kaibigan ko. Nagtinginan kami sa isa't-isa.
“Panira talaga 'tong babaeng 'to," bulong ni Mikaela sa amin ni Iza.
Niyakap pa niya si Zan. Siya lang ata masaya. “May announcement pa ako, ito na sasabihin ko na."
“Siya lang excited," bulong ni Mikaela.
“Alam ko, alam niyong matagal ng nanliligaw sa akin si Zan. Hindi ko siya sinasagot dahil hinintay ko ang araw na ito, manalo siya sa huling laro niya ngayon," pagsisinungaling niya. Ang totoo ay natatakot siya baka manakaw ni Mylene si Zan sa kaniya.
“ Ito na, nanalo siya. Doble po ang kasiyahan na ito dahil sinasagot ko na as my boyfriend si Zan," Tumingin siya kay Zan.
“Oo, sinasagot na kita. You are my boyfriend, from now on. Officially na tayo!" Tuwang tuwa niyang sabi. Naghiyawan din ang mga props niya. I mean, ang nga kaibigan niya.
Niyakap niya pa si Zan. Natawa si Mikaela dahil kayayakap niya pa lang, dahan dahan siyang tinulak ni Zan.
“What? Hindi ka ba masaya? Hindi na kita papahirapan sa panliligaw kaya nga ito sinasagot na kita ngayon.”
“Hhmm.. Kasi. Ang nais ko lang sabihin. Hindi na kita liligawan. I mean, wala na akong gusto sayo," napahiya si Kan sa sinabi ni Zan.
Nakit ko rin ang reaksiyon ng mukha niya. So disappointed! Feeling queen kasi, ngayon falling queen na.
“Ano? Bakit naman? Dahil ba sa pagpapahirap ko sayo sa panliligaw sa akin? Kaya nga ito na, sinasagot na kita.”
“It's not like that. I realized, hindi pala ikaw ang babaeng gusto kong maging girlfriend ." pangalawang sapol si Kan. Hindi mapigilan ni Mikaela pati ako na matawa sa mga eksenang aming na-saksihan.
“ Ngayon. I finally found the girl na komportable ako sa kanya, natutuwa ako sa kanya, magaan ang loob ko sa kanya. Tsaka, hindi ko kailangan magmalaki para magustuhan niya ako. She is simple girl. Natutuwa talaga ako sa kanya. Ngayon ko lang naramdaman 'to," nakitingin siya sa akin habang nagsasalita.
“Ha. Really? Yan ang babae na yan," napatingin ako sa sinabi ni Kan. Alam kong, ako ang tinutukoy niya.
“Hindi kayo bagay. Unang una, look at her, she is just a girl, a normal girl. Ano naman ang pinagmamalaki niya? Hindi kayang pantayan ang level mo. Basura siya!”
“Tama ka, hindi kayo magka level dahil unang una , mabuti ang ugali niya. Alam mo ba, ano ang na-realized ko, hindi ko kailangan ng high class na girlfriend, I need a nice and good girlfriend.”
“Magaling ka talaga magpatawa Zan," Lumapit sa akin si Kan. Bigla niya akong sinabunutan.
“Malande ka talaga! Aagawin mo pa talaga ang magiging boyfriend ko!” pagsisigaw niya nang ako'y kaniyang sinasabunutan.
Akala niya hindi ako lalaban. Malas siya dahil sanay ako sa ganito. Sinabunutan ko na rin siya. “Ikaw ang wag magpatawa. Naging kayo ba? Alam mo ba, ikaw ang unang kilala kong babae rito na-busted. hahaha," pang-iinis ko pa sa kaniya..
“ Oo, ako ang unang babae rin na papatay sayo!" sinubukan niyang sakalin ako pero she failed.
“Tama na yan Kan, awat na!”
Pumagitna si Zan. Parang lion na gutom na gutom ang kinikilos ni Kan. Ayaw niyang magpaawat.
“You always ruined my day and I won't let that happened again.”
“ Hoy. Wag kang feelingera. Umayos ka nga. Nakakahiya ka, oy! Ganun ba kayong mga mayayaman, kapag kalma parang santo pero kapag nagalit kahit walang kwentang bagay parang demonyo. I mean, parang taga-squatter. Minamaliit niyo pa ang mga taga-squatter, wala naman kayo pinagkaiba sa kanila!”
“Wag na wag mong ikumpara ang sarili ko sa gaya mong squatter ka!” dalawang lalake na ang humawak sa kaniya dahil para siyang sinasapian.
“Tama na! Tama na Kan!" sigaw ni Zan kaya kumalma ang lola mo.
“Okay. Okay. Tatanggapin ko na hindi mo ako gusto pero hindi ko tatanggapin na siya ang magiging girlfriend mo!”
“Why not?" sagot sa kanya ni Zan.
“Freny, sabi ko sayo may gusto si Zan sayo, eh!" bulong ni Iza sa akin.
“ Inaano lang niya si Kan para tantanan na siya," sagot ko naman sa kanya.
“Wag ka nga manhid diyan," iyan naman ang sagot sa akin.
“Nahihilo ako. I can't stand like this. Oh my God! Ano bang pinakain niya sayo, bakit nag-iba ka? Dati, baliw na baliw ka sa akin !”
“Dati yun. I changed my mind. Sinabi ko na sayo kanina kaya hindi ko na uulitin pa. Just accept it!”
“No! No! I won't .” Tumingin siya akin. “Akala mo, ikaw na ang panalo? No. Hindi. Hintayin mo ang mga sinabi ko, gagawin kong miserable ang bawat taon mo rito," Kinuha ni Kan ang bag niya. Naglakad na siya palabas ng court.
Nagbuntong hininga kami sa tension na nangyari. “ Ignored her. Ganun talaga iyon," sabi sa akin ni Zan.
“Oo.”
“Well, just continue this celebration. Mamaya may celebration kami, punta kayo?.”
“Oo," mabilis na sagot ni Mikaela.
“Oo, pupunta kami," sang ayon naman ni Iza.