Chapter 26
“Yan yun. Kita mo?! Tinulak niya yung nakaharang na babae. Napakasama talaga ng ugali niya. Ikaw. Kapag dumaan siya rito magsabi ka ng good morning bilang respeto sa kanya.”
“Seryoso?”
“Plastikan. Kesa naman tayo ang malintikan." Umayos na si Iza dahil padaan na sa kanila si Kan.
“Good morining ms Kan?." Hindi sumunod si Mylene sa sinabing pagbati ni Iza.
Huminto ang grupo nila. “Ikaw babaeng nakasalamin na nerd. Kuhanin mo nga ako ng tubig. Bilis!” Utos niya kay Iza.
“Sige po. Masusunod.” Tumayo si Iza at pumunta naglakad paalis para kumuha ng tubig. Tahimik lang si Mylene.
Kinusap siya ni Kan. “Bago ka ba rito?"
“Oo," sagot niya.
“Kaya siguro hindi ka bumati sa akin dahil bago ka lang dito. Okay. Papalagpasin ko. Kaibigan mo ba ang babaeng yun?”
“Oo.”
“Magtanong ka nalang sa kanya. Sa mga rules ko rito.” Dumating na si Iza. Siya ay nagmamadali.
“Ito na po!" Hingal na abot niya sa tubig.
“Tagal mo ha!" Nang makita niya ang tubig ay binitawan niya kaya bahulog ito.
“Ano ito? Maling tubig ang kinuha mo!"
“Ay sorry po. Papalitan ko nalang." Tumakbo ulit siya papunta sa canteen para palitan ang tubig
Humarap ulit siya kay Mylene. “Anong year ka na ba?"
“First year.”
“Ah, I see. Pareho pala tayo. Anong section ka?”
“Section Artian.”
“Classmate kita. Thank you naman may magbibitbit na ng bag namin.” Inihagis niya ang bag niya kay Mylene. Sumunod din ang dalawa niyang kaibigan sa paghagis kaya nagulat si Mylene.
“Nahulog oh! Mahal pa yan sa uniform mo kasama mga soot mo sa katawan. Bilis kunin mo!” Pasensyang kinuha ni Mylene ang tatlong bag.
Dumating si Iza. “Narito na ang tubig.”
“Parang ayaw ko ng uminom ng tubig. Juice nalang. Kumuha ka ng juice doon. Gawin mong tatlo." Hindi natiis ni Mylene ang pagka-senyorita nila at walang modo. Inihagis niya sa tatlo ang mga bag nila kaya muntik na silang madapa.
“Wha the f*ck!” galit na sigaw ng tatlo.
“Lumapit si Mylene kay Iza. “Kinuha niya kay Iza ang dala nitong tubig. At inihagis sa tatlo."
“Freny!"
“Kayong tatlo, may kapansanan ba kayo, ha? Kumpleto naman mga parts niyo sa katawan.” Nakita ng mga istudyante ang panlalaban ni Mylene kay Kan kaya lumapit sila.
“Kayo kaya ang kumuha ng tubig doon. Kung makautos kayo ay parang may binabayaran kayong taga-silbi." Sigaw niya sa tatlo. Hindi inaasahan ni Iza ang gagawin ni Mylene. Lalo siyang lumapit dahil natakot dahil lumapit sa kanya ang tatlo.
Dinuro duro siya ni Kan. “Alam kong baguhan ka rito kaya lumugar ka baka kapag nakilala mo kami, kung sino talaga kami dito ay baka lumabas yang kaluluwa mo sa katawan mo dahil sa takot. Umayos ka!" Lalong naging intense ang scene. Ang mga istudyante ay parang nanonood ng thrilling movie.
Hindi mabati nila si Mylene sa katapangan niya dahil baka sila ang pagbuntungan ng inis ng grupo ni Kan.
Tinapik niya ang kamay ni Kan.
“Wala akong pakialam kung sino kayo. Wala akong pakiaalam kung anak pa kayo ng presidente ng bansang ito. Ang pakialam ko rito ang ugali niyong hindi maganda. Hindi ba kayo tinuruan ng magandang asal ng mga magulamg ninyo, ha?!”
“Inunahan mo pa talaga maglecture ang teacher natin. Lakas talaga ng loob mong babae ka.” Tumingin siya sa dalawang kaibigan. “Alam niyo na ang gagawin ninyo." Ngumiti sila kay Kan. Naglakad sila papunta kay Mylene para hawakan sa kamay.
Malas sila dahil may alam sa karate itong si Mylene. Inikot ni Mylene ang mga kamay nila kaya nagsisigawan ang dalawa sa sakit. Hindi mapigilan ng mga istudyante na humiyaw.
“Aray!!” sigaw ng dalawa.
“Bwesit kang babae ka! Bitawan mo ako!”
“Oh, ano? Masakit ba, ha!” Tumingin siya kay Iza. Sabay bitaw sa dalawa niyang alepores.
“Gusto mo pang lumapit at magaya sa kanila?”
“How dare you! You will regret this!" Nakita nilang may paparating na teacher. “Hindi pa rito natatapos ang ginawa mong gulo. Gagawin kong magulo at miserable ang taon mo rito!" Panggigigil niyang sigaw kay Iza.
“Bring it on!” sagot niya kay Kan.
Lumapit ang mga istudyante kay Mylene. Binati siya.
“Idol na po kita!”
“Ang tapang niyo po!”
Masaya siya sa mga bati ng mga istudyante.
“Freny. Natakot ako kanina sa ginawa mong move. Akala ko hindi mo sila kayang ratratan. But I'm wrong. I rate you a five star for your braveness!” Ngumiti si Mylene sa kanila. Niyaya niyang umupo sila.
“Yung ginawa mo kanina at sinabi ay iyan yung gusto kong gawin sa mga bruhang iyon. Nakakapanggigil sila! But freny, nag-aalala ako sayo, lalo ka nilang pag-iinitan niyan!”
“Don't worry freny, hindi ako natatakot. Nagkamali silang taong binully. Ako mismo ang puputol sa kanilang mahabang sungay na abot hanggang impyerno!”
“Sana freny ganyan din ako katapang sayo. Gusto ko yung braveness mo.” Nilagay niya ang kamay niya sa noo ni Iza.
“Babahagian kita ng lakas ng loob at katapangan. Show them!" Pareho silang tumawa.
Narinig na nila ang bell kaya niligpit na ang mga gamit at pumunta sa section.
“Freny. Ang ganda naman ng section na ito. Pangmayaman talaga! Ang lamig sa loob. Giniginaw ako. Hindi ako sa ganito!”
“Oo freny. Ma-a-amaze ka pa sa yaman ng school na ito kapag na-explore mo ang buong campus. Tara, doon tayo umupo para magkatabi tayo.”
“Freny. Ilan ba yung istudyante dito?”
“Thirty eight.”
“Yung mga transferree ba, magpapakilala sa harap?" Tinanong niya si Iza about that dahil parang kinakabahan siya.
“Oo. Ganun naman talaga diba? Kahit sa ibang school." Tumingin siya kay Mylene. “Bakit, kinakabahan ka ba?"
“Oo freny eh! Ang tapang mo kanina kaya sisiw lang sayo ang pagpapakilala sa sarili!" Ngiti niyang sabi sa kaibigan.
“Iba naman yun, eh!"
“Alam kong kaya mo yan. Nandito lang ako sa likod mo!" Pumasok na rin ang mga classmates nila.
May tumabi sa upuan ng dalawa. “Hello! Bakante pa ba 'to? I'm Mikaela. Transferree ako. Kinakabahan ako. Wala akong Friend dito, eh!”
Tumingin si Iza kay Mylene. “May kasama ka na mamaya.” Humarap ulit siya kay Mikaela. “Oo bakante yan. Dito ka na umupo. Ako nga pala si Iza. Siya naman si Mylene. Pareho kayong transferee!”
“Swerte ko naman. Nawala tuloy kaba ko. May makakasama na ako mamaya. Pwede bang makipagkaibigan sa inyo? Sumali sa grupo ninyo?”
“Oo naman! Natutuwa ako na madadagdagan ng isang member ang grupo namin!” ngiti niyang sabi sa bago nilang kaibigan.
“Oo. Welcome na welcome ka!” Niyakap niya ang dalawa.
“Ang swerte ko talaga ngayong araw na ito kahit kinakabahan ako!”
Pumasok na sa loob ang grupo ni Kan. Tumingin siya sa kinaroroonan ni Iza dahil kasama niya si Mylene.
“Classmate rin natin ang mga bruhang iyon?” tanong niya kay Iza.
“Oo. Nakalimutan ko pa lang sabihin sayo.” Huminto sa harap nila ang grupo ni Kan.
“No, binanggit niya kanina na same section kami. Akala ko, nagbibiro lang siya."
“Goodluck.” Iyon ang sabi niya kay Mylene. Naglakad sila sa pinakalikod dahil naroon ang upuan nila.
Tinanong ni Mikaela ang dalawa kung ano bang nangyayari. “Ang grupo na yun ang isa sa nagpapalakad sa batas dito sa school na ito. Masama ang ugali non. Kanina kasi pinagtanggol ako ni Mylene sa pang-aapi ng grupo ni Kan. Tuloy, si Mylene pinagbubuntungan ng inis nila,” Napayuko siya habang nagkukwento.
Nilagay ni Mylene ang kaliwang kamay sa balikat ni Iza. “Nakalimutan mo na ata na magkaibigan tayo. Diba ang magkakaibigan ay nagdadamayan? Pinagtatanggol nila ang isa't isa sa mga mang-aapi.
Tama lang yung ginawa ko sa mga bruhang iyon. Akala siguro nila, lahat ng tao ay maaapi nila. Malas lang nila dahil ako ang nakaharap nila!” Niyakap siya ni Iza. “Thank you freny. Ang swerte ko talaga sayo!”
Niyakap din sila ni Mikaela. “Payakap din ako. I need a hug. Ipagtanggol niyo rin ako sa mga mang-aapi sa akin ha?”
“Oo,” sagot ng dalawa.
Napatigil sila dahil naghiyawan ang mga babae. “Sino ba ang parating? Bakit kung makasigaw 'tong mga babaeng ito ay parang nasa party?” Mga tanong ni Mikaela.
“Naku guys, kikiligin kayo kapag nakita niyo ang mga varsity players na classmates natin. Yung isa dun ay crush ko.” Kinilig na si Iza ng banggitin ang pangalan ng crush niya.
Unang pumasok ang tatlong miyembro ng barkada kaya tumili ang mga babae.
“Woohhhh..!!”
“Ang gagwopo nila," wika ni Mikaela.
“Lalo kang hahanga sa susunod na papasok," sabat ni Iza.
Pumasok naman ang dalawang magbestfriend kaya lalong lumakas ang hiyawan ng mga babaeng nasa loob ng room pati dalawang kaibigan ni Kan ay hindi mapigilan ang mga sarili sa paghiyaw.
“Ang pangalan ng naka blue ay si Jimyunne Cruza. Hindi ko na ilalarawan pa dahil nakikita niyo naman kung gaano ka-charming at ka-pogi sila!” Tumingin siya sa dalawa. “Crush ko yan kaya wag niyo ng balakan pang agawin sa akin." Napatawa sila sa sinabi ni Iza.
“Seryoso ako, noh! Love at first sight. Siya ang first love ko. I can't expect na higit pa sa paghanga ang mararamdaman ko sa kanya, mga ka-freny. I wish na mapansin niya ako! Kaya nga, ginaya ko yung tips na nabasa ko sa libro, kung paano mapansin ni crush. Tuwing umaga ay sekreto kong nilalagyan ng bottle of water ang bag niya na may small paper na nakasulat. For you, my first love.” Kinikilig siya habang tinitigan ang kanyang crush.
“Pagkatapos. What happen? Hinanap niya ba yung taong naglagay ng bottle of water sa bag niya?” Tanong sa kanya ni Mylene.
“Oo nga.” Sang-ayon ni Mikaela.
“Parang hindi ata. Wala naman akong naririnig tungkol doon. Tingin niya, normal lang yun siguro yun dahil sikat siya. Akala niya sa mga fans niya galing iyon. Tama naman siya dahil isa ako sa tagahanga niya. Pero ayos lang naman sa akin na hindi niya alam. Kontento na ako sa ganitong set-up,” sad na kuwento sa kanila ni Iza.
“Freny. Ayos lang naman kung kontrolin mo ang iyong sarili. Paano kung lalong lumalim ang nararamdaman mo sa kanya, then one day makikita mo may girlfriend na siya. We don't want you na masaktan,” concern na sinabi ni Mikaela.
“Oo nga freny.”
“For now, hindi ko yan iniisip. Bahala na si kupido.” Tumingin ulit siya sa grupo ng mga dumating na MVP.
“Yung naka-red naman na damit. Siya ay si Zandro Ortega. Zan ang nickname niya. Siya ang leader ng grupo at best asset ng school sa larong basketball. Magaling talaga siya guys. Lalo kayong ma-a-attract sa kanya kapag nanood kayo sa laro nila. Mamaya may laro sila. Manonood tayo, ha?!”
“Parang familiar siya. Oo nga parang familiar siya.” Tumingin ang dalawa kay Mylene.
“Talaga?”
“Oo. Naaalala ko na. Siya yung lalake sa beach. Oo nga. Kaya pala familiar ang lalakeng 'to.” Ngumiti si Mylene. Hindi niya inaasahan magkikita sila dito ng lalake sa beach.
“Anong beach? Kelan yan? Tsaka, nakausap mo siya?” Mga tanong ng dalawa niyang kaibigan.
“Oo. Nung nakaraang buwan pa yun kaya nga hindi na masyado malinaw yung mukha niya sa isipan ko. Hindi na masyado pamilyar ang mukha niya. Tsaka, once lang kami nagkita, unexpected lang yun.” pagkukwento ni Mylene.
“Freny. Madalas sa mga ganyan, destiny ang tawag. Ang swerte mo naman kung destiny mo siya,” tuwang tuwang wika ni Iza.
“Nakaka-inggit ka naman. Magkakilala pala kayo. Tawagan natin.” Tumayo si Mikaela at tinawag ang grupo ni Zan.
“Hoy ano ka ba?! Nakakahiya ka!” Sita sa kanya ni Mylene pati ni Iza.
Lumapit sa kanila ang grupo ni Zan.
Napayuko naman si Iza dahil nahihiya at naiilang siya sa kaniyang crush.
“Hi,” bati ni Mikaela sa kanila.
Nanlaki naman ang mga mata ni Kan sa galit sa nakita niyang pag-uusap sa grupo ni Zan sa kanila.
Sa katunayan, nililigawan siya ni Zan ngunit hindi niya pa sinasagot. May gusto rin naman siya kay Zan. Nagpapakipot lang siya.
“Hi ladies!" bati sa kanila ni Jim.
“Hi rin!" si Mikaela ang bumati dahil ang dalawa ay nahihiya. Kahit si Iza, naiilang ng tingnan si Jim. She can't believe nasa harap niya ang crush niya.
Hindi naman naka deretso ang tingin ni Mylene sa kanila lalong lalo na kay Zan.
Tumingin si Mikaela kay Zan. Nagsalita siya, “Ikaw ba si Zan?” Tumangong nakangiti siya sa tanong ni Mikaela.
“Ahh. Kilala mo ba ang kasama namin.” Tinuro niya ang kaibigan na si Mylene. Umiwas naman ng tingin ang dalaga sa binatang si Zan para hindi siya mamukhaan dahil ayaw niyang maibalik yung nangyari. Nagsisisi na siya kung bakit sinabi niya ang hiwalayan nila ni Axelle.