Chapter 25
Pumunta siya sa kwarto niya para kunin ang kanyang mga personal na gamit. “Aalis na talaga kami." Niligpit niya ang mga gamit. Napatingin siya sa pader kung saan may naiwan pa palang maliit na picture nilang dalawa ni Axelle. Nilapitan niya at kinuha. “It means lang talaga. Kailangan na kitang pakawalan, palayain para hindi na ako mahihirapan pa. Sana ganun ka rin. Sana ganun din ang ginagawa mo ngayon para hindi ka rin mahirapan.
Axelle. Salamat. Salamat dahil sa maikling panahon ay pinasaya mo ako. Minahal mo ako ng totoo. Pinaramdam mo sa akin ang pagmamahal na kailanman ay hindi ko naramdaman. You make my day and every day happy. Nami-miss ko na yung asaran nating dalawa. Namimiss ko na yung pambwebwesit mo sa akin. Nakakalumgkot lang dahil ito yung nangyari sa atin. Kahit ganun, thank you pa rin. I hope both of us ay maging masaya.” Sinara niya ang pinto at naglakad na siya palabas ng bahay.
“Anak.” Niyakap siya ng mama niya.
“Sana. Lahat ng mga hindi magandang nangyari dito ay kalimutan nalang natin. Magsimula tayo ulit. Bumuo tayo ng bagong magandang alaala." Ngumiti si Mylene dahil ito yung matagal na niyang hinihintay. Mapansin siya ng pamilya niya. Mahalin siya ng pamilya niya. Maramdaman niya ang pagmamahal ng isang magulang.
“Wag na kayong magdrama diyan. Tayo na! Excited na akong makita ang new big house natin," sabat ng isang kapatid ni Mylene.
“Oo nga. Tara na!” Dagdag ng isa pang kapatid ni Mylene.
“Excited na talaga ang mga anak natin kaya tayo na!” Tumawa sila sa sinabi ng papa nila.
Naunang maglakad ang pamilya ni Mylene para sumakay sa second hand na van na binili nila. Masaya siyang pinapanood ang pamilya. “Halika na!" Tawag sa kaniya ng papa nila.
Madilim na silang nakarating sa pinaglipatan nilang bahay. Sa isang subdivision.
Nag-uunahang lumabas ang kapatid niya sa van para tingnan ang bahay nila.
“Ano ba yan. Dahan dahan naman. Kayo talaga!" Bulyaw sa kanila ng mama nila.
“Wow! Ang laki po. At ang ganda. Tara na po, pasok na po tayo!"
“Oo nga. Tara na!"
“Sige na ma. Mauna na kayo pumasok sa loob. Aasikasuhin ko lang 'tong mga gamit natin dito,” wika ng papa nila.
“Okay pa. Tara na guys. Magdahan dahan naman kayo. Huwag nga niyong ipalahata na galing kayo sa squatter. Umayos kayo!"
Inakbayan si Mylene ng mama niya. “Tara. Ipakita ko sayo yung magiging kwarto mo.” Tumingin siya sa mga bunsong mga anak at nakitang pumunta sa mga kwarto.
Malaki ang bahay at maganda rin yung napili nila. Ang house and lot na ito ay nagkakahalagang mahigit isang milyong pesos.
Binuksan ng mama niya ang pinto. “Mauna kang pumasok." Kulay pink ang loob. Paboritong kulay ni Mylene. Malaki at maayos ang loob ng kwarto niya. May book shelf din siya. Tiningnan niya ang banyo. Ngumiti siya. Tsaka yung wall ng isang sulok ng kwarto ay glass. Makikita mo yung nasa labas.
Humiga siya. “Ang lambot!" Nakangiti siya. Lumapit ang mama niya. “Natutuwa ako dahil nagustuhan mo ang kwarto na ito.”
“Opo. Maganda po siya tsaka may aircon pa. Ayos lang naman na wala ng aircon. Lalaki lang babayarin natin nito sa kuryente."
“Huwag mo ng isipin yan. Hindi naman yan lagi nagagamit. Alam ko naman responsable kang bata. Tsaka, maayos na yung palengke at nakakuha din kami ng ibang pwesto at doon sa pangalawang pwesto, malakas ang bintahan kaya kayo ng mga kapatid niyo, ang isipin niyo lang ay ang pag-aaral ninyo." May binigay ang mama niya sa kanya ng ATM.
“Para kapag may gusto kang bilhin gamitin mo ito lalo na doon ka na lilipat sa bagong magandang iskol mo para bagay sa maganda nating bahay.”
“Tapusin ko nalang muna ang pag-aaral ko sa L high school."
“Ano ka ba. Malayo pa yun. Mapapagod ka lang. Tsaka may nakita kami ng papa mo na medyo malapit dito. Doon ka na mag-aaral. Bukas pumunta ka doon sa L high school at kunin mo yung mga requirements mo para sa transferree." Niyakap niya ang mama niya.
“Maraming salamat po. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Sana ganito kayo araw-araw.”
“Oo, simula ngayon." Pagkatapos nila ng maikling kuwentuhan. Lumabas ang nanay niya para tulungan iayos ang gamit nila sa loob.
Tumayo si Mylene. Tiningnan niya ulit ang paligid ng kwarto. Lumapit siya sa glass wall at pinanood ang magulang niya. Ngumiti siya.
Hinatid ng pamilya niya si Mylene sa L high school para kunin ang mga requirements.
“Anak. Ipasyal ko muna 'tong mga kapatid mo. Tawagan mo lang kami kapag paalis ka na ng school. Kapag nakuha mo na yung mga requirements mo,” wika ng papa niya.
“Opo."
“Sige. Alis na kami. Mamaya kapag nakuha mo na ang requirements ay mamasyal tayo." Ngumiti si Mylene habang paalis ang pamilya niya.
Habang naglalakad papasok ng gate ay hindi niya napansin ang pagsabay nila ni Axelle. Napansin niya nalang ito dahil tinanong siya. “Masaya ka ba sa ginawa mo?" Lumingon siya sa nagsasalita.
“Axelle?" gulat niya. Hindi niya inaasahan na magkikita sila dito. Balita kasi ay lilipat din siya ng school.
“Bakit ganyan reaksiyon mo? Nagulat ka ba? Akala mo ba, sinusundan kita? Kaya iniisip mo ngayon hindi pa ako naka-move on?" Seryoso ang mukha ni Axelle habang nagsasalita. Ibang iba ang mood niya ngayon kumpara sa dati.
Pakiramdam ni Mylene. Hindi siya makapagsalita. Utal utal ang pagsasalita niya. Ayaw magsalita ng maayos ng bibig niya.
Napatingin siya sa harap ng gate dahil lumapit ang kanilang fans club.
“Sa wakas, nakita rin namin kayo magkasama. Hindi na ako magpaligoyligoy pa dahil lahat kami dito ay gusto malaman ang katotohanan." Ang nagsalita ay ang leader ng fans club.
“Totoo ba ang narinig naming balita na kayo ay wala na? Hiwalay na kayo? Break na kayong dalawa?" Naroon din ang mga kaibigan ni Axelle pati rin si Miko ay naroon.
“Oo." Mabilis na sagot ni Axelle.
Napatingin sa kanya si Mylene.“Bakit? Ano nangyari?" Tanong ng mga naroon.
“Mahinahon tayong lahat para magkaintindihan tayo. Ako na magtatanong. Narinig niyo naman sila gusto nilang malaman ang dahilan. Kamakailan lang ang saya niyong dalawa. Kaya anong nangyari bakit kayo naghiwalay?"
Tumingin ang dalawa sa isa't-isa. “It's my fault kaya kami naghiwalay," wika ni Mylene.
“Oo it's your fault kaya tayo naghiwalay." Ngiting sabi ni Axelle.
Humarap si Axelle sa mga tagahanga ng love team nila. “Hindi na importante ang rason kung bakit kami naghiwalay. Sana tanggapin niyo nalang. Wala na ang MyAx. She was my ex nalang. Ang paghihiwalay namin ay nakabuti para sa aming dalawa. Magpapaalam na ako dahil may pupuntahan pa ako." Naglakad na siya paalis. Pinakita niya kay Mylene na naka-move on na siya. Mabilis ang pag move-on niya.
Tahimik ang lahat pati rin si Mylene kahit ang fansclub. Nagtataka ang fans club kung bakit nakangiti si Axelle. Edi dapat biyernes santo ang mukha niya or malungkot dapat siya gaya ng mukha ni Mylene pero parang nakita nila sa awra niya ay parang walang nangyari.
Lumapit sa kanya si Miko. “Tara doon na tayo!" Nakita niyang hindi alam ni Mylene ang gagawin kaya lumapit siya at sinamahan si Mylene papunta sa office.”
“Ilang araw kang absent, ha. Ayos ka lang ba?"
“Kahit sabihin ko namang oo. Hindi ka maniniwala."
“Kaibigan mo ako kaya you can tell me everything!”
“Totoo yung narinig mo. Wala na kami dahil yun sa katangahan ko pero hindi ako nagsisisi dahil yung ginawa ko ay para naman sa kanya at para sa aming dalawa.”
“Yun naman pala eh kaya wag mo rin sisisihin ang sarili mo. Forget and forgive.”
“Oo. Nandito pala ako para kunin ang mga requirements. Lilipat na kasi ako ng ibang school. Malayo kasi dito ang bagong place ng bahay namin. Tsaka, sa mga nangyari. I need a new environment.”
“Ano ba yan. Iiwan mo na ako!” Ginulo niya si Mylene.
“Ano ba yan. Wag ka ngang makulit diyan. Tsaka pwede mo naman akong i-chat, text, tawag or video call or pwede ka rin bumisita sa bahay namin. Madaming way para makausap ako kaya tama na diyan sa pagdadrama mo!"
“Pero iba pa rin yung magkasama tayo sa school. Wag ka ng lumipat!" Pangungulit niya.
“Ang gulo mo talaga!" Iniwan niya si Miko. Tumakbo siya.
“Huminto ka nga sa pagtakbo. Kakakain ko lang kaya huminto ka diyan!" Tumawa lang si Mylene.
Huminto si Miko at tinitingnan si Mylene. Ngayon niya lang ulit nakita ang tawang iyan. “Yan. Iyan ang tawang gusto kong makita sayo araw-araw. Siguro kung ako lang minahal mo. Hindi ka malulungkot gaya ngayon. Ayaw ko nakikita kang malungkot. Sana maging masaya ka. Gawin mo ang mga bagay na magpapasaya sayo. Huwag kang magpapatalo sa mga pagsubok na pagdadaanan mo. Nakakalungkot lang dahil hindi mo ako makakasama sa laban mo. Ngunit huwag kang mag-aalala dahil nandiyan lang lagi ako sa tabi-tabi na handang makinig sa mga hinaing mo, mga problema mo. Ngumiti ka. Tumawa ka. Sikapin mong tumawa at ngumiti araw araw, Mylene." Sinundan niya sa pagtakbo si Mylene. “Ikaw talaga, sineryoso mo akong iwanan dito!" sigaw niya habang hingal na hingal sa pagtakbo.
Naunang lumipat ng paaralan si Axelle. Si Mylene naman ay tinapos muna ang first grading examination.
Lagpas nang september ng siya ay pumasok sa bagong school niya.
Hinatid siya ng mga magulang niya sa kaniyang bagong school.
“Anak. Huwag kang kabahan. Kumilos ka na parang pumapasok ka lang sa dati mong school. Tsaka, mag-enjoy ka, ha!" Ngumiti ang mama niya habang binigay ang kanyang bag.
“Oo anak. Act as cool person!” Napatawa sila sa english ng papa nila.
“Ibig kong sabihin, porket nandiyan ka na mag-aaral sa magandang school ay itatago muna yung dating mong ugali, paano ka kumilos at magsalita. Maging totoo ka sarili mo. Maging komportable ka sa sarili mo." Dagdag pa ng papa niya.
“ Oo nga ate. Tsaka, huwag kang magpapa-bully,” sabat ng kapatid niya.
“ Oo naman! Hindi talaga ako magpapa-bully. Subukan lang nila. Makikita nila ang hinahanap nila!" Lumapit ang mga magulang niya at niyakap siya. “Ipakita mo sa kanila kung sino si Mylene Gomez," sabi ng mama niya. “Opo.”
Tumalikod na si Mylene at naglakad papunta sa gate. Nakita niya ang isang guard na ini-inspeksyon ang mga gamit ng mga istudyante.
“Ganito ba kahigpit dito? Oh my God! Really?! Mga istudyante lang yan." Patuloy siya sa paglalakad.
Sinabi ng guard sa kanya na buksan ang bag para tingnan ang laman. “Okay, Pasok na!"
Namangha si Mylene nang makita ang loob ng campus. “Ganito pala talaga ang school ng mga mayayaman. I don't like this. I want a normal life as a student lang. Ano naman kaya ang mga pasabog na mangyayari sa akin dito." Nasagi siya ng isang nagmamadaling istudyante kaya nahulog ang bitbit niyang isang bagay.
Humingi ito ng sorry. “Ayos lang. Hindi mo naman sinasadya." Ngumiti ang babaeng istudyante. “Parang unfamiliar ang mukha mo. Transferee ka ba? Ngayon lang kasi kita nakita dito.”
Ang pangalan ng babaeng ito ay si Charizza Lisboz. Tawag sa kanya Iza. May soot siyang eye glass. Nakatali ang buhok niya sa dalawa. Tsaka medyo makapal ang kilay.
“ Oo. Unang araw ako dito as freshman.”
“Really?! Pareho pala tayo. I mean pareho tayong freshman.”
“Masaya akong makakilala ng magiging classmate ko. Sa katunayan, wala akong kakilala rito kaya medyo, parang, pakiramdam ko na mag-isa ako.”
Inakbayan siya ni Iza. “Simula ngayon ay may kaibigan ka na. Ako nga pala si Charizza pero tawag nila sa akin, in my nickname, Iza.”
“Ako naman si Mylene.”
“Sa katunayan din, ikaw ang una kong kaibigan dito. Wala akong kaibigan dito dahil puro kasi maaarte ang mga babae dito, eh!”
“Ganun ba?”.
“Oo. Lalo na yung grupo nina Kantana. Tara upo muna tayo doon. Ikukwento ko sayo ang tungkol sa grupo nila.”
“Okay.”
“Alam mo bang walang kumakaaway sa babaeng yun dahil sa worst na ugali niya. Dagdag mo pa yung impluwensiya ng yaman nila. Kahit ni-isa walang kumakalaban sa kanya. Kung alam mo lang talaga ang ugali niya. Bully yun, eh! Madalas makikita mo yun na may binubully na mga students, walang pinipiling year level. Masama talaga ang ugali non! Isusumpa mo talaga siya kapag nakita mo ang ugali niya. Kaya ikaw kapag nagkasalubong kayo, ikaw nalang umiwas, wag mo nalang siyang pansinin para wala ng gulo. Tawag niya sa sarili niya rito sa campus ay reyna,” daldal ni Iza. Kinuwento niya ang bully na si Kantana.
“Ganun ba Iza?”
“Tawagin mo akong freny. Yun ang tawagan natin bilang magkaibigan.”
“Okay.”
“Oo. Yun ang babaeng yun." Tinuro niya ang paparating na si Kan.