Chapter 24

Nang pumasok siya sa loob halatang pinabayaan talaga ang bahay na ito. Naaalala niya ang mga araw. Nililinisan nilang dalawa ni Mylene ang apartment na ito.

Nakita niya ang kusina kung saan naroon lagi si Mylene upang ipagluto siya ng makakain niya lalo na galing trabaho. Naaalala niya ang sofa kung saan magkasabay silang kumakain habang nanonood ng TV at madalas na paghaharutan. Naaalala niya ang kama, lagi siyang ginigising ni Axelle kapag hindi pa ito pumapasok sa trabaho. Maraming mga magagandang alaala sa apartment na ito kasama ang ex girlfriend niya. Ang mga alaalang iyon ay dinudurog ang puso niya at sinasaktan siya.

Gustong lumabas ng mga luha. Pinipigilan niya. Kailangan niya daw malagpasan ang kahinaang ito. Ayaw niya masaktan ulit.

Kinuha niya ang mga gamit niya. Niligpit niya ito bago umalis ay may nahulog sa jacket niyang isang papel. Tiningnan niya kung ano ito.

Ng nabasa ang mga nakasulat. Tinapon niya ito sa basurahan.

Lumabas na siya ng pinto. Naroon din sa labas ang mga kaibigan niya.

“Bro.”

Tumingin sa kanila si Axelle ng saglit at naglakad ng paalis.

“Galit ka ba dahil sa pang-iiwan namin sa iyo. Hindi naman namin ginusto yun, eh!” wika ni Kenneth, sinundan nila sa paglalakad si Axelle. Hindi sila pinansin.

“Oo nga, Axelle. Masakit din sa amin na iiwan ka. Kapatid na ang turing namin sa iyo. Sana naman maintindihan mo kami," Dagdag pa ni Markus.

Humarap sa kanila si Axelle. “Talaga? Kapatid ang turing niyo sa akin? Masakit din sa inyo ang desisyon? Bro. I'm the one suffered a great pain. Wala kayo para damayan ako. Sinasabi mo Markus na kapatid na ang turing niyo sa akin pero bakit ninyo ako iniwan. Bakit pinili ninyo magpadaig sa pananakot na yun?”

“Bro. Hindi namin kayang hindi sundin ang mga magulang namin. Kung ikaw na kaya mo ang buhay na walang pera. Ibahin mo kami!" sabat ni Markus.

“Alam niyo ba. Anong natutunan ko? Totoo ang kasabihan. Doon mo lang malalaman ang tunay na kaibigan sa panahon ng kagipitan. Oo, nakaya ko without two of you. And I'm sorry din dahil hindi na ako ang dating Axelle. And I'm sorry din dahil ayaw ko na makipagkaibigan sa inyo.” sabay lakad paalis.

“Seryoso bro? Paano no ang k brothers?" Lakas na boses ni Kenneth.

“Dapat naisip niyo yan nung iwan niyo ako mag-isa.”

“Hindi na tayo mga bata bro kaya don't act like a child. Narito nga kami diba para huminga ng tawad," wika ni Markus.

“Mapapatawad ko kayo pero hindi na natin pwedeng ibalik ang friendship nating tatlo. And I'm sorry sa pagiging totoo ko. Ayaw ko ng maloko pa at umasa sa mga tao na rason kung bakit ako nasaktan." hindi na nila sinundan pa si Axelle.

Lumabas ng kwarto si Mylene. Masayang sinalubong siya ng mga magulang. Sinundo pa siya ng kaniyang ina at ihatid sa upuan.

“Anak. Basta simula ngayon ay huwag ka ng magtrabaho pa. Kami na ang bahala sa lahat. Mga gastos niyo, mga luho ninyo. Tsaka, mamayang hapon ay lilipat na tayo ng bahay sa maganda at malaking bahay!" tuwang tuwang sabi sa kanya ng mama. Hindi nawala yung sigla at liwanag sa mukha dahil sa million perang hawak.

“Oo anak. Magiging buhay prinsesa na kayo ng mga kapatid mo. Mag-aral lang kayo. Yun lang ang gagawin ninyo. Kami na ang magtataguyod sa inyo. Tsaka, sa mga gusto niyong pabilhin. Sabihin niyo lang. Kahit ano pa yan. Gaya nga ng sabi ng mama ninyo.

Mabubuhay prinsipe at prinsesa kayo," masaya si Rena sa mga sinabi ng magulang niya. Ito yung hinangad niya noon pa. Hindi na siya magtatrabaho pa dahil ang mga magulang niya na ang gagawa para sa kanya. Hindi na siya magpupuyat.

Makakatulog na siya ng maayos at mahaba. Sobra-sobra ang nararamdaman niyang saya kahit alam niyang lahat ng ito may kapalit.

Gusto niyang magpa-carried away dahil ang mga ito sa panaginip lang mangyayari. For once, gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng pamilya niya at ng mga magulang niya. Ngumiti siya sa mga magulang niya.

Pumunta si Mylene sa karenderya para magpaalam. “ Ano ba yan besh. Naiiyak na ako. Ayaw kong umalis ka dito. Alam mo naman kapatid na ang turing ko sayo." niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan.

“Oo nga, Mylene! Huwag ka ng umalis. Gusto mo taasan ko sahod mo para huwag ka ng umalis?" wika ng mama ni Moira.

“Mylene, kapag umalis ka dito ay mawawalan ng maganda rito!" sabat ng isa niyang kasamahan.

“Ano ba kayo. Wag niyo nga siyang pigilan para ako na ang number one na beautiful sa karenderya na ito." pagbibiro ng isa nilang kasamahan.

“Hoy, sa mga babae dito. Ako ang sumunod kay Mylene na maganda kaya wag na kayong epal diyan!" Ngumiti si Mylene sa pagbibiruan ng mga kaibigan niya.

“Alam niyo guys. Mami-miss ko kayo. Naaalala ko mula nang pumasok ako dito hindi niyo ako pinabayaan, friendly kayo sa akin. Mami-miss ko ang kakulitan ninyo, ang ka-epalan ninyo!” ngiti niyang pagsasalita.

“Kaya nga wag kang umalis. Naiiyak na ako,"/wika ng beshy niya.

“Alam niyo kahit hindi totoo ito pero masaya ko. Masaya ako dahil dumating din ang time na naging mabait sa akin ang mga magulang ko. Pinaramdan nila sa akin ngayon ang pagmamahal bilang anak at bilang pamilya.” naiyak na si Mylene.

“Kahit kung may kapalit yun. Yun ay ang pinakamamahal kong si Axelle." hindi niya napigilan ang sarili lalo siyang naging emosyonal.

“Ito yung pinaka tangang ginawa ko. Ito yung pinaka tangang ginawa ko. Buong buhay ko, ito yung pinakawalang kwentang ginawa ko buong buhay ko! Pinakawalan ko yung lalakeng pinakamamahal ko!" sigaw ni Mylene.

“Bakit ba maraming hadlang sa pag-iibigan namin? Bakit ba hindi kami hayaan nalang? Bakit ba ganun sila? Mahal ko si Axelle mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya pero bakit ko siya iniwan! Wala akong kwentang tao! Wala akong kwentang tao! Huhuhu... mahal ko siya mahal ko siya guys! Sobrang mahal ko siya!" Niyakap ni Moira ang kaibigan niya.

“Beshy, lakasan mo ang loob mo. Lilipas din ang sakit na iyan," pagaan ng loob niya sa kaibigan.

Ayaw nilang magsalita. Lumapit sila kay Mylene. “Girl, kaya mo yan. Alam namin, kaya mo yan. Ikaw ang pinakamatatag na tao na nakilala namin. Kaya mo yan. Malalagpasan mo rin yan, Mylene!”

PUMUNTA SI MYLENE SA BEACH KUNG SAAN, UNANG BEACH NAPUNTAHAN NILA NG EX BOYFRIND NIYA.

Naglakad lakad siya. Inisip ang araw na kasama ang ex boyfriend.

Malungkot si Mylene. Umupo siya sa buhanginan.

“Ito yung unang beach na napuntahan ko na kasama siya. Beach na matagal kong gustong puntahan. He granted my wish na makapunta rito kaso lang nang hapon na yun ay hindi namin napanood ang paglubog ng araw dahil sa kalasingan ko. Hindi ko alam na, nagvideo pala siya para i-record ang paglubog ng araw. Hay naku Axelle, kung madali ang lahat sa atin. Yung walang hadlang at tutol sa relationship natin, edi sana ay narito ka sa tabi ko ngayon. Nagkukwentuhan tayo!”

Napatalikod siya dahil may boses siyang narinig na parang siya ang kinakausap. “Pwede ba tumabi sa iyo?" Ngumiti ang may hitsurang lalake sa kanya.

“Sure!" sagot niya.

“Inaabangan mo rin ba ang paglubog ng araw? Yun yung inaabangan ko din," pagsasalita ng lalake. Tinanong niya si Mylene ng nakangiti pa rin siya.

“Oo.”

“Well. It's good na may kasama ako sa pag-aabang.” Nakita niya ang malungkot na mukha ni Mylene habang nakatingin sa direksyon sa araw.

“Alam mo bang may problema ako kaya nandito ako sa beach na ito." tumingin si Mylene sa kanya.

“Really? Ano naman problema mo? Baka kaya kitang tulungan?”

Ngumiti lalo sa kanya ang lalake.

“Well. Ang problema ko lang naman. Nakipaghiwalay ako sa girlfriend ko dahil nahuli ko siyang may kahalikang ibang lalake!”

“Sorry. Naitanong ko pa."

“Ayos lang. Sasabihin ko rin naman sayo, eh. Dahil gusto ko mailabas 'tong ganitong problema na ito, to other people. Alam mo ba sabi nila, mas magandang magsabi or maglabas ng problema sa hindi mo kakilala kesa sa mga kaibigan mo, sa pamilya mo at sa mga kakilala mo dahil makikita mo sa kanila yung serious listen nila at concern at hindi ka maiilang sa kanila dahil hindi mo naman sila kakilala. Nakakagaan sa loob gaya ng pakiramdam ko ngayon sinabi ko sayo yung problema ko."

Tumingin siya kay Mylene. “Alam ko may problema ka rin. Nakikita ko sa mukha mo. Pwede mo naman sabihin sa akin. Siguradong kapag sinabi mo sa akin ay gagaan rin ang loob mo. Take my advice, sabihin sa hindi mo kakilala ang problema mo."

Tumingin si Mylene sa dagat. “Tungkol din sa love ang problema ko. Dahil sa akin, kaya nawala yung taong pinakamamahal ko."

“Namatay ba siya?”

“Hindi.”

“Sorry. Anong nangyari?”

“I can't tell you the whole story baka i-judge mo ako kaya ilang detalye nalang.”

“Look at my face. I'm not the type of people na judgemental," pabiro niya.

“Basta. Hindi pa ako handa sabihin sa iba, the whole story. Diba kapag mahal mo ang isang tao ay gagawin mo yung lahat para hindi siya mahirapan kaya yung ginawa ko, I used a kind of excuse during our break up kaya sure ako na masama na yung tingin niya sa akin.”

“Bakit ayaw mo sa kanya sabihin ang totoo?”

“ Ang agwat kasi namin ay parang langit at lupa. Hindi magka-level. Mayaman siya. Ayaw din ng mga magulang niya sa akin. Pinaglaban niya ako. Pinili niya ako over his family and his beautiful life pero naging worthless ang sacrifice niya at lahat ng efforts niya dahil sa ginawa ko.”

“Ano bang ginawa mo? Bakit mo siya hiniwalayan, eh mahal ka naman pala niya. Look, pinili ka niya kesa sa pamilya niya at sa magandang buhay niya.”

“Kaya nga napaka-tanga ko at napaka-bobo!"

Nagbuntong hininga ang lalake. “Don't say that. Wag mong parusahan ang saril mo. Ganyan naman talaga sa mundo ng love. Dadaan ka sa mga ganyang pagsubok."

She continue, yung sasabihin niya. “Lumaki siyang mayaman kaya hindi siya sanay sa mga ginagawa ng mga gaya ko. Nakikita at nararamdaman ko yung hirap niya. Naaawa na ako sa kaniya kaya ginawa ko yung nararapat. Kung sinabi ko naman ang totoo. Hindi niya ako titigilan kaya nagsinungling ako. Yung sinabi kong excuse siguradong nasaktan siya.”

“Kaya mo yan. Kaya natin 'tong malagpasan ang mga ganitong trials. Don't lost your hope lang at manalig sa maykapal." Ngumiti siya sa lalake.

Narinig ng lalake. Tinawag na siya ng mga barkada niya. “Sige, alis na ako. Tinatawag na ako ng mga kaibigan ko. Advice ko, Laban lang. Laban!" Pareho silang ngumiti sa isa't-isa. Naglakad na ang mga lalake paalis.

Pagkatapos ng ilang oras sa beach. Umuwi na rin si Mylene dahil maglilipat sila ngayon. Mga dalawang oras din ang layo.

Nadatnan niyang nilalabas na ang mga gamit nila. Nilagay sa dalawang malaking truck. “Oh ito ha, dahan dahan. Hindi yan mahal ngunit mahalaga ang bagay na yan," sabi ng mama niya sa kuyang nagbubuhat.

“Anak, nandiyan ka na pala. Nakapagpaalam ka na ba sa mga kaibigan mo?” tanong ng papa niya habang hawak hawak ang mahalagang bagay.

“Opo. Tulungan ko na po kayo.”

“Oh sige. Pero wag kang magbubuhat ng mga mabibigat. Hayaan mo lang sa kanila (mga tinuturo niya mga nirentahan nilang tao)." Pumasok na sa loob ng bahay si Mylene.

Nakita niya halos ng gamit nila ay naroon na sa malaking truck. “Hindi ko inaasahan na darating ang araw na ito. Lilisanin namin ang bahay na ito,” Iiwan nila ang bahay sa kanilang isang kamag-anak. Bukas pa maglilipat pero kasama nila ngayon. Nandon sa labas.

Lumapit sa kanya ang kapatid niya. “Ate masaya ka ba na lilipat na tayo sa maganda at malaking bahay? Iiwan natin ito.” Ang bunsong kapatid niya rin ay nalulungkot sa pag-alis nila.

“Hati yung nararamdaman ko. Masaya ako na malaking bahay na yung titirhan natin. Makakatulog tayo sa malambot na higaan. At nalulungkot din ako dahil iiwan natin ang bahay kung saan tayo isinilang. Kung saan ako lumaki. Masaya at malungkot si ate."

“Ako din po. Kahit ganun, may mga magagandang alaala pa rin tayo sa bahay na ito."

“Tama ka." tinawag ang bunsong niyang kapatid ng mama nila kaya naglakad ito paalis bitbit ang doll niya.