Chapter 23

“Minahal kita ng totoo. But in the end, you betrayed me and fooled me. Malaking sugat ang ginawa at iniwan mo sa puso ko and I don't know how to heal it. Sana hindi nalang kita minahal! Sana itinuloy ko nalang ang planong pagpapa-in love sayo. Edi sana, ikaw ang ang nasasaktan ngayon! Edi sana, you are the one who suffer what I suffered right now!

Ang tanga tanga ko dahil naniwala ko sayo!”

Sinuntok niya ang puso niya ng ilang beses.

“Lalong tanga ang pusong 'to dahil nadala sa mga fake sweet words mo!"

Tumayo si Axelle. Lumapit siya sa pader kung saan nakadikit ang mga litrato nila ni Mylene. “Sa muling pagkikita natin. I will show you na hindi ako nasaktan, na hindi mo ako naloko at hinding hindi mo na ako maloloko.

Sa muling pagkikita natin Mylene, ibang Axelle na ang makikita mo. Ibang Axelle na hindi na magpapauto sayo. Axelle na gagawin ang lahat para ikaw naman ang masaktan. Mararanasan mo rin ang nararanasan ko ngayon!" Pinunasan niya ang mga luha. Kinuha ang damit na hinanda ng katulong nila. Ang damit na ito ang susuutin niya sa pagbisita sa bahay ng magiging future wife niya.

Ako ang naaawa sa kanilang dalawa. Wala silang kamalay malay na pinaglalaruan sila ng mga taong nasa paligid nila upang sila ay magkahiwalay pero gaya nga sabi ni Mylene, kung sila talaga ang para sa isa'-isa, si tadhana mismo ang gagawa ng paraaa para magkita sila at para magsama sila ulit.

Nakita ng mommy niya ang pagababa sa hagdanan ni Axelle. Nakita niya ang bagong liwanag sa mukha nito na tila bagong silang ulit.

Feeling niya ay bumalik na ang dating anak niyang anak.

Sinalubong niya ang anak. “Anak. I'm happy for you! Masaya ako dahil bumalik ka na! Natauhan ka na ba? Napagtanto mo na ba, ginagamit ka lang ng babaeng iyon.

By the way, wag na nating pag-usapan si Mylene. Baka, masira lang aga araw natin. Mahalaga pa naman ang araw na 'to.”

“Anong oras ba tayo pupunta sa kanila?" Oo nga bumalik na sa dati si Axelle pati ang kaniyang seryosong ugali. Lalo ngayon naging mas seryoso siya.

“Oo. Ngayon ay aalis na tayo." Masayang sagot ng kaniyang mommy sa kaniya. Tinawag niya ang katulong. “Bakit ba ang tagal niyong ilagay ang maleta sa sasakyan, ha?!”

Medyo na-stress siya sa mga katulong niya dahil mabagal kumilos.

“Sorry po ma'am. Ito po, ilalagay na po namin!"

“Bilisan niyo! Anong oras na! Ang bagal bagal niyong kumilos!” Humarap siya kay Axelle at ngumiti.

“Sobrang saya ko dahil bumalik na ang aking Axelle. Huwag kang mag-aalala dahil hinding hindi na mangyayari ang mga nangyari sayo. I will make sure, son, no one will hurt you again. Your daddy and I will always protect you against the bad ones.”

“Tayo na. Una na ako sa kotse.”

“Yes. Sige mauna ka na." Ngumiti ang evil mother niya. Joke! Nainis lang kasi ako dahil hindi pa siya nakontento sa video. Dinagdagan niya pa, pinalabas niya pa, kay Mylene galing ang text message na-receive ni Axelle pero hindi.

Tinawagan niya ang mama ni Mylene para utusan about yung pagtext kay Axelle. Hindi naman tumanggi dahil binayaran niya ng five hundred thousand pesos. Palihim na kinuha ng mama ni Mylene yung phone ni Mylene para magtext ng mga kasinungalingan . Pagkatapos ng pagtext ay dinelete niya at binlock ang number ni Axelle para walang ma-receive na reply mula kay Axelle.

Ito rin mga magulang ni Mylene. Wala rin talagang pakialam sa kanilang anak. Sarili nilang anak, ipinagkalulong nila. Kaya nilang traydurin porket hindi lumalaban sa kanila. Wala talaga silang pakialam sa nararamdaman ni Mylene.

“ Naniwala ako sa pagmamahal mo, Mylene. Naniwala ako. Minahal kita ng totoo. Oo kahit sinasabi ko na, magmo-move na ako, naka move on na ako. Nandito ka parin sa puso ko, hindi mawala-wala pero hindi na ako magpapaloko sayo. I will force myself para kalimutan ka and I will do everything para ibalik sayo ng sakit at bigat na nararamdaman ko, right now. The lies and the pain."

Nilagay ng mommy niya ang kamay sa balika niya.

“ Nandito na tayo. Nauna na pala ang daddy mo. Sigurado akong excited na si Allyson na makita ka ulit.”

Bumaba na sila. Sinalubong sila ng apat. Sina Allyson, parents niya at ang daddy ni Axelle.

“Sa wakas, nandito na sila!” nakangiting sabi ng daddy ni Allyson.

“Pasensya na talaga dahil ngayon langkami. As usual, walang pagbabago yung traffic sa Pilipinas kaya ngayon lang kami!" paghingi niyang pasensya kung bakit siya natagalan.

“Wala yun. Tsaka, kararating lang din ng dalawang ito galing work!" ngiting wika naman ng mommy ni Allyson. Naka-soot siya ng apron dahil galing siya sa pagluluto.

“Kaya pala hanggang dito naaamoy ko yung masarap na niluluto mo dahil nagluluto ka pala." Tiiningnan niya ang soot na apron ng mommy ni Allyson kaya doon niya nalaman na nagluluto siya.

“Oo. Kaya hali na kayo sa loob! Lalamig na yung masarap na soup na hinanda ko sa inyo," nakangiting sagot naman ng mommy ni Allyson.

“Excited na akong tikman yun. Matagal na kasi nong huli kong natikaman ang luto mo!”

“Oo. Kayo kasi ng asawa mo. Sobrang busy sa work ninyo eh, kaya hindi na kayo nakakabisita rito.”

Nagtawagan na rin sila ng bala-e pagpapakitang they are family na.

“Oo bala-e. Ayaw naman kasi magpahuli sa ibang businessman ang mga ka-kompetensya namin sa negosyo. Alam mo naman na competitive kami," ngiting wika ng daddy ni Axelle.

“Kaya nga lalo kayong yumayaman dahil sa ganyang habit ninyo!” tumawa sila sa sinabi ng mommy ni Allyson.

Umupo na sila habang ang mommy ni Allyson kinuha ang ilang mga niluto sa kusina.

“Naku, binata na pala ang anak mo?"

“Oo."

“Dati kasi. Huling kita ko niyan ay maliit pa."

“Oo. Grade three pa ata siya non, eh!”

“Lumaking pogi ang anak mo, ah!”

“Oo naman. Saan ba magmamana siya, kundi sa kaniyang daddy," tawa sila. Tahimik lang ang dalawa. Seryoso naman ang mukha ni Axelle.

Tumingin ang mommy ni Axelle kay Allyson. “Ito ring anak ninyo ay lumaki rin na maganda. Gusto ko yung kulay ng balat niya sa mukha at yung medyong kulot ng buhok niyan. Natural ba yung kulot ng buhok niya?" tanong ng mommy ni Axelle dahil na-curious siya.

“Oo, natural po ito pero po tita lagi nilang pinagkakamalang pinagawa ko ito!" wika niya habang nakangiti.

“Mas lalo ka pang gumanda ng ngumiti siya. Diba Axelle?" Tumingin siya kay Axelle. Si Axelle naman ay nakatingin sa gilid ng malaki nilang bintana.

May isang bagay siyang naaalala, yung araw na tinapon ni Mylene ang bag niya. Kinain ito ng aso kaya hindi niya ito makuha-kuha. Habang pinagtatawanan naman siya ni Mylene. Hindi niya napansin napangiti siya.

“Axelle, bakit napangiti ka dyan?" Pagtataka nila habang nakangiti sila. Sa tanong ng mommy niya ay bumalik siya sa malay. Bumalik din siya sa pagiging seryoso.

“May iniisip ata to si Axelle na nagpangiti sa kanya. Ano yun ha? " ngiting tanong ng daddy ni Allyson.

“Ah, yung aso niyo kasi naaaliw ako. Mahilig kasi ako sa aso pero wala kaming alaga dahil may allergy ako." nagsinungaling siya. Nagalit siya sa sarili niya bakit niya pa iniisip si Mylene.

“Yang aso na yan kay Allyson yan. May allergy rin siya sa aso pero bumili pa rin kami dahil gustong gusto niya talaga ng mga aso. Ayaw niya kaming tigilan kasasabi na bumili ng aso." Ngumiti sa kanila si Allyson.

“Oo, tama po yun. Until nakulitan sila sa akin kaya binilhan nila ako nung time before ako magbirthday. Sobrang tuwang tuwa ako non, eh!"

“Pareho pala kayo ni Axelle may allergy sa aso. Speaking of pareho, let's start na pag-usapan ang purpose ng dinner," prankang sinabi ng mommy ni Axelle sa kanila. Gustong gusto niya talaga na wala ng makakalapit na babae kay Axelle lalo na si Mylene kaya pinaaga niya ang engagement nilang dalawa.

Kinuha niya ang kanang kamay ni Axelle at nilagay sa kaliwang kamay ni Allyson. “Simula ngayon, maging komprtable kayo sa isa't-isa dahil in the future kayo rin ang magsasama.

Ang engagement lang ninyo ang aagahan namin for some reason but ang wedding ay pagkatapos na ninyong makapagtapos sa kolehiyo," wika ng desperadang mommy ni Axelle.

“Oo. Nilipat na rin namin si Axelle ng school para magkasama silang dalawa doon ni Allyson," sabat ng daddy ni Axelle.

“Guys. Tanungin mo na natin ang mga bata kung papayag sila para naman hindi tayo magkaproblema," tumingin siya sa dalawa. “Kayo ba? Gusto niyo ba 'to. Gusto ko lang malaman ang opinyon niyo sa bagay na 'to”. Ngiting tanong ng mommy ni Allyson.

Nahihiya pa si Allyson. Yumuko siya ng saglit at sabay sabing “oo.”

“Ikaw naman Axelle?" Tumingin ang mga magulang ni Axelle sa kaniya.

“Opo.” ngumiti naman ang kaniyang mommy sa kaniyang sagot.

“Mabuti naman na malinaw ang lahat. Sige na. Kumain muna tayo.”

Pagkatapos nilang kumain, hinayaan nila ang dalawa na mamasyal sa garden.

“Halika. May ipapakita ako sayo," hinawakan niya ang kamay ni Axelle.

“Bakit madilim?” nagtataka siya kung anong sulok ba ito ng bahay.

“Wait lang.” binuksan ni Allyson ang ilaw.

“Taran!!!. Na-surprise ka ba? Maganda ba? Ikaw nagturo sa akin nito. Yung mga ilaw. Ang gaganda diba?!" Ngiti niyang tanong kay Axelle.

“Bakit ayaw pa rin akong tantanan ng mga alaalang ito, Mylene. I erased it to my memory but ayaw umalis. Ito yung unang araw napangit ko siya. Nakita ko sa mga mata niya ang manghang inosenteng parang bata. Nakita ko ang mga ngiting walang mga problema kaya lalo nahulog ang loob ko sa kaniya.

Sa kabila ng mga problema niya sa buhay. Meron pa rin isang liwanag sa maliit na parte sa kanya na nagpapailaw para bigyan siya ng pag-asa.”

Tinapik siya ni Allyson. “Ano na? Bakit tahimik ka diyan? Parang kanina pa kita napapnsin, you distracted sa isang bagay. Ano ba yun? You can tell me. Since we are now going to officially in relationship. Just tell me?" Kinabahang pilit niya kay Axelle.

“Wala 'to. Puyat lang siguro 'to. Dami kasing assignment pinapagawa sa L hs tapos kung wala kang assignment. Lagot ka sa mga striktong teacher!” napatawa naman siya sa pagsisinungaling ni Axelle.

“Oo nga. Ganun din sa dati kong pinapasukan. Mga strikto rin ang mga teacher don buti nga hindi sila nambabato ng mga eraser,” pareho silang ngumiti.

“Tara umupo muna tayo rito." niyaya niya si Axelle umupo sa isang malambot na sofa.

Nakatingin sa mga magagandang ilaw si Axelle. Tumingin sa kanya si Allyson. “Alam mo ba na masaya ako na nakita kita ulit. Nang malaman kong uuwi ako dito then ikaw yung future na mapapangasawa ko, I'm very happy dahil… honestly.. may gusto ako sayo.” tumingin sa kanya si Axelle. Nakita niyang nakayuko lang si Allyson.

“Oo gusto kita. I think nagustuhan kita dahil pinaramdam mo sa akin noon always yung concern mo. I don't notice na gusto na pala kita.” nag-ipon siya ng lakas ng loob at sinabing, “Gusto mo ba rin ako? Yung totoo? I want to know your honest answer. Please answer me honestly.”

Ilang segundo bago narinig niya ang sagot ni Axelle. “I don't want to hurt you na sasabihin ko ang totoo. Kapag hindi naman ako nagsalita, alam kong alam mo na yung sagot. Allyson, natuturuan naman ang pagmamahal diba? Dahil gusto kong turuan mo ang puso kong mahalin ka." Nagtinginan sila sa isa't-isa.

“It's mean may posibleng ma-in love ka sa akin for real?” Ngumiti si Axelle sa kanya kaya she feel better. Ngumiti rin siya kay Axelle.

Bago tuluyan lisanin ang mga nagyaring hindi maganda sa nakaraan. Pumunta siya sa apartment niya para kunin ang mga gamit.

Nakita ng may-ari nakatayo siya sa harap ng pinto sa labas. “Papasok ka ba o tititigan mo lang ang pinto na yan hanggang sa matunaw?"ngumiti si Axelle sa kanyang pagbibiro.

Napansin ng may-ari na hindi niya kasama ang girlfriend niya. “Saan na yung girlfriend mo? Yung madaldal mong girlfriend?” Yumuko si Axelle habang sinasagot ang tanong ng may-ari. “Wala na po kami. We broke up each other.” Napatahimik ng ilang saglit ang may-ari.

“Sorry. Daldal din kasi ng bibig na ito. Sige na pumasok ka na at ako'y makakaalis na!"

“Opo. Sige po!”