Chapter 30
Tahimik lang si Alemana habang hinahayaang mag-usap ang dalawang babae, o kaya naman ay mas maiging sabihing nag-aaway ang mga ito sa harapan niya—kahit subtle lang. Napasandal pa siya sa kaniyang upuan at ikinuros ang mga braso habang nanonood sa dalawa.
“Why are you here, anyway? Aren’t you busy?” malumanay na tanong ni Zoie kay Claire habang naghihiwa ng pork steak na nasa plato nito.
He could very well imagine that his property manager was wishing it was Claire’s throat she was slicing at the moment. Napatawa siya nang lihim dahil dito. Iba iyon sa normal na paghihiwa nito ng karne sa tuwing kumakain sila nang sabay sa mansion.
Napabaling siya ng tingin kay Claire nang aktong tumingin sa kaniya si Zoie.
“I’m busy, but I always have a spare time to meet Alem whenever he’s around the area.” Bumaling ito sa binata pagkatapos. “Could you come with me to the house after lunch, Alem?”
“Ah, I want to, but I have to return to the ranch immediately,” suwabeng tanggi ni Alemana sa Briton. “You can visit me there anytime, though, and you know it.”
Ngumiti sa kaniya nang matamis si Claire.
***
‘May pa-visit-visit pa? Kainis! Buwisit!’ asar na sabi ng isip ni Zoie.
Lagi na lang na hindi niya mapigilang huwag mainis sa dalawang ito. Property manager lang naman siya ng lalaki at hindi ano pa man. Kahit na hinalikan siya nito ay wala pa rin iyong kuwenta. It did not mean she had a hold on him. Wala naman itong sinabi sa kaniya maliban sa “desire” nito. She must admit, she was flattered by it, and she imagined a little more than that. Pero alam niya sa sariling hanggang doon lang iyon. Walang mamamagitan sa kanila dahil amo at empleyado lang ang relasyon nila dapat. Wala nang iba pa. At hindi na hihigit pa.
Kaya wala siyang pakialam sa blondie na ito. Oo nga’t aminado naman na siyang may damdamin siya para sa lalaki pero ayaw niyang aminin na napamahal na talaga siya rito sa loob ng maraming buwan na pagtatrabaho sa rancho. Never in all her life would she admit it⸺until her dying minute. Napagpasyahan na niya iyon. After all, hindi puwedeng magkaroon siya ng relasyon sa isang lalaki ang mayordoma ng Campbell Ranch dahil sa kanilang tradisyon.
“You can go with her, and I’ll just go get a taxi to return to the ranch,” ang pagtatabuyan pa niya sa lalaki nang may matipid na ngiti sa labi. Pero sarkastiko iyon.
***
Napatiim-bagang naman si Alemana dahil sa sinabi ni Zoie. Kinuyom pa niya ang mga palad na nakapatong sa hita niya. Hindi niya inasahang sasabihin iyon ni Zoie. And yet, she was different, he reminded himself that.
“It’s too far, Zoie. And I don’t think any cab driver would not double the price, as they would come back to the city without any passenger.”
“I have some money with me. It would be enough, I guess,” nasabi pa ng dalaga na itinaas ang nguso.
Nakikinig lamang si Claire sa banatan nilang dalawa. Batid niyang alam nitong walang ibang babae o taong sumasagot sa kaniya kundi si Zoie lang.
“Look, Zoie. You have lots of things in the car, and do you think I have time to take them out and transfer them to the cab?” palusot naman niya.
‘Doesn’t she get it? I don’t want to go with Claire for Pete’s sake! Why is she pushing me now? Did the kiss not mean anything to her at all?’ It was a blow to his ego. Hindi ba siya marunong humalik at parang nakalimutan na iyon ni Zoie? Kinalawang na nga ba ang mga labi niya para hindi nito magustuhan iyon?
Parang may malamig na bagay na dumaan sa kaniyang gulugod. Hindi niya matanggap ito. Hindi niya matanggap na balewala lang kay Zoie ang halik na iyon! It was his best kiss ever, yet. Kung alam lang nito.
Napatingin ang dalaga sa kaniya. “I’m not an invalid, Master Alem.” Ini-emphasize pa nito ang titulo niya. “I can get all those out of your car on my own.” Itinaas pa nitong muli ang nguso habang nanghahamong nakatingin sa kaniya.
“If... I would go with Claire, it would take time if you do it alone. Just think rationally, Zoie.”
“All right! Just go back to the ranch, all of you!” inis na sabi ni Claire sa kanilang dalawa at pati na kay Lihau na napatigil sa pagkain at napamaang. “I’ll visit you one of these days, Alem,” ang dagdag na anito sa lalaki at umalis na nang walang lingon-likod. Mukhang napahiya rin ang babae dahil sa biglang pagtaas ng boses nito at napatingin din ang ibang mga kustomer dito.
Halos matawa si Alemana sa nangyari pero nagpigil lang siya.
***
Napasunod ng tingin si Zoie sa blonde na babaeng umalis. Napatingin naman si Alemana sa kaniya. Tuloy nagkatitigan silang dalawa. Nagsusukatan sila ng tingin.
“It’s a pity you didn’t agree with me. You would miss the fun,” sarkastikang aniya sa amo. Pinalandas niya pa ang dila sa kaniyang labi.
“Watch where your tongue is licking, ku’uipo,” paangil na sagot naman nito at tumayo na. “Or… do you want me to show you where it should lick right here, right now?” dagdag ng binatang amo.
Napamaang ang dalaga nang saglit at uminit ang kaniyang mukha. Napalunok siya pagkatapos ng pagsusukatan nila ng tingin ng binata.
Hindi man lang nito kinain ang pagkaing in-order nito para sa sarili. Napasunod din ng tingin si Lihau sa amo nilang lumabas ng restoran na madilim ang awra.
Napabuntong-hininga siya at ibinaba ang hawak na kubyertos. Sinundan na rin lang niya ang lalaki. Bakit ba kasi sinusungitan niya ang sariling amo? Ang lakas talaga ng loob niya.
“You pay the bill,” habilin niya sa butler.
Napasimangot si Lihau sa kaniya pero tinawag na nito ang waitress.
“Charge the bill to the Campbell Ranch. You know who you can reach there.”
Narinig pa niyang sabi ng butler na nag-iwan ng calling card.
Tumango naman ang waitress na kilala si Alemana at saka umalis na rin ang butler nang napakamot sa batok nito. Halatang gusto na ng dalawang bumalik sa rancho pagkatapos ng pag-aaway nila. Sa tingin nito ay malaking bagay ang pinag-aawayan ng dalawang ito ngayon.
Napasimangot itong lalo dahil sa lagi na lang itong nadadamay kapag ganoon na lang ang mood ng dalawa.
‘Talagang bagay na bagay ang mga ito,’ naisip pa ng butler.
Wala namang salitang namutawi sa kanilang mga bibig habang papauwi sila sa rancho. Napatingin lamang ang dalaga sa daan, sa mga kahoy, sa mga palm trees, at sa mga gusaling kanilang dinaanan.
Inilagay pa niya ang siko sa bintana at ipinatong ang baba roon. Naramdaman niya ang masarap at malamig na simoy ng hangin sa kaniyang braso at mukha. Pagkatapos ay inilabas niya ang kamay upang mas maramdaman ang hangin.