Chapter 29
Nang lumapat ang mga labi ni Alemana sa mga labi ng dalaga ay parang nakarinig siya ng musika ng mga lira at harpa. Kay lambot ng mga labi ni Zoie at kay tamis.
Kapwa sila napaungol nang maghinang ang kanilang mga labi. Nilaliman niya ang paghalik dito at tila nawalan ito ng lakas. Hindi man lang ito nakapalag sa kaniya. Sa halip, sinuklian nito ang bawat paggalaw ng kaniyang mga labi.
“Oh, Zoie!” anas niya at lalong inangkin ang mga labi ng dalaga. Sinipsip niya ang pang-ibaba nitong labi. Gigil na gigil siya.
Inilandas niya ang panlasa sa mga labi nitong nakabuka para sa kaniya. Parang nang-eengganyo ito sa kaniya.
Ngunit nang tila natauhan ang babae ay itinulak siya nito. Pagkatapos ay mabilis itong umalis ng dining room.
Siya naman ay napatulala habang hinihingal. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ngayon kundi ay gusto niyang muling matikman ang babaeng kaaalis lang.
***
Kinabukasan ay sinamahan si Zoie nina Lihau at Alemana. Pinilit niyang huwag isipin ang ginawang paghalik sa kaniya ng amo kagabi. Kahit na iyon ang pabalik-balik sa kaniyang utak, ayaw niyang magpakagaga dahil doon. Batid niyang nahamon lang niya ang lalaki kaya nito ginawa iyon. Walang halaga iyon, ito ang isiniksik niya sa kaniyang utak.
Habang namimili si Lihau ng sariling mga damit ay tinulungan ni Alemana si Zoie na mamili ng mga bagong damit niya. Pinapasukat pa nito ang mga iyon at labas-masok tuloy siya sa dressing room. Ito ang nagpapatagal sa oras sa kaniyang pamimili. Hindi niya alam na sobra pala nitong pihikan pagdating sa damit na isusuot niya.
Kasalukuyang nakadamit siya ng isang maikling casual dress na may maiikling manggas.
“Master Alem, my body is on fire!” bulong ni Lihau sa binata habang nakaupo sila kapwa sa isang couch. Pasulyap-sulyap ito kay Zoie.
“What did you say? Do you want me to bury you alive right now?” galit na anito sa butler.
“M-Master⸺”
“Go and face the wall. Don’t you ever look at her again. Do you understand?” babala pa ng binata rito.
Biglang napahiya ang dalaga sa saleslady na bumulong sa kaniyang, “You have a jealous boyfriend.” Napabungisngis pa ito sa kilig.
Kahit napahiya ay ayaw niya itong pansinin. Tiningnan niya lang nang matalim si Alemana na umiwas din ng tingin at doon sa direksyon ng mga cocktail dresses ibinaling ang mga mata. Nagmartsa tuloy ang dalaga pabalik sa dressing room.
‘Sana ako na lang ang nag-sho-shopping, eh! Kainis! Daming arte nito!’
Marami-rami na rin siyang napili, or rather, marami-rami na rin ang napili ni Alemana para sa kaniya at ito na ang nagbayad sa lahat ng mga damit at accessories saka mga sapatos niya. Si Lihau naman ang siyang nagbuhat ng mga iyon na nasa shopping bags at inilagay sa backseat ng bagong Land Rover dahil sa pinasunog din ng binata ang sasakyan nito kasama ang mga baka as safety precaution sa rancho. May tendency kasing puwedeng madadala ng mga transportasyon ang sakit nang hindi nila alam. Nasasayangan nga ang dalaga sa sasakyan pero wala silang mapagpipilian.
Nagtungo na sila sa isa sa mga magagandang hotels sa Big Island upang kumain ng kanilang late lunch⸺sa Royal Kona Hotel. Sadyang pinaupo sa may ibang mesa ng binata ang butler upang makapagsarilinan silang dalawa ni Zoie.
Hindi naman iyon agad napagtanto ng dalaga. Napatingin lang siya sa magagandang dekorasyon at sa mga ilaw pati na sa mga mesa at mga upuan na may mga unique designs. Nakaribete ang gold sa edges ng mga ito kaya tila lahat ng mga gamit doon ay kumikinang.
“Why is he seated there?” ang tanong ni Zoie sa lalaki nang makaalis na ang waitress na naghatid sa kanilang pagkain.
“Ah, he wants to be alone. He doesn’t want show us how big his mouth is when he eats,” ang mabilis na tugon ng binata.
Napataas lang ng kilay ang dalagang napasulyap sa butler. Nasa mga apat na metro ang layo nito mula sa kanilang mesa.
Napalinga-linga ang dalaga sa restaurant ng hotel nang makita niyang paparating si Claire. Bigla namang kumulo ang kaniyang dugo nang makita ang babaeng Briton. Ang luwag talaga ng ngiti nito nang makita sila ni Alemana.
‘Did he call her to come and join us for our late lunch?’ naisip ng dalaga na napasulyap sa amo. Pero mukha namang nasorpresa ito nang makita si Blondie. Nagda-drama lang kaya ito o ano? Hindi niya tuloy alam kung ano ang iisipin.
‘Huh! And to think that he just kissed me last night? Tapos heto siya ngayon? Kaasar!’ Napakuyom siya ng mga palad at napatiim-bagang.
“Hi! I called Lihau to know where you are,” ang bukas pa ni Claire at umupo ito kaagad sa tabi ng binata.
‘That explains it,’ nasa isip ng dalaga. Subalit napapormal ng ekspresyon sa mukha niya si Zoie. Ayaw niyang masabi ng amo na ayaw niya sa lover nito at baka kung ano pa ang maisipan nito sa kaniyang reaksiyon lalo na’t tumugon pa naman siya sa halik nito kagabi.
‘Bakit? Bakit kasi ako humalik pabalik sa kaniya? Bakit hindi ko siya agad pinigilan? Ang gaga ko talaga! Wala lang iyon para sa kaniya dahil may blondie naman siya, ‘di ba? Pinaglaruan niya lang ako kagabi dahil nahamon ko lang siya.’
“I see,” nasabi ng lalaki na napasulyap kay Lihau na enjoy na enjoy sa pagkaing in-order nito para sa butler.
“So, I heard you went shopping,” ang saad ng babaeng kararating lang. Nakatingin ito kay Zoie na may plastik na ngiti.
“Yes. We enjoyed it, thank you,” ang mabilis namang sabi ni Zoie sa babae. Hindi man lang niya ito binigyan ng plastik na ngiti dahil hindi naman siya plastik katulad ng Briton na ito.
Iniwasan naman niyang sumulyap kay Alemana at kung kaya hindi niya napansin ang tila nagniningning sa tuwa na mga mata nito.