Chapter 31

Habang nakamasid si Alemana sa dalaga nang ganito ay para namang humupa ang bagyong nararamdaman niya sa kaniyang dibdib. Ang gandang tingnan habang nilaru-laro ng hangin ang buhok ng babae habang binabaybay nila ang daan patungong rancho.

Iniwan naman niya ang butler at ang dalaga na kunin ang mga pinamili sa kotse at dumiretso na siya sa kuwarto niya upang mag-shower bago mag-dinner. Parang pinaginhawa ng maaligamgam na tubig ang kaniyang tensed muscles pagkatapos niyang magmaneho.

Hinayaan niyang bumagsak sa kaniyang mukha ang tubig habang nakatukod ang mga kamay niya sa tiled na dingding. Nasa isip naman niya si Zoie habang nakipaglaro ito sa hangin kanina.

May pagnanasa siya sa dalaga, aminado siya roon. At sadyang hindi pa niya ito nararamdaman para sa ibang babae. Kahit kay Claire na minsan niyang naging fling. Ito lang ang masyadong clingy sa kaniya simula noong nag-aaral sila. Naging honest naman siya sa babae at sinabi ritong walang patutunguhan ang relasyon nila kay pinutol niya ito habang maaga pa. Kaya lang ay gusto pa rin daw makipag-ibigan sa kaniya ng babae at nakipagsosyo pa ito sa negosyo kaya hinayaan na lang niya.

Pero si Zoie… Naramdaman niya ang malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib habang iniisip ang kagandahan nito, ang alindog nito nang nakatayo lang ito sa may hagdan na suot ang nightshirt, ang pagkainis na tuwing rumerihistro sa maganda nitong mukha, at ang kaakit-akit na inosente nitong tingin sa kaniya paminsan-minsan.

“I have to stop this,” saway niya sa sarili.

But who was he kidding? Malakas talaga ang hatak ng babae sa kaniyang puso at damdamin.

***

Nakapag-shower at nakapagbihis na si Zoie ng isang kaswal na damit na binili kanina. Nag-apply lang siya ng manipis na makeup at ginamit ang paboritong perfume katulad ng dati.

Nagkatagpo naman sila ni Alemana sa may hagdan. Hindi siya nakapagsalita. Tila ganoon din ito. Sabay na lang silang dalawa na nagtungo sa dining room, nang tahimik.

Hindi naman lumitaw si Lihau sa hapunan pagkatapos nitong inihanda ang lahat para sa kanila upang bigyan sila ng privacy kung sakaling mag-aaway na naman sila. Sariwa pa kasi ang nangyari kanina sa hotel kaya minabuti nitong huwag maipit sa pagitan nilang dalawa.

“Why did you do it?” tanong ng lalaki pagkatapos nilang kumain..

“What did I do?” tanong niya rito nang may pagkalito.

‘Ang alin kasi?’ sa isip niya.

“You were trying to push me to Claire. I can see it very clearly. So, tell me why you did it.” Nakahawak ang kamay nito sa wine glass na may lamang white wine habang ang isa ay nasa ibabaw ng mesa.

“I don’t know what you mean by—”

“Stop beating around the bush,” putol pa nito. “I know that your head is not only for decoration, Zoie. You know what I mean. So, tell me.”

“I never did such a thing,” pagkaila naman niya.

“You’re lying!” Ipinatong nito ang hawak na wine glass sa mesa at tumayo ito upang lapitan siya sa kaniyang kinauupuan.

Biglang sumirko ang puso niya at hindi siya makahinga nang normal. Naaalala na naman niya ang ginawa nitong paghalik sa kaniya kagabi.

Umiwas siya rito ng tingin pero pakiramdam niya ay na-trap siya sa kaniyang kinauupuan. Lalo na’t sumandal ito sa mesang bahagyang nakadukwang at nakaharap sa kaniya. Malapit pa sa kaniyang mukha ang mukha nito na sobrang nagpapakaba sa kaniyang dibdib.

“Tell me honestly why you did it, ku’uipo,” kulit pa rin nitong idinidiin ang bawat kataga.

“I told you—”

Hinawakan nito ang baba niya at nagtama ang kanilang mga mata. “Keep lying, Zoie, and I will punish you,” banta pa nitong titig na titig sa mga mata niya. Hindi tumaas ang boses nito. Sa halip ay bumaba. Naging husky.

‘Por dios, por santo. Punish na naman daw? Eh, hanggang salita ka lang, eh,’ sa isip ng babae.

Ngunit napalunok siya. She was trapped somehow. Parang kakaiba ito ngayon. Alam na niya ngayon kung ano ang damdamin ng isang daga na nahuli ng pusa. She was mentally blank. Literal iyon. At lahat ng kaniyang naiisip ay ang kaniyang puso na parang gustong lumabas sa kaniyang dibdib at ang mabangong amoy nitong tila dahilan ng pagwawala ng kaniyang puso’t isipan.

‘Ang bango niya talaga,’ naisip pa niya. ‘Huy! Hindi iyan ang importante ngayon. Umiwas ka na ngayon na!’

Lalo pang lumapit ang mukha nito sa kaniya at parang hindi siya makagalaw o makahinga man lang. Bakit biglang nawala ang hangin? Gusto niyang huminga pero parang hindi niya magawa…

***

Hindi na niya mapipigilan pa ang umaalpas na damdaming halikan si Zoie. Nag-iinit ang katawan ni Alemana at todo ang kabang nararamdaman niya sa kaniyang dibdib. Una’y tinikman niya ang mga labi ng dalaga ngunit kalaunan ay hindi na niya magawang bumawi pa at sa halip ay lalong lumalim at dumiin ang kaniyang paghalik dito.

Hinimas pa niya sa balikat at braso ang dalaga. At nang hindi magkasya ay hinila niya ito patayo at isinandal sa dingding nang hindi inihiwalay ang mga labi mula sa mga labi ng babae.

***

Parang nawala sa kaniyang sarili si Zoie nang matikmang muli ang halik ni Alemana. Bakit ba ang sarap ng halik nito? Para siyang nililo nito sa sarap at hindi pa niya alam kung ano ang ginawa niya basta’t napatugon din siya rito. Kalaunan ay naramdaman na lang niya ang dingding sa kaniyang likuran habang naglikot ang mga kamay ng lalaki sa katawan niya, sa bawat kurba…

Napaungol siya nang mahina. Ngayon niya lang napagtantong nakakaadik pala ang halik ni Alemana. Ngunit hindi pa siya nahalikan nang ganito kalalim noon. Hanggang smuck kiss lang mula sa kaniyang mga naging nobyo. Hindi rin niya alam na ang halik nito ay nagpapainit sa kaniyang katawan at hindi niya rin kayang pigilan ang sariling huwag tugunin ang masarap, ang mainit, at ang matamis na halik ng lalaki.

Sa halip ay nakapulupot ang mga braso niya sa leeg nito samantalang patuloy na namamasyal ang kamay nito sa kabuuan ng katawan niya. Narinig niya ang nakakabaliw na mahinang ungol ng lalaki na parang nagpapalobo sa kaniyang puso.

Ibig bang sabihin nito ay masyado rin itong nasasarapan sa pagtugon niya rito? Dahil dito, parang may pag-asang umahon sa kaibuturan ng kaniyang puso na mahal din siya ni Alemana sa kabila ng halos lahat ng oras nilang pagtatalo sa kahit kaunting bagay.

“I want you so bad, Zoie ku’uipo,” pabulong na anito at dumako ang halik ng lalaki sa kaniyang baba at leeg.

Wala siyang lakas na tumanggi. At lalong ayaw niyang tumanggi. Iyon ay dahil gustong-gusto niya rin ang mga haplos at halik nito. Ngunit walang mga salitang humulma sa kaniyang isipan kundi ay ang lalong paglapit ng katawan niya sa matigas na katawan ng binata. Gusto niyang damhin ito.

Napaungol siya sa ginawang pagmasahe nito sa kaniyang kanang dibdib. Pinisil-pisil nito ang tuktok ng kaniyang globo. Pakiramdam niya ay may mainit na likidong dumaloy sa pagitan ng kaniyang mga hita.

Pero saan nga ba siya pupulutin pagkatapos nito? Wala siyang maisip. Ngunit wala siyang pakialam sa kasalukuyan. Bahala na. Gusto rin naman niyang mangyari ito. Hanggang sa lalong mapusok ang bawat halik at haplos nito sa kaniyang katawan na tila ba ay ayaw na siyang tantanan…