Chapter 28
“Master Alem!” ang sigaw ni Lihau na pumasok sa library.
Nasa ganoon pa rin silang ayos at nakatulog na nang ilang minuto nang sumulpot ang butler. Kung kaya naman ay nakita sila na ganoon ni Lihau. Napanganga naman ito sa nasaksihan.
Napadilat ng mga mata si Alemana ngunit ‘di pa rin nagising ang dalaga. Marahan siyang umupo nang matuwid at bahagyang napaunat. Sinenyasan niya ang butler na umalis. Tumalima naman ito kaagad nang walang salita.
Napatitig siya sa mukha ng dalaga. Parang gusto niyang haplusin ang makinis na pisngi nito. Naaalala pa niya tuloy ang nangyari kaninang madaling-araw habang suot lang nito ang nightshirt. Naasar talaga siya dahil nakita ng mga trabahador niya sa rancho sa ganoong ayos ang dalaga. Wala man lang itong kaalam-alam na nakakahalina itong tingnan sa pantulog nito. Siguro kung sila lang dalawa kanina ay niyakap at hinalikan na niya ito at baka higit pa ang ginawa niya roon, minus the FMD crisis sa rancho.
Napabuntong-hininga siya at saka tumayo nang maingat upang hindi ito magising. Isinara rin niya ang pinto ng library nang marahan bago hinarap ang butler.
“What is it?” tanong niya rito sa wikang Hawaiian.
“Dr. Johnson said that we can save the rest of the cattle even at this rate,” ang tugon ni Lihau sa kaniya sa parehong lengguwahe. “So, we need to burn all those dead cows as soon as possible.”
“You’re saying there’s no way to save them?” nakasimangot na tanong niya sa butler. Nakasimangot siya. Sinuklay ng mga daliri niya ang kaniyang buhok.
“It’s better to burn them, Master Alem. It’s better to play safe at this point and be sorry later,” mahinahong tugon naman nito.
Nabuga siya ng hangin at marahang tumango. “You’re right. Have you heard if Ranch Monteverde is also affected by this disease?” bigla niyang tanong sa butler.
“We haven’t heard about it yet, Master Alem.” Umiling naman itong nakatingin sa kaniyang mukha.
Napaisip-isip ang binata. Hindi malayong hindi maaapektuhan ang nasa kabilang rancho. Kailangan niyang bigyang babala ang kapwa may-ari ng ranchong iyon. Kahit na magkakompetensiya sila ay dapat na pahalagahan niya ang FMD upang huwag kumalat at papatay sa lahat ng kanilang mga baka. Kung hindi, baka mas lalaki pa ang mawawala sa kanila kapag hinayaan lang iyon.
Ang FMD ang pinakanakakatakot na sakit para sa mga livestock sa buong mundo. Maaaring masalanta ang livestock sector dahil dito.
Inutusan niya ang butler na tawagan ang kabilang rancho sa Big Island. Kailangan din nilang maging alerto nang mga ilang linggo pa, bago sila makakampanteng wala na ang virus.
Napasulyap siya sa nakapinid na pinto ng library. Hindi pa lumabas ang kaniyang property manager. Baka tulog pa rin ito dahil napakaaga nitong nagising kanina at nag-research ng mga impormasyon upang makatulong sa rancho. Naisip niyang hindi na muna niya ito iistorbohin para makabawi naman ito ng tulog.
Napangiti siya habang naaalala ang pabango nitong tila palaging nang-aanyaya sa kaniya.
Naisipan na lang niyang magtungo sa shower at inutusan ang mga katulong na sunugin ang lahat ng kaniyang damit pati na ang isinuot ni Zoie dahil nagtungo sila sa rancho kanina. Kailangan din nilang mag-disinfect nang ekstra sa araw-araw sa halip na isang beses lang sa bawat araw na normal nang ginagawa sa mansion ayon sa utos ni Zoie sa mga ito.
Panalangin lang niyang magiging maayos ang lahat.
***
Naging abala sila sa mga sumunod na linggo. Halos naubos na ang mga damit ng dalaga sa kasusunog ng mga ito kapag nanggaling siya sa rancho. Mainam nang mas maingat sila upang hindi kumalat ang virus kung saka-sakaling may naiiwan pa.
Nakatuon na rin ang pansin ang mga opisyal sa Big Island sa rancho. Pati na ang mga doktor sa mga hayop na siyang binabayaran ni Alemana ay panay ang pagmo-monitor sa mga nalalabing baka. Nalaman nilang ang karatig-rancho ay naapektuhan din at mas nauna raw kaysa Campbell Ranch nang halos isang araw.
“I’ll go to Hilo downtown tomorrow,” ang pagpaalam ni Zoie sa binata habang naghahapunan sila isang gabi.
“I’ll go with her, Master Alem,” sabat naman ni Lihau nang nakangiti habang nagpepresinta sa sarili.
Napatingin si Alemana sa butler nang nakasimangot. Ilang saglit niya rin itong tinitigan.
“Why, Lihau? Do you know how to drive now?” balik naman niya ritong pinagsalikop ang mga daliri habang nakatukod ang siko sa mesa.
Napahiya tuloy ang butler. Napayuko ito ng ulo. Iyon ang isang skill na hindi natutunan ng butler sa loob ng mga taong pagseserbisyo sa kaniya. Kahit anong turo ng binata rito ay ‘di pa rin ito marunong hanggang ngayon. Sobra kasi itong nerbiyoso kapag nasa main road na sila. Ewan niya kung bakit. Talaga yatang ipinanganak na duwag si Lihau. Duwag sa kalsada.
“You’ll come with us tomorrow, though,” ang sabi pa ng binata rito. Pambawi para sa butler.
Nagliwanag ang mukha nito. Para itong bata. “Thank you, Master Alem! I know you care for me, too,” anitong sinundot-sundot ang dalawang hintuturo.
Napatawa ang dalaga sa inasal ng butler.
Alam nila ni Zoie na gusto rin nitong makapamili ng mga damit. Dahil katulad ng sa kanila ay sinusunog ang mga iyon pagkagaling sa rancho.
“You’ll carry the shopping bags, of course, that’s why you’re coming with us,” ang sabi ni Alemana sa butler.
Napanguso ang butler at tumango na lang sa amo.
Napahagikhik si Zoie. “Don’t worry, Lihau. I’ll treat you tomorrow.”
Kumunot ang noo ng binata. “What will you treat him with?” sabat niya.
Tumaas ang kilay ng dalaga. “I don’t know yet, but I’ll see.” Kumibit ito.
He snorted. “What about me?”
“What about you?” sukli ng dalaga.
Dahan-dahang nakatiyad si Lihau para lumabas ng dining room upang iwanan sila. Halatang ayaw nitong madamay dahil halatang papunta na sa pag-aaway ang paksa nila ni Zoie ngayon.
“Aren’t you going to treat me, too?” pagsusubok niya sa dalaga.
“Why would I? You have money,” nakangusong anito.
Napatawa siya. “It’s not about money, Zoie. It’s about being thoughtful. Why are you so thoughtful to other people and not to me?”
Napanganga ito sa narinig. “Wait, are you telling me you’re envious because I’m going to treat your butler and not you?”
He scoffed. “I’m not. I’m just saying⸺”
Nagtaas ng palad ang dalaga sa direksyon niya. “Cut it out! You’re not a five-year-old kid, are you?”
Siya naman ngayon ang napamaang sa narinig mula rito. Wala sa sariling tumayo siya at nilapitan ito.
“Come here. I’ll show you that I’m definitely not a kid and that I’m a full-grown man who’s desire always flares up whenever you’re around, Zoie.”
Kita niya ang pagkamangha sa mukha ng dalaga. Hinawakan niya ang baba nito at inilapit niya ang mukha rito.