Chapter 24

Nakangangang napakurap-kurap si Zoie dahil sa inakto ng amo. Nasamyo na naman niya ang pabango nito. Nang matapos na ito sa ginagawa ay humarap ang lalaki sa kapatid nito at binigyan ito ng babala.

“Don’t ever touch that flower again!” Bumaling naman ito sa kaniya. “And you, too. Leave it there!” ang mariing utos nito sa kaniya at umalis na pagkatapos.

“What’s with him?” ang tanong niya kay Adrienne na nalilito.

“I’ve never seen him so serious about any flower like hibiscus, Zoie. I think I know why,” misteryosang sabi naman ni Adrienne na ngumisi sa kaniya.

At ‘di na ito nagsalita pagkatapos niyon. Ayaw niya ring magtanong dito at baka kung ano pa ang kaniyang marinig. Mahirap na.

Naisip na nilang lumabas na sa kuwarto nito. Makiki-party na sila. Handang-handa na sila.

Napamangha naman halos ang lahat nang lumabas ang dalawang dalaga. Lumapit kaagad sina Huapala at Domenic sa kanilang dalawa habang nakamasid naman si Alemana sa may ‘di kalayuan, napansin pa ni Zoie.

“What’s with the flower behind your left ear?” ang nakangising tanong ni Domenic sa kaniya.

“Who placed it there?” ang sunod namang tanong ni Huapala sa kaniya.

Ngunit hindi siya makasagot.

“Alem,” ang sagot naman ni Adrienne para sa kaniya nang medyo may pag-aalala.

Nakita niyang nagkatinginan sina Domenic at Huapala sa isa’t isa. Nalilito naman siya sa inakto ng mga ito. What was the big deal with the hibiscus flower tucked behind her left ear, anyway? Wala namang nagsasabi sa kaniya kung ano ang ibig sabihin niyon. May espesyal kaya?

“What’s going on?” inosenteng tanong niya sa mga ito.

Napatingin ang tatlo kay Alemana na nakikipag-usap sa British lover nitong si Claire Wilson. Invited na naman pala ito. Hindi alam ni Zoie iyon kahit na siya ang nag-asikaso sa guest list. Naisip niyang baka idinagdag lang iyon ng kaniyang amo at ngayon lang niya iyon nalaman⸺at ngayon lang din niya napansin ang babaeng napakaseksi sa suot nitong maikling cocktail dress at halos iluluwa na ang malalaki nitong boobs.

“Tell her,” ang utos ni Adrienne sa dalawang lalaki. Napabuntong-hininga pa itong napasulyap sa kapatid. “I’m not sure if Zoie would like it, though.” Saka dumako ang paningin nito sa kaniya.

Napatingin ang dalawang lalaki kay Zoie nang may pag-aalala sa kanilang mukha.

“Just tell me. What’s bothering you? And what’s the importance with the flower that is particularly tucked in my left ear?” ang usisa pa niya sa mga ito. Paulit-ulit na lang siya.

Nagkatinginan muna sina Domenic at Huapala at sabay na nagsalita.

“You’re just in a relationship with Alemana.”

“What?” Hindi niya namalayang napasigaw siya dahil sa kabiglaan at napatingin sa kaniya ang lahat ng mga bisita at mga personnel ng catering service. Halos luluwa ang mga mata niya sa narinig.

“Calm down, Zoie,” mahinang alo ni Domenic sa kaniya at pangiti-ngiti pa ito sa mga bisita. Hinila siya nito pabalik sa loob ng bahay at isinara ang sliding door na tinted glass.

Sumunod naman sa loob sina Adrienne at Huapala. Pagkatapos ay ang butler na nginusuhan lang ni Alemana sa labas.

“What? Why? Why should I calm down? How can I calm down?” ang hindi mapakaling aniya at halatang pinigilan siya nina Huapala at Domenic na huwag lumabas ng bahay para komprontahin ang amo. Marami pa namang mga bisita roon at baka magkakaroon ng hindi kanais-nais na eksena.

“My brother must have his own reasons, Zoie. Besides, we all know that your position is not to get involved with any man,” paliwanag naman ni Domenic sa kaniya nang mahinahon.

“Huh! So what? I know it already! But he didn’t even bother to explain it a while ago. I feel like I’m conned!” paliwanag pa niya sa kapatid ng amo.

Napatawa sina Adrienne at Huapala sa kaniya. Nakasimangot siyang tiningnan ang mga ito.

“What’s so funny?” may inis namang tanong niya sa mga ito. Para kasing pinaglalaruan siya ng magkapatid na Campbell.

“He’s not the kind of man who tells anyone any of his reasons,” ang paliwanag ni Huapala. “I’ve known him since we were in the crib! I know what’s on his mind, even though he wouldn’t say so,” kumukumpas na sabi nito habang nagpapaliwanag naman sa kaniya.

Napalunok naman siya, mga tatlong beses. “And do you really know his reasons that relate to the hibiscus?” ang tanong pa niya rito na bahagyang humupa na ang bagyo sa kaniyang dibdib.

“Zoie, it’s plain and simple. Our employer doesn’t want you to be wooed, and he doesn’t want anyone to get near you,” ang tugon ni Huapala sa kaniya nang may paglilinaw sa intensyon ng amo nila.

“Why?” tila nagsusumamong tanong niya rito.

Gusto niyang maintindihan pero hindi lang iyon. May gusto siyang malaman na isang rason na parang magpapagaan ng loob niya⸺na tila ay magiging sandigan niya… na sana… sana…

Bigla niyang pinigilan ang sariling mag-isip ng ganoon. Umiling siya. Ayaw niyang umasa kahit gustuhin man niya. Pero sa kabilang banda ay sana hindi ito ginawa ni Alemana upang walang manligaw sa kaniya kundi ay may gusto ito sa kaniya at ipinalabas lang na ang intensyon ay ang pagiging property manager niya na hindi puwedeng magkaroon ng nobyo o asawa sa hinaharap.

“Well, I’m sure he’ll tell you in the near future. Just don’t press this matter to me or to Domenic anymore,” ang wika ni Huapala na parang nagpaparaya ang tono ng boses.

Bakit parang wala siyang mapapala? Talaga bang ganito ka-best of friends sina Huapala at Alemana? Pakiramdam niya ay bigo siya at para siyang pinagkaisahan ng mga ito. Ngunit naisip niyang ginagawa lang ng mga ito iyon upang hindi magkaroon ng away kay Alemana na palaging nasusunod sa anumang pagkakataon.

“Right. My brother will tell you soon about his reasons. We cannot say anything to you right now. Just let him be, and you might even recall that my sister didn’t say anything to you at all, right?” dagdag pa ni Domenic nang mahinahon ang boses. Ngunit may ekspresyon sa mga mata nitong hindi niya mababasa.

“Do all these people know what this flower means?”

“More or less,” tugon naman ni Adrienne.

Napatingin na lang ang dalaga kay Adrienne at napatango rito. Pagkatapos niyon ay lumabas na silang lima. Nagsimula na ang Western party. Nagbigay pa ng speech at toast si Alemana para sa kapatid nitong may kaarawan at may bagong trabaho, sa pamilya, at sa mga bisita.

Binigyan naman ito ng isang maliit na brown envelop ang nakababatang kapatid na alam ng dalaga na naglalaman ng dalawang milyong dolyar. Iyon ay para ipakita ritong ipinagmamalaki nito ang kapatid dahil sa achievement nito.