Chapter 23

“Who said you don’t look like a human? You’re the most human-person I’ve ever seen and met in my life!” Napasimangot din si Alemana nakatingin kay Zoie. “If you’ll tell me someone said otherwise, I’ll break his bones, so he’ll need to set them back together his whole life!”

Napalunok na lang ang dalaga. Walang maysabi noon kundi siya.

“Ay, grabe naman nito. Violence kaagad?” Inis siya tuloy kung bakit laging siniseryoso nito ang sinasabi niya. Pero parang gusto niya ring matawa dahil sa sinabi nito. May pagka-OA rin pala ito.

Napatingin tuloy siya sa labas ng sasakyan at nakita niyang lumabas ang half-sister at stepmother nito.

“They’re here. We must come out now,” nasabi na lang niya.

Pinigilan pa siya nito sa braso bago makababa.

“What?” Sinimangutan niya ito.

“I’ll ask my sister to let you borrow one of her party dresses. But you have to ask me first if it’s good enough, all right?”

Laglag ang panga ni Zoie nang marinig ang sinabi ng amo. Nalilito rin siya sa inakto nito ngayon. Kahit kailan ay hindi niya ito maintindihan⸺sala sa init, sala sa lamig.

Hindi na lang siya umimik na nakatingin dito at sabay na silang lumabas ng sasakyan.

Nagbeso-beso ang magkapamilya at hinila na siya ni Adrienne sa kuwarto nito upang makapili siya ng maisusuot sa party mamayang gabi nang magpaliwanag ang kapatid nito. Mukhang mas excited pa ito sa kaniya para pumili ng damit. Parang gusto niyang matakot at baka kung ano ang maisip nitong ipasusuot sa kaniya.

Maganda at iba ang interior at design ng mansion na ito kumpara sa mansion sa rancho. Mas comfy rito. Naitanong niya tuloy sa sarili kung paano mag-isang nakatira doon si Domenic. Paminsan-minsan lang nakikitira rito ang kapatid na babae at kahit si Alemana ay hindi niya ma-imagine kung mag-isa ito rito na kasama lamang ang ilang katulong.

Sa walk-in closet ay nakita niya ang daming party dresses at pati casual wear ni Adrienne. Dahil sa magkalapit lang ang kanilang figure ay sigurado silang dalawa na may magkakasya rin sa kaniya. Kumpleto ng iba’t ibang design at kulay ang mga damit nito, pati na rin mga sapatos.

“How about this powder pink dress?” ang suhestiyon ni Adrienne sa kaniya nang nakangiti.

Nalaman na ni Zoie na gusto ni Adrienne na maging fashion designer balang araw. Kung kaya’t ang mga damit nito ay gawa nito o kaya ay galing sa Paris, Rome, Florence, at sa iba’t ibang fashion capitals sa buong mundo. Nakita na rin niya ang mga gawa nito at napahanga siya sa mga iyon. Mukhang professional na kasi ang mga disenyo nito. Napaka-talented ng batang dalaga, naisip pa niya.

“Hmm… All right. I think I like the empire cut.” Naisip pa niya ang kulay-gintong damit na bigay sa kaniya ni Alemana para sa kaarawan nito ilang buwan na ang nakalipas.

“That’s good then. But let’s see the others if they fit you, and we’ll check out the right footwear that goes with it. I’ll make you the most beautiful woman tonight!” excited na anito. Kinindatan pa siya pagkatapos.

Napangiti naman siya rito at saka napaisip kay Alemana. Isa iyong nakagawian na niyang hindi niya mabali-bali. Lagi siyang napapaisip sa lalaki sa anumang gawain niya at sa anumang pagkakataon. Wala na nga yata siyang cure.

May nadarama na nga ba siyang pagmamahal sa lalaki at itinatago niya lang iyon sa pakikipag-away rito tuwina? Dahil frustrated siya?

Gayunpaman ay gusto niya talagang supilin ito dahil alam niyang walang patutunguhan ang damdaming ito.

Si Adrienne ang nag-makeup at nag-hairdo sa kaniya. Gamit lang ang cell phone ay inuutusan niya ang mga katulong at caterer kung ano ang gagawin. Isinuot na niya ang backless na damit na may kombinasyong kulay-itim at kulay-abo. May heart neckline na nagbibigay riin sa kaniyang cleavage. Ang laylayan naman ay kumikinang dahil sa mga sequins.

Nakapulupot ang pagkakaayos ng buhok niya at ilang hair strands ang iniwan sa magkabilang panig ng pisngi niya. Isinuot na rin niya ang silver high-heeled shoes na pinapagamit sa kaniya ni Adrienne na nagkasya sa kaniya.

“I’ll give you a hibiscus flower, but I’ll let you wear it when the party starts. Okay?” nasisiyahang anang hair dresser at clothing designer niya sa gabing iyon.

Napatango siya kay Adreinne na tuwang-tuwa. Tinulungan din niyang makabihis ito at mag-hairdo. Pagkatapos niyon ay napatingin silang dalawa sa salamin.

“I’ll go get my brother. I’m sure he’ll approve, and I’ll also go get the hibiscus ready.” Excited na lumabas si Adrienne. Maluwag ang ngiti sa maganda nitong mga labi.

Ilang sandali pa siyang napatingin sa kaniyang sarili sa salamin nang lumitaw ang lalaki sa likuran niya at nakita niya iyon sa salamin. Suot nito ang isang itim na slacks at suit at puting shirt na nasa ilalim niyon. Bagay rin ang necktie nitong silver na silk. At sobrang makintab ang suot nitong dress shoes.

Napalunok siyang napaiwas ng tingin mula sa lalaking nakatitig sa kaniya sa salamin nang may paghanga at pagnanasa sa mga mata nito. Bakit naisip niyang bagay silang dalawa habang nakatingin siya sa salamin? Isa pa, hindi niya alam kung ano’ng iniisip ni Alemana sa pagkakataong iyon.

“Is this fine?” napatanong na lang siya habang pilit na pinatatag ang boses.

“It’s not fine,” mabilis nitong tugon. Minasdan siya nito mula ulo hanggang paa at pabalik.

Napamaang siyang pumihit upang humarap dito. Napakalapit nila tuloy sa isa’t isa at amoy na amoy niya ang pabango nito na tila nagpapahina sa kaniyang mga tuhod, nagpapatibok nang husto sa kaniyang puso, at dahilan ng pagsigaw ng kaniyang puso na napamahal na pala siya kay Alemana.

Muntik pang magkahinang ang kanilang mga labi habang magkalapit ang kanilang mukha sa isa’t isa. Sa nararamdaman niya ay tila biglang huminto ang oras at puno ng pangalan at mukha ni Alemana ang utak niya.

“Hey, Zoie! Here’s the flower!” ang natutuwang sabi ni Adrienne na siyang bumasag sa katahimikan at sumira sa magandang sandaling iyon sa pagitan nilang dalawa ng amo. Natigilan ang kapatid nito nang sandali habang nakamasid sa kanilang dalawa.

Bahagyang bumalik sa Earth ang dalawa na parang pinilit hilahin ng gravity. Patingin-tingin sa kanilang dalawa si Adrienne nang nakangisi. Ang isang kamay ay may hawak ng sisibol pang hibiscus samantalang ang isang kamay ay may hawak ng namumukadkad na na inilagay pa nito sa kanang tainga.

“Hibiscus?” ang ani Alemana sa kapatid na nakataas ang kilay sa kapatid. Tila pagmumura ang salitang iyon sa tono nito.

“Right!” kumpirma pa ni Adrienne sa kapatid nito at inilagay rin ang isang bulaklak sa kanang tainga rin niya.

Nakita niya ang pagsimangot ni Alemana dahil sa ginawa nito ngunit ‘di niya maintindihan kung bakit. Tinampal pa ng lalaki ang kamay ng kapatid nito.

“Master Alem…” Sabay namang reklamo ni Zoie sa kaniyang amo.

“Alem…” ani naman Adrienne na nalilito sa ginagawa ng kapatid.

“Why did you tuck it there? It should be behind her left ear,” ang anang lalaki na inilagay ang bulaklak sa kabilang tainga niya.