Chapter 25
Natapos ang party nang alas tres ng umaga. Sinusuri pa ni Alemana kung nalinis na ang lawn. Pagkatapos niyon ay nagtungo siya sa swimming pool at nakatingin sa paiba-ibang kulay ng ilaw na nasa ilalim ng tubig. At iisang tao lang ang nasa kaniyang isipan. Si Zoie.
“Alem, why are you still here?” ang tanong ni Domenic sa kaniya na may dalang baso ng red wine sa dalawang kamay.
Nakita kasi siya nitong nasa labas pa at malinaw na naisipan nitong bigyan din siya ng wine. Napuna yata nitong may malalim siyang iniisip habang nakamasid sa tubig ng pool.
Tinanggap ni Alemana ang wine glass. Uminom muna siya bago sumagot sa kapatid.
“I can’t sleep yet.”
“Is something bothering you?” kuryusong tanong ulit ni Domenic sa kaniya.
Napatingin si Alem sa kapatid. “Am I a good brother to you, Domenic?” bigla niyang tanong dito.
Napatingin sa tubig ang kapatid niya. “At times, you are. And at times, I think you are not,” ang seryosong tugon nito. “But I’m perhaps just being a spoiled brat for thinking the worst of you. Most of the time.”
“I see,” marahang sabi ni Alemana sa kapatid at sumimsim na naman mula sa wine glass na hawak. “So, you think that’s how Adrienne feels for me, too?”
“I cannot say on her behalf, Alem. But you must remember that I understand you very well. I know how hard it is for you to carry on the family business that’s been with us for over two centuries.” Napatitig ito sa kaniya. “Even though I sometimes hate the way you are, I do understand. I keep reminding myself that you’ve taken the responsibilities when you barely finished your master’s degree, and you had dreams of your own.” Tumigil ito ulit at uminom din bago nagpatuloy sa pagsalita. “I knew that you wanted to pursue your medical degree afterwards. And yet, our dad died from an illness. I never even thought that our stepmother would bring us the two-year-old Adrienne while she was too saddened by our father’s death. But you were there for me and for her and for Adrienne. You were always there for all of us even though we didn’t do the same for you when you are anxious about the ranch and the cattle… and some stuff related to them—I understand you very well, Alem. But we can’t… and we don’t do anything…”
Parang naninikip ang lalamunan ni Alemana dahil sa kaniyang narinig mula sa kapatid. Parang nag-iinit din ang sulok ng kaniyang mga mata.
Totoo iyon. Nababasa nga ng kapatid niya ang nasa isipan niya at kung ano ang nasa puso niya noon. Medyo galit pa siya sa kanilang ama dahil siya ang itinurong tagapagmana ng lahat at hindi ang kanilang stepmother. Dahil dito, siya ang nagpapasan ng krus para sa kanilang pamilya. His brother read his thoughts and mind well when he was younger. Noon ay nakalimutan niya ang tradisyon ng kanilang pamilya. Ngunit dahil kay Lerma ay naging responsable siya at wala siyang tigil sa pag-aasikaso sa rancho. Wala na nga siyang seryosong karelasyon dahil sa sobrang pagtatrabaho.
Ngunit iyon ay nagbago. Dahil kay Zoie.
Parati na itong iniisip niya sa loob ng maraming buwan. Pakiramdam niya ay nagseselos pa siya sa kahit na sinong lalaking nakikipag-usap dito. Kahit pa ang kapatid at ang kaniyang best friend, pinagseselosan niya rin. Alam niyang hindi tama pero hindi naman niya mapipigilan ang sarili.
“And now, you are torn between our family and Zoie’s family’s tradition. Am I wrong, Alem?” Inungkat pa ni Domenic iyon.
Umiling si Alemana. Inubos na niya ang laman ng kaniyang wine glass at inilagay iyon sa ibabaw ng malapit na mesa sa may swimming pool.
“I don’t want to talk about it.”
“But you surely have something in your mind—and heart—when you did what you did earlier this evening,” pambubuko pa nito.
Napatingin si Alem sa kaniyang kapatid na nakasimangot. “I just did what I had to do, Domenic. She’s not supposed to be prancing around with that hibiscus tucked behind her ear. All the men would flock—”
“Of course,” putol pa ni Domenic na nakangiti sa kaniya. “Of course, you don’t want to see her fall in love with someone else besides you…”
“Don’t say something like that.” Umiiling si Alemana. In denial pa rin. Pareho sa kapatid at sa kaniyang sarili.
“Alem, I know where your heart lies. I’m your brother.”
Hindi naman makatinag si Alem. Para siyang mababaliw sa tuwing naiisip si Zoie. Iyon ay dahil sa posisyon nilang dalawa bilang mag-amo. Isa pa, parang ayaw naman nito sa kaniya at palagi silang nag-aaway kahit sa maliit na mga bagay. Katulad na lang kanina. Ang ultimong damit nito ay pinag-awayan pa nila, pati na ang bulaklak. Sabagay, malaking bagay para sa kaniya ang hibiscus.
Kahit wala siyang sinasabi ay alam ni Domenic kung ano ang dahilan niya.
“If you’re going to be slow, then I’ll snatch her away from you, Alem, and I wouldn’t even care about our family tradition,” babala nito sa kaniya na may panunudyong ngiti sa mga labi.
Napatitig si Alem nang masama sa kapatid habang nakangisi pa rin ito sa kaniya. Napaisip tuloy siya nang malalim at matagal dahil sa mga salitang binitiwan ng kapatid. Pagkatapos niyon ay tinapik siya nito sa balikat para mauna nang pumasok sa mansion. Naiwan siyang nakatulala habang ang mga mata ay nakapako sa tubig ng swimming pool.