CHAPTER 28

“Evan.” Phoebe called him from a distant. She can feel her hands trembling as she watch her man caress the other girl.

Ramdam nya ang unti-unting pananakit ng dibdib na tila ba may isang daang tao ang naroon sa kanyang puso at paulit-ulit na sinasaktan iyon. Gustuhin man nya na ihakbang ang mga paa palapit sa dalawa at komprontahin ang mga ito ay hindi nya magawa. Tila ba napako sya sa kinatatayuan at hinahayaan lamang ang sarili na panuorin ang nobyo na sirain ang pagtitiwala nya.

Hindi nya malaman na may sasakit pa pala sa pangbabalewala ng lalaking ito sa kanya nitong mga nakaraang araw dahil ngayon, maski ang mga daing at luha ay hindi maipapaliwanag kung gaano nawawasak ang mundo nya.

“Ma’am, nahanap nyo po ba si Sir—”

Hindi na hinintay pa na matapos ni Phoebe ang tanong ng matanda. Lumuluha syang humarap dito na sya namang ikinagulat ng gwardiya.

Saglit lamang nya itong tinapunan ng tingin bago napagdesisyunan na tuluyang lumakad palayo pero bago pa man lisanin ang lugar na iyon ay muli syang lumingon thinking na mararamdamn ni Evan ang presenya nya roon but she was wrong. Evan is still busy with the other girl.

It was done. Everything is done the moment she took another step. Ilang ulit nyang hiniling na sana sundan sya ng binata ngunit narating nya na ang lobby ng condo unit ay hindi nya man lang naramdaman ang presensya nito sa kanyang likuran. Fvck! Bakit nga ba umasa sya na mapapansin sya ng nobyo gayong abala ito at mukhang enjoy na enjoy ang ginagawa nila ng babaeng kasama?

Nagtuloy sya sa unit. Ikinulong ang sarili sa silid saka paulit-ulit na kwinestiyon ang sarili. Saan nga ba sya nagkulang?

Alam nyang may mali. Alam nyang nagdadamdam ang nobyo pero hindi nya naisip na magagawa sya nitong saktan ng ganoon. Ang kung ano mang problema nilang dalawa ay mapag-uusapan, bakit kinailangan ni Evan na humanap kaagad ng iba?

Mabilis na tumayo ang dalaga saka isinilid ang gamit sa bag na naroon. Aalis sya. At sa mga oras na ito ay buo na ang desisyon nya. Bakit nya pa nga ba pipiliin na manatili matapos syang pagmukha-ing tanga ng lalaking akala nya ay mahal sya.

“H-hello, Anne.” Pagbati nya nang may sumagot mula sa kabilang linya. “Pwede mo ba akong sunduin?” Tanong nya saka marahas na pinunasan ang mga luha. Hindi nanidinetalye pa ni Phoebe ang lahat ng nangyari bagaman paulit-ulit na nagtanong ang kaibigan.

Nang pumayag si Anne ay muli nyang ibinalik ang sarili sa ginagawang pag-eempake ngunit ganoon nya kabilis napahinto nang dumako ang paningin nya sa litratong naroon.

Dahan-dahan nya iyong kinuha, hinaplos ang magagandang ngiti nilang dalawa ni Evan roon saka paulit-ulit na hiniling na sana panaginip lamang ang nasaksihan. Ngunit kahit anong gawin nya, ramdam nya ang pagkawasak ng kanyang mundo.

Makalipas ang ilang minuto, narinig nya ang pagsara at bukas ng pinto ng condo. Tinakpan nya ang bibig para hindi makagawa ng ingay nang huminto ang yabag sa harap ng kanyang silid.

“Phoebe?” For the first time after a few days, Phoebe heard Evan’s voice again. Pero hindi tulad noon, ngayon ay alam nya kung bakit wala na ang sweetness at tanging lamig na lamang ang nararamdaman nya sa tuwing tinatawag sya ng nobyo.

“Phoebe, can we talk?” Muling saad ng binata.

Ilang ulit na hinayaan ni Phoebe ang puso at isip na magtalo kung pagbubuksan nga ba ang binata sa labas ngunit hindi nya na nagawa pang magdesisyon nang unti-unti ay gumalaw ang seradura ng pinto saka pumasok ang kakarampot na liwanag mula sa labas.

“Papasok na ako.” Anunsyo ni Evan.

Mabilis na tumayo si Phoebe. Pinunasan ang luha saka malamig ang mga matang pinanuod ang pigura ng nobyong maglakad papasok ng kanyang silid.

She balled her hand into fist. She wanted to ask him pero bakit nya pa nga ba gagawin iyon kung maliwanag nang niloko sya ng binata?

Nagbuga sya ng malalim na hininga. “Kanina ka pa ba?” Phoebe chose not to talk about what she saw. Ipinagpapasalamat nya ang kadiliman ng silid nang sa gayon ay hindi makita ni Evan ang mga luha nyang patuloy lamang sa paglandas.

It was stupid to ask about something obvious. He cheated on her. Evan cheated on her. At wala nang iba pang kasinungalingan na maaaring makapagpabago non.

“Phoebe, I’m sorry for ignoring you this past few—”

“Nagugutom ka ba?” She cut him off. Pilit nyang pinigilan ang paggaralgal ng boses. “May pagkain sa kusina. Ikaw na lang ang mag-init. May ginagawa kasi ako.”

She heard him sign. Inaasahan nyang paliwanag ang susunod na lalabas sa bibig nito pero nabigo sya. “Okay,” tugon ni Evan saka muling lumabas ng silid.

Ibinagsak ni Phoebe ang sarili sa kama. Itinungo nya ang mukha sa palad saka doon nagtuloy sa pag-iyak.

That night, Phoebe left Evan’s crib in the middle of the night. Walang paalam. Walang pasabi kung saan sya tutungo. Ang tanging gusto lamang ni Phoebe ngayon ay lumayo sa lalaking naging rason ng saya at kalungkutan na nararamdaman nya ngayon.

She knew it wasn’t a selfish decision. Choosing herself first before putting other people’s happiness.

“Ayos ka lang ba?” Pagbabasag ni Anne sa katahimikan. Narating na nila ang bahay nya pero nanatiling tahimik si Phoebe. “Ano bang nangyari?” Puno ng pag-aalalang dagdag nya.

Again, Phoebe’s world crumble to the ground as the flashback of what had happened came running to her mind. It was crystal clear. At pakiwari nya ay rinig nya pa ang bawat pagdaing ng babaeng iyon habang kinikilala ng bawat paghaplos ni Evan ang parte ng katawan nya.

“Hindi ko alam na ganito pala kasakit magmahal, Anne,” aniya sa pagitan ng mga hikbi. Puno ng awa na inalo ni Anne ang kaibigan. “Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang magmahal, sana hindi ko na lang sya minahal.”

“Kasama ang sakit sa pagmamahal, Phoebe.” Pang-aalo nya saka ikinulong ang kaibigan sa kanyang mga bisig. “Hindi ka tunay na nagmamahal kung hindi ka nasasaktan.”

“Pero dapat ba ganito kasakit? Dapat ba ramdam ko na may sumasaksak sa puso ko para lang mapatunayan na mahal ko sya?”

“Ano bang nangyari?”

“Ilang araw akong hindi pinansin ni Evan matapos magpunta ni Ate doon sa bahay nya.” Panimulang pagkukwento nya. Paulit-ulit nyang pinunasan ang mukha ngunit patuloy pa rin ang kanyang mga luha sa pagpatak.

“Baka naman busy lang sya, Phoebe. Intindihin mo na at artista yon, e.”

Umiling si Phoebe saka lumuluhang sinalubong ang tingin ng kaibigan. “Busy sya,” madiing saad nya, “sa ibang babae.”