CHAPTER 27

Phoebe thought everything is going to be fine when Evan chose not to talk about what happened. Akala nya ay magiging maayos na ang relasyon nilang dalawa but things started to change.

Evan became distant to the point na minsan ay hindi na nagkikita ang dalawa bagaman nakatira sila sa iisang bubong. Kadalasan ay uuwi ito kung kailan tulog na ang dalaga o minsan naman ay hindi na talaga ito umuuwi pa sa condo unit nya. Kung saan sya nagpupunta, wala ring ideya si Phoebe.

“Evan?” Mabilis na napabalikwas ng pagbangon si Phoebe nang maalimpungatan ng tulog sa narinig na pagkaluskos.

Nilinga nya ang buong bahay ngunit tulad kanina ay wala pa rin ang nobyong hinihintay. Ilang beses syang nagbuga ng malalim na hininga bago tuluyang sinubukan na tawagan ang nobyo ngunit tanging tatlong magkakasunod na tulog lamang ang kanyang natanggap mula sa kabilang linya.

“Hello, Louie?” Phoebe choose to call Louie. Nag-aalala na kasi sya na baka napano na ang nobyo. Anong oras na at pinili nyang hintayin si Evan ngunit hindi nya inaasahan na aabutin sya ng madaling araw ng kakahintay sa wala. “Pasensya na kung naistorbo kita ng ganitong oras. Itatanong ko lang sana kung saan ang shooting ni Evan ngayon o kung nandyan ba sya sa bahay mo?”

“Evan?” Louie sounded sleepy kaya mas lalo nilamon ng hiya ng hiya si Phoebe. Naitungo nya ang ulo saka pinaglaruan ang laylayan ng damit na suot. “As far as I remember, wala syang schedule ngayon. Isn’t he home?”

Hinahaplos ang braso na lumapit si Phoebe sa bintana saka hinawi ang kurtina upang tumingin sa baba na tila ba sa pamamagitan non ay matatanaw nya ang kotse ni Evan mula sa kinatatayuan. “Wala pa, e. Kanina ko pa sya hinihintay pero hindi pa sya umuuwi.”

“He canceled his schedules yesterday. Ang akala ko lalabas kayong dalawa. Wala pala sya dyan sa condo?”

“Wala e.” Hindi naitago ng dalaga ang lungkot sa kanyang pananalita. Ramdam nyang may mali at dahil iyon sa nangyaring pagbisita ni Penelope noong nakaraan ngunit hindi nya magawang ipaliwanag ang sarili dahil parating hindi sila nagpapang-abot ni Evan. “Mula kahapon ay hindi pa sya umuuwi rito.” Ilang ulit syang nagbuga ng malalim na hininga.

Ang huling salitang narinig nya kay Evan bago ito umalis kahapon ay magiging busy sya sa shooting kaya naman hindi nya na pinili pa na guluhin ang nobyo. Hindi nya inaasahan na ganito pala ang maririnig nya ngayon kay Louie.

Pabagsak nyang iniupo ang sarili sa sofa saka tumingala upang mapigilan ang mga luhang nagbabadya.

“Did you check his room?” Louie asked after a moment of silence.

She shook her head bagaman hindi ito makikita ng tao mula sa kabilang linya. “Nasa sala kasi ako buong magdamag.”

“Is that so? Baka naman nakatulog ka? Go check his room or the other room baka nandyan lang sya and chose not to wake you up. You know naman how Evan loves watching you sleep.” Louie is trying to make Phoebe feel better. Pero maski ano man sa salita nyang iyon ay hindi maramdaman ni Phoebe na magiging maayos sya ngayon.

This is the first time na nagsinungaling sa kanya si Evan.

“S-sige. Salamat,” tugon ni Phoebe. Akmang ibababa nya na sana ang tawag nang bigla syang matigilan sa naging tanong ng tao mula sa kabilang linya.

“Are you two…. okay?” Naiilang na tanong ni Louie. Mabilis na napatungo si Phoebe. Pakiramdam nya ay biglang umatras ang dila nya sa hindi malamang dahilan.

Okay nga lang ba sila? Sa totoo lang ay wala rin syang ideya. Maayos naman kasi sila nang umalis si Penelope noong nakaraan pero matapos non ay bigla na lamang naging iba ang pakikitungo sa kanya ni Evan.

She took a deep breath and sign.

“Evan stopped talking about you. Parati syang wala sa mood nitong mga nakaraang araw and he’s been getting drunk lately kahit alam nyang may schedule sya.” Pagkukwento ni Louie bagaman hindi pa naririnig ang tugon ng dalaga. His voice sounded worried. Sabagay sino ba naman kasi ang hindi, ‘di ba?

Perpekto na si Evan at mas lalo pa itong naging tutok sa trabaho mula nang gumaling ang nobya but now he is completely being a different person. Canceling his schedules is one thing but Evan getting drunk on a broad day light is another.

“I don’t know if I am at the right position to tell you this but Evan…. I think he’s—”

“Ayos lang kami.” Mabilis na putol ni Phoebe sa sasabihin ni Louie. Pilit nyang pinagtunog masaya ang pananalita. “May hindi lang kami pagkakaintindihan nitong nakaraan pero ayos lang kami,” dagdag nya pa.

Rinig nya ang pagbuga ng malalim na hininga sa kabilang linya. “Okay. I’m here if you need me ha?”

“Thank you, Louie. Pasensya na ulit,” aniya bago ibaba ang tawag.

Saglit na tumitig si Phoebe sa kawalan bago naisip na lumabas at magbakasali na makikita nya ang nobyo sa kung saan. Suot ang kulay itim na jacket, kinuha nya ang wallet at keycard ng condo, at nagdesisyon na sa lobby na lamang hihintayin ang binata.

“Good evening, Ms, Phoebe.” Bati sa kanya ng isang guard na nakasalubong nya.

“Good evening, kuya,” aniya. Akmang lalakad na sana sya patungo sa lobby nang bigla ay maisipan nyang tanungin ito. “Ahm kuya, pwede bang magtanong?”

Ang nakangiting labi ng matanda ang syang nagbigay ng permiso sa kanya para ipagpatuloy ang nais sabihin.

“Si Evan Johnson po kilala nyo po, hindi ba?” Tanong nya. Malapad ang ngiti namang tumango ang matanda. “Uhm. Nakita nyo po ba kung dumating na yung kotse nya?”

“Yung artista yan, hindi ba?” Tanong ng matanda.

Hindi malaman ni Phoebe kung bakit bigla ay naramdaman nya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

“Ah nasa parking lot. Kanina pa sya dumating. Bakit, hija? Idol mo ba? Idol din ng anak ko ang binatang iyon pero hindi ko matyempuhan lagi para makakuha ng – “

“Salamat, manong!” Hindi na nagawa pang patapusin ni Phoebe ang sasabihin ng matanda. Mabilis nyang tinungo ang parking lot ng building. Panay ang panginginig ng kamay at paa nya at sa hindi malamang rason, muling nagbadya ang kanyang mga luha.

Ganoon na lamang sya mabilis na napahinto sa pagtakbo nang makita ang kotse ni Evan na nakaparada sa usual parking space nito. Ilang ulit nyang sinabi sa isip na baka kapareho lamang ito ng sasakyan ng nobyo pero ang lalaking nakatayo roon ang nagpatunay na kotse nga iyon ng lalaking minamahal nya.

Ngunit hindi ang katotohanang napagtanto nya na iniiwasan sya ni Evan ang naging dahilan ng paglandas ng mga luha sa kanyang pisngi kundi ang babaeng hinahagkan nito sa mga labi.