CHAPTER 29

Halos dalawang linggo na ang nakararaan mula nang lisanin ni Phoebe ang condo ni Evan. Nanatili syang iwas sa mga lugar na alam nyang madalas matatagpuan ang binata.

Phoebe threw her Phoebe para hindi na sya makontak pa ng binata bagaman hindi sya sigurado kung may plano pa nga ba ito na kontakin sya. She wanted to move on and heal from the pain Evan gave her at kahit alam nyang mahirap, pinipilit nyang talikuran ang mundong inakala nya ay inilaan sa kanya.

Bakit hindi mo ipaglaban si Evan? Iyon ang tanong na paulit-ulit bumabagabag sa kanya. Pero paano nya ba magagawa iyon kung alam nyang sa una pa lang ay talo na sya?

It was stupid of her to think na talagang seseryosohin ni Evan ang katulad nya. She is a nobody habang ang babaeng iyon ay taliwas sa kanya. Maganda, maputi at higit sa lahat ay mayaman. Ano nga ba ang panlaban nya? Iyong pagmamahal na pinipilit nyang ipinamukha sa nakatatanda nyang kapatid na puro pagkukunwari naman pala?

Phoebe let out a deep sign. Gustuhin man nyang magalit ay hindi nya magawa. Evan choose what’s best for his image and it wasn’t her.

“Phoebe, aalis muna ako. Sasama ka ba?” Rinig nyang tanong ni Anne mula sa kusina.

“A-ano… Maiiwan na lang—”

“Hindi!” Biglang sigaw ni Anne dahilan para nagugulat na lingunin ni Phoebe ang nilabasan nya at ayon nga si Anne, halos magsuntukan na ang mga kilay sa pagkakakunot habang nakatingin sa kanya.

“A-anong problema?” Naiilang na tanong ni Phoebe.

“Tama na ang dalawang linggong pagkukulong mo dito sa bahay! Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo!” Dagdag pa nito saka marahas na hinila si Phoebe patayo sa kanyang kinauupuan.

Sino nga ba ang kaibigan na hahayaan na lamang malunod ang kaibigan nya sa lungkot? Alam nyang mahirap para kay Phoebe pero mas nahihirapan sya na parati na lamang ganito ang eksena nya.

“E, bakit tinanong mo pa kung gusto kung sumama kung ikaw lang din naman pala ang magdedesisyon?!” Inis na tanong ni Phoebe saka binawi ang kamay.

“Akala ko kasi gagana na yang utak mo at sasabihin sa sasama ka!”

“Gumagana naman ang utak ko ah!” Kontra ni Phoebe.

“Ah ganon ba? Akala ko kasi hindi.” Mapaklang ngumiti si Anne saka magkakrus ang mga kamay na pinakatitigan ang kaibigan. Sapat na siguro ang dalawang linggo para sa kaibigan. Ngayon ay kailangan na nyang buksan ang isip nito. “Panay ka pang iyak dyan na akala mo naman may magagawa yan. Niloko ka nya, tapos. Hindi na mababago ng pag-iyak mo ang katotohanan na iyon. Ang isang bagay na lang na magagawa mo para sa sarili mo ay ipakita mo sa kanya kung ano ang sinayang nya!”

Sa isang iglap ay agad nyang pinagsisihan ang mga binitawang salita nang makita ang pamamasa ng mata ng kaibigan. Yumuko si Phoebe saka pinaglaruan ang mga daliri. Ayon nanaman ang parehong pakiramdam na animo’y may paulit-ulit na sumasakal sa kanyang dibdib. Masakit at hindi sya makahinga.

“Hindi ikaw ang nawalan, Phoebe, kundi ang Evan na iyon.” Malumanay na saad ni Anne. Inakay nya paupo ang kaibigan saka hinaplos ang likuran nito na sya namang naging hudyat para maglandas ang mga luha ni Phoebe.

“Anong gagawin ko?” Parang bata na tanong ni Phoebe. She’s lost now at pakiramdam nya ay hindi nya na alam ang daan pabalik sa dating sya dahil ngayon, bawat daan na tahakin nya ay dinadala sya kay Evan.

“Wala. Wala kang dapat gawin kundi mahalin ang sarili mo ngayon,” tugon ni Anne. Naupo sya sa tabi ng kaibigan. Puno ng awa ng pinunasan ang mga luha nito saka paulit-ulit na inalo. “Narito lang ako para iparamdam sayo na hindi ka nag-iisa, Phoebe. Kaibigan mo ako at nandito ako para damayan ka sa kalungkutan mo pero ang desisyon sa kung ano ang gagawin mo para mawala ang sakit na nararamdaman mo ay nasasayo. Ikaw at ikaw lang ang magdedesisyon para sa puso mo. Hindi ako o sino. Ikaw. Ikaw mismo.”

“E, hindi ko pa kaya, Anne. Hindi ko kayang kalimutan si Evan.”

“Hindi ko naman sinabing kalimutan mo si Evan, e. Maniwala ka o hindi, alam ko kung gaano kasakit, Phoebe, alam ko pero may mga tao na sadyang ipinahiram lang sa atin. Panandalian. Para iparamdam kung gaano kasaya at kasakit ang pagmamahal.” Pilit syang ngumiti matapos binatawan ang mga salitang iyon.

“Hindi ko kaya, Anne.” Ayon nanaman ang parehong lintaya nya.

Nagbuga ng malalim na hininga si Anne. “Kaya mo. Kailangan mong kayanin, Phoebe.”

“Anne.”

“Ssh. Magiging maayos rin ang lahat,” aniya at saka ikinulong sa kanyang mga bisig ang kaibigan. Hindi nya maipaliwanag kung gaano kasakit ang nararamdaman nya habang pinanunuod na ikulong ni Phoebe ang sarili sa lungkot na nararamdaman.

Matapos ang halos isang oras na pag-iyak, tuluyan ding napapayag ni Anne ang kaibigan na lumabas ng bahay.

“Ito na lang ang suotin mo,” ani Anne saka iniabot kay Phoebe ang isang dress na halos kakulay ng balat nito.

“Hindi ba parang masyado ‘tong malaswa?” Tanong ni Phoebe na iniladlad pa ang damit sa kanyang harapan. Mukhang hindi yata aabot ang haba non sa kanyang tuhod at masyadong mababa ang neckline. Bukod pa roon ay may dalawang butas nanmukhang desenyon sa magkabilaang baywang.

“Anong malaswa? Bagay yan sayo. Malay mo makahanap ka kaagad ng boyfriend kapag iyan ang isinuot mo.” Tumatawang tugon naman ni Anne. “Alam mo ba nung unang isinuot ko iyon, hinalikan kaagad ako ni—”

“Ano ba? Pati yan kailangan mo pang ikwento?” Nakangiwing pigil ni Phoebe sa kwento ng kaibigan.

“Hoy, hindi ka virgin ha! Wag kang mag-inarte!”

“Magbibihis na ako.” Paalam nya saka nagtungo sa isang silid na naroon.

Alanganin syang lumabas matapos magbihis. Panay ang papuri ni Anne sa kung gaano bumabagay ang damit sa perpekto nyang katawan habang sya naman ay panay ang paghila nito pababa. Pakiramdam nya kasi ay makikita ang likurang bahagi nya kapag hinayaan nya lamang iyon.

Sa unang pagkakataon, tila ba naramdaman ni Phoebe na bago sa paningin nya ang lahat. Maski ang mukha ng iilang mga tao matagal naman nyang kilala ay tila ba kinikilala isa-isa ng kanyang memorya.

“Saan ba tayo pupunta?” Tanong nya sa kaibigan na panay pa rin ang paghatak sa kanya.

“Anne.” Pagtawag ni Phoebe. Binawi nito ang kamay at hindi sya nabigo dahil bigla ay huminto si Anne saka sya nilingon.

“Sa mall. Magshoshopping tayo at grocery.”

“Saan galing ang pera mo?” Kunot noong tanong nya. Hindi naman kasi talaga ganoon kalaki ang kinikita ni Anne sa pagsa-sideline sa mga trabaho.

“Sa trabaho?” Nakangiwing tugon ni Anne “Anong akala mo sa akin ha? Magnanakaw?” Sarkastiko pang dagdag nya.

Gusto nyang batukan ang kaibigan.

“Hindi naman pero bakit parang ang dami mong—” pakiramdam ni Phoebe ay tumigil ang mundo nya nang makita ang lalaking naglalakad patungo sa kanilang gawi.

Lahat ng ginawa nyang pag-iwas ay tila ba nasayang lamang sa ilang minutong pananatili sa lugar na ito.