CHAPTER 5: I’LL HELP YOU REMEMBER
Hindi matanggap ni Dred ang pangyayari. Agad din siyang umalis sa pagpupulong. Hindi na siya nakihalo pa sa ibang grupo. Wala siyang gana. Walang ibang laman ang kanyang isip kundi si Mariya. Pagdating niya sa mansyon nila ay uminom siya nang uminom ng alak. Ang babaeng iniingatan niya, ang babaeng gusto niyang makasama ay nawala na lang sa isang iglap. Wala siyang magawa dahil iyon ang desisyon ng kanyang ama na si Franz. Nagkaroon siya ng galit at sama ng loob sa kanyang sariling ama.
"What is Mariya doing? Mali, anong ginagawa ni Wigo kay Mariya?" sigaw ng isip ni Dred.
"Hindi! Hindi pwede!" totoong sigaw na ang lumabas sa bibig ni Dred, nang pumasok sa isip niya na sigurado siya at one hundred percent na makukuha ni Wigo ang pagkababae ni Mariya. O kaya naman ay paglalaruan ni Wigo si Mariya.
“But, no matter what I think, baka magkakilala na sila. Hindi kaya magkarelasyon silang dalawa bago ko nakilala si Mariya?" bulong ng isip ni Dred. Umiling ang kanyang ulo. Napasapo pa siya sa noo.
"No! If they know each other, why did Wigo show up just now? Edi sana, pagmamay-ari na ng mga Montesidros ang Hacienda Demanuel noon pa, pero hindi!" Lalong naging malikot ang isip ni Dred.
“At hindi pwedeng walang dahilan si Wigo. He wouldn't trade a big project for just one woman. It just means that Mariya is really important to him."
Bigla niyang hinagis ang basong puno ng alak. Matinding apoy ang nagliyab sa kaibuturan niya. Kung anu-ano ang iniisip niya. Sinabunutan pa niya ang medyo kulot niyang buhok. Sumigaw siya nang malakas. Tila iyon ang sigaw ng isang galit na leon.
"What's wrong with you, son?" Kakapasok lang ni Franz sa bar area ng mansion nila. Kalmado lang ang itsura niya habang kasing pula ng kamatis ang balat ng anak dahil sa galit.
“Kasalanan mo ang lahat ng ito, dad! Alam mong akin si Mariya, pero anong ginawa mo?"
"I don't know if you use your brain. My dear child, you can take Mariya back from the Montesidro's. Just wait for the right opportunity, I will help you. Ang mahalaga sa atin ngayon ay nakuha mo ang malaking proyekto at palakasin mo pa ang kapangyarihan natin," paliwanag ni Franz at nagsalin din siya ng alak sa baso.
"But Dad—"
"Wala nang pero-pero! Ano ba ang inaalala mo? Mariya's femininity? If she is really important to you and if you really love her, you will accept her completely no matter what Wigo did to her!" Ininom ni Franz ang alak na ibinuhos niya sa baso. Natahimik si Dred. Hindi niya talaga matanggap na hindi siya ang unang lalaking makakakuha ng pagkababae ni Mariya.
"Just calm down, son. Plan how you recover Mariya and bring the Demanuel's back under your control. Remember, the Montesidro's will take your place from the Demanuel's,
" dagdag pa ni Franz. Ngunit hindi ito narinig ni Dred kahit malapit lang sila sa isa't isa dahil sa kanyang galit.
"Mga hayop kayong Montesidro's! I will not wait for the world or fate to turn, ako mismo ang magpapabagsak sa inyo. And for you Wigo, I will take you to your grave!” Naikuyom ni Dred ang sariling kamao.
Samantala, nagpupumiglas si Mariya habang hinihila siya ni Wigo sa isang malawak na bakuran. Ang teritoryo ng Montesidro's. Sinundan sila ni Knox at Eury habang nagbubulungan ang mga ito.
"Is she the girl we're looking for that Wigo slept with at the hotel?" bulong ni Eury.
"Yan ba ang nasa isip mo hanggang ngayon? Naturally, that's her! Will Wigo drag her, if not her the woman he is looking? Gamitin mo ang utak mo!" Sabay tapik ni Knox sa noo ni Eury. Para silang mga bubuyog kung bumubulong. Napatingin si Wigo sa kanila. Nag-aapoy ang mga mata niya. Nakuha ng kanyang mga pinsan ang ibig sabihin nito.
"Okay, tatahimik na lang kami, 'di ba! But, how will you face grandfather and our fathers because of what you did?" patuloy na sabi ni Knox, ngunit hindi kumikibo si Wigo.
Nakatitig lang ang nakakatakot niyang mga mata sa kanyang mga pinsan. Pilit naman inaalis ni Mariya ang kamao ni Wigo na sumasakal sa kanyang kamay. Pero, hindi niya ito maalis na para itong kamay na bakal.
"Oo na! We will leave you. Let's go, Eury! Let's just enjoy tonight!" Sabay na tumalikod sina Eury at Knox.
Nagmamadaling kumilos ang mga paa nila para makalayo kay Wigo. Alam nilang iba kung magalit ang kanilang pinsan. Nang tuluyang umalis sina Eury at Knox, tumingin muli siya kay Mariya. Nagulat ang dalaga. Hinila siya nito pabalik sa loob ng mansyon.
Gayunpaman, ipinagpatuloy ni Mariya ang kanyang ginagawa, para makawala sa hawak ni Wigo. Hindi na nakatiis si Wigo at bigla niyang isinandal si Mariya sa dingding nga hallway na dinadaanan nila sa malawak na mansyon. Nagkatitigan ang kanilang mga mata. Natigilan silang pareho.
"Bitawan mo ako!" Mariin na sabi ni Mariya habang nag-aaway ang kanilang mga mata. Ikinulong ni Wigo si Mariya sa kanyang katawan. Itinaas niya ang mga kamay ni Mariya sa dingding at inilapit niya ang kanyang mukha kay Mariya. Napaiwas ng tingin si Mariya.
“I don't know if you are pretending to be innocent. Or are you pretending not to remember?” wika ni Wigo. Isang sukat ng daliri ang pumapagitan sa kanilang mga mukha.
"What are you saying? I do not know you!" Gumuhit ang pagkalito sa mukha ni Mariya. Lumapit ang labi ni Wigo sa tenga niya at bahagya niya itong kinagat. Biglang nanigas ang lahat ng kalamnan ni Mariya, nang maramdaman niyang naging basa ang kanyang tenga. Napalunok siya sa mainit na hininga ni Wigo.
"Come, I'll help you remember what happened to us that night!" Hinawakan muli ni Wigo ang kamay ni Mariya at kinaladkad papunta sa kwarto nito.