CHAPTER 4: SHE’S MINE!

Patay at sindi ang mga ilaw habang tumutugtog ng malakas ang musika. Maririnig ang malakas na tawanan. May mga nag-uusap. May mga babaeng sumasayaw sa stage. Mga lalaking umiinom. Iyan ang makikita sa secret underground bar club ng mga sindikato. Nagtipon na rin doon ang iba't ibang organisasyon ng sindikato kabilang ang mga Montesidro's.

Tahimik na nakaupo si Wigo habang umiinom ng alak sa harap ng iba't ibang pinuno ng mga grupo ng sindikato habang hinihintay pa rin nila ang iba. Habang ang kanyang mga pinsan na sina Eury at Knox ay nagpakasaya sa pakikisalamuha sa iba't ibang babae.

Nagkaroon ng pagpupulong ang iba't ibang grupo upang paglabanan kung sino ang kukuha ng malaking proyekto at kung paano nila hahatiin ang iba pang ilegal na aktibidad. Kalmado lang si Wigo dahil alam niyang mananalo na naman siya sa bidding.

Gayunpaman, nang dumating si Dred Crux, kasama niya si Mariya. Naningkit ang mga mata ni Wigo nang makita ang mukha ni Mariya. Hindi siya maaaring magkamali, siya ang babaeng nakasiping niya. Dahan-dahang ibinaba ni Wigo ang basong hawak niya sa mesa. Walang ibang tinitigan ang kanyang mga mata kundi si Mariya. Napansin niyang hindi komportable si Mariya sa suot nitong damit na halos makikita na ang buong katawan.

Sapagkat tinatakpan ni Mariya ang kanyang medyo malulusog na dibdib sa pamamagitan ng paghimas niya sa kanyang magkabilang braso. May pagkakataon din na hinihila niya ang kanyang maikling bestida. Hindi rin siya komportable sa lugar dahil maingay.

“Why is she with this man? Parang may mali sa kilos niya," bulong ng isip ni Wigo at ininom ang natitirang whisky sa baso niya. Hindi rin niya inalis ang tingin kay Mariya. Hanggang sa pinaupo ni Dred si Mariya sa tapat pa mismo ni Wigo. Tumabi si Dred kay Mariya. Doon din kasi ang kanilang puwesto dahil naghihintay na ang ama ni Dred na si Franz.

Nakatitig pa rin si Wigo kay Mariya. Bumalik na rin sina Eury at Knox sa kanilang mga upuan at napansin nilang nakatitig lang si Wigo kay Mariya. Sinipa ni Knox ang binti ni Wigo dahil napansin na ni Dred ang malagkit na titig ng kanilang pinsan kay Mariya. Nag-iisip si Wigo ng paraan para makuha si Mariya mula sa mga Crux. Nag-aalab ang kanyang damdamin sa galit dahil tinatakan na niya sa kanyang sarili na kanya lang si Mariya. Na siya lang ang nagmamay-ari kay Mariya.

Hindi naman mapakali si Mariya dahil napansin niyang nakatingin sa kanya si Wigo. Damang-dama niya ang titig ni Wigo na tumatagos hanggang sa kanyang kaluluwa, lalo na nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi na maalala ni Mariya si Wigo dahil sa epekto ng gamot na ininom niya. Basta na lang siyang umalis nang magising siya mula sa tabi ni Wigo habang nahihilo pa.

"What's wrong with you? May problema ba Mr. Montesidro? Kanina ka pa nakatitig sa babae ko," ani Dred.

"Ayan na! Looks like there's going to be a tough fight,” bulong ni Eury kay Knox.

“Shit!” Palihim na siniko ni Knox si Wigo, ngunit hindi siya nito pinansin.

"Are you interested in her?" dagdag ni Dred. Isang malademonyong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Wigo dahil nakaisip siya ng paraan para madala si Mariya sa kanyang buhay.

“It's getting late, hindi pa ba natin sisimulan ito?" tanging sagot ni Wigo. Huminga nang malalim sina Eury at Knox, dahil akala nila ay papatayin ni Wigo si Dred. Pero ang totoo, may plano na si Wigo na makuha si Mariya nang hindi gumagamit ng dahas.

Nagsimula na ang kanilang pagpupulong. Nagkaroon sila ng argumento gamit lamang ang kanilang mga salita. Lahat sila ay lumaban ang kani-kanilang kapangyarihan upang makita kung sino ang makakakuha ng proyekto na kikita ng bilyon. Sa tingin ni Wigo, siya pa rin ang panalo. Mula nang maging pinuno siya ng mga Montesidro's, wala pang nakakatalo sa kanya dahil sa mataba niyang utak. Lalo na, maraming pera at ari-arian ang mga Montesidros. Nang tumayo si Wigo para umalis ay pinigilan siya ni Dred.

"You're always the winner, won't you give up on this opportunity?" Tumayo din si Dred at hinarap si Wigo. Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Wigo. Alam niyang matatalo ang mga Crux dahil lagi silang natatalo sa bidding. Lagi silang pangalawa. Mataas ang hangarin ng Crux na mamuno sa lahat ng sindikato. Pero hindi nila magawa iyon dahil kay Wigo. Sa kanilang mga mata, si Wigo ay isang malaking hadlang.

"I can give the project to you, but there must be something in return. Alam mo naman ang trabaho nating mga sindikato, 'di ba? Kapag humiling ka, dapat may ipagpalit ka rin. Now, if I give you the project, what can you give me? agad na sagot ni Wigo. Nagkatinginan si Knox at Eury. Nag-uusap ang mga mata nila at bakas sa mukha nila ang pagkalito.

“Iyon lang ba ang gusto mo? Sige, sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo at ibibigay ko sa iyo?” Buong tapang na hinarap siya ni Dred. Ang ama pa naman ni Dred ay sabik na makuha ang proyekto. Kaya mas lalong ipinagpatuloy ni Dred ang laban.

"Are you sure?" Umayos ng tayo si Wigo.

"Yes!"

“Her!” Sabay turo ni Wigo sa kinauupuan ni Mariya. Nanlaki ang mga mata ni Mariya nang marinig ang hiling ni Wigo. Tiningnan niya si Wigo.

"What?" sigaw si Dred sabay palo ng kanyang mga kamay sa mesa.

"Anong ginagawa mo?" bulong ni Knox kay Wigo.

"Why did you suddenly decide to take that woman, what—" napatigil si Eury sa pagsasalita at tinakpan ang sariling bibig. Naalala niyang may hinahanap si Wigo na babae.

"Siya ba?" mahinang bulong ni Eury kay Wigo. Pero, hindi sila pinapansin ni Wigo dahil iniiwasan niya ang maaaring maging isyu. Ang gusto lang niya ngayon ay makuha muna si Mariya bilang kapalit ng proyekto.

"You asked me what I wanted in return, siya ang gusto ko. 'Yang babaeng kasama mo," sagot ni Wigo. Naikuyom ni Dred ang kanyang mga kamao dahil hindi siya makapagdesisyon. Ayaw niyang ibigay si Mariya dahil mahal na mahal niya ang dalaga. Tatanggi na sana si Dred ngunit nakialam si Franz.

"She's all yours!" biglang bulyaw ni Franz. Nilingon siya ng kanyang anak. 

"Dad--" hindi na natuloy ni Dred ang kanyang sasabihin nang makita niyang nag-apoy ang mga mata ng kanyang ama nang tumingin ito sa kanya.

Tulala si Mariya. Para siyang manyika na pinaglalaruan at pinag-aagawan. Hindi rin niya maisip kung ano ang magiging kalagayan niya kapag napunta siya sa mga kamay ni Wigo. Isa pang organisasyon ng sindikato. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng kapalpakan o kamalasan sa buhay. Pumasok na tuloy sa kanyang isip ang pagpapakamatay.

"Okay! From now on, any of you no longer have the right to disturb her. Sa inyo na ang proyekto!" wika ng bibig ni Wigo habang naglalakad ang mga paa niya palapit kay Mariya. Nang narating na niya ang kinaroroonan ni Mariya ay agad niyang hinawakan ang braso nito at pinatayo ito mula sa pagkakaupo. Tinitigan ni Mariya si Wigo.

"She's mine, from her head to her toes. Even her life is only mine.  Huwag na huwag kayong magkakamali na sirain ang naging negosasyon natin,” paalala ni Wigo kay Franz, ang ama ni Dred.

"Madali akong kausap. Babae lang 'yan. Hindi ko nga alam kung bakit inaalagaan pa 'yan ng anak ko," paliwanag ni Franz. Hindi alam ng matanda na nadudurog ang puso ni Dred. Si Mariya lang ang babaeng nagustuhan ni Dred. Ang babaeng pinakamamahal ni Dred. Ang tanging mahalagang tao sa buhay ni Dred.

"Alright! The deal is closed. We are leaving, and have a very goodnight!” paalam ni Wigo habang hila-hila si Mariya palayo sa lugar. Agad namang sumunod sina Eury at Knox, kahit na naguguluhan pa rin sila sa sitwasyon.

Nagtaka si Dred kung bakit interesado ang isang Montesidro kay Mariya? Hindi puwedeng walang dahilan para kunin na lang ni Wigo si Mariya sa kanya. Iniisip niya kung ano ang maaaring dahilan. At bigla niyang naalala ang pagkikita nila ni Wigo sa hotel. Hindi lang niya pinansin si Wigo nang mga oras na iyon dahil hinahanap niya si Mariya sa loob ng hotel. Naikuyom ni Dred ang sariling kamao sa galit na nararamdaman. Pumasok sa isip niya na maaaring magkakilala na sina Wigo at Mariya o may namamagitan sa kanilang relasyon.

"Hayop ka Mariya, niloko mo ako!" bulong ng isip ni Dred.

Samantala, si Mariya. Hindi niya kilala ang mga Montesidro's na inakala ni Dred. Hindi rin niya alam kung bakit kusang sumunod ang paa niya kay Wigo gayong alam niyang bagong tao na naman ang hahawak sa kanya at sa pamilya nito. Iniisip na niya kung ano ang maaaring mangyari sa kanya kung magiging maayos pa ba ang sitwasyon niya o magiging mala-impiyerno lang.