CHAPTER 6: DO YOU REMEMBER ME?
Binalot ng katahimikan ang kwarto ni Wigo habang nakahiga silang dalawa sa kama. Si Wigo ay nasa ibabaw ng katawan ni Mariya habang nakahawak ito sa mga palad nito. Hindi kumukurap ang mga mata ni Wigo habang nakatitig sa mga mata ni Mariya.
"Ano ang kailangan mo sa akin?" sabi ni Mariya at sinubukan niyang itulak ang kamay ni Wigo. Hindi maintindihan ni Mariya kung bakit may isang lalaki na tila kilalang-kilala siya at komportableng kaladkarin siya.
"You!"
"Huh? W—What Wh—“
Nang biglang halikan ni Wigo ang labi ni Mariya. Nanlaki ang mga mata ni Mariya at aksidenteng natamaan ng kanyang tuhod ang maselang bahagi ng katawan ni Wigo dahil sa gulat. Napatayo si Wigo sa sakit.
Hindi alam ni Mariya ang gagawin. Kaya ginamit na lang niya ang pagkakataong iyon para tumakbo para makatakas. Gayunpaman, nahila pa rin ni Wigo ang mahabang buhok ni Mariya. Muli niyang isinandal si Mariya sa dingding habang ang kanang pisngi nito ay nakadikit sa dingding. Inilapit ni Wigo ang katawan sa likod ni Mariya para mahirapan itong gumalaw.
“Bitawan mo ako!” sigaw ni Mariya. Hindi siya pinakinggan ni Wigo. Mas lalo lang hinila ni Wigo ang buhok ni Mariya. Inamoy niya ang leeg hanggang batok ni Mariya.
"Pakawalan mo ako!" muling sigaw ni Mariya at tumulo ang mga luha sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay gagahasain siya ni Wigo. Lalo na nang hawakan ni Wigo ang zipper sa likod ng damit niya at dahan-dahang ibinaba.
"Huwag!" Ginamit ni Mariya ang lahat ng kanyang lakas para makawala. Nang biglang iniharap ni Wigo si Mariya sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Sasampalin na sana siya ni Mariya sa mukha, pero agad niyang naharang ang mga kamay ni Mariya.
"Bakit ang lakas ng loob mo ngayon? Bakit mo ako pinagtatabuyan? Samantalang isang gabi sa hotel, para kang linta na ayaw lumayo sa katawan ko. Kulang na lang ubusin mo ang lahat ng likido at dugo sa aking katawan,” bulong ni Wigo kay Mariya.
Napalunok si Mariya at biglang naalala ang gabing ibinigay niya ang sarili sa isang estranghero na lalaki. Ang naalala lang niya ay ang pagpasok niya sa isang hotel room at niyakap ang isang lalaki na hindi niya kilala. Pagkatapos noon ay wala na siyang maalala dahil tumalab na ang bawal na gamot na pinainom ni Dred.
"Y—You," nasambit ng bibig ni Mariya.
“Now, you remember me! Panagutan mo ang ginawa mo sa akin!” Maingat na hinaplos ni Wigo ang pisngi ni Mariya at ngumiti siya ng nakakaakit.
"I'll explain and—" Isang matamis na halik ang sumalubong sa labi ni Mariya. Hindi na siya hinayaang magsalita ni Wigo. Hindi alam ni Mariya kung bakit nakapikit na lang ang kanyang mga mata. Bakit niya biglang tinanggap ang halik ni Wigo? Naramdaman ni Wigo na hindi lumaban si Mariya. Lumayo ang kanyang mga labi. Lumaki at nagliwanag ang mga mata ni Mariya.
"Starting tonight, no one owns you but me. Wala kang ibang batas na dapat sundin kundi ang mga batas ko lang. Akin ka lang, Mariya. And don't ever try to run away because no matter where you go, even in hell, I will follow you," sabi ni Wigo at kumabog ang dibdib ni Mariya. Iba ang kanyang nararamdaman kumpara sa galit ni Dred. Hindi siya nakaramdam ng takot kahit na parang demonyo ang pakikitungo ni Dred sa kanya.
"Why am I afraid of him? Just by the look in his eyes, ayoko nang lumaban. Sino ba ang lalaking ito?" bulong ng isip ni Mariya. Nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ni Wigo. Hinawakan niya ang kamay ni Mariya at dinala sa gilid ng kama. Pinaupo niya si Mariya.
“Stay here!” utos ni Wigo at lumapit siya sa pinto. Binuksan niya ito at tumambad ang kanyang ama. Dire-diretsong pumasok sa kwarto ang ama ni Wigo. Huminga nang malalim si Wigo at sinara agad ang pinto. Napatayo si Mariya sa kanyang kinauupuan nang makita ang isang matandang lalaki. Pinagmamasdan siya nito.
"Siya ba ang pinalit mo sa big project dapat natin?"
"Magpapaliwanag ako at—" Itinaas lang ng ama ni Wigo ang kanang kamay at hindi na nagsalita si Wigo. Napayuko na lamang si Mariya dahil sa titig ng matanda sa kanya.
"Alam mo ba ang ginawa mo, Wigo? Kahit ibigay mo ang malaking proyekto sa mga Crux, babawiin pa rin nila ang babaeng ito dahil may malaking lupain sila," paliwanag ng ama ni Wigo. Napatingin si Mariya sa matanda dahil nagtataka siya kung bakit alam nito ang kanyang pagkatao.
"I am not against, or we are not against what you did. Lalo na't matulungin sa iba ang napili mong babae. Iha, even if you look down on us because we are syndicates, we do things differently. Don't be afraid of us," dagdag ng ama ni Wigo.
“Dad, we have to—“
"Here in San Montesidro, just like in your hacienda, we are also respected by the people. Pasensya ka na kung pinaimbestigahan kita kaagad. Kayo po ang may-ari ng Hacienda Demanuel, kung saan nanggagaling ang aming mga iniinom na masasarap na alak," paliwanag ng ama ni Wigo. Natulala si Mariya dahil mabilis na nalaman ng mga Montesidro's ang kanyang pagkatao.
"Dad—" hindi na naituloy ni Wigo ang sasabihin nang muling magsalita ang ama.
“Gusto kong pumunta sa inyo bukas para makilala ang iyong pamilya. At para makita din ang iyong hacienda at komunidad na sapilitang kinuha sa iyo ng mga Crux."
Hindi makapagsalita si Mariya, kumukurap lang ang kanyang mga mata. Lumipat ang tingin niya kay Wigo. Nilagay ni Wigo ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. Hindi alam ni Mariya bakit parang gusto niyang humihingi ng tulong kay Wigo. Hindi kumibo si Wigo dahil gusto rin niyang pumunta sa lugar ni Mariya.
“Like I said, don't be afraid of us. We will not hurt you like the Cruxes. We will even help you with the people you help," paliwanag ng ama ni Wigo. Nangingilid ang luha sa mga mata ni Mariya. Tumango na lang siya, kahit hindi siya sigurado kung tutulungan ba talaga siya ng mga Montesidro's o niloloko lang siya.
Samantala, sa Hacienda Demanuel. Hindi makatulog sina Ziarmine at Pamela— mga kapatid ni Mariya. Labis silang nag-aalala sa kanilang kapatid dahil alam nilang kasama niya si Dred. Ang hindi nila alam, pagdating ng bukas ay darating si Mariya kasama ang mga Montesidro's.