Chapter 41: Carlo Doesn’t Want To Fall In Love With Magnolia
Mahigit isang linggong nanatili sa Palawan si Magnolia bago nagpasyang bumalik na sa Maynila. Hinayaan na muna niya roon ang kapatid. Alam na ng mga magulang niya kung nasaan sila at alam niyang masama ang loob ng mga ito sa kanila. Kahit anong sabi ng kapatid niya na huwag muna silang umuwi ay hindi siya napigilan nito. Lalo lang mag-aalala at magtatampo ang mga matatanda.
Paglabas niya ng airport ay naroon na ang kotseng maghahatid sa kanya sa hacienda. Nagtaka siyang hindi sa bahay nila sa Forbes Park siya pinapunta pero hindi na siya kumikibo. As usual ay nakatulog na naman siya sa mahabang biyahe. Gabi na nang makarating siya sa hacienda saktong kasisimula pa lamang ng hapunan. Hindi siya kinikibo ng mga ito. Iniiwas pa ng lola niya ang kamay nito nang subukan niyang magmano. Dumulog na siya sa mesa dahil baka lalo lang siyang mapagalitan kapag hindi siya sumunod. Tahimik lang ang buong hapunan. Nang matapos ay nagsabi ang lolo niya na sa library sila mag-uusap.
Dama niya ang tensiyon sa paligid nang makaupo na silang lahat. “Explain,” seryosong sabi ng daddy niya.
“Daddy, Mommy, Lolo, and Lola, I’m sorry po if I lied. Wala pong excuse doon. Ginawa ko po iyon para protektahan si Rose.”
“Protektahan? Kanino, sa amin?” Masamang-masama ang loob ng lola niya bagaman ay hindi ito nagtataas ng boses.
“Alam ko pong mali ang ginawa ko. Pero pareho po kaming naguguluhan. She was crying when she came to my unit. She said she did not want to marry Carlo. She was so afraid to go home because she thought you might get disappointed. I told her to talk to you but she did not want to. Instead, she asked me to hide her and go to Palawan with her.”
“Still, you did not tell us, hija,” malumanay na sabi ng daddy niya na umiiling pa. “Did you really think that we would not understand?”
“Hindi naman po sa ganoon.”
“Nakakahiya sa pamilya nina Carlo. Sana kinausap niyo muna kami. Sana nagtiwala kayo sa amin. Magnolia, ikaw ang nakakatanda at mas rational kahit na ikaw ang artist. I expected more from you, but you disappointed us. Your sister did not change a bit.”
“Daddy, I’m really sorry,” sabi niya at napahagulgol sa mga palad.
“How is your sister?”
“O-okay n-naman po siya. Ayaw ko muna po sanang sabihin dahil gusto ko sana siya ang magsabi sa inyo pero mas magandang malaman niyo po.”
“Ano ang dapat naming malaman?”
“Rose is pregnant.”
Dumilim ang anyo ng Daddy niya. Natakot siya dito dahil iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang ganoon ito kagalit. “I need to talk to that bastard!” Inilabas nito ang cellphone at tinawagan ang kapatid niya na sinagot naman nito. “Get here as soon as possible. I need to talk to you and that man. Huwag mo ubusin ang pasensiya ko Rose,” iyon lang at tinapos na nito ang tawag. “Matulog ka na, Magnolia. We will talk tomorrow,” sabi nitong para siyang handang paluin ng sinturon. Kahit kailan ay hindi siya naparusahan nito pero kung kailan matanda na siya ay saka pa siya naging pasaway,
“Sige po. Goodnight po. Sorry po ulit,” sabi niya at nagmamadaling lumabas ng library.
KINABUKASAN ay naroon na ang kapatid niya at ang nobyo nito. Mabuti na lang at may private chopper ito at malawak ang lugar na pwedeng paglapagan niyon. Hindi pa rin kumikibo ang mga matatanda habang kumakain sila ng tanghalian. Pinapunta lamang sila nito sa living room. Bahagya nang kalmado ang mga ito na ipinagpasalamat niya. Ayaw niyang magdulot iyon ng pressure sa kanyang kapatid dahil baka makasama iyon dito at baby nito.
Parang nasa thesis defense si Danny habang sinasagot ang tanong ng daddy at lolo nila ni Rose. Maging siya ay kinakabahan dahil parehong kalmado ang mga ito sa lahat ng pagkakataon. Pero ngayon ay walang bakas ng pagiging kalmado ang mga ito. Parang isang pagkakamali lang ni Danny ay ipapalapa ito ng mga iyon sa mga leon.
Maya-maya ay naging magaan na ang ambiance. Umiiyak na humingi ng tawad si Rose bagaman ay inabot din ito ng sermon sa mga magulang. Halatang mas nagtitimpi lang ang mga ito dahil buntis ang kanyang kapatid. Nagdesisyon ang mga itong civil wedding na muna ang gagawin bilang respeto sa pamilya ni Carlo. Kapag nakapanganak na lang si Rose saka gagawin ang garden wedding.
Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap nang dumating si Carlo. Gulat na gulat siya dahil hindi naman nila inaasahan na pupunta ito roon. “Good afternoon po,” anito at nagmano sa mga nakakatanda. “I was told that Magnolia and Rose are back,” seryosong sabi nito bago siya tinitigan. Hindi niya ito matagalan kaya siya na ang nagbawi ng tingin.
“I’m really sorry, Carlo, for everything,” umiiyak na sabi ni Rose.
“I understand.” He gave her sister a brotherly pat. Nagtaka siya kung bakit masyadong magaan ang pagtanggap nito sa sitwasyon. There was something fishy.
“Carlo, we will get married next week. I hope you don’t mind,” sabi ni Danny.
“I don’t mind. Pero bakit civil lang? Don’t worry about me basta invited ako, pupunta ako.” Nakangiting sabi nito bago siya muling tiningnan at pasimpleng inismiran.
Biglang nawala ang pagkailang niya rito na napalitan ng pagkainis. Napakayabang talaga ng lalaking ito. Akala mo naman kung sino! Hambog ka talaga, Carlo! “Oo nga naman, Church wedding na kung nag-volunteer na si Carlo,” aniya sa nang-iinis na tono.
“Magnolia,” saway ng daddy niya na nahalata ang animosity sa pagitan nila ng lalaki.
“Babalik po muna ako sa kuwarto.” Tumayo na siya at inismiran din ang lalaki bago pumunta ng kuwarto.
KINABUKASAN ay pormal nang engaged sina Rose at Danny. Pagdating ng gabi ay magdaraos ng engagement party sa hacienda. Paglabas niya ay naroon na ang mga tauhan. Naglibot siya at nakita niya si Carlo na hubad barong tumutulong sa pagkatay ng baka at baboy. Kasama nito ang katiwala ng cabin niya.
She felt parched just by looking at his delectable body that glistened with sweat. Mukha pa rin itong mabango at masarap yakapin. Nang umalis saglit ang kasama nito ay lumapit pa siya nang kaunti. She could not stop fancying his wide chest and washboard abs. She looked at his arms that could crush her in an instant. Suddenly, she remembered all the hot moments they had in her cabin.
“Maaga pa para pagpantasyahan mo ang katawan ko. Go back to your room. You need more sleep.” Nalaglag ang mga panga niya nang mag-angat siya ng tingin at makita ang masungit na hitsura ni Carlo.
“Kapal mo! Bakit naman kita pagnanasahan? Katakam-takam ka ba?”
“I don’t know. Hindi naman ako iyung nakatitig sa katawan ko na parang maglalaway na.” Dumiretso ito ng tayo at lalo pang ipinagyabang ang katawan. “You still don’t want to marry me, don’t you?”
“Of course! Bakit naman kita pakakasalan? I don’t like you! I don’t want to get married with a sex-starved babboon like you!”
“Really huh?” Nang dumating ang kasama nito ay naghugas ito ng kamay at mga braso bago lumapit sa kanya at hinila siya. Ilang beses siyang kumawala habang hawak nito pero tila bakal ang mga kamay nito at iginiya siya sa bahaging walang nakakakita sa kanila. “Say it again.”
“Ang alin?” Maaskad ang naging pakikitungo niya dahil kailangan niyang protektahan ang pusong para na namang nag-acrobatics dahil dito.
“Tell me you don’t want me.”
“I don’t want you!”
“Liar,” anito at inilapit pa ang mukha sa kanya. Nang isang pulgada na lang ang mukha nito sa kanya ay hindi na ito gumalaw pa. Nafrustrate siya kaya siya na kumabig sa mukha nito at siniil ito ng halik. “Touch me.” She was too willing to oblige. Her hands feasted on his well-sculpted body. Pero bago pa siya mag-enjoy ay kumawala ito sa kanya at mahinang tumawa. “Your body can’t lie, baby.” Mayabang pa itong namaywang at pinasadahan ng daliri ang katawan nito. “Remember this, Magnolia. You can’t have me again.” Nawala na ang mapang-asar na ngisi nito at napalitan ng walang ekspresyon na mukha.
“Eh ‘di huwag!”
“Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi mo sinabi sa akin! Something happened to us but you did not want to marry me because of your sister. Pagkatapos itatakas mo pa siya.”
“She loved Danny! You loved her! What did you expect me to do?”
“Still, you could have told us. Hindi iyung mukha akong tanga na walang maisagot sa mga magulang mo at sa mga magulang ko.”
“I’m sorry.”
“Too late for that,” naiiling na sabi nito at tinalikuran na siya pero muling humarap sa kanya. “Remember, you can never have me,” nakaismid na sabi nito.
“Eh ‘di huwag! As if I would ask for it.” Tumaas lang ang isang sulok ng mga labi nito na parang sinasabing hindi ito naniniwala sa kanya.
Naiinis na kinuha niya ang nahulog na santol at ibinato rito. Tawa siya nang tawa habang tumatakbo dahil saktong muling tumingin ito sa kanya at tinamaan. Naririnig niya pa ang naiinis na tawag nito sa kanya pero hindi na siya tumingin dito. Mahirap na at baka lalo pa siyang mabisto nito. Mayabang pa naman ito umasta sa kanya. Mas lalo pa itong nagyabang nang siya mismo ang humalik dito.
Hanggang sumapit ang engagement party ay wala siya sa mood. Tuwing mapapatingin siya kay Carlo ay hindi niya maiwasang mamangha rito. Lalo itong nagmukhang makisig sa suot nito. Lagi siya nitong nahuhuling nakatitig dito. Ngingisihan lamang siya nito bago ismiran. Ganoon din ang ginagawa niya para pagtakpan ang pagkapahiya rito.
Nang malapit nang matapos ang party ay hindi na niya nakita ito. Hinanap niya ang kapatid pero wala ito sa tabi ni Danny. May kakausapin daw ito at sinabing nasa likod-bahay. Pumunta siya roon at napahinto nang marinig na nag-uusap ang mga ito. Napangiti siya nang marinig na pinag-uusapan ang kabataan nila. Nadawit pa ang pangalan niya na sabi ng kapatid niya ay pinagseselosan daw siya.
“Carlo, why don’t you marry my sister instead? Alam mo bagay kayo.”
“Naisip ko rin iyan eh.”
“Talaga? Eh ‘di yayain mo na?”
Parang pumalakpak ang mga tenga niya dahil tinatanong na ng kapatid niya kung magugustuhan ba siya nito bilang asawa. Pero para siyang bumulusok pababa nang muling magsalita ito. “I realized I could not marry her. It would not work. She doesn’t love me. Pasensya ka na Rose ha kung nakulong kita sa relasyon natin.”
“Sus, ako nga ang may kasalanan eh. Pero hindi mo naman pala ako mahal, bakit hindi na lang si ate ang pakasalan mo? Akala mo ba hindi ko alam iyung kalokohan niyong dalawa? Lagi kayong nasa dulong gazebo. Pareho kayong teenager na nagtatago para maghalikan.”
“Nakakahiya naman, pasensya na talaga.”
“Okay lang iyon. Pakasalan mo na kasi si ate.”
“Hindi ko pa alam. Saka ko na lang siguro iisipin kapag wala na talagang babaeng willing magpakasal sa akin.”
“Hoy ang kapal mo!”
“Joke lang iyon siyempre. She is so pretty that I can’t take my eyes off her whenever I see her. But that is not enough to marry her. Masyado yatang mababaw eh. Saka alam mo naman, matagal yata kitang minahal. Nakakapanibago sa pakiramdam na marealize na pareho palang hindi na natin mahal ang isa’t isa. Hindi ko alam kung paano ba ang magiging setup ngayon dahil nahihiya pa rin ako sa ‘yo. Palagay ko kung ihahain nila, hindi ko talaga kayang pakasalan ang kapatid mo. I can't fall in love with her. I don't want to fall in love with her."
Hindi niya na hinintay na matapos pa ang usapan ng mga ito. Sapat na ang mga narinig niya para madurog na naman nito ang puso niya. Wala talaga siyang puwang sa puso ng lalaki, sa puson at kama lang. Tama ngang hindi niya tinanggap ang alok na kasal nito dahil magsisisi sila pareho. Totoo palang nalito lang ito sa init na pinagsaluhan nila at hindi iyon aabot sa puntong magsasama sila sa iisang bubong dahil isa lamang siyang magandang diversion para dito.