Chapter 42: He Is Flirting With Me
Inaantok pa na bumangon si Magnolia. Dumiretso siya sa banyo at naghilamos. Bahagyang namamaga pa ang mga mata niya dahil sa magdamag na pag-iyak. Dapat hindi na siya nasasaktan dahil sa kanya rin naman nanggaling na ayaw niyang pakasalan ito. Pero parang may mga aspile na tumutusok sa dibdib niya kapag naaalala niya ang mga sinabi ng lalaki. Kahit kailan pala hindi siya kayang mahalin nito. Gusto niyang magwala dahil sa isiping ilang beses may nangyari sa kanila. Hindi naman siya naghabol pero lapit ito nang lapit sa kanya. Ayun pala nalito lang talaga ito dahil sa libido nito. It was not love but sexual obsession. Nagselos ito nang malamang nakikipag-date siya pero hindi iyon dahil may gusto ito sa kanya. Possessive lang ito na ang tingin lang sa kanya ay isang pag-aari nito na kapag pinagsawaan ay babalewalain nito. Para pala siyang drugs na kinahumalingan nito tawag lang ng laman.
Hindi na siya makakapayag na malapitan nito. Kahit halikan siya nito ay hindi niya papayagan dahil masyado nang malalim ang sugat na iniiwan nito sa kanya. Kung papakasalan pala niya ito tama ngang magiging substitute bride or sex toy lang ang magiging papel niya rito. Hindi iyon mangyayari dahil ayaw naman siyang pakasalan nito at siya mismo ay ayaw magpakasal dito. Nagpahatid na lang siya ng pagkain sa kuwarto niya dahil masama ang pakiramdam niya. Bumalik siya sa kama at hinintay na lang ang almusal niya. Naroon ang binata at ayaw niyang makita ito dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon.
Maya-maya ay may kumatok. “Pasok,” sabi niya. Mabagal siyang bumangon pero nahinto siya sa pagkilos nang makitang si Carlo ang may dala ng isang tray ng mga pagkain. Magulo pa ang buhok nito na lalo yatang nakapagpaguwapo rito. Kahit bagong gising ay fresh pa ring tingnan ito. “Ano ang ginagawa mo rito? Bakit ikaw ang nagdala niyan?”
“Walang thank you?”
“Thank you. Makakalabas ka na.”
“How about a kiss?”
“Ang kapal ng mukha mo,” naiinis na sabi niya at sinampal ito.
“Masakit iyon ahh. Bakit mo naman ako sinampal?” Sapo nito ang pisngi na namula agad dahil sa buong palad niya na lumapat sa mukha nito.
“S-sorry.”
“Apology not accepted,” nakasimangot na sabi nito.
“Aba! Eh ‘di huwag.” Pero sa gulat niya ay ngumisi ito at tumabi sa kanya habang inilalapag ang tray. Breakfast in bed daw ang gagawin nila. Hinayaan niya na ito at hindi kumibo kahit nagtataka siya kung bakit kailangang doon pa ito mag-almusal sa tabi niya. Nang matapos silang kumain ay nagpasalamat lamang siya at hindi kumilos. Pero hindi rin ito kumilos. Pagtingin niya ay nakatingin lang din ito sa kanya? “Bakit na naman? Nag-thank you na nga ako. Thank you for such kindness you bestowed upon me. I didn’t deserve that, but I feel divine.”
Umiling-iling lang ito at lalong lumapit sa kanya kaya naitulak niya ito at nahulog ito sa kama. Tawa siya nang tawa habang sapo ang puwitan nitong nasaktan. Pero napatili siya nang itulak siya nito pahiga ng kama at kubabawan. “I’ll get my reward.” Napapikit siya nang malapit na malapit na ang mukha nito sa kanya pero napadilat siya at nadismaya nang sa noo niya mag-landing ang halik nito. “Disappointed? Sige na nga,” nakangisi nitong sabi bago mabilis na kinintalan nito ng halik ang mga labi niya. Pakindat-kindat pa ito sa kanya bago bumangon at lumabas ng kuwarto niya.
“You’re so stupid, Magnolia! Why did you let him kiss you? Masasanay na naman iyan lalo na at free as a bird na naman ang drama ng maharot na lalaking iyan! Hindi na pwedeng maulit iyan. Talagang masasampal ko na iyan kapag umulit pa.” Inis na inis na bumangon siya at naligo. Para siyang baliw na ilang beses pang nagsepilyo at nagmumog para lang mawala ang bakas ng halik nito. Pero ang mga labi niya mismo ay dama ang halik na iniwan nito. For crying out loud, she was no longer a teenager who just got her first kiss.
NANG mga sumunod na araw ay muli siyang naging abala sa trabaho. Nagpakasal na ang kanyang kapatid at si Danny sa huwes kahit anong pilit nilang lahat na Church wedding ang gawin. Mas gusto raw ng mga itong paghandaan muna iyon dahil espesyal na araw iyon sa mga ito. Ayos na rin ang pamilya ni Carlo bagaman nanghinayang ang mga ito at hindi dumalo sa kasal. Pumunta naman si Carlo at pinag-usapan nito at ng pamilya niya ang bayad sa mga nagastos nito kahit anong pagtanggi nito. Siya naman ay nilalapitan pa rin nito at ninanakawan ng halik kapag may pagkakataon.
Siya naman sampal nang sampal dito na habang tumatagal ay pahina na nang pahina. Para bang naging haplos na lang iyon. Kaya bawat paghalik nito sa kanya ay ito na ang kusang naglalapat ng palad niya sa mukha nito Hindi naman niya kasi matiis na makitang namumula ang mukha nito kahit pa sabihing ito ang may kasalanan. Hayun at mas lalong lumakas ang loob nitong lumapit sa kanya. Nang tanungin niya ito at tanungin kung bakit lapit na naman ito nang lapit kahit sinabi na nitong hindi niya ito makukuha ay mayabang pa ito. Wala raw siyang karapatang magtanong dahil kasalanan niya kung bakit hindi natuloy ang kasal ng mga ito. Saka na lang daw siya magreklamo kapag may patunay na kaya niyang tanggihan ang halik nito.
Bumalik na siya sa condo unit niya kaya mas lalong nagpursige ang lalaki na pagbigyan niya. Pinagbigyan niya pero hanggang halik lang. Mabuti na lang at alerto na siya dahil kapag nagsimula nang maglabay ang mga kamay nito ay kumakawala siya. He was at her mercy. The man wanted to get some from her. She was sure of it. Nang minsang subukan niya ito ay siya na ang naghubad ng shirt nito. Ito na mismo ang nagsabing binabawi na nito ang sinabing hindi ito magpapakuha sa kanya. Hayun hanggang huling saplot nito ay inalis. Pero hindi niya pinagbigyan ito. Mabuti na lang nagbago na ito at hindi na mapilit dahil baka hindi na naman niya matanggihan.
Doon ay nagsimula na naman siyang mabahala kaya umiwas na naman siya rito. Pero mas matibay na ang kanyang paninindigan na iwasan ito. Pakiramdam niya ay magmumukha lang siyang rebound kapag hinayaan niya ang lalaki na humalik sa kanya. Kahit magdamag man ito roon ay hindi niya ito pinagbubuksan ng pinto dahil baka matangay na naman siya sa mga panunukso nito. Pina-ban na niya ito sa building kaya lalo itong nainis sa kanya. Kapag nasa bahay siya ng pamilya o sa hacienda ay nagugulat siya dahil bigla rin namang sumusulpot ito dahil sa kung anu-anong dahilan. Pagkatapos ay dadalhin siya sa tagong lugar para lang manghalik nang manghalik na natutuhan na niyang hindi tugunin. Frustrated naman lalo ito dahil hindi na ito nag-eenjoy. Okay lang naman daw dito basta makahalik sa kanya kahit hindi siya nag-eenjoy. Kung alam lang nito ang ibayong pagtitimpi niya ay baka mag-rebound pa ang self-confidence nito pagdating sa kanya.
Ngayon ay nasa condo unit siya dahil halos hatinggabi na nang matapos ang team nila sa trabaho. May malaking deal kasi na gusto nilang makuha at ang team nila ang may hawak niyon kaya kayod sila hanggang gabi. Mabuti na lang at tapos na nila iyon at ipapakita na lang nila sa kliyente kung nagustuhan ng mga iyon. Nahihilo pa siya malamang sa puyat kaya nagtimpla muna siya ng kape pero biglang nag-rebolusyon ang sikmura niya at napatakbo siya sa lababo pero wala naman siyang naisuka. Kahapon pa siya ganoon siguro dahil sa pagod at puyat. Sabi ng daddy niya ay baka nasosobrahan siya sa trabaho kaya kapag lunch break ay nakakatulog siya sa private room na konektado sa opisina nito. Minsan inaabot pa ng tatlong oras ang tulog niya doon pero inaantok pa rin siya kaya kapag oras na ng uwian ay muli siyang natutulog para pagdating ng gabi ay hindi siya gaanong antukin. Okay lang naman iyon sa mga kasama niya dahil batid ng mga ito ang effort niya.
Nang bahagyang bumuti ang pakiramdam niya ay naghanda na siya papasok ng opisina. Mabuti na lang at hindi siya late. Subsob na agad siya sa drawing table niya at hindi na namalayang lunchbreak na kung hindi pa siya niyaya ng mga kasamang kumain na pinaunlakan niya. Nagtataka ang mga ito dahil naubos niya ang dalawang order ng kanin at ulam pagkatapos ay may milkshake pa. “Ang lakas mo ma’am. Pare-pareho pala tayong mga kain construction worker na ikinatawa nila.”
“Masarap kasi eh.”
“Pansin din namin ma’am eh. Araw-araw niyong order iyang kare-kare at milkshake. Para kayong naglilihi.” Lalo silang nagtawanan pero napahinto siya nang may ideyang lumukob sa kanya. Binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Nang tanungin siya ng mga ito kung may problema ba o na-offend sa biro ay sinabi niyang ayos lang siya at naalalang may pag-uusapan sila ng daddy niya.
Nang makarating sa private room ay agad siyang hinila ng antok at ilang oras na nakatulog kaya naman napatili siya nang magising na nasa tabi niya si Carlo at nakayakap sa kanya. “Bakit ka nandito? Ang kapal mo ha!” Para itong natauhan at hinayaan na lang siyang magtatatalak dahil obvious na guilty ito. Mabuti na lang at wala roon ang daddy niya. May meeting daw ito sa daddy niya at inantok daw pagkatapos kaya doon na nagpasyang matulog. Pero hindi siya naniniwala na puro katotohanan ang sinabi nito. Malakas ang kutob niyang inantok talaga ito pero hindi nito sinabi sa daddy niya na natutulog siya sa private room nito. Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit pumayag ang daddy niya na doon ito matulog dahil pribado para sa pamilya nila iyon kahit close pa nila si Carlo. Nang bumangon siya ay natuklasan niyang wala roon ang daddy niya. Malamang ay pumasok ito nang walang paalam. Doon na ito umamin. Wala pa raw talaga ang daddy niya pero naiihi na raw ito kaya doon na ito sa private room pumasok at inantok kaya natulog sa tabi niya. Lalo niya itong pinagpapalo hanggang magsawa siya.
Agad siyang lumabas ng opisina at nagulat ang sekretarya ang daddy niya. Dahil ayaw niyang magkaroon pa ng ibang interpretasyon ay siya ang nagsabing paglabas niya ay naroon si Carlo sa opisina at mukhang nagugutom na kaya nagpaakyat na lang siya ng merienda para dito. Wala na siyang pakialam kahit magmukha man siyang defensive pero mas okay na ang may alibi siya kaysa maging issue pa iyon.