Chapter 37

RYKER LUIS MONTEREALEZ

Marahan kong sinuklay ang buhok ni Zarie gamit ang kamay ko. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko.

Hindi ko akalaing sa loob ng mahabang panahon nandito na siya ulit sa mga bisig ko.

Hinalikan ko ang noo niya bago napangiti.

Naalala ko pa kung paano ko nalaman na siya nga ang Zarie ko.

UMIGTING ang aking bagang nang basta na lamang niya akong lampasan. What is she doing here? 'Yan ang tanong ko sa kanya pero parang sa sarili ko na lamang ito na isantinig.

I look to Anika who is now currently confused, breathing fast, there is also hesitation in her face, and most of all scared.

Scared? For what?

"Anika?"

Napapitlag siya at para itong nagising sa kung ano mang bangungot pagkakita sa akin.

"G-general?"

Napabuntong hininga ako. "Actually I want to ask you what really happened that day but it seems your mind is out of nowhere. So I guess? I really need to ask Kaito..."

"No!" Humagulgol siya ng iyak at nagulat ako nang agresibo niyang hawakan ang mga kamay ko. "H'wag ang anak ko, hindi ko gusto na sisihin si Arnold. Tulungan mo ako General, natatakot na ako..."

"What do you mean? What are you afraid of?"

"Si Doktora General, pinagbabantaan niya ako na kapag hindi ko ginawa ang pinag-uutos niya, may masamang mangyayare sa amin. Gusto niyang si Arnold ang ituro ko sa pagkabaril sa akin kahit na hindi naman. Aksidente lang ang nangyare, nakuha ni Kaito ang baril ni Arnold sa kwarto nito. Ang akala ata ng Anak ko laruin at hindi sinasadyang maiputok niya. Natatakot po ako sa banda ni Doktora,"

Nagdilim ang paningin ko. Napakuyom ako ng mga kamao bago walang emosyon na nagsalita. "Who's Doctor?"

May hinala na ako pero ayokong isipin na siya nga.

Napaantras si Anika at napabitaw sa akin. "S-si Doktora H-hazel po..."

Mas lalong umigting ang bagang ko. Sinabi ko sa kanya na tutulungan ko siya at sinabi ko na lang sa kanya na walang makakaalam ng pinag-usapan namin. Kumontak ako sa isang private investigator na kilala ko para may taong sumubaybay sa bawat galaw ng babaeng iyon.

That day, sa amin tumuloy ang babaeng 'yon dahil na rin sa kagustuhan ng anak ko. I don't like the decision and to what Zseto is doing but every time I see him happy because he think, he's with his mother, I can't help but be happy at the same time, I'm also afraid that my son's happiness will turn into sadness.

Sabi ko sa sarili ko, hindi ko mapapatawad ang babaeng ito sa pangloloko niya sa amin. Like what the hell! What is she doing? Bakit niya kami kinakalaban? Traydor siya!

Pero parang kinain ko ang mga sinabi ko nang araw din na iyon dahil nalaman ko ang isang bagay tungkol sa kanya.

"Hi! This is Ryker Luis Monterealez, the Police General, can I ask for another autopsy test to my dead wife?"

Natahimik ang nasa kabilang linya bago nagsalita ulit. "Hi General, I already check the documents, review, and test again. And we found out... I'm sorry general, we made a mistake. We already have a result for that, we also gave it to your Father Mateo Monterealez, thirty minutes ago,"

"W-what? Did he do that?"

"Yes General, he requested that 3 hours ago..."

"Ok, thank you."

Pinatay ko ang tawag saka napakunot ng noo.

Bakit ginawa ni Daddy iyon?

As if on cue, pumasok si Daddy sa kwarto ko. Napatayo ako sa gulat.

"Dad?" Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang dokumento.

"Son? I think you need to know about this..."

Nagsalubong ang kilay ko at kinuha ang dokumento na ibinibigay niya sa akin. Mabilis ko itong binuksan pero kinain ako ng kaba nang makita ang unang letra na bumungad sa akin.

AUTOPSY RESULT

Hindi ako nakapagsalita nang bumaba ang paningin ko sa pinakaibabang papel.

Negative

It was negative!

Napaawang ang labi ko at hindi ko alam ang mga sasabihin ko. Nanigas ako sa kinatatayuan. Pinaulit-ulit ko pa ang tingin sa pinakataas na sulat bago sa ibaba pero kahit na anong titig ko ay hindi pa rin nagbabago ang nakasulat na ito ay negative.

"Son, look at another page..."

Mabilis kong sinunod si Daddy para lang mabitawan ko ang hawak na mga dokumento. Nanginginig ang mga kamay ko. Napatulala ako kahit na tinapik na ni Daddy ang balikat ko.

"By now, alam ko, alam mo na ang nasa isipan ko. Do something about this Son. Find out what's really happened behind this bullshit." Iyan ang huling sinabi ni Daddy bago siya umalis sa kwarto ko.

Nanghihinang napaupo ako sa kama. Napasabunot ng buhok bago mapatingin ulit sa mga papel na nasa sahig. Napakuyom ako ng mga kamao.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko; galit, kaguluhan, panghihinang, takot, at higit sa lahat kasiyahan. Napatulo ang luha ko at napapangiti.

Buhay ang Zarie ko, buhay talaga ang Zarie ko.

Harieth Zarie Fedencio Monterealez and Hazel Aleriya

DNA - POSITIVE

RESULT: 100% matched

My baby love, kailangan kong malaman kung bakit mo ito ginagawa sa akin, sa amin ni Zseto.

Madaling araw nang makausap ko ang private investigator sa cellphone. Alam kong nasa labas siya ng bahay at nag-aabang pero sinabi ko magpahinga na muna siya at bukas na lang magsimula.

Pero hindi ko inaasahang makikita ko si Zarie sa kusina which is pabor sa akin dahil kanina ko pa siya gustong makita. Kulang na lang ay pasukin ko siya sa kwarto ni Zseto.

Mabilis akong nakagawa ng plano. Isa na dito ang pagkakaroon ng deal sa kanya. Hesitation, iyan ang nasa mukha niya pero wala siyang magagawa. Ang gusto ko ay makasama siya at ganoon rin sa anak ko. Gusto kong bumawi siya sa amin sa apat na taon na pagkawala niya.

May hinuha ako na baka nawalan siya ng alaala. Iyon ang sumasagi sa isip ko pero wala akong pakialam. Akin siya at patuloy ko siyang aangkinin.

"We better sealed this deal." I said.

Napalunok siya. "S-sealed? H-how?" Nagtataka niyang tanong.

"This is how we supposed to seal that deal." With that, I kissed her aggresively.

It's so good to be hug and kissed her. I found my home now. I can actually breath properly eventhough this chapter of confusion are still not yet done.