Chapter 37

HARIETH ZARIE MONTEREALEZ

Napahinga ako ng malalim pagkatapos ay humarap sa kanya. Nanginginig ang labi na nagsalita ako.

"K-kanina pa kita hinahanap..." Pagpapalusot ko na sana ay bumenta sa kanya.

Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang emosyon sa mukha ngunit nagtatangis naman ang mga bagang niya. Madilim rin ang awra niya, tipong hindi makapaniwala sa naisagot ko sa kanya. Ang kulay ng mga mata ay tila mas dumilim.

"I repeat! What are you doing here?!" Mariin na tanong niya. Hindi ako nagpatinag sa halip ay tumikhim ako bago daretsong humarap at tumitig sa mga mata niya.

"H-hinahanap lang kita para makiupdate kay Zseto." Nanunuyo ang lalamunan ko at hindi na mapakali sa aking kinatatayuan. Ang gusto ko na lamang ay makaalis sa lugar na ito.

Bakit ang bilis naman niyang makauwi?

"Really? You were looking for Zseto and yet you have the guts to open my vault without my permission? How rude of you! Nice try. And you know what’s even more surprising? You even know my password without even thinking..."

Nag-umpisa siyang lumapit sa akin na siyang ikinaantras ko. Kung kanina'y madilim na ang mukha niya ngayon ay nanlilisik na ang mga mata niya at tipong ready ng manglapa ng tao.

"N-nakita ko lang naman 'yan na bukas..."

Humakbang ulit siya papalapit sa akin kaya napaantras ulit ako.

"Really? You're still slipping, huh? Hindi ko kailan man binuksan ang bagay na 'yan. So tell me? Are you planning something bad again?"

"H-hindi iyon sa ganoon." Nangilid ang mga luha ko. Nalilito na ako ngayon. Maraming emosyon na ang makikita sa mukha niya. Takot, hirap, sakit, kalituhan, hinanakit, gayon din ang kasiyahan na hindi ko mawari kung bakit.

"THEN, YOU EXPLAIN!" Nahintatakutan ako nang biglaan siyang sumigaw at sobrang galit ang makikita sa mukha niya.

Sa pag-aakalang sasampalin niya ako nang itaas niya ang isang kamay agad na napapikit ako ngunit agad din na nagmulat at nanlaki ang mga mata nang yumakap siya sa akin ng mahigpit.

"R-ryker..."

"Bakit Zarie? Bakit?"

"H-hindi ako si Z-zarie,"

Mabilis siyang umalis sa pagkakayakap sa akin pero hinawakan niya ang mga braso ko.

"I know... ikaw si Zarie kaya bakit ka pa nagsisinungaling? Why? Why are you doing this to me? Did I do something wrong? Why?! Anong mali sa akin at nagawa mo ito?!"

Napaiyak ako at umiling sa kanya. Ang bigat sa dibdib, parang may mabigat na nakadag-an.

Hindi ko gusto pero wala akong magawa. Alam kong nasasaktan siya at ganoon rin ako. Lahat kami ay nasasaktan. Alam kong mali ako pero ano nga ba ang magagawa ko kung mapapahamak naman sila kuya Kenie.

"W-wala! Walang mali sa iyo... ako ang may problema,"

"Then bakit ayaw mong sabihin sa akin?! Anong wala sa akin at ayaw mo!"

"It's not about you, it's about to what I've done. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang laki ng kasalanan ko sa iyo at hindi ko na alam kung kaya pa kitang harapin at pakisamahan... n-nahihiya ako sa iyo- sa inyo..."

"Kahit na anong kasalanan ang gawin mo, tatanggapin at tatanggapin pa rin kita. Alam mo kung bakit?" Tinuro niya ang dibdib kung nasaan nakalagay ang puso niya. "That's because I love you. I love you so much to the point na kaya kitang patawarin at kalimutan ang lahat ng mga ginawa mo. I love you even if, it kills me..."

"Hindi mo kasi naiintindihan!" Napahagulgol ako ng iyak. "Masama ako kasi pumapatay ako..." Napaawang ang labi niya sa gulat. Natigilan siya at nakatulalang nakatingin sa akin. "They made me a Doctor, not the real Doctor na bumubuhay ng mga taong nasa panganib ang buhay. They made me a Doctor to kill and not to save life. Pumapatay ako para bumuhay ng iba. Hindi ko kaya! Ayoko na..." Panay ang iling ko sa kanya. "Ayoko ng pumatay ng buhay para lang sa mga taong halang ang bituka..." Kumawala ako sa kanya. "Ngayon sabihin mo sa akin? Matatanggap mo pa rin ba ako?" Umiwas ako sa kanya ng tingin. "Walang sino man ang kayang tanggapin ako katulad ng dati..."

"Ako... kaya ko..." Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha. Namungay ang mga mata niya. "Mahal kita Zarie, mahal na mahal kita, sobra. Biktima ka lang at kaya kitang patawarin kahit ano pa ang kasalanan na ginawa mo. You are my everything. Ako ang asawa mo. Ang asawa kakampi sa kahit anong laban at hindi kalaban. And if you're thinking na iiwan kita dahil lang diyan, nagkakamali ka. I love you so much. If loving you is a mistake then, I am willing to own it, wholeheartedly."

Napatawa ako sa kanya. "Mahal na mahal din kita Ryker. Ginagawa ko lang ito dahil sa mahal kita at natatakot ako na may masamang mangyare sa mga taong mahal ko. I'm sorry... i'm sorry, pero kung maibabalik ang oras at papipiliin ulit ako. Paulit-ulit kong gagawin ang mga ginawa ko." Hinawakan ko ang mukha niya. "We can't live without lying and if lying means your life. I would rather be a liar just to make you safe- just to make them safe."

He twisted his head and give me a light kiss. "You are really my brave woman."

"If I'm going to be your 'Brave Woman', are you willing to be my 'Brave Love'?"

Napanguso siya sa akin bago kagatin ang pang-ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang pagngiti.

"I am willing to be a 'Brave Love' as long as you are my 'Brave Woman'."

Dahan-dahan niya akong hinalikan, kalaunay naging mapusok at gigil niyang ninanamnam ang labi ko. Wala akong nagawa kundi tugunin ang bawat gigil niyang halik. Sabik na sabik siya at para bang hindi niya palalagpasin ang bawat sulok ng labi ko. I moaned as he used his tongue to open my mouth. Lips to lips, tongue to tongue, that's how we ended our kisses. We stared to each other, kalaunay mapapangiti at mapapatawa pero agad na napawi ang ngiti ko nang maalala si Zseto.

"R-ryker ang a-anak natin..."

Kinurot niya ng bahagya ang ilong ko. "H'wag ka ng mag-alala ligtas na si Zseto, gayon din sina Kenie at Anthony,"

Natigilan ako sa sinabi niya. Napatitig ako sa kanyang gwapong mukha, tinatansya kung nagbibiro ba siya. Pero mukha namang hindi siya nagbibiro dahil sa maaliwalas niyang mukha. Sino nga naman ang makakapagbiro sa ganoong sitwasyon?

"Baby love? Tulala ka?"

"T-totoo ba 'yan?"

"Kailan ba ako nagsinungaling sa iyo?"

Napanguso ako sa kanya pagkatapos ay napangiti na rin. "Ryker!" Mabilis ko siyang dinambaan ng yakap dahil sa tuwa. "Thanks God! Ligtas na sila..."

Yumugyog ang balikat niya dahil sa pagtawa. Napaharap ang mukha ko sa kanya. "Puntahan na natin sila?" Excited kong sabi.

"Nah!" Nagsalubong ang kilay ko nang ngumisi siya at parang may kung anong isinusupil na ngiti sa labi. "Later baby love, ako muna ang unahin mo..."

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

Lumawak ang pagkakangiti niya at nagulat na lang ako nang buhatin niya ako. Pagkatapos inihiga ako sa kama bago kinubabawan. Nanlaki ang mga mata ko.

"R-ryker!"

Ngumisi siya. "I miss you baby love. Pay your depts for the past 4 years..."

"W-what?" Gulat pa rin na tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin sa halip ay hinalikan niya ako ng mabagal, mariin, gigil, at may pananabik. Wala akong nagawa kundi ang tumugon dahil maging ako ay namimiss siya.

Bumitaw siya sa halik pero sadyang nalasing na nga talaga ako dahil sa ako mismo ang humabol sa labi niya para hindi kami magbitaw sa halikan. Naramdaman ko pa ang pagngiti niya sa pagitan ng halikan namin.

Napahinto kami sa halikan nang kapwa mauubusan ng hininga. Ipinagdikit niya ang mga ilong namin.

"I love you baby love..."

"I love you too, my dear husband, so much..."

With that we made love all night at sabi nga nila sa taong sabik, ihi lang ang pahinga.