Chapter 38
RYKER LUIS MONTEREALEZ
I knew it! Hindi ako nagkamali sa isa sa mga naglalaro sa isipan ko.
Pinayagan kong umalis si Zarie sa bahay at nalaman ko mula sa private investigator na nakipagkita si Zarie sa isang babae.
Nagtataka pa ako kung sino ang babaeng 'yon. Ang sabi ng private investigator, para daw nagtatalo ang dalawa at sa tulong nga ng mga pictures na ipinadala niya, nalaman ko kung sino ang babaeng 'yon.
Fucking Amanda! Sabi ko na nga ba! Magbabayad siya sa mga kasalanan niya.
Hindi pa man nawawala ang galit ko nang ibalita ang bagay na nakapagpagalit sa akin ng sobra kasabay ng pagkalukob ng takot dahil sa pagdukot ng anak ko.
Nagkasabay kami ng parents ko papasok ng bahay at naabutan namin ang akmang paghawak ni Yaya Celia kay Zarie pero malakas niya itong tinabig sa kamay. Nawala na ata ako sa sarili at nilukob ako ng galit at nasigawan ko siya.
"WHAT DID YOU DO?! BUNTIS SI YAYA CELIA, PAANO KAPAG NAPAHAMAK SIYA SA GINAGAWA MO? NAIISTRESS NA SIYA KAYA H'WAG MO NG DAGDAGAN PA, WALA RIN SIYANG KASALANAN."
"At ano? Wala akong karapatan na magalit dahil may dumukot sa anak ko?" Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinakita. Nilukob ako ng pangamba ng makita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. Parang binibiak ang puso ko sa nakikita kong kalungkutan sa mga mata niya. Takot siya, takot siya maging ako. Ayokong may mangyaring masama sa anak namin.
Tinalikuran niya ako pero agad ko ring nahawakan ang kamay niya.
Saan siya pupunta? Aalis siya? Hindi pwede! Baka mapahamak siya.
"Saan ka pupunta?" Nakatiim bagang kong tanong.
"Wala. Ka. Ng. Pakialam. Doon." Mariin na pagkakasabi niya bago ako talikuran. Napakuyom ako ng kamao pero hinayaan ko na lang siya.
Sa oras na maging maayos na ang lahat hindi na pwede sa akin ang ginagawa mo. Subukan niyang umantras at magwalk out ng ganyan makikita niya, I will give her a fucking memorable punishment.
Napalingon ako kay Yaya Celia. "I'm sorry Yaya."
Bahagya siyang ngumiti. "Ok lang po Señorito, naiintindihan ko po."
Hindi ko naipagpatuloy ang paghahanap kay Zseto dahil tumawag sa akin si Ivan. May gusto siyang ipakita about sa CCTV sa bahay ni Arnold.
"Ivan?"
"Mabuti at nandito ka na, General. Tignan niyo po." Mabilis niyang ipinakita sa akin ang monitor niya. "Ito pong video." Pinause niya ang video. "Sa taas po may makikitang tatlong star, hindi ko po maintindihan kung bakit nagkaroon niyan kaya pinagsawalang bahala ko na lang po." Tapos nagplay ulit ang video. "And then may napansin po ako sa bawat sekundo ng oras sa video na natampered. Nakabold mo ang mga numero."
09:01:02
09:01:16
09:01:22
09:01:36
09:01:43
09:01:52
"Kung titignan mo ang mga numerong ito at matatranslate into letters... ang lalabas na ibig sabihin ay Amanda..."
Napakuyom ako ng kamao. "Ang tatlong star na ang ibig sabihin ay Anthony. Ang tatlong star na simbolo sa posisyon ni Anthony." Napatango si Ivan sa akin.
"Tama ka General,"
"Kaya mo bang madetect kung saan tinampered ang video na 'yan?"
Ngumisi siya sa akin na siyang ikinataas ng kilay ko. "Naman General, ako kaya ang pinakamagaling na studyante ni Lieutenant Anthony sa pagtetrace."
Lalong tumaas ang kilay ko sa kanya. "Talaga lang hah?! Sa pagkakaalam ko ikaw lang naman ang tinuruan niya."
Imingos siya at napakamot sa ulo kaya napangisi ako. "General naman! Sinisira mo ang magandang mood ko."
Napailing ako sa kanya bago sagutin ang tawag ng investigator. Naestatwa ako nang ibalita niyang pumunta si Zarie sa tagaytay, sa isang malaking bahay na napapalibutan ng mga armadong lalaki. Hindi ako nagdalawang isip na pumunta doon.
"Ivan! Ready the team!"
"Yes, General."
Mabilis ang naging mga galaw namin hanggang sa tumawag ulit ang private investigator at sinabing nakaalis na si Zarie sa lugar na iyon. Ngunit hindi niya ito nasundan dahil sa biglang pag-alis ni Zarie saka naman ang pagdating ni Amanda, bitbit ang anak ko.
Mas dumilim ang kulay ng mata ko at lalo pang binilisan ang takbo ng kotse papunta sa lokasyon.
Naging mabilis ang pagkilos na ginawa sa pagpapalibot ng mga tauhan ko sa buong paligid ng hideout nila.
"Ang main na mission ay iligtas ang anak ko, gayon din si Anthony. H'wag kayong gagawa ng ingay nang hindi sila makatunog."
Naging maayos ang operasyon, nakuha ni Arnold ang anak ko, maging si Anthony. Ang hindi ko inaakala na pati pala si Kenie ay hawak ng buwisit na si Amanda.
"Ibaba mo na ang baril mo at sumuko ka na Amanda!"
Nagdidilim ang mukha ko sa kanya. Napapalibutan namin siya. Patay na ang mga kakampi niya at siya na lamang ang natitira ngunit hindi kami makalapit sa kanya dahil ginawa niyang hostage si Kenie na walang kalaban laban. Bugbog sarado ito kagaya ni Anthony.
"At bakit ko iyon gagawin hah?! Sabay kaming mamamatay ng lalaking 'to."
Natakot ako nang lalong idutdot ni Amanda ang baril niya sa ulo ni Kenie. Hanggang sa magpaputok si Amanda sa amin. Nagtago kami at hindi magawang magpaputok kagaya ng ginagawa niya.
Damn! Hindi pwedeng mapahamak si Kenie!
Lumabas ako sa pinagtataguan at itinutok ang baril sa kanya. Ngumisi siya sa akin kaya napahigpit ang kapit ko sa baril. Nagtatangis ang mga bagang ko sa kanya. Lalo niya pang idinotdot sa ulo ni Kenie ang baril.
"Sige Monterealez! Patayin mo na ako pero sisiguraduhin ko na isasama ko ang lalaking ito."
Napatingin ako kay Kenie ng umubo ito dahil sa humihigpit ang pagkakasakal sa kanya ni Amanda.
Hanggang sa nakarinig kami ng isang putok. Nanigas ako sa kinatatayuan. Nilukob ng kaba ang puso ko. Hanggang sa sabay na napaluhod si Amanda at Kenie. Mabilis kong pinuntahan si Kenie na umubo.
"Kenie!"
"R-ryker." Ngumiti siya sa akin bago nawalan ng malay. Mabuti na lamang at nasalo ko siya. Napadako ang tingin ko kay Amanda na walang buhay habang walang tigil sa pagdaloy ang dugo sa ulo niya. Napatingin ako kay Ivan na nakangiti at tumango sa akin. Napangiti na rin ako nang mapagtanto na si Ivan ang may gawa noon kay Amanda. Gumamit siya ng sniper.
Mabilis naming isinugod sina Anthony at Kenie sa hospital.
"Daddy ko!"
"Baby!" Mabilis ko siyang niyakap. "May masakit ba sa iyo? Natakot ka ba? Sinaktan ka ba nila?"
Umiling siya sa akin bago yakapin ako sa leeg. "Ok lang po ako Daddy ko, natakot po ako ng kaunti, kaunti lang po kasi alam kong ililigtas mo po ako Daddy..."
Niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa wakas ay tapos na, ang kailangan ko na lang gawin ay hanapin ang asawa ko.
She needs to pay her depts to us.
Nang maging maayos na ang kalagayan nina kenie at Antony, pinalipat ko sila sa M. Exclusive Island, doon na sila magpapagaling maging si Zseto ay pinasama ko muna kay Mommy at Daddy pauwi sa Isla.
Naikwento na din sa akin ni Kenie at Anthony ang lahat lahat ng nangyare.
Napabuntong hininga ako at walang tigil ang paghinga ng malalim. It's been fucking two days pero hindi pa rin nagpapakita si Zarie. Fucking hell! Nasaan ka na ba, baby love?
Akala ko hindi ko na siya makikita pero nang tumawag si Yaya Celia at sinabing umuwi na siya, ang laki ng tuwa ko.
Fucking hell baby love. The long wait is over. You are mine, fucking mine.
MULI kong niyakap si Zarie sa mga bisig ko. Hanggang ngayon ay tulog pa rin siya sa tabi ko. Hinalikan ko muna siya sa labi bago ngumiti at pumikit para matulog na rin.
____________________________
____________________________
Owned by a Ruthless General
©Khay2626
©Copyrights 2021.
All Rights Reserved, 2021.