Chapter 32

HAZEL ALERIYA

Naalimpungatan ako nang wala akong makapa na Zseto sa tabi ko. Napabalikwas ako ng bangon at inilibot ang paningin sa buong paligid.

Anong oras na ba?

Mabilis ang ginawa kong kilos, naghilamos, nagtoothbrush, at kung anu-ano pa ang ginawa ko sa tuwing umaga na magigising ako.

Nang matapos ako, bumaba na ako. Ang tahimik naman sa bahay na ito. Ganito ba talaga sa kanila kapag umaga? Sa bagay, eight AM na din. Masyadong late na para sa almusal. Napahinto ako nang marinig ang masayang halakhak ni Zseto mula sa dining area. Mabilis akong lumakad papunta doon. Unang pasok ko pa lang nagtama na kaagad ang paningin namin ni Ryker kaya namumula ang mukha kong nag-iwas ng tingin sa kanya.

Kakainis! Naalala ko na naman.

"Mommy ko!" Napabaling ako kay Zseto nang tawagin niya ako. Ngayon ko lang pati napagtanto na nakatingin pala silang lahat sa akin.

"M-magandang umaga po..." Bati ko kina Mr. and Mrs. Monterealez.

"Maupo ka na at kumain hija." Tumango ako kay Mrs. Monterealez at umupo katabi ni Zseto.

"Mommy ko, kumain ka po ng marami." Ngumiti ako sa kanya at napatitig dahil sa ginagawa niyang paglalagay ng pagkain sa plato ko.

Four years old palang siya pero parang ang tanda-tanda na niya kung magsalita at maging sa kilos niya.

"Ito po Mommy ko kain ka na po."

"Salamat." Napawi ang mga ngiti ko nang makitang titig na titig siya sa akin, o mas tamang sabihin na titig na titig siya sa labi ko. "B-bakit Zseto?"

"Mommy ko, bakit po namamaga ang labi mo?"

Sabay na nagsiubuhan ang mga taong nasa paligid. Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling napatakip ng bibig. Napatingin pa ako kina Mr. and Mrs. Monterealez na napatingin sa labi kong ngayon ay nakatakip na ng mga kamay ko. Hindi rin nakawala ang mumunting ngisi sa labi ni Ryker habang nainom ng tubig.

Damn you Ryker! Ikaw ang may kasalanan nito. Kaya pala parang mahapdi ang labi ko. Hindi ko napansin na namamaga pala. Nakakainis! Sabi ko... sa kanya dapat ang mamaga hindi sa akin!

"A-ah? A-ano k-kasi nakagat ko kanina." Pagpapaliwanag ko pero parang gusto kong malusaw sa kinauupuan dahil sa ginawang pagtawa ng malakas ni Ryker.

Gago ka talaga Ryker! Ang sarap mong batuhin ng plato sa mukha.

"Anong nakakatawa, son?" Tanong ni Mr. Monterealez kay Ryker na may mapaglarong ngiti sa labi.

Lalong nangamatis ang mukha ko dahil pakiramdam ko ay may alam na sila kung bakit naging ganito ang labi ko.

"Nothing Dad, it just that ang sarap lang ng tulog ko at pati sa paggising ay nadala ko."

"Really?" Nakangiting tanong ni Mrs. Monterealez. "Dapat maganda lagi ang tulog mo kaya ituloy mo lang kung ano ang ginawa mo kagabi para makatulog ka ng maayos. Para naman good mood palagi ang gising mo sa umaga,"

"Yeah! You're right Mom. I think, I always need to take that soft, sweet, and addictive vitamins..."

Namumulang napayuko ako dahil hindi ko makayanan ang mariing pagkakatitig ni Ryker sa akin.

Buwisit! Pinuputang-ina ba ako nito? Anong bitamina ang sinasabi niya? Labi ko ba ang tinutukoy niya? Baka gusto niyang pasabugin ko ang maharot niyang labi.

Napanguso ako at hindi na lang umimik. Naging maayos naman na uli ang usapan sa hapag kainan.