Chapter 33

HAZEL ALERIYA

WALA akong nagawa buong maghapon kung hindi ang magkulong sa kwarto ni Zseto. Gusto ko sanang umalis dahil naiinip na ako dito sa bahay nila Ryker pero ang hindi ko maintindihan kung bakit ang daming nagkalat na mga gwardiya or kung ano man ang tawag sa mga lalaking may malalaking katawan. Para talaga silang mga bouncer sa bar. Nakakatakot tuloy lumabas. Pakiramdam ko kasi kapag tumapak ako sa labas ng pintuan kaagad nila akong papalibutan at hindi papayagang lumabas. Naisip ko baka kaladkarin nila ako papasok ng bahay.

Haist! Napaka negatibo ko talaga. Bakit naman nila gagawin sa akin iyon?

Kung nandito siguro si Zseto hindi ako mabobored. Sumama kasi siya kay Yaya Celia sa grocery store. Ayoko sana pero mapilit si Zsero kaya wala na kaming nagawa. Mabuti na lang at may bouncer este bodyguard na kasama sila nang umalis.

Bumaling ang paningin ko sa cellphone nang mag-ingay ito. Nagsalubong ang kilay ko ng numero ni Amanda ang makita.

Ano na naman ang kailangan ng babaeng 'to sa akin?

"Hello?"

"Let's meet up,"

"Ok." Maikling tugon ko bago patayin ang tawag.

Nagbihis muna ako bago umalis. Maingat ako kung maglakad, hindi ko rin alam kung bakit. Napabuntong hininga ako bago buksan ang main door. Nang makalabas ako kaagad na pinalibutan ako ng mga bodyguard. Nanlaki ang mga mata ko nang para akong pandak na pinalibutan nila.

"A-anong kailangan niyo?" I almost got a heart attack when the man infront of me gave a dead glare.

Damn this motherfucker! Tsk.

"Bawal po kayong lumabas,"

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Sino nag-utos?" Maangas kong tanong.

Ni wala akong pakialam kung malalaki silang tao. Kahit nanliliit ako sa kanila, nagkipagtagisan pa rin ako ng tingin sa kanila.

"Si General po..."

Naiinis na kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang hinayupak na 'yon.

How dare him!

"Why? You already miss me?"

Naningkit ang mga mata ko. "Damn you Ryker! Bakit ayaw mo akong palabasin sa mansyon niyo?!"

Natahimik siya sa kabilang linya. Mga ilang segundo din siya bago nagsalita. "Saan ka pupunta?" Kahit na hindi ko siya nakikita alam kong nakakunot na ang noo niya ngayon.

"Wala ka ng pakialam kung saan man ako pupunta o kung ano man ang gagawin ko kaya sabihin mo dito sa mga alagad niyo na padaanin ako." Masama kong tinitigan ang mga taong nasa harapan ko ngunit para atang wala silang kinatatakutan dahil walang expression ang mga mukha nila.

"Pakibigay na lang ng cellphone sa kanila at kakausapin ko." Inirapan ko muna ito bago ibigay ang cellphone sa nasa harapan ko. Panay ang tango nito nang makausap si Ryker at kalaunan ay pinadaan din nila ako.

Nagkita kami ni Amanda sa isang lugar na hindi matao. Isang public place pero hindi naman matao. Open space din siya. Malapit ulit ito sa parke pero nasa isang sulok kami kung saan bibihira na magawi ang mga tao dito.

"Anong kailangan mo?"

"Let's change the plan,"

"What plan?" Nagtataka kong tanong. Ang unang plano ay putulan ng pakpak si Ryker. Lahat ng tao na pinagkakatiwalaan niya dapat na mawala sa landas namin. Hanggang sa matanggal sa katungkulan si Ryker sa pagiging General ng bansa. Amanda wants her revenge to be smooth, slow, and memorable. Tipong araw araw maaalala niya ang paghihirap nito. Pero parang mas malabo nga naman itong mangyari kaysa sa pagputi ng uwak.

"Gusto kong matapos na gawin mo ang mga plano... aalis ang grupo natin papuntang switzerland. Hindi na tayo babalik pa sa bansang ito,"

Napakuyom ako ng mga kamay. Nanginginig ang labi ko na nagsalita. "A-anong plano ba ang gagawin ko?"

"Nakatira ka na ngayon sa bahay nila di ba?"

"For a month," Walang emosyon na sambit ko.

"That's enough, you can always do the plan kapag nagkaroon ka ng pagkakataon,"

"Ano ba iyon?"

"Gusto kong magnakaw ka ng pera kay Ryker, 500 billion perhaps. Madali mong magagawa ito dahil nasa loob ka na ng mansyon nila. Kumbaga nakapasok ka na sa target mo."

Nagtiim bagang ako. "Hindi ko magagawa ang sinasabi mo,"

"TUMIGIL KA!"

"Ikaw ang tumigil! Taman na! Hindi ka ba natatakot sa mga consequences sa mga ginagawa mo?" Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko na kaya, parang kahit anong oras ay bibigay na ako.

Puro galit ang mga nakikita ko sa mga mata niya, sa mukha niya. "Wala akong pakialam. Wala kang alam kung gaano ang galit ko sa pamilya nila. Sundin mo ang gusto ko kung ayaw mong magsisi,"

"Dahil ano? Dahil pinili ni Mr. Monterealez ang asawa niya kaysa sa iyo? Ghad! Ang tagal na noon, hindi ka pa rin ba nakamove on?"

"Wala akong pakialam! Magbabayad sila sa lahat ng mga kasalanan nila sa akin. Mamamatay muna ako bago sila matahimik! At matatahimik lang ako kapag namatay na sila at unti-unti silang naghihirap!."

"Your insane..."

She smirked, "Just do what I want,"

Napaantras ako sa kanya at umiiling na tinalikuran siya. "Tama na, hindi ko gagawin ang gusto mo..."

"BABALIK KA RIN SA AKIN AT IKAW MISMO ANG MAGSASABI NA GAGAWIN MO NA ANG MGA PLANO. NASA AKIN ANG ALAS MO ZARIE. YOU CAN'T DO ANYTHING BUT TO OBEY ME!"

Pinunasan ko ang mga luhang nalaglag mula sa mga mata ko.

I'm hurt... nasasaktan ako dahil naging ganito si Amanda. Mabuti siyang tao pero dahil nasaktan siya ay naging masama siya. Hindi pinili si Amanda ng taong mahal niya kaya pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng lahat. Mas pinili ni Mr. Monterealez ang asawa niya dahil mahal niya ito. Nakakaawa si Amanda pero wala siyang karapatan na paglaruan ang mga buhay namin. Wala siyang karapatan na pahirapan kami.

Kung sa tingin niya ay nakakaawa kami, puwes nagkakamali siya dahil mas nakakaawa siya. Mas nakakaawa ang mga taong hanggang ngayon ay nakakulong pa rin sa nakaraan at hindi makita ang buhay na mayroon sa kanya sa kasalukuyan.

Zarie? Bahagya akong napatawa. Sa apat na taon, ngayon niya lang ako tinawag na Zarie. Really? Matapos niya akong gawin na panibagong tao saka niya pa ako tatawagin sa totoong pangalan ko.

What a pity person...

I pity her.

____________________________

____________________________

©Khay26263

© Copyrights 2021.

All Rights Reserved, 2021.